Chapter Nine

1450 Words
Nakapagpa book na ng flight si Kuya Nate papuntang New York bago pa namin puntahan si Ate Kayla kanina. Doon daw sila magpapakasal at titira pansamantala. Si Tito Arthur daw muna ang bahalang magpatakbo ng company nila dito sa pilipinas. Ngunit imomonitor pa din daw ito ni Kuya Nate kahit nasa ibang bansa sila ni Ate Kayla. May iniwan na passbook na may kasamang ATM card si Ate Kayla sa akin. Limang milyon ang laman niyon. Sabi ni Ate inipon niya iyon para sa akin. Dahil ang gusto niya oagka graduate ko ay umalis na ako agad sa poder nila Daddy. At ang perang iyon ang gagamitin kong panimula. Ngunit sa ngayon ay huwag ko daw munang gagalawin iyon. Nag iwan siya ng isang extension ng savings account ni Ate para kapag kinailangan ko daw ng pera ay mag widraw lang daw ako. Andito na kami ni Dave sa tapat ng subdivision namin. Ngunit hindi pa din ako bumababa sa motor niya. Tinanggal nito ang helmet nito at bumaba ng motor. Humarap siya sa akin. "May problema?" tanong nito. "Magiging masaya naman si Ate di ba?" balik tanong ko sa kaniya. "Oo naman. Dont worry." nakangiting sagot niya. "Dave.. I-if e-ever.. I mean.." nauutal na saad ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin. Ngunit nagdesisyon na lang akong huwag na lang. "Ano iyon?" tanong niya ulit. "Wala." maikling sagot ko. Bumaba ako ng motor niya at hinubad ang helmet nito. Iniabot ko ito sa kaniya. "Thank you sa paghatid." "Gusto mo bang ihatid na kita sa tapat ng bahay niyo para hindi ka na maglakad?" tanong nito. "Hindi na. Baka makita ka pa ni Daddy. Mas mabuti na dito. Safe tayo. Kasundo ko lahat ng guard dito sa subdivision. Hindi iyan sila magsasalita." nakangiting saad ko. "So paano. Kita na lang tayo sa school bukas." "See you when I see you." nakangiting turan niya. Kinawayan ko siya at Pumasok na ng gate ng subdivision. Hindi ko na siya ulit nilingon pa dahil nagmamadali na akong maglakad. Nag vibrate ang phone ko kaya mabilis na sinagot ko ang tumatawag. "Asan kana?" nag aalalang tanong ni Elle. "Naglalakad na pauwi." malungkot na sagot ko. "Galit na galit ba siya?" "Natatakot ako para sayo Lou." naiiyak na na wika ni Elle. "Hey! I'll be alright. Don't worry okay? Ibababa ko na ito. Tatakbo na ko papunta diyan." Binaba ko na ang tawag. Tinakbo ko na ang daan papunta sa bahay namin. Nang makapasok ako sa gate ay sobrang tahimik ng paligid. Bago ko buksan ang main door ay huminga ako ng malalim. "Where the hell is your sister!!!" salubong ni Daddy sa akin pagkabukas ko ng pinto. Naglakad ako papasok ng salas. Lahat ng kasambahay namin ay nandoon. Lahat sila ay nakatungo. Habang si Elle naman ay nasa likod ni Mommy habang umiiyak. Galit din ang itsura ni Mommy. Ngunit mas doble non ang kay Daddy. Wala si Kuya Kenzo kaya mukhang wala akong kakampi sa mga oras na ito. "Napipi ka na ba? Ang lakas ng loob mong tulungan ang Ate mo! Bakit Louise kaya mo na bang palamunin ang sarili mo?" litanya pa ni Daddy. "Lumapit ka dito." utos niya sa akin. Humakbang ako papalapit sa kaniya. Tinanggal niya ang sinturon na nakasuot sa pantalon nito. "Lumuhod ka!" utos ulit nito. Lumuhod ako. Pumwesto si Daddy sa likuran ko. At ang sumunod na nangyari ay ang bagay na hindi ko inaasahang magagawa niya ulit sa akin. Hinampas niya ng sinturon ang likod ko. Sa lakas non ay tumatama din iyon sa mga braso ko. Bawa't hagupit ay lumalatay sa mga balat ko. Kitang kita ko kung paano tumingin sa akin si Elle. Awang awa siya sa akin. Ganoon din lahat ng kasambahay namin sa bahay. Gusto nang umawat ni Kuya Bert pero pinigilan ko siya sa pamamagitan ng isang tipid na ngiti. Hinding hindi sila pwedeng madamay sa ginawa ko. Pagkatapos pa ng ilang palo ay tumigil na si Daddy. Tumingin ako kay Mommy ngunit blanko ang ekspresyon ng mukha niya. Magulang ko ba talaga kayo? Bakit parang isang investment lang ang tingin niyo sa amin ni Ate. Kahit sobrang sakit ng mga pasa at sugat ko ay hindi ako umiyak sa harap ni Daddy. Ayokong ipakita sa kaniya na mahina ako. "Ito ang sinisigurado ko sa iyo Louise. Ikaw ang magbabayad ng kalapastanganan ng Ate Kayla mo." banta ni Daddy sa akin. Tinalikuran na niya ako at mabilis na umakyat sa kwarto ng mga ito. Tiningnan lang ako ni Mommy saglit ngunit sumunod din ito agad kay Daddy. Nang makitang nakapasok na sila Daddy at Mommy sa loob ng mga kwarto nito ay saka ako humagulgol ng iyak. Dali daling dumulog sa akin ang mga kasambahay namin at si Elle. "Martha kumuha ka agad ng first aid kit. Magdala ka din ng maligamgam na tubig." utos ni Manang Susan. Ang mayordoma sa mansiyon namin. Na nagsilbing lola ko na. "Kaya mo bang tumayo apo?" Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang mga palad ko. "Hindi po nanay. Masakit po talaga iyong tuhod ko." "Bert, buhatin mo na si Louise. Dalhin mo sa kwarto niya." utos ni Manang Susan kay Kuya Bert. Maingat na binuhat ako ni Kuya Bert. At siniguradong hindi madadampian o masasagi ang mga sugat at pasa ko. Maingat na binaba ako ni Kuya Bert sa kama ko. Kasunod naman si Elle at si Manang Susan. Bumaba saglit si Kuya Bert dahil kailangan ko maghubad para malinisan ang mga pasa at sugat ko. Si Elle ay tinulungan akong hubarin ang damit ko. Palihim nitong kinukuhaan ng litrato ang mga sugat at pasa ko dahil malamang ay sasabihin nito ang nangyari kila Patricia at Andrea. Maingat na nilalagyan ng ointment ni Elle ang mga sugat ko. Habang si Manang Susan naman ay nilalagyan ng cold compress ang mga pasa ko. "Paano ka niyan bukas? Hindi ka nito makakapasok." nag aalalang tanong ni Elle. "Hindi na muna ako papasok. Sa martes na lang ako papasok. Ipapahinga ko lang muna ito." sagot ko. "Bakit kasi hindi ka na lang sumama kay Ate Kayla? Hindi ka na lang sana umuwi dito." naiinis na saad ni Elle. "Edi nawalan kayo ng trabaho. Sige nga? Paano ka makakapag aral kung wala ka ng babantayan sa campus? Si Kuya Bert? Paano pa siya magiging driver kung wala na siyang ipagmamaneho? Si Manang Susan, ako na lang ang pamilya niya. Ayokong umalis dito nang hindi kayo kasama." naiiyak na wika ko. "Hanggang sa huli kami pa rin ang iniisip mo. Bakit hindi mo naman isipin ang sarili mo? Tingnan mo nga ang nangyari sayo?" umiiyak na turan ni Manang Susan. "Nanay, darating din po tayo diyan. Pangako ko po sa inyo kapag makagraduate ako ng kolehiyo aalis po tayo dito. Sisiguraduhin ko po na magkakasama tayong aalis dito. Tiis tiis lang po muna ngayon. Ang mahalaga po malaya na si Ate Kayla." nakangiting turan ko. "Sasabihin mo ba kay Kuya Kenzo ang nangyari?" tanong ni Elle. "Huwag na. Ayokong mag alala pa si Kuya. Siguradong madadagdagan ang kailangan niyang palakarin na negosyo dahil umalis si Ate Kayla. Ayoko ng makadagdag pa sa problema niya." pilit ang ngiting sagot ko. Tinawagan namin si Kuya Kenzo kanina ni Ate Kayla. Nagpaalam si Ate sa kaniya. At masayang masaya si Kuya Kenzo dahil nagdesisyon na si Ate na sundin ang puso niya. Sabi ni Kuya Kenzo ay walang problema kahit pa madagdagan ang trabaho niya. Mas mahalaga ay ang kaligayahan ni Ate Kayla. Sa totoo lang gusto ng umalis ni Kuya Kenzo sa poder ng mga magulang namin. Ngunit dahil sa amin ni Ate Kayla ay ayaw niyang umalis. Siya daw ang magiging tagapagtanggol namin. Kapag makagraduate daw ako at makawala na ako kila Daddy at Mommy ay aalis na din siya s poder ng mga ito. Wala na daw siyang dahilan para sundin pa ang mga ito. Naisip ko kahit hindi ako nabiyayaan ng mabuting mga magulang. Sobrang swerte ko naman sa mga kapatid ko at sa mga taong nakapaligid sa akin ngayon. Sinuot ko na ang pantulog ko pagkatapos ni Elle linisin ang mga sugat ko. May kumakatok sa pinto at iniluwa niyon ay si Kuya Bert na may dala dalang ice cream at ramen. Iniabot nito iyon sa akin. "Alam na alam mo talaga ang kailangan ko Kuya Bert." nakangiting turan ko sa kaniya. "Sorry kanina baby girl. Hindi ko naawat ang Daddy mo habang sinasaktan ka niya." malungkot na saad nito. "Okay lang Kuya Bert. Ang mahalaga andito po kayo para sa akin. Pamilya po tayo di ba?" nakangiting turan ko pero naluluha na ang mga mata ko. "Pamilya!!!" sabay sabay na sigaw namin. I'm still bless because I have you all.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD