Chapter Eight

1425 Words
"Asan ka?" tanong ni Dave sa kabilang linya. Linggo ngayon kaya walang pasok. Nakatambay lang ako ngayon sa loob ng kwarto ko at nagbabasa ng libro. Wala kasi ang mga kaibigan ko ngayon dahil ngayon nila tinatapos ang mga research project nila kasama ang mga partner nila. "Sa kwarto ko. Bakit?" balik tanong ko. "Asan si Ate Kayla?" balik tanong din niya. "Ewan ko. Hindi pa kami nagkikita simula kaninang umaga. Bakit ba kasi?" naiinis na natanong ko sa kaniya. "Can you ask her where she is?" tanong nito ulit. "Dave isa pang tanong bababaan kita ng tawag sinasabi ko sayo. Naiinis na ko!" singhal ko sa kaniya. "Pikon talaga ang baby ko. I'm with Kuya Nate." anito. "Anong kinalaman ni Ate Kayla don?" naguguluhang tanong ko. "Wait! Tama ba ko ng iniisip?" "Yes baby. Kuya Nate is your Ate Kayla's ex-boyfriend." saad nito. "OMG!!!!!" malakas na tili ko. "Sh*t! Baby, muntik na masira eardrums ko." reklamo nito. "Feel na feel iyong baby?" naiinis na turan ko dito. "Wife na lang ba?" natatawang wika nito. "Pwede ba Dave. Unahin mo muna kung nasaan si Kayla bago ka dumiskarte diyan." anang Kuya ni Dave. "Akina na nga iyan!" "Hello. This is Kuya Nate. Louise right?" tanong nito sa akin. "Yes po." sagot ko. "I badly need your help. Kailangan ko makita ang Ate mo ngayon. Itatanan ko siya." anito. "Yiiiieeeeee!!!!" impit na tili ko. "Easy lady. Baka pati ikaw mainlove sa akin." anito. "F*ck you Kuya!" sigurado akong boses ni Dave iyon. "Can you help me find her Louise?" tanong ni Kuya Nate. "Yes Kuya. I will." saad ko. "And Louise. Iimpake mo na ang mga damit ng Ate mo. Cause I won't accept no for answer kapag niyaya ko siya." masayang wika nito. "Ay ay captain! Sige Kuya iiimpake ko na mga gamit ni Ate. Tapos sunduin niyo ako dito sa bahay. Tatawagan ko kayo." masayang turan ko dito. Pinatay ko na ang tawag at mabilis akong pumunta sa kwarto ni Ate Kayla. Buti hindi nakalock iyon kaya nakapasok ako. Kinuha ko ang maleta niya sa walk in closet niya at isa isang inempake ang mga gamot nito habang tinatawagan ko siya. "Ate asan ka?" tanong ko sa kaniya pagkasagot niya ng pampitong tawag ko. "My sanctuary. You know recharging." aniya. "Huwahg kang aalis diyan. Pupuntahan kita diyan Ate." utos ko sa kaniya. "Bakit ka pupunta dito?" tanong nito. "Saan nakalagay iyong personal passbook mo? Pati mga documents mo?" balik tanong ko. "Bakit mo naman tinatanong?" balik tanong niya. "Juat answer the f*cking question Ate! Baka maabutan pa ako nila Daddy." naiinis na wika ko sa kaniya. "Nasa Vault sa walk in closet ko. Birthday mo iyong code. Happy?" malditang sagot nito. "No! You'll be more happy sa gagawin ko. Diyan ka lang papunta na ako." bilin ko sa kaniya at binaba na ang tawag ko. Kinuha ko lahat ng papeles na nakita ko sa vault. Sinamsam ko din lahat ng mga alahas ni Ate at wala akong tinira kahit isa. Mabilis kong tinawagan si Dave na sunduin na ako. Dinial ko ang number ni Elle. "Elle. Walang lalabas ng quarter. Sabihin mo din sa mga guard sa labas kunyari umikot sila sa likod. Or gumawa sila ng ibang bagay." "Bakit?" tanong nito. "Itatakas ko mga gamit ni Ate. Makikipagtanan na siya." sagot ko. "Nasisiraan ka na ba Lou? Pag malaman ng Daddy mo na tinulungan mo si Ate Kayla baka mabugbog ka ng Daddy mo." nag aalalang wika ni Elle. "Wala na akong pakialam Elle. Mahal ko ang Ate ko. At ngayon lang ako magsasakripisyo para sa kaniya. Lagi na lang siya ang gumagawa nito para sa akin. Please Elle. Just support me with this. Please." "Okay. Itetext kita kapag wala nang tao sa gate. Mag iingat ka." ani Elle. Makalipas ang limang minuto ay nasa labas na ng gate si Kuya Nate. Eksaktong tinext naman ako ni Elle na wala ng tao sa gate. Kaya mabilis na bumaba ako ng hagdan. Pagkababa ko ng hagdan at mabilis na lumakad ako palabas ng gate. Bababa na sana si Kuya Nate pero pinigilan ko siya. Ayokong makita siya sa CCTV namin. Nilagay ko ang mga gamit ni Ate sa backseat. At sumakay naman ako sa passenger seat. Kinabit ko ang seatbelt ko at huminga ng malalim. "Ready?" tanong ni Kuya Nate sa akin. Nginitian ko siya ng matamis. "Make sure na papasayahin mo ang Ate ko Kuya Nate." "I promise. Tara na?" nakangiting sagot nito. "Sa tagaytay tayo. Sa La' Trina Café." aniya. Inistart na nito ang sasakyan. At mabilis na pinaandar ang sasakyan. Habang binabaybay namin ang daan papunta kay Ate ay talagang kinakabahan ako. Dahil siguradong pag uwi ko. Ako ang malalagot kay Daddy. _____ La' Trina Café. Pagbaba ko ng kotse ni Kuya Nate ay nakita ko agad si Ate Kayla. Nakaupo siya sa favorite spot niya sa Coffee shop na iyon. Tinawag ko si Kuya Nate at sabay kaming lumapit kay Ate Kayla. "Louise. Pumunta ka ta--" naputol ang sasabihin ni Ate nang makita niya si Kuya Nate sa tabi ko. "Anong ginagawa mo dito?" "Itatanan ka." nakangiting wika ni Kuya Nate. Umiwas ng tingin si Ate Kayla. Tumayo ito sa kinauupuan nito at hinawakan ang kamay ko. Namamasa masa na ang mga mata nitong nakatitig sa akin. "Louise.. You don't have to do this. Alam mo ba ang mangyayari sayo kapag umalis ako? Ipakakasal ka ni Daddy kapalit ko. And ayokong tanggalin sa iyo ang kalayaan na meron ka ngayon. Naiintindihan mo ba? Matagal ko nang tinanggap na kaming dalawa ni Nate ay isang magandang alaala na lang. Mas mahalaga ka sa akin Louise. Ayokong masira ang buhay mo dahil lang naging selfish ako." nag umpisa ng pumatak ang mga luha ni Ate Kayla. At ganoon din ako. Humarap siya kay Kuya Nate. "Please, iuwi mo na ang kapatid ko." utos nito kay Kuya Nate. Mabilis na umiling si Kuya Nate. "Nakita mo ba itong pasa sa mukha ko. Sapak ito ni Daddy sa akin. At itong pasa sa kabilang pisngi ko. Sampal ito ni Mommy sa akin." ani kuya Nate na pinakita pa kay Ate ang mga pasa nito. "Pinanindigan ko ang pakiusap mo sa akin, Love. Pero sila ang gumagawa ng paraan para sa atin. Louise told us na kahit pa magpakasal ka ay ipapakasal pa din siya sa iba. Love, mawawalang saysay ang sakripisyo mo. Dahil ganid talaga sa kapangyarihan ang Daddy mo. Kung inaalala mo ang negosyo namin. Don't worry, Love. Sinisigurado ko na stable na ang kompanya at kahit anong gawin pa ng Daddy mo ay hinding hindi niya iyon mapapabagsak. Sa loob ng limang taon wala akong ginawa kundi palaguin ang kompanya namin dahil umaasa pa rin ako na darating ang araw na mababawi din kita. At ito na iyon Love. Please, sumama ka na sa akin." pakiusap ni Kuya Nate. At ang sumunod na nangyare ay talagang nakapagpahina ng depensa ni Ate Kayla. Lumuhod si Kuya Nate sa harap niya habang may hawak na engagement ring. "Kayla Marie Ortega. Would you be my wife? And spend your lifetime with me?" naiiyak na propose ni Kuya Nate. Tumingin si Ate Kayla sa akin. Matamis na nginitian ko siya. "Choose to be happy Ate." Bumaling ulit siya kay Kuya Nate at hinawakan ang mga pisngi nito gamit ang mga palad niya. "Yes, Love. I will marry you." Mabilis na tumayo si Kuya Nate at niyakap si Ate Kayla. Inikot ikot niya si Ate Kayla na parang batang naglalaro sa ulan. "I love you Kayla." saad nito. "I love you too Nate. I never stop. I never will." Bumaba ang mga labi ni Kuya Nate sa mga labi ni Ate Kayla. Magkikiss sila! OMG! impit na tili ko sa loob loob ko. Ngunit bago pa dumampi ang labi nila sa isa't isa ay may kamay na natumakip sa mga mata ko. "Bawal sa bata iyan." natatawang wika ni Dave. "I hate you! Magkasing edad lang tayo!" "Still your my baby." aniya na tinapat pa sa tainga ko ang bibig niya. "Dave!!!" sigaw ko pagkatapos niyang halikan ang pisngi ko. Parang bata itong nagpapahabol sa akin habang tumatawa. Nilingon ko si Ate Kayla at Kuya Nate. Bagay na bagay sila. At kitang kita ko sa mga mata nila na masayang masaya sila. Nilingon ko si ulit si Dave. Nakasandal ito sa motor niya at kumakaway sa akin. Ililigtas mo din ba ako kapag pinakasal na ako ni Daddy sa iba? Would you be my shining armour Dave? Napasimangot ako sa naisip. Imposible Louise. Huwag kang assuming. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD