Chapter Seven

2083 Words
Dave POV "Bakit sabi ng nurse sa akin asawa mo daw ang kasama mo? Nasisiraan ka na ba Dave? Ano nagpakasal ka ng hindi namin nalalaman? Ang babata niyo pa Dave! Look at her." tinitigan ni Mommy si Louise na natutulog sa tabi ko. Nakaupo ako at nakasandal sa headboard ng hospital bed ko. Nakayuko si Louise habang ginawa niyang unan ang mga braso niya. Wala itong suot na salamin. Hinubad siguro nito bago natulog. "She's very pretty right?" saad ko kay Mommy. "She is. But that's not the point Iho." ani Mommy. "Chill mommy, hindi ako nagpakasal. At mas lalong hindi ako magpapakasal ng hindi niyo nalalaman." Kinuha ko ang phone ko at imwinestra sa harapan ni Mommy ang nakasave na number ni Louise sa cellphone ko. "Wife kasi iyong nakalagay na name sa cellphone ko. Kaya baka nag assume iyong nurse na asawa ko siya. We're friends. Hindi ko siya girlfriend. At mas lalong hindi ko siya asawa." "Hindi mo siya girlfriend?" takang tanong ni Mommy. "Opo." sagot ko habang sinusuklay ko ang buhok ni Louise gamit ang mga daliri ko. "But you like her." anito. "I love her Mom." saad ko. "But she's an Ortega. You know what happen between Kuya Nate and Ate Kayla. I'd rather hide what I really feel than hurting her in the process." "Are you sure? Kasi mukhang mahal na mahal mo na siya. Paano kung may ibang lalaki siyang magustuhan?" Natigilan ako sa tanong ni Mommy. Paano nga ba? Actually hindi ko iyon naisip. O mas tamang sabihing hindi ko iyon gustong isipin. "Honestly Mom I dont know. Ang mahalaga lang sa akin ngayon iyong makasama siya. Iyong makita niyang nag eexist ako." sagot ko. "Dave. Iba sila at iba kayo. Malay mo di ba?" ani Mommy. "I don't want to end up like Kuya Nate. Sa sobrang pagmamahal niya kay Ate Kayla mas pinili niyang pakawalan ito. I want to fight for her Mom. Pero naisip ko, would she be like Ate Kayla na kayang iwan ang lahat para kay Kuya Nate." saad ko. "Maybe yes, maybe no. But Dave, always remember na magkaiba kayo ng kapalaran ni Kuya Nate mo. Si Kuya mo he did it for the sake of your welfare. Kaya niyang maghirap Dave pero ang iniisip niya ay ikaw. Your Daddy willing to lose his company para lang lumigaya ang Kuya Nate at Si Ate Kayla mo. Pero hindi selfish ang Kuya mo. Mas inisip niya tayo. Nagsakripisyo silang dalawa para sa atin." "But look at them right now Mom. Hindi sila masaya. Si Kuya hindi na talaga naghanap ng ibang babaeng mamahalin niya. Samantalang si Ate Kayla engage na ngayon sa iba. Ayokong matulad sa kanila Mommy. I want to be happy with Louise. Kaya hindi ako nagmamadali Mommy. But I want to make sure that in the end kami pa ring dalawa ang magkakatuluyan." paliwanag ko kay Mommy. "I understand Iho." anito. Naramdaman kong kumilos si Louise. Unti unti itong nagmulat ng mata. Pagkatapos ay umayos ng pagkakaupo. Nilingon niya ako at kinusot kusot ang mata niya. "Oh my gosh!" bulalas nito. Muntik na itong matumba sa upuan nito dahil sa pagkagulat. Mabuti na lang ay nahawakan ko ang kamay niya. "Baby, careful." natatawang saad ko. Binawi nito ang kamay niya na hawak ko. Pagkatapos ay inayos nito ang buhok niya at kinuha ang salamin nito na nasa bulsa pala ng palda nito. Sinuot nito iyon bago at kapagkuwan ay huminga ng malalim. Tumayo ito sa pagkakaupo at humarap sa akin. "Hoy Mr. Dave Skyler Koch! Alam mo ba kung gaano ko nag alala kanina nong tumawag iyong nurse ha! Napa absent pa ako sa Psychology class natin para puntahan ka dito. Sinabi ko na kasi sa iyo tigil tigilan mo iyong pagmomotor mo. See what happen? Buti motor mo lang iyong nasira. E paano kung ikaw iyong nagkalasoglasog doon aber? My god! Nasa iyo pa iyong camera ko. Alam mo ba na regalo pa iyan ng Ate ko sakin noong graduation ko noong elementary. Ingat na ingat ako diyan!" mahabang litanya nito. Sasagot na sana ako ngunit mukhang hindi pa ito tapos. "Tigil tigilan mo na iyang pagmomotor mo. Kaya mo naman sigurong bumili ng kotse! Mayaman naman kayo! Mapapahamak ka lang diyan sa pagmomotor mo. Idadamay mo pa ko sa pag aalala sa iyo!" Malakas na napatawa si Mommy. Hawak pa nito ang tiyan nito habang tumatawa. "I'm s-sorry. A-ang c-cute niyo lang t-tingnan." "Nako sorry po Mrs. Koch." ani Louise. Bumaling siya sa akin. "Bakit hindi mo sinabing andito pala Mommy mo?" naiinis na tanong niya sa akin. "Paano ko makakasingit? Walang tigil iyang bibig mo." natatawang wika ko. "It's okay Iha. Your so cute. You remind me of someone. Malaki ang pagkakapareho niyo. Pero di hamak na mas maganda ka sa kaniya." ani Mommy. Your like your Ate Kayla, baby. She used to nag Kuya Nate whenever Kuya ride his motorcycle. Or when he works too late and forgetting his meals. But tama si Mommy, mas maganda ka sa Ate mo. Namumulang humingi ng paumanhin si Louise. "Sorry po. I don't mean to nag your son. Nag alala lang po ako. Akala ko kasi grabe iyong aksidente niya. Iyong nurse kasi OA mag spill kala ko 50/50 na po eh." napapakamot sa noong wika pa nito. "So nag alala ka talaga?" tanong ko dito. "Malamang, ikaw ba naman tawagan e." sagot nito. "E di ba galit ka sa akin? Kasi I'm your bully. So bakit ka nag aalala? Siguro.." "Over my dead body Dave! Wala akong gusto sa iyo no. Saka I consider you as my classmate kaya nag worry pa din ako kahit papano. Huwag assuming! Di mo kinagwapo iyon." "Still nag alala ka pa din. It only means you care about me. Tingnan mo nga binantayan mo pa ako dito kahit gabing gabi na." nakangiting saad ko. "Sh*t!" bulalas nito. Kinuha nito ang cellphone nito at tiningnan ang oras doon. "I'm dead!" naiiyak na wika nito. "Hey, what's wrong?" nag aalalang tanong ko. Kung makikita mo kasi ito ay mukhang iiyak na ito anumang oras. Binagsak nito ang sarili sa upuan na inuupuan nito kanina. "For sure nasa bahay na sila Mommy saka Daddy. Pagagalitan nila ako. Kanina pa tumatawag iyong driver ko sa akin. At baka pati si Kuya Bert nasabon na nila Daddy. Baka mawalan pa siya ng trabaho dahil sa akin. Kailangan na kailangan pa naman niya ng work ngayon dahil manganganak si Ate liza." ani Louise habang nag uumpisa ng bumagsak ang mga luha nito. She cry like a baby. Parang batang naagawan ng candy. And I find it more adorable. "Hey! Call Kuya Bert muna. Malay mo mali naman iyong iniisip mo." saad ko sa kaniya. "You think?" nakangusong anito. Those lips! I want to kiss them. saad ko sa isip ko. "Yes. Tawagan mo muna." turan ko sa kaniya. Pinunasan niya ang luha niya gamit ang likod ng mga palad niya. At dinial ang numero ng driver nito. "Hello Kuya Bert." anito habang nakatingin sa akin. Nginitian ko siya para bigyan ng assurance na magiging okay lang lahat. "Talaga po? Akala ko po tinanggal na kayo ni Daddy. Sorry po Kuya Bert. Sprry po talaga." nag umpisa na naman siyang umiyak ng umiyak. "Opo. tatahanan na po ko. Sunduin niyo na lang po ako dito sa ospital bago po kayo pumunta kila Andrea para sunduin natin si Elle. Sorry po ulit Kuya. Opo, love you too po Kuya." aniya. Pinatay na nito ang tawag at humarap sa akin habang pinupunasan ang mga luha niya. Inabutan siya ni Mommy ng tissue. "Thank you po Mrs. Koch." "Mommy Eve, Iha. I want you to call me Mommy Eve." nakangiting saad ni Mommy. "Nakakatuwa ka naman kung paano mo kausapin ang driver mo." "Para po kasing pamilya ko na sila Mrs I-i mean Mommy Eve. Noong lumalaki po kasi ako mga kasambahay lang po namin ang madalas kong kasama sa bahay. Tuwing pasko, bagong taon o kahit pa birthday ko sila lang ang kasama ko. Sila din ang kalaro ko noon. Nag lalaro kami ng tumbang preso, piko, chinese garter. Naging masaya po ang childhood memory ko dahil sa kanila. Pinaramdam po kasi nila sa akin kung ano ang pakiramdam ng may masayang pamilya." paliwanag ni Katniss. "I'm happy na ganiyan ang mindset mo. Hindi lahat ng batang kasing yaman mo ay ganiyan ang pag iisip. Kung iba iyan ay siguradong nagrerebelde na ang mga iyon." ani Mommy. "Ang totoo po niyan Mommy Eve naisip ko din po magrebelde. Pero nangako po ako sa Ate Kayla ko na gagawin ko na gragraduate ako sa kolehiyo at kikilos ako sa sarili kong mga paa. Ayaw po kasi ni Ate Kayla na matulad ako sa kaniya. Hindi ko po alam if alam niyo po ang bali balita tungkol sa mga Ortega. Lalo na po sa Daddy ko. Si Henry Ortega." ani Louise. "Actually I know Iha. Sikat na sikat ang Daddy mo sa business world. Imposibleng walang makakilala sa kaniya." Tumikhim si Mommy. "And I know na pinagkasundo niya ang Ate Kayla mo sa anak ng isa sa mga business partner nang Daddy mo. Kalat na iyon sa mga bali balita." malungkot na turan ni Mommy. "Ate Kayla is inlove with someone else. Until now. Mahal pa rin niya po ang lalaki na iyon." saad ni Louise. Mapait na napangiti siya. "Actually hindi ko pa po siya nakikilala. Kung sinoman ang lalaking iyon gusto ko siyang pakiusapan na isalba niya si Ate Kayla. Gusto kong kunin niya si Ate Kayla at ilayo dito. Deserve ng Ate ko maging masaya." Kinuha nito ang camera niya na binigay ni Ate Kayla sa kaniya. "My Ate loves photography. She loves taking pictures. She loves to paint. She loves to sing. She loves to dance. And she loves to travel a lot. But simula ng maghiwalay sila ng lalaking minahal niya para na siyang buhay na walang buhay. Whoever he is. Siya lang ang makakasalba sa Ate ko. Alam kong ako ang may kasalanan kung bakit hindi sila nagkatuluyan. Dahil tinakot ni Daddy si Ate na kapag hindi siya magpakasal sa anak ng business partner nito ay ako ang ipapakasal nito." Naikuyom ko ang mga palad ko. Parang gusto kong suntukin ang pader malapit sa akin sa inis at galit para sa ama ni Louise. "Pero ang hindi alam ni Ate. Kahit magpakasal siya ipapakasal pa din ako ni Daddy pagkatapos ko ng kolehiyo. Kaya nga sana kunin na lang siya ng lalaking mahal niya. At ako na ang bahala sa sarili ko kapag ako naman ang dumating sa sitwasyon niya ngayon." naluluha luhang ani Louise. Nilapitan siya ni Mommy at niyakap siya ng mahigpit. "Your so brave Iha. Your so brave. Sa murang edad mong iyan napakahirap na nang pinagdadaanan mo pero hindi ka mababakasan ng anumang poot at galit." ani Mommy. "I choose to be happy po kahit mahirap. Kaya nga po lahat ng taong malapit sa akin at mahal ako ay sobra sobrang pinapahalagahan ko po. Dahil sa kanila ko po naramdaman iyong ibig sabihin ng tunay na pagmamahal." nakangiting turan ni Louise. Nag vibrate ang cellphone nito. "Nasa baba na daw po si Kuya Bert. Pasensya na po kayo kung sobrang drama ng kwento ng buhay ko." anito. "Wala iyon Iha. It was nice meeting you." ani Mommy. "Bye Dave. Pagaling ka ah. Ako ng bahala mag edit ng research project natin. Don't worry about it." "Sige, baby. Mag iingat ka." kantyaw ko sa kaniya. "Baby your face!" Binelatan niya ako pagkatapos ay kumaway ng paalam kay Mommy. At dirediretso na itong lumabas ng kwarto ko. "Anak, would you be okay here?" tanong ni Mommy sa akin. "Bakit po?" tanong ko. "Pupuntahan ko lang ang Kuya Nate mo." ani Mommy. "She better save Kayla. I love that girl so much. And If her parents could not love her the way I love you and your Kuya Nate. I'm willing to be her Mommy for the rest of her life. She deserves better." "Thank you, Mommy. I'll be okay here. Umalis na po kayo. If you need to punch Kuya Nate para matauhan make it two for me." turan ko. Humalik si Mommy sa pisngi ko at ginulo ang buhok ko. "But if we did this you better get ready dahil siguradong pagkatapos nito mas lalong hihigpitan si Louise." "Ako po ang bahala sa kaniya Mommy. Don't worry about her." sagot ko kay Mommy. I'll make her happy no matter what.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD