Araw ng Sabado. Hinihintay namin si Ms. Reyes para sa Psychology class namin. Simula noong lunes ay hindi ko napagkikita si Dave. Dahil busy ako sa ibang school projects ko si Dave na lang ang pumunta para sa documentary na kailangan namin.
"Lou." untag ni Elle sa akin. "Tulala ka diyan?"
"Wala. Inaantok lang ako." sagot ko.
"Teka girl! Bakit wala pa iyong asawa mo?" nakangising wika ni Andeng.
Inirapan ko siya. "Anong asawa?"
"Hoy girl! Nakita ko iyong pangalan niya sa phone mo." ani Patis.
"Siya naglagay non." saad ko.
"E bakit hindi mo binago?" tanong din ni Elle.
"E trip niya iyon e." sagot ko sa kaniya.
"Alam mo umamin ka nga sa amin. May gusto ka kay Dave no?" ani Andeng. "Kunyari ka pang enemy. Enemies to lover din pala punta niyo."
"Ang lawak ng imagination mo." saad ko sa kaniya.
Biglang nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko. Kinuha ko iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Husband ang nakalagay sa screen kaya obviously si Dave iyon. Nakita kong nakatunghay sila Elle, Patis at Andeng sa akin.
"See? Inlove na to." ani Andrea.
Sumenyas akong tumahimik siya bago ko sagutin ang tawag. "Hello." bati ko sa kabilang linya.
"Hello!" babae ang sumagot. "I'm nurse denise po. Pwede po ba kayong pumunta ngayon dito sa hospital ma'am. Naaksidente po kasi si Mr. Dave Skyler Koch."
"What?" gulat na saad ko. Napatayo pa ako sa upuan ko sa pagkagulat. "Is he okay?"
"Yes ma'am, okay naman na po siya. Tapos na po siya gamutin. Nasa loob na po siya private room. Stable na po siya. Kaso wala po kasing kasama si Sir ngayon." anito.
"Sige. papunta na ako. Thank you." wika ko. At mabilis na inayos ko ang mga gamit ko.
"San punta te?" tanong ni Elle.
"Tumawag iyong nurse gamit cellphone ni Dave. Naaksidente daw si Dave kaya kailangan niya ng kasama sa hospital." aniya.
"O bakit ikaw?" nagtatakang tanong ni Patis. "I see. Ibig sabihin wife ang pangalan mo sa cellphone niya. Tama ba? Kaya ikaw iyong tinawagan ng nurse?"
"Oemgg!! Kayo na?" natatawang wika ni Andrea.
"Hindi! Pwede ba sa monday niyo na lang ako kulitin. Aalis na ko." turan ko bago humakbang palabas ng classroom.
"My klase pa tayo." ani Elle.
"Idahilan niyo na lang ako kay Ms. Reyes. Puntahan ko muna si Dave." saad ko.
"Iba na iyan girl! Inlove ka na." tukso ni Andrea.
Binelatan ko lang ito at dire diretso ng lumabas ng classroom namin. Nagmadali akong lumabas ng campus at nag book ng grab. Hindi ko pwedeng papuntahin ang driver ko dahil baka makarating pa kila Mommy at Daddy na nag cut ako ng class ko. Mabilis akong nakapagpabook ng ng grab car.
"Kuya, make it faster po. Emergency lang." pakiusap ko kay Kuya driver.
"Okay po ma'am." anito.
Mabilis namin binaybay ang daan papunta sa hospital kung saan naka confine si Dave. Totoo na nag aalala ako. Hindi ko alam kung bakit. O paano. Pero nag aalala talaga ako. Kung anoman itong nararamdaman ko. Hindi ko din maipaliwanag. Basta ang alam ko lang may nagbago pagkatapos nong araw na pumunta kami sa mga Montecillo.
Nasa harap na ako ng hospital pagkalipas ng trenta minutos. Binayaran ko si Kuya at mabilis na umibis ng sasakyan. Dumiretso ako sa Nurse station para itanong kung saan ang room ni Dave.
"Hello nurse." Bati ko sa nurse na nasa station. "I'm looking for Dave Skyler Koch. May I know his room please?"
"Let me check ma'am." aniya. Tumipa siya sa keyboard at tiningnan ang records doon. "Room 461 ma'am."
"Thank you po." pasasalamat ko at mabilis na hinanap ang daan papunta sa elevator.
Pagdating ko sa fourth floor ay umibis ako ng elevator at hinanap ang room kung asaan si Dave. Nang makita ko ang Room 461 ay mabilis kong binuksan ang pinto. Nasa loob si Dave at nakahiga sa kama. Tulog ito. May benda sa ulo at may mga gasgas sa magkabilang braso nito. May kasama itong nurse sa loob. Siya siguro iyong tumawag sa akin.
"Hi! Are you his wife?" tanong ng nurse ng mapansin ako.
"A-m.. Y-yes." nauutal na saad ko.
"Ang bata niyo pa nag asawa. Pero bagay kayo. Your very pretty. Kaya siguro hindi ka na niya pinakawalan." nakangiting saad ng nurse.
Ngumiti lang ako ng tipid. "Mga anong oras po siya magigising? Did you already call his parents?"
"Hindi ko sure if anong oras siya magigising. And yes, we already call his parents. Papunta na din sila dito pero medyo matatagalan daw. Buti na lang nakapunta ka kaagad." anito.
"Thank you." pasasalamat ko.
"Your welcome. Mauna na po ako." aniya.
Tumango lang ako. Pagkalabas ng nurse ng pinto ay agad akong lumapit kay Dave.
"Ano bang nangyari sayo? Akala ko ba maingat ka magmaneho. Tsk. Tsk." saad ko sa kaniya. Hinila ko ang single chair at pwinesto iyon malapit sa kama ni Dave. Nilagay ko ang mga gamit ko sa couch. At umupo sa single chair. Inayos ko ang kumot ni Dave. Tinitigan ko ang kabuuan niya. Buti na lang at hindi masyado nagasgasan ang mukha niya. Kung hindi madaming babae ang siguradong masasaktan.
At isa ka na doon. turan nang isip ko.
Nakita ko ang camera ko sa bedside table. Kinuha ko iyon at tiningnan ang mga litrato. Ang gaganda ng kuha niya sa opisina nila Kuya Vince at Ate Katniss. He had an eye for photography I guess. Nang magscroll pa ako ng mag scroll ay nabigla ako sa mga nakita ko. Mga pictures ko ang mga iyon. Kinuhaan niya ako habang nasa mall kami. Pictures habang nagbabasa ng libro. Habang nagbabayad sa counter. Habang nakatalikod ako at naglalakad. Habang nakasandal sa motor niya at hinihintay siya. Lahat iyon ay stolen shots. Pero I must say ang gaganda talaga ng mga kuha ko doon. He knows my angle kung saan ako mas gaganda sa mga kuha niya. And now I turned out as a fan. He's great. Tumunog ang cellphone ni Dave kaya napabalikwas ako ng tayo. Kinuha ko iyon at mabilis na sinagot ng makita kong Mommy niya ang tumatawag.
"Hello po." bati ko.
"Hello! Are you still the nurse I talked to earlier?" tanong ng Ginang.
"No po. I'm Louise po. Schoolmate ni Dave. Tinawagan din po kasi ako ng nurse kaya pumunta po ako dito." magalang na sagot ko.
"I see. Thank you Iha. Can you look for Dave habang wala pa kami. But don't worry were on our way na. Sa tagaytay pa kasi kami manggagaling."
"Okay lang po. Ako po muna magbabantay sa kaniya habang wala pa po kayo." sagot ko.
"Thank you Iha. Thank you." anang Mommy ni Dave.
"Sige po. Ingat po kayo." paalam ko sa Ginang.
Pinatay na nito ang tawag pagkatapos magpaalam. Ibabalik ko na sana ang cellphone ni Dave sa bedside table ng bigla itong mag vibrate. May notification ito sa isang post nito sa i********: nito.
40,688 likes? Grabe naman. Famous talaga ha. saad ko sa isip ko ng mabasa ang notification niya.
Natutukso akong pindutin ngunit alam kong mali iyon. Tiningnan ko si Dave. At nagpangalumbaba sa kama nito.
"Would you mind? Magagalit ka ba?" tanong ko sa kaniya.
Parang tanga Louise. May tulog bang magsasalita. Tsk. Tsk.
"Titingnan ko lang Dave. Promise, silip lang!" saad ko sa kaniya habang nakataas pa ang kamay ko na animo'y nanunumpa.
Inayos ko ang pagkakaupo ko. At pinindot ang notification. Muntikan ko nang malaglag ang cellphone ni Dave ng makita ko ang post niya na kada minuto ata ay tumataas ang likes at nasa libo din ang nag cocomment.
My Favorite Treasures ♥️
Ayon ang nakalagay na caption sa post nito. And the picture. It was me. Nakasandal ako sa motor niya. Habang hawak ang bola na bigay ni Kuya Vince sa kaniya. Kitang kita pa ang pirma ni Michael Jordan doon. Nakahelmet ako kaya hindi ako makikilala. Stolen shot din iyon katulad ng mga kuha sa camera ko. Pero sigurado akong hindi ko nakita iyon sa mga pictures sa camera ko. Pero alam kong kuha iyon gamit ang camera ko. Ibig sabihin ay kinuha niya iyon. At binura sa camera ko.
Treasures? Hindi ikaw iyon Louise! Huwag kang assuming. Pwede namang iyong motor at saka iyong bola nagkataon lang andoon ka. pagkukumbinsi ko sa sarili ko.
Binasa ko ang mga comment sa post niyang iyon. Ang ilan sa mga ito ay mga schoolmates namin dati sa St. Ignatius. At iba naman ay mga taga hanga nito. Pero may isang comment doon na kumuha ng attention ko. Galing iyon kay Zick. Bestfriend ni Dave. I know him because boyfriend siya ni Elle noon. Kaya palagi siyang sumasama sa aming magkakaibigan.
Zick Alvarez: Nakakadiri ka bro! Inlove na Inlove ka.
Is he still pertaining to Dave's motorbike or the ball? Parang gusto ko nang mag overthink ng malala. saad ko sa isip ko.
Pinatay ko na ang phone ni Dave at binalik iyon sa bedside table. Nilapit ko pa lalo ang upuan ko at nangalumbaba malapit sa mukha nito.
"Misteryoso ka din e no! Hindi ko kasi gets. Buong high school year ko yata bwinibwiset mo ako. Alam mo bang sinumpa na kita sa sobrang inis ko sayo. Muntikan pa nga kitang ipakulam. Pero bakit ngayon iba ang kinikilos mo? Con artist ka ba? O sadyang may dual personality ka lang. Ang labo mo brad! Care to share?" natatawang litanya ko sa kaniya.
Muntanga talaga Louise.
Inayos ko ang pagkakaupo ko at yumuko sa hospital bed ni Dave. Inaagaw ng antok ang diwa ko. Kaya pinikit ko muna ang mata ko para umidlip. Ngunit natuluyan ng nakatulog ako.