Chapter Five

1902 Words
"Mr. and Mrs. Montecillo, para po sa nakararami isa po kayo sa tintawag nilang power couple dahil po sa magandang pagpapatakbo niyo po ng sarili ninyong mga kompanya. Si Mr. Vince Montecillo ay CEO ng Montecillo Engineering Enterprise na talagang kilala po sa buong bansa even outside the Philippines. While Mrs. Katniss Montecillo ay CEO naman po ng Louise Skincare & Cosmetics which is isa sa pinaka trusted na beauty skincare line na tinatangkilik world wide. Sa sobrang successful po ninyo sa kaniya kaniya ninyong larangan. Sa tingin niyo po ano po ang sekreto ninyo?" tanong ko sa mag asawa. Sinisimulan na namin ang interview nila Kuya Vince at Ate Katniss. Nagdesisyon ang mag asawa na dito na lang sa Garden gawin ang interview para mas maaliwalas daw ang paligid. "To be honest. We really don't think I we want to be called a power couple. Kasi parang ang pagkakaintindi ko doon ay makapangyarihan. You know want, me and my wife simpleng tao lang kami outside work." ani Kuya Vince. "Pero dahil tungkol doon ang research studies niyo. Better we accept it kaysa bumagsak kayo." natatawang turang ni Kuya Vince na ikinatawa din namin. "The only secret kung bakit kami successful ni Vince ay dahil sa isa't isa. Mas pinipili kasi naming suportahan ang isa't isa. Grow apart. Not literally, but when it comes to business hindi namin pinapakialaman ang isa't isa. We give opinions but not to the extent na kami na iyong tama at iyong isa na ang mali." paliwanag ni Ate Katniss. Namamangha ako sa kanilang dalawa. Kapag tinititigan mo sila mararamdaman mo pa rin iyong pagmamahal nila para sa isa't isa. The way they see each other. You could see how much they admire each other. The respect and understanding. Nakakatuwa that true love really does exist. At sila ang isa sa patunay non. "Pwede niyo po ba kaming kwentuhan kahit konti po tungkol sa love story ninyo?" tanong ni Dave. Napatingin ako sa kaniya ngunit nagkibit balikat lang ito. Hinawakan ni Kuya Vince ang kamay ni Ate Katniss. Tumingin naman si Ate Katniss kay Kuya Vince at ngumiti ng pagkatamis tamis. "We were bestfriend. Magbestfriend kami simula first year high school. But Katniss fell in love with me secretly." "Ang yabang mo sa part na iyan." ani Ate Katniss. Sabay palo sa braso ni Kuya Vince. "Bakit hindi totoo?" nang aasar na tanong ni Kuya Vince. "Fine!" nakairap na wika ni Ate Katniss. "Pero aminin mo mas patay na patay kana sa akin ngayon." "Totoo naman." nakangiting sagot ni Kuya Vince. "Noong college nabrokenhearted ako. Tapos dumating iyong time na gusto ko na mag move on. And dumating sa point na inalok ko si Katniss maging rebound girlfriend." Umalis ako sa pagkakaupo sa upuan at umupo na lang sa damuhan habang nakapangalumbaba sa mga tuhod ko. "Tapos po?" "Pumayag siya. Pero naging kami lang for one month dahil bumalik iyong Ex-girlfriend ko non. Then she let me go. Pinakawalan niya ako dahil ang gusto niya is bumalik ako sa Ex-girlfriend ko dahil ang tingin ni Katniss doon ako sasaya. But pagkatapos ng gabi na pinalaya niya ako, tinapos na din niya iyong pagkakaibigan namin. She admitted that she loves me secretly and for her to move on, kailangan niyang lumayo sa akin." ani Kuya Vince. "Then umalis ako at nagpakalayo layo. For two years inilayo ko ang sarili ko sa kaniya, sa mga kaibigan ko even sa pamilya ko para lang makalimutan siya. Pero noong bumalik ako. The table turns and siya na ang inlove na inlove sa akin. Then after two months nagpakasal kami.". "Fast forward ah." ani Kuya Vince. "Okay na iyon." ani Ate Katniss. "Madrama kasi iyong love story namin." nakangiting saad pa nito. "Ano po iyong madalas ninyong pag awayan ngayong kasal na po kayo?" tanong ni Dave. Natatawang nilingon ni Katniss si Kuya Vince. Inismiran naman ito ni Kuya Vince at tumingin sa akin. "Iyang mga ganiyang damit." anito. "Katniss is like Louise kung manamit. Akala mo lang dress dress ang suot niyan ngayon. Pero sa twing aalis kami or kahit sa opisina niya ay ganiyan ang mga suot niya. Hindi naman bastusin tingnan. Pero hindi ko alam kung hindi ba ni Katniss nakikita ang sarili niya sa salamin kapag nakasuot siya ng ganiyan. She's damn pretty and sexy." nakasapo sa noong reklamo ni Kuya Vince. "Lagi iyang ang pinagtatalunan namin dahil kahit may dalawa na kaming anak. Kapag iniwan mo ito sa kung saan wala pang isang minuto may pumuporma na." "I feel you Kuya Vince." ani Dave. Napatingin ako sa kaniya pero kay Ate Katniss ito nakatingin. "If I have a girlfriend or a wife like Ate Katniss mukhang magiging problemado nga ako." natatawang saad pa nito. "Oo pare. Pero ang mas masakit sa ulo is wala siyang pakialam. She always says.." "My body, my rule." dugtong ni Ate Katniss sa sinasabi ni Kuya Vince. "Kaya hanggang talak na lang itong mamang ito dahil kahit anong sabihin niya ako pa rin ang masusunod." "Under po kayo?" wala sa sariling natanong ko. Malakas na nagtawanan naman ang mag asawa at ganoon din si Dave. "No. He's not Louise. She just know how to respect kung anong gusto ko. Kaya kahit ayaw niya sinusuportahan pa din niya ako. Vice versa. Kahit may nga bagay siyang ayaw kong ginagawa niya pero dahil gusto niya sinusuportahan ko na lang siya. That's the secret of our happy marriage." paliwanag ni Ate Katniss. "We didn't say na perfect ang marriage namin. May mga tampuhan din at hindi iyon nawawala sa isang relasyon. Pero we always choose each other towards anything else. Ganoon namin kamahal ang isa't isa." pagpapatuloy ni Kuya Vince. "Friendship ang naging foundation ng relasyon namin. Kaya mas naiintindihan namin ang isa't isa. Dahil mag bestfriend muna kami bago kami naging mag asawa. Bawa't likaw ng mga bituka ng isa't isa ay kabisado na namin. We have a strong foundation, I guess." nakangiting dagdag pa ni Kuya Vince. "Sana all po." saad ko sa kawalan ng masabi. "May kinikilig na naman sa relasyon ng iba for todays vidyow." kantiyaw ni Dave sa akin. Inirapan ko si Dave. "Oo. Malabo kasing sayo." "Let see baby. Let see." naiiling iling na wika ni Dave. "Baby mong muka mo!" inismiran ko siya pagkatapos ay binelatan. "Alam niyo ang cute niyong dalawa." ani Ate Katniss. "Sigurado ba talaga kayong magkaklase lang kayo? You look like lover's to me." "Alam mo babe. Pustahan tayo magkakatuluyan iyang dalawang iyan." tukso naman ni Kuya Vince. Nagkatinginan kami ni Dave. And for a moment I can't see those playful smile in his lips. I also see something in his eyes. Was it admiration? Love? I don't know. But for a moment it mesmerized me. "See, babe? Ganyan kita tinititigan noon. Until now pa rin naman." untag ni Kuya Vince. Pareho kaming nagbawi ng tingin ni Dave. Kinuha ko ang bottled water at tinungga iyon. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Do I like him? Does he like me? Ano iyon? naguguluhang tanong ko sa isip ko. "Kuya Vince, Ate Katniss okay na po tayo." ani Dave. "Salamat po sa oras niyo." dugtong niya pa. "Your welcome." ani Kuya Vince. "May iba pa ba kayong kailangan para sa project niyo?" "Documentation na lang po Kuya. Pwede po ba namin kayong kuhanan ng litrato habang nasa opisina niyo po kayo?" tanong ni Dave. "Okay. I'm free on Thursday. Wala ako masyadong meeting that day kaya nasa opisina lang ako. What about you babe?" ani Kuya Vince. Kinuha ni Ate Katniss ang cellphone niya. "We have a photoshoot this week. But you can go to my office. You can take pictures while we are doing the photoshoot." ani Ate Katniss. "You know what Louise, I'm looking for another model. I think your perfect for this." "I'd love to Ate. Kaso po hindi ako papayagan ng parent's ko." nahihiyang sagot ko. "Sayang naman. But if you change your mind. Just call me." anito. Tumango lang ako. Tumalikod ako. Kunyaring inayos ang gamit ko. At doon pinakawalan ang malalim na buntong hininga ko dahil sa panghihinayang. "Pasok muna kami sa loob ah. Baka gising na iyong mga junakis namin." ani Ate Katniss. "Sige po." sagot ko. "Are you okay?" tanong ni Dave sa akin ng makaalis ang mag asawa. "Oo. Don't mind me. Magligpit na tayo." saad ko at inayos na ang mga gamit ko. Niligpit na din ni Dave ang camera ko at ang stand nito. Ngunit habang ginagawa niya iyon ay hindi pa rin nito maialis ang tingin sa akin. Ramdam kong nakatingin pa rin siya sa akin. Nang matapos kami magligpit ay pumasok ulit kami sa loob ng bahay nila Kuya Vince at Ate Katniss. "Ate, Kuya, thank you po ulit. Aalis na po kami." paalam ko sa kanila. May inabot na paper bag si Ate Katniss sa akin. "Ano po ito?" "Iyan ang bagong products namin. Irerelease pa lang iyan next month. Kaya ikaw pa lang ang meron niyan." nakangiting saad nito. Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko si Ate Katniss. "Thank you Ate." "Someone told me before. Sundin mo daw ang tinitibok ng puso mo dahil kahit kailan hindi ka ipapahamak nito." bulong niya sa akin habang magkayakap kami. "It works out for me. Maybe it works for you also. Do what makes you happy. Don't be afraid of others judgement." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. "Thank you Ate Katniss. Tatandaan ko po iyong sinabi niyo." Nginitian lang niya ako at hinawi ang buhok kong nakatabing sa mukha ko. "Dave." tawag ni Kuya Vince kay Dave. May inabot din itong paper bag kay Dave. "Sh*t!" hindi makapaniwalang bulalas ni Dave ng makita ang bolang bigay ni Kuya Vince. "Kuya akin na lang ba to?" "Oo. Tatlo naman iyan. Kaya hindi magiging kabawasan sa collection ko." saad ni Kuya Vince. "Astig! May pirma ni Michael Jordan. Thank you Kuya." saad ni Dave. Nagpaalam na ulit kami. Hindi na kami nagpahatid sa labas ni Dave dahil kailangan na mag asikaso ng mag asawa para sa family dinner ng mga ito. Si Ate Karen na lng ang nagbukas ng gate para mailabas ni Dave ang motor niya. Inayos ni Vince ang pagkakalagay ng mga gamit namin sa motor niya. Pagkatapos ay sinuot niya sa akin ang helmet ko. "Kailangan ba talaga ikaw ang magsusuot sa akin nito?" tanong ko sa kaniya habang inaayos ang helmet ko. "Bakit marunong ka ba?" tanong nito. "You can teach me." sagot ko. "I prefer not to." saad niya. "And why was that?" nakairap na tanong ko ulit. "Mas gusto kong ako ang magsusuot sayo." aniya. Sabay kindat sa akin. For a moment ay parang biglang tumigil ang mundo. My heart skip a beat. No, it's beating faster. At hindi ko maintindihan kung bakit. "Louise." untag ni Dave sa akin. "Diyan ka na lang?" Nakasuot na rin ito ng helmet at nakasakay na sa motor nito. Mabilis na tumalima ako. At sumampa na sa motor nito. "Louise, okay lang ba dumaan muna tayo sa mall? May kailangan kasi akong bilhin sa bookstore. Pero kung hindi ihahatid na muna kita." ani Dave. "O-okay lang." nauutal na sagot ko. "Are you sure?" tanong ulit nito. "Sige hindi okay." naiinis na sagot ko. "Pikon ka talaga." natatawang wika nito. "Kapit baby. Mamahalin pa kita." "Ano?" hindi ko naintindihan ang sinabi ni Dave dahil mabilis na niyang pinaandar ang motor niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD