Araw ng Lunes. Wala kaming klase ngayon dahil holiday. Ngunit ngayong araw kami nakakuha ng schedule kay Mr. & Mrs. Montecillo. Kaya naman kailangan ko pa rin maaga gumising dahil 9am ang schedule ng interview namin sa kanila. Nag ring ang cellphone ko na nasa bedside table ko. Sinagot ko ito ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.
"Wifey." anang nasa kabilang linya. Awtomatikong napasimangot ako pagkarinig ng boses nito.
"Ang aga aga, Dave." naiinis na usal ko.
Mahinang tumawa ito sa kabilang linya. "Andito na ko sa labas ng gate niyo." aniya.
"Ano?" mabilis akong pumunta sa balcony ng kwarto ko. At laking gulat ko na hindi nga siya nagbibiro. Nandoon siya sa labas ng gate namin habang nakasandal siya sa motorbike nito. Kinawayan niya ako ng makita niya ako. "May usapan ba tayong sunduin mo ko?"
"Wala. Naisip ko lang mas mahirap kung magkahiwalay pa tayo ng sasakyan." anito.
"And you expect me to ride on your motorbike?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Nakangiting nakatunghay ito sa akin. "Safe ito." Itinaas nito ang helmet na kulay pink. "Got you a helmet. And I promise to drive safely."
"Ayoko pa din. Di mo ko mapapasakay diyan." matigas na tanggi ko.
"Fine. Toss coin? Okay na ba iyon sa iyo? Would that be fair?" aniya.
"Okay. I'll just get my things." sagot ko.
"Are you wearing skirt?" tanong nito.
Napatingin ako sa suot ko. "Yeah. Why?"
"Magpalit ka. Dahil baka manalo ako di pwede iyang suot mo. Pants or Short will do." ani Dave.
Sinimangutan ko siya at pumasok na sa loob ng kwarto ko. Pinatay ko na ang tawag at nagpalit ng damit. Tumingin ako sa closets ko. Kinuha ko ang white Zara sweetheart neckline corset top ko na pinartneran ko ng Zara mom highwaist denim jeans. Nagsuot din ako ng white Sperry pier wave sneakers to match my outifit. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko at kinulot ang dulo nito. Nagsuot ako ng metal hair claw clips na may white ribbon. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.
Pretty! saad ko sa sarili.
Kinuha ko ang mini bagpack ko sa kama ko at sinukbit sa balikat ko. Kinuha ko ang camera ko at ang stand nito. Mabilis na lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan.
"Baby girl. Saan ang punta?" ani Kuya Kenzo. Kakababa lang siguro nito dahil nakapambahay pa ito at mukhang hindi pa naghihilamos.
"Group project kuya." sagot.
"Do you need a ride? Papatawag ko driver mo." At pababantayan mo ako. saad ko sa isip ko.
"No need Kuya. I'm a big girl na." nakangiting sagot ko.
"Sabi mo eh. Take care. Okay?" bilin nito.
"Yes, Kuya. Love you." nag flying kiss ako kay Kuya Kenzo bago lumabas ng bahay.
Nang makarating sa ako sa labas ng gate ay hinihingal pa ako. Napapalit palit ang tingin ni Dave sa relo nito at sa akin. Sumimangot ako. I even pouted my lips.
"Fine. Ride a bike." saad ko.
"Of course, sa tagal mo mag ayos malalate na tayo kung maiipit tayo sa traffic." naiiling na saad nito. "Wala kang blazer? Or jacket?" tanong nito.
"Anong mali sa suot ko?" balik tanong ko.
"Mainit. Mausok. Tapos nakaganyan ka?" natatawang saad nito.
"Aisshhh! Ang daming arte." naiinis na turan ko.
Lumapit si Dave sa akin. Hawak niya ang pink na helmet. Tinanggal niya ang hair clamps ko. At sinuot ang helmet sa ulo ko. Sinigurado niyang nakasuot iyon ng maayos. Pagkatapos ay hinubad nito ang itim na leather jacket na suot nito at pinasuot sa akin. Nang maisuot ang jacket ay tiningnan nito ang kabuuan ko.
"Better. Mainit kasi baka mangitim ka. Saka ayokong pagtinginan ka ng kung sino sino. Baka mapaaway pa ako sa kalsada e." napapakamot sa ulong saad nito. "Tara?" anyaya nito. Kinuha nito ang camera stand sa akin.
Sinuot nito ang helmet niya at sumakay sa motor nito. Inalalayan niya ako makasakay sa motor. Nang masigurong maayos na ang pagkakaupo ko ay inistart na nito ang makina.
"Hawak ka mabuti." anito. Humawak ako sa tshirt niya. Ngunit nagulat ako ng hawakan niya ang dalawang kamay ko at niyakap iyon sa bewang niya. "Kapit." aniya. At mabilis na pinaandar ang motor niya.
________
Nasa isang malaking subdivision sa Quezon City ang bahay nila Mr. and Mrs. Montecillo. Bungalow type lang ang bahay nila ngunit napakaganda. Napakalawak ng garden nila na mayroon ding mini playground. Halatang halata na alagang alaga ang mga halaman at bulaklak doon dahil ang gaganda at ang yayabong ng mga tubo ng mga ito. Mayroon din mini basketball court malapit sa garage nila.
Inayos ko ang sarili ko pagkababa ng motor ni Dave. Tinanggal ni Dave ang helmet ko at binalik sa akin ang hair clamps ko. Sinuklay ko ang buhok ko at kinabit ulit iyon. Hinubad ko ng jacket at binalik naman iyon kay Dave.
"Mag doorbell ka na. Para maipasok ko din itong motor ko." saad ni Dave.
Tumango na lang ako at sumunod sa sinabi nito. Mabilis na pumunta ako gate at nag doorbell. Nakatatlong doorbell din ako bago may lumabas sa main door. Papalapit sa akin ang isang gwapong lalaki na nasa early thirties lang siguro habang may bitbit na napaka gandang batang babae na aakalain mong manika.
Nakangiting binuksan ng lalaki ang pinto. "Goodmorning po." bati ko sa kaniya. "Ako po pala si Louise Adrienne Ortega. Andito po kami para sa interview with Mr. and Mrs. Montecillo." saad ko.
"Ow, Hi!" bati nito. "I'm Vince Montecillo." pakilala nito.
"Hindi nga po?" nagtatakang tanong ko. Tinitigan ko pa siya ng husto. "Sorry sir. Pero mas mukha po kayong bata kaysa sa pictures." napapakamot sa noong saad ko.
Mahinang natawa ito. "Kuya Vince na lang. Huwag na Sir. Nakakatanda lalo." saad nito. "Pasok ka. Naghihintay na din ang asawa ko sa loob." anito. Niluwagan nito ang pagkakabukas ng gate at lumapit kay Dave. Nakipagkamay si Dave dito at imwinestra dito na ipasok na ang motor niya sa loob.
Nang maipark na ni Dave ng maayos ang motor ay sumunod na kami kay Kuya Vince sa loob ng bahay. Andoon daw si Ate Katniss at nagluluto ng almusal.
"Ang ganda ganda ng bahay nila." wala sa sariling sambit ko ng makapasok kami sa loob.
Liningon ako ni Dave. "Engineer ang may ari e. Bilyonaryo pa." saad nito.
Hindi na ako nag abalang sumagot dahil nakita kong papalapit sa amin ang isa sa pibakamagandang mababaeng nakita ko sa buong buhay ko.
"Hi!" ani Ate Katniss. "Pasensya na kayo kung maaga namin inischedule iyong interview ah. May family dinner kasi kami mamaya." anito.
"Ang ganda ganda niyo po." sambit ko. At nahihiyang napayuko ako ng marealize ko ang sinabi ko.
Mahinang natawa si Ate Katniss. "Maganda ka din naman." anito.
"Thank you po. Iyong skincare niyo po ang gamit ko." saad ko.
"Really? Kaya pala maganda ka eh. Kutis koreana di ba?" nakangiting wika ni Ate Katniss.
"Opo. Can we take a picture po? Idol ko po kasi kita." nahihiyang wika ko.
"Sure." anito. Tumabi ako s kaniya at nilabas ang cellphone ko for a selfie. Tuwang tuwa ako habang tinitingnan ang picture namin ni Ate Katniss.
"You remind me of someone." ani Kuya Vince pagkalapit sa amin.
"Asan si Chloe?" tanong ni Ate Katniss kay Kuya Vince.
"Binigay ko muna kay Karen. Tulog pa naman si Casper. Para makapag interview silang maayos." anito. "Look at her." utos nito kay Ate Katniss.
"Yeah. She looks like me back in college." nakangiting wika ni Ate Katniss. "Tara na! Kain muna tayong almusal before we do the interview. Pinagluto ko kayo." yaya nito.
Sabay sabay kaming dumulog sa hapag kainan. Madaming pagkain ang nakahanda sa lamesa. At talagang nakakagutom ang amoy ng mga iyon. Magkatabi kami ni Dave sa upuan habang katapat naman namin ang mag asawa. Nagsimula kaming kumain. Kinuha ni Dave ang fried rice at nilagyan ako sa plato ko. Bago niya nilagyan ang plato niya.
"Anong uulamin mo?" tanong ni Dave sa akin.
Tiningnan ko ang mga nakahain sa mesa. "Iyong tapa na lang." sagot ko.
Nilagyan niya ako ng tapa sa plato ko. At nilagyan niya pa ng sunny side up na itlog. Nilagyan niya din ng juice ang baso ko. At inalok ako ng kape ngunit hindi talaga ako nainom ng kape.
"Are you two together?" biglang tanong ni Kuya Vince.
Nasamid ako sa tanong niya. Buti na lang ay mabilis na naabutan ako ni Dave ng tubig. "Easy lang kasi. Di ka naman mauubusan." anito.
"Akala mo sakin patay gutom." naiinis na wika ko sa kaniya.
"Cute." ani Ate Katniss. "I think sila nga babe."
"Nako hindi po." mabilis na tanggi ko. "Magkaklase lang po talaga kami."
"Ikaw Dave?" tanong ni Kuya Vince dito.
"Ano po ako?" balik tanong ni Dave.
"May gusto ka kay Louise?" diretsong tanong nito.
Tiningnan ako ni Dave kaya nag iwas ako ng tingin. Nilalaro ko ang tapa sa pinggan ko dahil parang kami ata ang iniinterview ngayon.
Intense ah! saad ko sa isip ko.
"Huwag mo nan--"
"I like her." putol ni Dave sa sinasabi ni Kuya Vince. Sinagot niya si Kuya Vince pero ramdam na ramdam kong sa akin siya nakatitig. "Gustong gusto ko siyang asarin."
Marahas na napabaling ako ng tingin sa kaniya. Inirapan ko siya ng matalim. At siniguradong duguan na siya sa isip ko.
"Papaniwalain. Siguro crush mo ko no?" saad nito nang may nakakalokong ngiti sa mga labi.
"In your dreams!"