I'm Louise Adrienne Ortega, a sophomore student in Bridgeton University. I'm taking up Bachelor of Science in Business Management. Actually hindi talaga iyon ang gusto kong kurso. Pero dahil I'm Louise the ever very obedient daughter of Ortega Hotel's Empire kailangan kong kumuha ng kursong naaayon sa pag nenegosyo at kagustuhan ng mga magulang ko. Masaya naman ako na masaya sila Daddy and Mommy everytime I'm making desisyon on their behalf. Pero ako? Masaya ba ko? Well, that I don't know.
Pag aari ng pamilya namin ang ilan sa mga naglalakihan at naggagandahang hotel sa buong bansa. Mayroon din kaming restaurants na pinamamahalaan naman ni Ate Kayla, my older sister. Habang si Kuya Kenzo naman na sinundan ko ang katuwang ni Daddy sa pamamahala ng mga chains of hotel namin. At si Mommy, she is a well-known Chef in the country. At sa sobrang pagmamahal niya sa pagluluto ay nagtayo ito ng sarili nitong culinary school. Until now ay very hands on pa rin ito sa pagpapatakbo noon.
But just like an ordinary family, our family still not as good as the others. Mayaman kami. Nakukuha namin magkakapatid ang kahit anong naisin namin. Isang pitik lang namin ay nandiyan na sa harapan namin ang mga bagay na gusto namin. Pero not just like others, I'm not happy. Because I can't have the freedom I wanted. Laging nakadepende sa kanila ang lahat ng desisyon dahil takot akong magkamali. Takot akong madisappoint sila. Kaya kahit pa sa mga simpleng bagay ay hindi ako nagdedesisyon hangga't hindi iyon aprubado ni Mommy o ni Daddy. Pero minsan nakaka suffocate na din. I'm alive but as if I don't have a life.
Actually Dad never want me to study here in Bridgeton. Madami pa daw mas magagandang school sa Metro. I can go abroad pa nga daw para mas maging maganda ang credentials ko. But I refuse. Pero hindi iyon naging madali. Because the only reason why Dad let me study here is because i graduated Valedictorian in St. Ignatius Academy. He wants me to graduate Valedictorian to be able for me to study here in Bridgeton. And that's what I did.
Pero hindi naging madali ang highschool life ko sa St. Ignatius dahil sa mga bully doon. They called me "Ms. Nerdy". Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nag assume agad sila na nerdy ako dahil lang sa may salamin ako at tambay ako ng library. But I guess siguro dahil hindi rin ako palasuklay noong highschool. Sa sobrang eager ko kasi maging valedictorian nakakalimutan ko na mag ayos kahit pa ang magsuklay. Isa ako sa laging target ng mga bully sa St. Ignatius noon. Tinatapunan ng basura. Dinidikitan ng bubble gum sa uniform. Nilalagyan ng kung ano anong insekto ang locker. In short, pinapahiya.
My bestfriends always ask me kung bakit hindi ko sila sinusumbong sa head master o hindi kaya sa parents ko. At ang lagi ko lang sagot, naaawa ako sa kanila. I know what my Dad capable of doing. Kaya niyang sirain ang buhay ng mga classmates ko in a snap of a finger. Not specifically gawan sila ng masama. Pero sirain at pabagsakin ang mga negosyo ng mga magulang nila. Makapangyarihan ang mga Ortega. Lalo na ang business tycoon na si Mr. Henry Ortega, my father.
Pero kung ang iba ay pinapalampas ko ang pangbubully sa akin. Isang tao lang talaga ang pinapatulan ko. Si Dave Skyler Koch. Ang nagpasimula lahat ng mga pambubully sa akin. And the only reason why he did that to me ay dahil hindi ko lang siya pinakopya sa isang test! Imagine how childish he was. Sa dami ng fans at mga tagahanga nitong kababaihan sa St. Ignatius ay naging impyerno ang buhay ko doon. Nang araw kasi ng foundation day ng school ay binayaran niya ang mga tao sa Marriage booth para ikasal kami. At ang mas malala ay sinabi niya sa lahat na may gusto siya sa akin at gusto niya akong maging girlfriend. Sa galit ng mga taga hanga nito ay nagsimula ang mga pambubully sa akin. Kahit hindi ko pa kilala ay binubully ako. Mga isip bata. Kaya nga never ko talaga mapapatawad si Dave. As in never.
Isang taon ng peaceful ang pag aaral ko dito sa Bridgeton. Walang mean girls. Walang bullies. At higit sa lahat walang Dave.
"Hi! Ms. Nerdy!"
What the F!! "Anong ginagawa mo dito?" nanlalaking matang tanong ko kay Dave. Andito siya sa harapan ko ngayon. Ngiting ngiti. At nakauniform. Nakauniform ng Bridgeton.
OMG!!! No freaking way! Don't tell me.
"Mag-aaral." nakakalokong ngiting saad niya. Umupo siya sa upuan sa tapat ng inuupuan ko. Kasalukuyan kasi akong nasa library para mag advance reading sa major subjects ko.
Inirapan ko siya. "Sinusundan mo ba ko?" usal ko.
"Di ka kagandahan. Huwag kang assuming." natatawang wika niya.
"Then bakit dito? Bakit sa dinami dami ng University sa buong pilipinas at sa buong mundo, bakit dito pa?" hindi makapaniwalang usal ko.
"Bakit hindi?" aniya.
"Bakit Oo!" sigaw ko.
Sinitsitan ako ng librarian dahil naaagaw na namin ang pansin ng mga estudyanteng nandoon din sa library. Nagtitinginan ang mga ito sa amin ni Dave. Napapahiyang yumuko ako. Ramdam ko ang pag init ng mga pisngi ko.
"I still have that effect on you ha! Pikon ka pa rin. Nice!" aniya "Nagtransfer ako dito dahil sa erpat ko at hindi iyon dahil sa iyo." aniya. "At kaya ako nandito sa harapan mo dahil nakita kita pagpasok ko dito. Hindi ko akalain na dito ka din nag aaral. Sabi kasi ng kaibigan mo pumunta ka daw ng amerika para doon mag aral."
"So kasalanan ko? Dapat ba nagpaalam ako sa iyo?" naiinis na litanya ko.
"Oo." aniya. "Di ba sabi ko sa iyo, you can't get away from me." Inilapit niya ang mukha niya sa akin at tinitigan ako sa mga mata. "And now Louise, Whether you like it or not. I'm keeping that promise." Kinindatan niya ako at mahinang pinitik ang noo ko. "See you again Ms. Nerdy." aniya at mabilis na tumayo sa kinauupuan niya. Kumaway pa ito sa akin bago tuluyang lumabas ng library.
I'm dead. Seriously! Akala ko magkakaroon na ko ng peaceful life. Bakit sinusundan ako ng malas! Tsk.
Sinira ko ang librong binabasa ko at tumungo sa lamesa. Ang saya saya kong gumising kaninang umaga pero mukhang matutulog akong sira ang araw. Si Dave ang kahuli hulihang taong gusto kong makita sa mga dating taong kilala ko. Pero para itong bangungot na bumalik at walang balak mawala pa.
"Lou!" tawag sa akin ng kung sino.
Inangat ko ang ulo ko sa pagkakatungo. At napasimangot ako ng makitang si Andrea, Patricia at Marielle iyon.
Bestfriend ko na sila simula pa noong elementary palang kami. Ngunit mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa noon nasa highschool na kami. Andrea Ferrer is the only daughter of William and Kathleen Ferrer. Kilala ang mga Ferrer sa construction industry dahil isa sa pinakatanyag na constructor ang Daddy ni Andrea. At ang company ni Tito William ang laging kinukuha ni Daddy na constructor sa tuwing may bago itong ipapatayong hotel or restaurant. Ibig sabihin, matalik ding magkaibigan ang mga tatay namin.
Patricia Valdemar is not as rich katulad namin ni Andrea. Sa totoo lang ay anak siya sa labas ng Daddy niya. Dating katulong ni Doña Marissa ang nanay ni Patricia. Si Tita Tricia. Katulad ng mga ibang kwento, ayaw ni Doña Marissa kay Tita Tricia kaya hindi nagkatuluyan si Tito Lance at Tita Tricia. Umalis si Tita Tricia sa puder ni Doña Marissa. Pero ang hindi niya alam ay buntis na siya noon kay Patricia. Pagkatapos ng halos pitong taon ay saka lang nalaman ni Tito Lance na may anak siya kay Tita Tricia. Kahit pa may pamilya na na noon si Tito Lance ay pinanindigan pa rin niya si Patricia. Kaya si Patis ay nakatira sa bahay nila Tito Lance kasama ang stepmother niya at mga stepsister niya. Si Tita Tricia naman ay nanatili sa probinsya nila. Palagi naman nitong kinakausap ni Patis thru videocall. Nagtratrabaho din si Patis bilang cashier sa isang coffee shop na malapit sa University kung saan kami madalas din tumambay. Ayaw niya daw kasing manghingi ng perang ipapadala niya sa Nanay niya kay Tito Lance dahil baka maging masama pa ang dating noon sa stepmother nito.
Si Marielle Ramirez naman ay anak ng kasambahay namin sa mansyon. Siya ang lagi kong kasama simula pagkabata. Ang nag iisang kalaro ko. Ang nag iisang kakampi ko kapag inaaway ako ng mga bata sa subdivision namin. Sa kanilang tatlo si Marielle ang pinaka bestfriend ko. Dahil bukod sabay kaming lumaki ay siya lang din ang nakakaalam lahat ng frustrations ko sa buhay. Si Daddy ang nagpapaaral sa kaniya. Pero ang kapalit 'non ay babantayan din niya ako sa school. Pero ang hindi alam ni Daddy ay si Elle ang kasabwat ko sa lahat ng kalokohan kong patago kong ginagawa. Para na kaming magkapatid ni Elle kaya alam kong mas papanigan niya ako kaysa sa Daddy ko.
"Anyare sa mukha mo? Pwede nang sampayan ng hanger iyang nguso mo." natatawang wika ni Elle at umupo sa tabi ko.
"He's here." walang ganang sagot ko. At nangalumbaba sa harap nilang tatlo.
"Sino?" ani Andeng. At lumingon lingon pa ito sa loob ng library. "Si Papa Enrique ba iyan?" kinikilig na tanong nito. Si Enrique ang isa sa point guard ng basketball team na crush na crush ni Andrea.
"Si Dave." usal ko.
Nanlaki ang mata nilang tatlo. "Dave? As in Dave Skyler Koch?" ani Patis. Tumango ako bilang sagot. "Panong? G*gong iyon! Hanggang dito sinundan ka!" aniya pa.
"Hindi daw niya ko sinundan. Iyon daw gusto ng Daddy niya." sagot ko.
"I doubt it! Alam mo kung di lang talaga ako bwisit diyan sa Dave na iyan iisipin ko talaga may gusto sa iyo iyan Lou." ani Elle. Mas lalo akong napasimangot sa tinuran ni Marielle.
Si Dave magkakagusto sa akin? Baka end of the world na pag mangyari iyon. Tsk!
"Mangdiri ka nga sa sinasabi mo Elle!" saad ko.
"Pero Lou, alam mo bagay kayo ni Dave. Gwapo din naman ang gunggong na iyon eh. Lalo na pag sumayaw? Bessie para siyang si Ken San Jose sumayaw. Ang angas! Ang gwapo!" ani Andeng.
"Ikaw nga umamin sakin Andeng. May gusto ka ba kay Dave?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya.
"Hindi ah! Loyal ako kay Enrique no! Ang sinasabi ko lang bagay kayo. Enemies to lovers! Ang cute." ani Andeng.
"Kakatiktok mo iyan!" ani Patis. "Kung ano anong napupulot mo sa tiktok."
"Excuse me! w*****d iyon! Dreame! Yugto! Mga ganoon. Palibhasa lumang tao ka. My god! Kahit f*******: wala ka." asar ni Andeng kay Patis.
"Atleast di polluted utak ko. Di tulad mo. Puro crushy di ka naman bet!" balik asar ni Patis kay Andeng.
"Na realtalk ka friend!" natatawang usal ko kay Andeng.
"Tama na iyan! Nag aasaran na naman kayo. Tapos mamaya magkakapikunan na naman kayo." ani Elle.
Inismiran lang si Elle nina Patis at Andeng. Ako naman ay tumungo lang ulit sa lamesa at binuklat buklat na lang ang libro sa harapan ko. Pero wala na doon ang isip ko. Kundi na kay Dave na at kung paano ko siya hindi man lang masasalubong sa campus.
Arrgh!! hanggang ngayon sakit ka pa rin sa ulo ko Dave! saad ko sa isip ko at wala sa sariling sinabunutan ko ang buhok ko.
"Mukhang masaya ang mga mangyayari dito." ani Patis.
"Pustahan na?" ani Andeng.
"Mga kaibigan ko ba talaga kayo?" naiinis na usal ko. Ngunit imbes na sagutin nila ako ay sabay sabay pa silang mahinang nagtawanan. At mas lalo pang ginulo ang buhok kong gulo gulo na.
Nice! Very nice!