Chapter Two

1511 Words
"Saan na naman ba tayo pupunta?" tanong ko kay Andeng. Kakatapos lang ng last subject namin. Pagkalabas na pagkalabas ng proctor namin ay hinila niya na agad ako kahit di ko pa tapos ligpitin ang mga gamit ko. Kaya sinalampak ko na lang lahat iyon sa loob ng bag ko. "Elle! Patis! Bilisan niyo naman maglakad. Pagong yarn?" nakapamaywang na saad ni Andeng. "Saan ba kasi tayo pupunta? Hila ka ng hila!" naiinis na wika ko sa kaniya. Binawi ko din ang braso kong hawak niya. "May practice game sila Enrique." kinikilig na wika niya. "Parang iyon lang?" saad ko. Pinandilatan ako ng mata ni Andeng. "Anong iyon lang? Hello Lou! Lou Hello! Si Enrique iyon. The love of my life. My sun and moon, Duh!!" maarteng wika ni Andrea. Hinila ko ang buhok nito. "Aray naman! Mapanakit ka talaga!" "Love of your life, hindi namin! So bakit kasama kami?" ani Patis. Hindi ko namalayan nakalapit na pala sila sa amin. "B-because.. A-ano.." nauutal na wika ni Andeng. "S-support! Di ba pag bestfriends support support. Ganoon!" "Bakit ikaw ba maglalaro?" tanong ni Elle. "Hindi!" sagot niya. "Exactly. So why support?" saad ko. "Support niyo ko sa kalandian ko! Happy?" naaasar na wika ni Andrea. Tinawanan namin siya. Kaya mas lalo siyang naasar at naglakad palayo. Walk out queen amp! saad ko sa isip ko. "Sige na! Support na kami." sigaw ni Patis. Sinundan namin si Andrea at ng maabutan namin ito ay pangiti ngiti na ang g*ga. "Sabi na di niyo ko matitiis eh!" aniya. "Galingan lumandi ah. Pagpatuloy mo yarn!" asar ko sa kaniya. At sabay sabay kaming nagtawanan. Pagdating namin sa gym ay madami dami ding kababaihang istudyante ang nandoon. Sa sobrang dami ay halos mapuno na buong gym. Championship yarn? Basta talaga harot active. napapailing na wika ko sa isip. "Doon tayo! Andoon si Mang Bert." turo ni Andrea. Pumunta kami sa kanang parte ng gym malapit sa bench nila Enrique. Sa sobrang pagkahumaling ni Andrea kay Enrique nagawa pa nitong bayaran si Mang Bert na ireserve siya ng upuan tuwing may practice sila Enrique. Si Mang Bert ang janitor na nakaassign sa paglilinis sa gym. At di biro ang suhol ni Andrea dito. Three thousand every game. Imagine? Baklang bakla ang lola mo. Give kung give. "Practice game pa ba ito o championship? Ang daming tao." ani Elle pagkaupo namin. "Alam ko may tri-out daw ngayon eh." ani Andrea. "O tapos?" ani Patricia. "Boy hunting!" nakangiting wika ni Andrea. Nagkatinginan kami nila Elle at Patis. "Kalandian!" sabay sabay naming usal. "Grabe kayo!" nakangusong wika ni Andrea. Magsasalita pa sana si Patis ng makarinig kami ng sunod sunod na pito. Mukhang magsisimula na ang tri-out dahil madaming mga kalalakihang istudyante ang pumapasok sa loob ng gym. Mga freshman siguro ang mga iyon dahil hindi sila pamilyar sa akin. Saka hindi maingay ang crowd. Dahil kung ang mga ito ay matagal ng taga rito sa Bridgeton hindi iyan pwedeng hindi pagkaguluhan ng mga babae dito lalo na't karamihan sa mga ito ay gwapo talaga. Pinagmasdan ko si Andrea na titig na titig kay Enrique. Mahahalata mo talaga na malaki ang pagkagusto nito kay Enrique. Nakakatuwa siyang pagmasdan habang titig na titig kay Enrique. Pero ang tuwang nararamdaman ko ay napalitan ng pagkagulat ng mahagip ng mata ko ang pamilyar na mukha ng taong huling pumasok sa gym. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Dave iyon. Shemmmss! Varsity nga pala siya sa St. Ignatius! Nagtilian ang mga babae ng makalapit si Dave sa mga kasamahan nitong magta tri-out din. And as I was expected, mukhang tanga itong pabibo na naman sa mga nanonood. May pakaway kaway pa! Ms. Universe yarn? Badtrip! Nang mapalingon ito sa gawi namin nila Andrea ay bigla itong natigilan. Sandali itong parang natulala ngunit pagkalipas ng ilang segundo ay nakabawi din bigla. Unti unti itong ngumiti. Kinawayan niya ako at nag finger heart pa. Iniumang ko sa kaniya ang kamao ko at pinandilatan ito ng mata. Ngunit ang hambog tumawa lang at sabay kindat pa. "Mukhang may kikiligin for todays vidyoww." rinig kong saad ni Andrea. sa tabi ko. Mabilis akong nagbaba ng tingin at kinalma ang sarili. Pag angat ko ng mukha ko ay mataman silang tatlong nakatingin sa akin. "What?" naiinis na tanong ko. "Kikiligin na ba kami for todays vidyoww?" natatawang saad ni Elle. "What the F!" hindi makapaniwalang saad ko. Pinaypayan ko ang mukha ko na animo'y nagbabaga iyon sa init. "Kabagan ka sa sinasabi mo Elle!" "Baka more on kilig!" ani Patis. "Hanep sa finger heart eh! So sino ka dyan?" "Ewan ko sa inyo." naiinis na turan ko. Tumayo ako at akmang aalis na ng hawakan ni Elle ang kamay ko. "Walk out yarn?" aniya. "Bibili lang ako tubig sa canteen. Di pwede mauhaw?" nakataas kilay na sagot ko. Natatawang binitawan niya ang kamay ko. "Bilisan mo lang. Baka hanapin ka ng prince charming mo." aniya sabay nguso sa direksyon ni Dave. Nagulat ako ng makitang nakatingin siya sa amin imbes na nakikinig sa coach na nagsasalita sa harap nila. "Mukhang inlababo ang Kuya mo Dave." natatawang wika ni Patis. "Tse!" saad ko at dire diretso na akong umalis ng gym. Minsan ko pang nilingon si Dave pero nakatuon na ang paningin nito sa coach ng basketball team. __________ Hindi na ako bumalik sa gym pagkagaling ko sa canteen. Sigurado naman payayabangan lang ako ni Dave at aasarin naman ako nila Elle, Patis at Andeng. Dumiretso ako sa field kung saan wala masyadong tao. Siguro walang practice today ang soccer team kaya wala halos nakatambay na istudyante doon. Umupo ako sa isang bench malapit sa ilalim ng puno. Tatambay na muna ako doon dahil ayokong umuwi ng maaga ngayon dahil wala naman akong maabutan na tao doon. Of course bukod sa mga kasambahay namin. Kinuha ko ang compact mirror ko sa bag ko at tiningnan doon ang sarili ko. My Mommy said na I'm pretty. Too pretty to be exact. Masyado daw makapal ang salamin ko kaya natatago non ang ganda ng mga mata ko. At malaki rin iyon kaya natatakpan ang ganda ng mukha ko. She said I should use contact lenses. Nagtry naman ako pero hindi talaga ako komportable. Tinanggal ko ang salamin ko. And then I look in the mirror. My face features are clearly seen without my glasses. I have this hazel eyes that brighten up whenever I smile. Pointed nose that every girls wanted. High cheekbones that close to perfection. And my fuller lips na natural na mamula mula kahit hindi mo lagyan ng liptint o lipstick. Minsan napagkakamalan akong koreana dahil sa kinis ng balat ko. Pero dahil nerdy nga ako sa paningin nang lahat, kokonti lang ang nakakapansin 'non. Binalik ko ang compact mirror ko sa bag. Tumingin ako sa kabuuan ng field. Hindi naman talaga ganoon kalabo ang mata ko. Hindi siya katulad ng iba na hindi na ako makakakita ng malinaw kapag wala ang glasses ko. Actually iyong kapal at laki ng glasses ko ay pinasadya ko. Gusto ko kasi itago ang sarili ko sa mga tao. Ayoko na makilala nila ako dahil lang sa yaman at kapangyarihan ng pamilya ko. Dahil sa twing mangyayari iyon ay ginagamit lang nila ako. Nakikipagkaibigan. Nakikipaglapit para sa sarili nilang kapakanan. Malalim na napabuntong hininga ako. Isusuot ko na sana ang glasses ko ng mapansin kong may taong nakatayo sa harapan ko. "Bakit hindi ka na bumalik?" Tiningala ko si Dave at inirapan ito. "And why the hell I should comeback?" tanong ko. Tinanggal niya ang pagkakasabit ng backpack nito sa balikat niya. At pabagsak na umupo sa tabi ko. Tumingin ito sa malawak na field pagkatapos ay malalim na bumuntong hininga. "Ang pangit ng laro ko kanina." aniya na nakatingin pa rin sa field. Naguguluhang tumingin ako sa kaniya. Is he making a conversation? "Pero kahit ganoon nakapasok pa rin ako sa basketball team." mapait na napangiti siya. "Bakit hindi ka na bumalik?" Hindi pa rin siya tumitingin sa akin. "Wala akong hilig manuod ng basketball. I mean sa sport mismo. Andoon ako dahil hinila lang ako ng kaibigan ko. She's a diehard fan ng isang player ng basketball team." saad ko. "Nakakainggit naman kung sino siya. I hope there someone who would do that for me." wika niya. "Hello! Bulag ka ba? Sa dami ng nagtitiliang babae para saiyo. Naghahangad ka pa? Iba din!" turan ko. Nag uumpisa na naman akong mayabangan sa kaniya. "Naiinis ka na naman." napapailing na wika ni Dave. Nilingon niya ako. At nagkatitigan kami. May pagkamalabo ang itsura niya sa paningin ko dahil far sighted ako. Ilang segundo kaming nakatingin sa isa't isa ng ako mismo ang kusang sumuko. "Don't you ever take off that glasses in front of any man, Louise." ani Dave. Tumayo ito at isinukbit ang bag sa balikat niya. "They may end up falling." Ano daw? saad ko sa isip ko. Naguguluhang sinundan ko siya ng tingin habang papalayo sa akin. Tiningnan ko ang glasses ko na hawak hawak ko. What's wrong with the glasses? Tsk. Huwag kang feeling Lousie. He meant nothing! Nothing!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD