Chapter 5

1452 Words
Keishawn's POV    Alam  niyo iyong pakiramdam na parang may mangyayaring hindi maganda? Hindi ka mapakali sa isang lugar at para kang kiti-kiti na galaw ng galaw. Iyan ang nararamdaman ko ngayon habang nagmamaneho papuntang school. Alam ko na ang sasabihin ko, nag-practice pa ako sa harap ng salamin.    "Isa pang buntong-hininga mo. Itutulak na kita."    I chuckled. Ano bang mahirap sa gagawin ko? Aayain ko lang siyang lumabas mamaya. May hinanda akong surpresa at ito na ang araw na magtatapat ako sa kaniya.    "Dara?"    "Yep?" she said popping the p.    "Will you.. Uhm, can we..? I mean w-"    "Hep! Ano ba kasi?"    "Pwedebatayonglumabasmamaya?" mabilis na sabi ko dahil sa sobrang kaba.    "Huh?"    I groaned. She wants me to say it, slowly. "Pwede ba tayong lumabas mamaya?"    "Oh. Sure! Saan tayo pupunta?"    Yes! "Secret muna, I have a surprise."    "Okay?"    Ngumiti lang ako sa kaniya at hindi na muli pang nagsalita. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa school. Bago siya bumaba ay hinalikan niya muna ako sa pisngi. Nagulat man ay napangiti na rin ako like a love sick puppy.    Nakangiti na akong bumaba at pumasok sa loob. Oh great, now I can't wait for our date.    "''TOL, sigurado ka ba dito?" alangang tanong ni Chiolo habang tinutulungan niya akong mag-ayos ng mesa na kakainan namin ni Dara. Nandito kami sa paborito naming park ni Dara. Gusto kong dito magtapat sa kaniya dahil dito ko siya unang nakilala noong mga bata pa kami.    "Oo, 'tol, siniguro ko naman muna na hindi uulan ngayong araw." sabi ko habang nilalagay ang mga kutsara't tinidor, mga pinggan at mga baso. Napailing na lang siya habang nakatingin sa akin at nilakihan ko lang siya ng mata at tumawa. Nagpatuloy lang siya sa paghahanda ng mga pagkain. Ang swerte ko at may kaibigan akong handang maging waiter namin. Tumingin ako sa orasan at nakita kong isang oras na lang bago dumating si Dara, kaninang uwian ay tinext ko na sa kaniya ang lugar at oras at pumayag naman ito.    Thirty minutes before six ay handa na ang lahat at si Dara na lang ang hinihintay namin. Kinakabahan ako dahil baka hindi ito dumating o kaya naman ay nakalimutan nito. I took a deep breath.    Nakaramdam ako ng tapik sa balikat ko. "'Wag kang kabahan 'tol, darating siya." ngumiti siya at ngumiti rin ako kasabay ng isang tango.    "Wala ka bang dalang violin para mas sweet 'tol?" Biro ko sa kaniya.    He rolled his eyes. "Waiter lang ang tinanguan ko, hindi entertainer." Natatawang sabi nito. Napatingin ako sa langit at biglang kinabahan dahil biglang dumilim ang kalangitan.   "Hala, bakit mukhang uulan? Sabi sa balita ay mababa ang tiyansa na umulan eh."    Napatingin din ito sa ulap. "Oo nga 'no? Alam mo kasi 'tol. Hindi lahat ng balita ay dapat na pinaniniwalaan, wala iyong kadiguraduhan. Parang sa pagmamahal, hindi mo malalaman kung masasaktan o sasaya ka kung hindi ka susugal." Malalim na sabi nito    " 'Tol, panahon usapan na-relate mo pa sa pag-ibig. Ang makata mo talaga kahit kailan." Natatawang sabi ko habang umiiling.   Tumawa rin ito at maya-maya pa ay tumayo para magpatugtog. Narinig kong nagpalipat-lipat siya hanggang sa marinig ko ang isang pamilyar na kanta.    "Wait! Diyan na lang 'tol! Kanta ko iyan para kay Dara." he snorted pero hindi inilipat at umupo na rin sa tabi ko. Napangiti ako habang sumasabay sa kanta.    "I used to know her brother but I never knew I loved her 'til the day she laid her eyes on me."    Naalala ko ang unang beses na pagkikita namin dito sa park..   I huffed while staring outside the window of our car. Bakit hindi nila ako bilhan ng laruan? Gusto ko ng b***l! 'Yung kaibigan konh seven years old din ay may b***l na.   "Awe honey, 'wag ka nang magtampo. Hindi pa kasi pwede sa'yo ang b***l-barilan eh. Kapag lumaki ka pa ay bibili tayo ng marami ha?" My mother told me sweetly and she kissed me on my cheeks. I pouted but said nothing.    Pupunta kami ngayon sa bahay nila Kuya Paulo, gusto ko itong kalaro dahil mabait ito at cool. Excited akong pumunta sa kanila dahil umuwi na daw ang kapatid niya galing ng America, hindi ko pa ito nakikita pero natutuwa ako dahil mas bata ito sa akin. I've always wanted to have a little sister.    Huminto ang sasakyan namin at dali-dali na akong bumaba at tumakbo papasok sa loob ng bahay nika kuya Paulo. Hinanap ko agad ang batang babae pero ganoon na lang ang lungkot ko ng wala akong nakita.    Lumapit sa akin ang Mama ni Kuya Paulo. "Sweetheart, what's wrong?"    "Where's the little girl?"    "Oh, Dara? Come with me, she's with her Kuya playing." Nakangiti niya akong hinawakan sa kamay at lumabas na.    Habang naglalakad ay sinasabi ni Tita sa akin na mabait, maganda at sweet na bata si Dara.   Huminto kami sa tapat ng isang park. Napatigil ako at nakatingin sa magkapatid na naglalaro.   "She's cute."   Ngumiti sa akin si Tita at sinabing pumunta na ako doon at makipaglaro. Napatigil sa paglalaro ang magkapatid ng makita akong papalapit.   "Hi Shawn!".Masayang bati ni Kuya Paulo na kinawayan ko lang. "Dara, meet Keishawn, Keishawn meet my little sister Sandara."     Dara smiled cutely at me. Her chubby cheeks are red and I want to pinch it. "Eyou, Shawn."    She giggled and I found myself smiling. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. She's so cute I want to take her home with me.   "Hello Dara. You're cute."   She giggled again. "And so are you."   Nakipaglaro ako sa kanila maghapon at sobrang saya ko.    Nakaramdam ako ng lungkot ng sabihin ni Mommy na uuwi na kami. Naglakad na kami palabas ng matigilan ako sa pagtawag ni Dara sa pangalan ko.   Lumapit ito sa akin at niyakap ako. Dahil mas malaki ako sa kaniya ay nakatingala siya sa akin. "I want you to be my bestfriend."    My eyes lit up and I smiled. "Bestfriends."    Tinaas niya ang pinky finger niya at inilapit ito sa akin. Nakangiti ko namang inilapit ang pinky finger ko sa kaniya at pinagdikit iyon.   "Forever."    I was snapped out of my thoughts ng alugin ako ni Chiolo at sabihing alas-sais na. Ang kaninang kaba ko ay bumalik na naman. Sandali na lang at nandito na siya, ano kayang magiging reaksyon niya? Papayag kaya siyang magpaligaw sa akin?   Fifteen minutes. It's normal dahil babae siya, matagal silang mag-ayos.    Thirty minutes. Nakalimutan niya siguro at ngayon pa lang naghahanda.Tsaka sa school siya manggagaling. Tumingin ako sa phone ko hoping to see a message from her. Pero wala.    Isang oras. Hindi na ata siya darating. Pero hindi maghihintay pa ako kahit saglit.    "'Tol, hindi na yata siya darating. Baka may importanteng ginawa? Tara na."   Mariin akong umiling. "Hindi 'tol, darating siya. Alam ko darating siya. Sige mauna ka na, ako na ang bahala. Salamat sa tulong 'tol." Pilit akong ngumiti sa kaniya. Hindi sana ito papayag pero nakatanggap ito ng tawag mula sa bahay nila at kinailangan umuwi.    Pabuntong-hininga akong naupo sa upuang hinanda namin para sa amin ni Dara.    Darating pa siya diba? Darating siya at magso-sorry dahil na-late siya.    Two hours. Hindi na siya darating. Niligpit ko na ang lahat ng ginamit namin at nilagay ito sa kotse ko.    Pero paano kung may masama pa lang nangyari sa kaniya kaya hindi siya nagte-text o tumatawag?    Sa naisip ay agad akong naglakad papunta sa bahay nila dahil malapit lang ito rito. Magbabakasakali akong naroon na ito, wala akong paki kung nakalimutan nga niya ang usapan namin basta ligtas lang siya.    "Shit." Mahinang mura ko ng biglang bumuhod ang malakas na ulan. Imbes na bumalik sa kotse ay naglatuloy ako sa paglalakad papunta sa bahay nila Dara.    Malapit na ako sa bahay nila ng may humintong kotse sa tapat nila at ganoon na lang ang tuwa ko ng makita si Dara na bumaba dito na nakapayong. Buti at walang nangyaring masama sa kaniya.    Pero ganoon na lang din ang gulat ko ng  bumaba rin si Lucas at sumukob sa payong ni Dara.   Ilang minuto silang nag-usap hanggang makita ko na lang na hinalikan siya sa labi ni Lucas na tinugon naman ng huli. Parang tumigil ang mundo ko at namanhid na ang katawan ko. Hindi ko maramdaman ang lamig na dulot ng ulan. Parang pinipiga ang puso ko, sinasaksak at inaapakapakan.    Anong ibig sabihin nito? Huli na ang lahat?   Tanga ako dahil kahit abot ko na siya, nandito lang siya sa tabi ko ay binalewala ko lang, hindi ko siya naipaglaban, bakit? Dahik duwag ako!    At ngayon ay huli na ang lahat. Wala na akong pag-asa pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD