Chapter 4

1215 Words
Keishawn’s POV I’m currently plotting Lucas’s death inside my head while looking at them talking outside my classroom. Ilang araw matapos pumayag si Dara na ligawan siya ni Lucas at nakita ko kung paano sila maging close. Nakita ko kung paano ngumiti at tumawa si Dara. Masarap sa pakiramdam na makita siyang masaya. Pero masakit dahil hindi ako ang dahilan ng mga ngiti niya, nang bawat pagtawa niya. It should have been me. Ako dapat ang kasama niya, ang nagpapasaya sa kaniya. Sa akin dapat siya nakatingin pero bakit hindi ako? Dahil duwag ako, torpe. Naduwag ako kaya ngayon ay maari na siyang maagaw sa akin. Ang masakit, wala akong magagawa kapag nangyari iyon. Tunog ng bell ang nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Pabuntong-hininga akong tumayo. Wala akong matandaan kahit anu man sa tinuro ng professor. Anong magagawa ko? Sinakop na niya ang buong isipan ko. “Shawn!” Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Ate Bianca kasama ang grupo niya. Baka girls. Bakit Baka girls? Hindi dahil sa mga ‘idiot’ sila kundi dahil sa paborito nilang sabihin na. ‘Oo nga.’ Isa silang grupo na binubuo ng anim na magaganda pero baliw na babae. Inintay ko silang makalapit sa akin, si Ate Charlyn with her nerdy look, she’s senior like Ate Bianca, Jasmin with her amazona look, she’s a very smart girl, second year like me and lastly Ate Leonie with her usual ‘wala akong pakialam’ look. Did I mention that Dara is also a member of this group? My bad. Lima lang sila dahil ang isang member nila na si Ate Aly ay may trabaho na. “What do you want, Ate?” “Aww baby bro, what crawled up your a*s and died? Eh, gusto ko lang kamustahin ang baby bro ko.” Nakangiti nitong sabi. Tinignan ko siya ng mapagdudang tingin, don’t get me wrong I love my sister pero alam ko ang ugali nito. “I know you Ate. Ano ang kailangan mo?” Lumapit ito sa akin at umakbay. “Kilala mo talaga ako Spawn. Eh, kasi may lakad kami. Ang kotse ko ay sira so... Pahiram ng kotse?” Sabi ko na nga ba eh. “Paano naman ako uuwi? Wala ba silang kotse?” iritang sabi ko sa kaniya sabay turo sa mga kaibigan niya. Jasmin rolled her eyes and flips her hair. “I’m grounded.” Tumingin ako kay Ate Charlyn. Nilakihan naman ako ng mata nito. “Mukha bang marunong akong mag-drive? Sampalin kaya kita ng kamote?” Si Ate Leonie naman ay tahimik lang habang tinitignan ang kuko niya. “Bakit mo na nga ulit sila kaibigan?” I sighed. “Kasi maganda kami, right girls?” “Oo nga!” Kinuha ko ang susi ko sa bulsa at ibinigay kay Ate Bianca. Ngumiti ito at nagpasalamat bago sila tuluyang umalis. Paano ako uuwi nito? Sasabay na lang siguro ako kay Chiolo.  Naglakad na ako papuntang cafeteria at nakita kong naghihintay na silang tatlo doon. “Hey guys.” Walang gana kong sabi sa kanila at naupo na sa tabi ni Chiolo. Nagtataka silang tumingin sa akin. “Hey bro, bakit ang lata mo ata? Anyway nag-order na ako para sa’yo.” “Salamat Chi, oo nga pala pwede bang sumabay sa’yo pag-uwi?” “Aw bro, may date ako ngayon sorry. Bakit anong nangyari sa kotse mo?” “Hiniram ni Ate, may lakad silang mga Baka. Tss.” Iritang sabi ko habang nilalaro ang straw ng soft drink ko. Bumaling ako kay Dara. “Bakit ’di ka ata kasama sa kanila?” kaswal na sabi ko sabay sipsip sa baso ko. “Inaya akong lumabas ni Lucas eh.” Naibuga ko bigla ang iniinom ko at natamaan ang katapat kong si Nicole. Tumili ito at pinunasan ang mukha. “s**t, sorry Nic! Hindi ko sinasadya.” taranta kong sabi sabay tulong sa kaniya para punasan ang mukha nito. Narinig ko namang nagtawanan si Dara at Chiolo. Nang masiguro kong ayos na ito ay bumalik na ako sa upuan ko. “Oh god, that is so hilarious! Spit on my face! Haha!” tumatawang sabi ni Chiolo na sinamaan lang ng tingin ni Nicole. Hindi ko naman magawang sumali sa tawanan nila dahil sa sinabi ni Dara. Lalabas sila, date. With lucas. “Hello there guys. Hi Dara.” Napapikit naman ako. Say the name of the devil and he shall appear. “Hi Lucas!” narinig kong bati ni Dara dito at nang tignan ko siya ay nakangiti ito kay Lucas. I want you to look at me like that, not with him. Not with anyone else. I don’t want to lose you. “Hello my dear, gusto ko lang itanong kung tuloy ba tayo mamaya?” “Of course! Pero pwede bang isabay natin si Shawn pag-uwi? Wala siyang kasabay eh. Please?” Oh, hell no! No way in hell. “No! I mean, ayos lang ako, uh mamamasahe na lang ako.” “Uh-huh, last time na namasahe ka nakarating ka ng Quezon at nawalan ka ng cellphone. Shawn, pumayag ka na. I’m sure okay lang kay Lucas. Right?” Baling nito kay Lucas. Tumingin rin ako rito. “Sure. Walang problema, ang kaibigan mo ay kaibigan ko na rin.” sabi nito sabay ngiti ng nakakaloko sa akin. Jerk. “See? Ang bait niya hindi ba? Ano Shawn, payag ka na?” Dahil gusto ko rin namang bantayan siya at makita kung paano niya tratuhin si Dara ay pumayag na ako. UWIAN na at hinihintay ko na lang matapos ang klase ni Dara at sabay daw kaming pupunta sa kotse ni Lucas. Habang hinihintay si Dara ay hindi ko maiwasang isipin na paano kung ako ang nanliligaw ngayon sa kaniya? Hinihintay ko siya at dadalin ko siya sa isang magandang lugar. “Hoy! Nakakailang tawag na ako sa’yo Shawn, halika na at baka andun na si Lucas, ayoko siyang paghintayin.” sabi nito at nauna ng maglakad. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya. Pagdating namin sa parking lot ay nakita ko agad ang sasakyan ni Lucas at nakasandal naman ang ito rito. “Hi Lucas! Sorry natagalan kami.” “Ayos lang, kakarating ko lang din. Tara na?” tumango lang si Dara at ngumiti. Pinagbuksan niya ito ng pinto sa passenger seat at sinabihan akong sa likod sumakay. Kahit labag sa loob ay pumasok ako at nagmaneho na ito. Tahimik lang ako at sila ay panay ang kwentuhan, pinagmasdan ko sila. Mukhang close na close na ang mga ito. At parang hindi ang kilalang playboy at badboy ang kaharap ko ngayon. Siguro nga ay gusto talaga nito si Dara. “SO, magpaparaya ka na lang, ganun? Hahayaan mo na siyang mapunta kay Lucas?” sabi ni Chiolo sa kabilang linya. Pagkahatid nila sa akin ay tinawagan ko ito at sinabi ang mga nakita ko. “Hindi ko alam. Mukhang masaya naman siya eh at mukhang seryoso si Lucas sa kaniya. Sino ako para hadlangan at sirain iyon?” “Sino ka? Ikaw ang unang nagmahal kay Dara.” Napabuntong hininga na lang ako. “’Tol, ikaw ba iyan? Anong nangyari? Nasaan na ’yung Shawn na hindi marunong magparaya at ginagawa ang lahat makuha lang ang gusto?” “Nandito pa rin. Natuto lang siya at naduwag.” “Duwag ka nga. Duwag ka dahil susuko ka na lang ng hindi mo nasasabi sa kaniya ang nararamdaman mo.” “Duwag na ba ako dahil sa gusto ko siyang maging masaya sa piling ng taong kaya siyang mahalin at pasayahin? Duwag na ba ako dahil sa hindi ko masabi sa kaniya ang nararamdaman ko dahil ayoko siyang maguluhan?” Natahimik ito sa kabilang linya. “Siguro kailangan ko na lang mag-move on. Maghanap ng babaeng pwedeng pumalit sa kaniya.” “Manggagamit ka naman ngayon? ’Tol naman. Hindi tandaan mo, Love will find you, not the other way around.” Pinatay ko na ang linya Tama siya. Hindi solusyon ang maghanap ng iba. Siguro ay oras na para lumaban ako. Oras na para sabihin ko sa kaniya ang nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD