"MEANT TO BE"
EPISODE 17.
A man is standing and blankly staring at the back of his glass wall office while drinking a wine. He's in his mid-fourties pero halatang makisig pa rin. Naiisip niya ang Pilipinas. Naiisip niya ang kanyang anak na iniwan niya when he decided to return to his hometown, which is in the United States of America.
“It's been twenty years. He could have been here with me if I waited. I could have get him.”
The man whisper with agony.
“I'm sorry, son. But I promise I'll get back and find you. And I'll bring you here.”
The man added promising not only to his son but also to himself.
(Tok! Tok! Tok!)
He then slightly look towards the door when he heard a knock at inayos ang emosyong makikita sa mukha niya.
“Come in.”
He said with authority in his voice and return to sit on his chair. Inilapag niya din muna sa mesa ang hawak niyang basong may lamang wine.
“Mr. Anderson?.”
Said the man who enters and bow as a sign of respect. Tinawagan niya kasi ito at pinapunta sa opisina niya. Ito din ang pinagkakatiwalaan niya sa lahat ng bagay, private or not. Magkasosyo din sila sa negosyo.
“Hance, stop with your formality. There's only two of us here.”
Saad niya dito dahil bukod sa kasosyo niya ito sa negosyo ay bestfriend niya din ito. Alam din nito ang lahat tungkol sa kanya. At first name basis sila kapag silang dalawa lang.
“Haha come on, Steven! You're always ruining my entrance! You could have answered "Mr. Johnson, sit down.".”
Tawang saad pa nito mimicking his voice na pinalalim pa ang boses. Naiiling naman siya sa ginagawa nito.
“Anyway, what's the matter, man? Urgently asking me here, I'm sure you had a valid reason.”
Dagdag pa nito na nag-seryoso na din at umupo sa harap niya . Napabuntong hininga naman siya bago sumagot.
“I wanna ask you a small favor. And I hope I could trust you with this.”
Umpisa niyang saad dito at mataman itong tiningnan sa mga mata.
“We're best buddies, so of course.”
Sagot naman nito.
“I wanna ask a two months leave. And I want you to handle everything.”
Saad na niya na nagpanganga dito.
“I wanna go back to the Philippines and find my son. I already booked a flight, it would be three days from now.”
Nagsusumamong saad niya pa.
“Man.. you could've consult me, first.”
Hindi makapaniwalang saad ng kaibigan niya dahil sa narinig.
“Two months won't be enough. You won't find him in that short period of time. Imagine the population of the Philippines. Not to mention the fact that you abandoned the woman without knowing her address.”
Nag-aalalang saad nito na naiiling.
“I couldn't wait no more, man. And I'm sure.. there's a lot of way to find them.”
Frustrated niya na ding saad.
“Then find them. But not now! You're two months would be a waste if you insist. Let's finish our deal with Mr. Martins, first. Then after that, you can leave and get back anytime you want. I won't stop you by then.”
Pangungumbinsing saad pa ng bestfriend niya.
“You know how hard Mr. Martins to handle. He would back out the moment he hears you left.”
Saad pa nito.
Napayuko naman siya at naisip na tama ang sinabi ng kaibigan. Nadala siya ng pangungulila kaya hindi niya napigilang mag-isip na umalis nang hindi naiisip ang mga pwedeng mangyari.
★★★★★
Lumipas ang isang araw pero hindi pa rin nagigising si Wilma. Nag-aalala naman si Kristine dito pero binigyan naman siya ng assurance ni Doc. Lorenz na magigising ang Nanay niya. Kailangan lang nitong magpahinga dahil sa hindi ganun kadaling operasyon nito.
Nakapagpaalam na din siya sa mga teacher niya na hindi muna siya makakapasok dahil sa nangyari sa kanyang Nanay. Naintindihan naman siya ng mga ito. Ang mga kaibigan niya ay naitext niya nalang din dahil hindi niya sila naabutan sa kanilang eskwelahan.
At dahil sa nangyaring sagutan ay hindi nagpapansinan sina Kristine at CJ. Napansin naman iyon ni Vincent pero hindi nalang din siya nangialam.
(Tok! Tok! Tok!)
Napatingin silang lahat sa pinto ng makarinig ng katok mula dito. Si Vincent na din ang tumayo at nagbukas nito ng makitang walang balak na tumayo sina CJ at Kristine na nasa magkabilang side ng kwarto nakaupo.
“Sissy.”
Medyo nagulat pa si Kristine nang makita ang mga sissy niya nang pumasok ang mga ito. Pero napangiti at napalapit din siya sa kanila. Nagkumustahan din sila na akala mo ilang buwan na silang hindi nagkikita. Naglakad naman si Vincent papunta kay CJ at umupo sa may tabi nito.
“Anyway sis, kumusta na ang Nanay mo? Nagising na ba siya?.”
Nag-aalalang tanong ni Isabelle nang mapatingin sa kama at makita si Wilma. Hindi pa din sila nakakaupo.
“Hindi pa nga sis eh. Pero magigising din naman daw si Nanay. Kailangan lang magpahinga ng konti.”
Ngiting saad naman ni Kristine kaya napatango-tango ang tatlo.
“Ay sis, ito nga pala oh. Nagdala kami ng mga prutas.”
Singit naman ni Kathlyn at inabot ang mga prutas.
“Oh salamat mga sis, nag-abala pa kayo. Tara, maupo na muna kayo.”
Saad ni Kristine at aya sa mga itong maupo.
“Oohh.. sis.. who's that handsome over there, hmmm?.”
Medyo pilyong tanong ni Jessa na napataas-baba pa ng kilay kay Kristine nang mapatingin sa kabilang side nang kanilang kinaroroonan.
“Ah.. Eh.. CJ, mga kaibigan ko nga pala, si Jessa, Kathlyn at Isabelle. Girls, si CJ at ang mga kapatid ko, si Vincent at Wina.”
Pagpapakilala ni Kristine sa mga ito na tinuro isa-isa kahit pa medyo nao-awkward siya. Nasa tabi niya din ang bunsong si Wina.
“Hi”
Bati naman ng mga kaibigan ni Kristine kay si CJ na nakangiti. Tumango lang din naman si CJ bilang sagot at nag-hello naman ang dalawang bata.
“In fairness kahit masungit eh ang gwapo sis ah. Don't tell us jowa mo?.”
Usisa pa ni Jessa kay Kristine.
“Baliw ka sis, hindi ah. Nakita ni Nanay sa may ilog. Naaksidente. At lesbian din siya.”
Ikling paliwanag ni Kristine na napapasulyap pa kay CJ. Wala din siyang balak sabihin sa mga ito ang tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa. Wala namang pakialam si CJ na pumikit lang at sumandal sa pader.
“Aaaahhhh...”
Reaksyon naman ng mga kaibigan niya na medyo nagulat pa nang malamang lesbian si CJ. Wala kasi sa mukha at katawan nito.
“Single daw ba siya, sis?.”
Muling tanong pa ni Jessa.
“Hoy tumigil ka nga, sis! Masyado kang nagpapahalata diyan eh.”
Saway naman dito ni Kathlyn.
“To naman nagtatanong lang eh.”
Parang batang pout naman ni Jessa. Napailing naman sina Kristine at Isabelle dahil dito.
Nagtagal ng ilang oras ang mga kaibigan ni Kristine kaya naman nakahanap siya ng mga pasaway na kausap. Kahit papaano ay naibsan din ang lungkot na nararamdaman niya dahil sa kakulitan ng mga ito.
★★★★★
Patingin-tingin ang isang tao sa bahay nila Kristine pero wala siyang makita kahit anino ng sinuman dito.
“Ali, pwede pong magtanong?.”
Tanong niya sa masungit na Aling nagpapaypay sa sarili habang nakatayo sa katabing bahay nila Kristine. Tumango naman ito at tumaas ng kilay.
“Alam niyo po ba kung nasaan yung mga tao dito? Kung saan po sila pumunta?.”
Tanong niya pa habang nakaturo sa bahay nila Kristine.
Tiningnan naman siya ng Ali mula ulo hanggang paa. Nang makita nitong tila mapera siya ay binuka nito ang palad paharap sa kanya.
“Hmmm-hmmmm..”
Galaw pa nito ng kamay na tila sinasabing maglagay muna siya ng pera.
“Ano po?.”
Kunot-noong tanong niya naman dito na hindi agad naka-gets.
“Aaarrggh... Maglagay ka muna ng pera sa kamay ko bago ko sabihin sayo. Ano ba yan, ang bobo mo naman.”
Medyo inis pang saad ng Ali na napapakamot ng ulo.
“A-Ah, okay.”
Saad niya naman at mabilis na naglagay ng ilang libo sa kamay nito.
“Nasaan po sila?.”
Muling tanong niya pa dito habang nakangiti itong nagbibilang ng pera.
“Nasa hospital.”
Walang ganang sagot pa ng Ali na halatang tuwang-tuwa sa perang natanggap.
“Saan pong hospital?.”
Napatingin ang Ali sa kanya nang muli siyang magtanong. Napakunot din ang noo niya nang muli na naman nitong binuka ang palad paharap sa kanya. Wala naman siyang nagawa kundi ang maglagay ng pera.
“Sa General City Hospital.”
Muli ay walang gana nitong sagot at muling nagbilang ng perang natanggap niya.
Pagkarinig sa sagot ng Ali ay nagmadali siyang umalis para pumunta sa General City Hospital.
“Rosa, halika nga dito. Asan na yung bago kong T-Shirt?.”
Napatingin ang Ali sa loob ng kanilang bahay ng may sumigaw dito.
“Aba'y wag ako ang hanapan mong hinayupak ka! Pakialam ko sa damit mo!.”
Sagot naman ni Aling Rosa na walang iba kundi ang nagmamay-ari sa bahay na inuupahan nila Kristine.
Yamot na nagmaneho paalis ang babae nang malaman niyang ilang araw ng hindi umuuwi si CJ sa kanilang bahay. Naiinis siya sa isiping baka pinagtataguan lang siya nito.
“Aaaarrrrggghhhh!!! Damn you, CJ! You better show yourself up before I'd be more upset!.”
Galit pa nitong sigaw sa loob ng sasakyan niya at napapahigpit ng hawak sa manibela.
(Riiinnnggg... Riiinnnggg... Riiinnnggg...)
Napatingin siya sa kanyang phone nang makitang may tumatawag. Nag-suot siya ng earphone at sinagot ito.
“Hello?.”
Medyo inis niya pang sagot nang hindi tinitingnan kung sino ang tumawag.
“Hey babe? Where are you? Bakit bigla kang umalis?.”
Tanong nang nasa kabilang linya na agad niyang nabosesan na walang iba kundi ang jowa niya.
“Aah.. Eh.. I'm sorry, babe. I had an urgent meeting to attend to. I promise I'll ultimately make it up to you.”
Malambing na saad niya pa nang mahimigan ang pagtatampo sa boses ng kanyang jowa.
“You could have wait for me before you left.”
Nagtatampong saad pa rin nito.
Pero patuloy naman itong nilambing ng babae kaya makailang minuto lang din ay naging smooth na din ito at nangingiti na rin hanggang sa matapos ang kanilang pag-uusap.
“Stupid! You're not the one I want! Tsk!.”
Inis pang saad ng babae pagkatanggal niya ng earphone sa tenga niya.
Hanggang sa magpatuloy na siya sa pagmamaneho. Muli niya namang sinubukang tawagan ang number ni CJ pero ilang beses niya na itong paulit-ulit na tinawagan ay hindi niya pa rin ito makontak.
“AAARRRGGGHHH!!!.”
Inis niya na namang sigaw at napabilis ang takbo ng pagmamaneho.
Pero napalaki ang mga mata niya nang makita ang tatlong motor na papasalubong sa kanya.
“AAAAAAAAHHHHHH!!!.”
Malakas niya pang sigaw na hindi na alam kung anong gagawin dahil sa kabang nararamdaman. Maging ang mga tao ay napapaiwas at napalaki ang mga mata dahil sa nakikita.
(SCCCRRREEETTTCCCHHH!!!)
(BLAG!)
Napasigaw ang mga tao at malakas na napapreno ang babae pero huli na dahil nabangga na siya sa pader ng isang establishemento. Napadaing ang ilang mga natamaan habang napabangon naman ang ibang napatalon nang sila'y umiwas.
“Aaarrrhhh...”
Impit na daing ng babae at napahawak sa ulo niyang nasugatan dahil sa pagtama sa salamin ng kanyang sasakyan. Natakot pa siya ng makakita ng dugo.
Agad na napatawag ng ambulansya ang isang concern citizen dahil sa nakitang aksidente. Napapamura naman ang babae dail sa sakit na nararamdaman at dugong nakikita.
Makalipas lang ang ilang minuto ay agad na rumesponde ang Ambulansya at dinala ang mga nasaktan sa Hospital.
Ilang oras ng nangangalay ang pwet ni CJ kakaupo. Wala naman siyang nagagawa maliban sa pag-upo. Napapasulyap lang din siya kay Kristine na kasalukuyang nagbabalat ng mansanas para sa dalawang bata.
“Hrrmm..”
Agad silang napatingin kay Wilma nang makarinig ng mahinang ungol mula dito.
“Hrrrmmmm..”
Nang muli itong umungol ay agad na silang napalapit dito. Magkabilaan din ang pwesto nina CJ at Kristine, nasa kanan si CJ habang nasa may kaliwa naman si Kristine.
“Nay!.”
Tawag pansin pa dito ni Kristine at napangiti nang makitang unti-unti na nitong minumulat ang mga mata.
“Nanay!.”
Masayang saad pa ng dalawang bata habang si CJ naman ay masayang nakatingin lang kay Wilma.
Nang tuluyang maimulat ni Wilma ang mga mata niya ay lalong napangiti si Kristine. Napaiyak pa siya dahil sa saya. Maging ang dalawang bata ay napapatalon sa tuwa at si CJ naman ay napangiti.
“N..Nay..”
Garagal na boses pang saad ni Kristine na hinawakan at hinalikan ang kaliwang kamay ni Wilma.
“Room five, zero, five, the patient's conscious. I repeat, room five, zero, five, the patient's conscious.”
Agad na tawag naman ni CJ sa intercom na naroon para ipaalam sa mga Nurse o di kaya'y sa Doctor na gising na ang pasyente.
Pagkarinig ng Nurse sa sinabi ni CJ ay agad nilang ininform si Doc. Lorenz kaya agad din itong pumunta kasama ang ilang Nurse sa Room 505 kung saan naka-confine si Wilma. Agad niya ding tiningnan ang mga mata ni Wilma para suriin ito. Naka-oxygen pa din ito.
“Mrs. Amante, can you hear me? Tumango po kayo kung naririnig niyo ako.”
Tanong at saad pa ni Doc. Lorenz kay Wilma. Kinabahan naman si Kristine nang makitang walang reaksyon ang Nanay niya sa tanong ni Doc. Lorenz.
“Mrs. Amante, can you hear me? Please tumango po kayo kung naririnig niyo ako.”
Muling tanong ni Doc. Lorenz kay Wilma nang hindi ito gumalaw.
Pigil hiningang naghintay si Kristine ng ilang sandali hanggang sa makita nilang dahan-dahang binaba-taas ni Wilma ang ulo niya. Napahinga ng maluwang si Kristine dahil dito at napangiti din si Doc. Lorenz.
“Mrs. Amante, nakikita niyo po ba ang kamay ko? Tumango po kayo kung nakikita niyo.”
Tanong pa ni Doc. Lorenz kay Wilma na pinakita ang kamay.
Nakita naman nilang dahan-dahang tumango si Wilma. Tila natanggal ang tinik sa lalamunan ni Kristine dahil dito.
“Good job, Mrs. Amante. Good job and welcome back.”
Ngiting saad pa ni Doc. Lorenz kay Wilma saka tumayo ng tuwid.
“Congrats, she's responsive. And her senses are seems to be working good. She'll recover in no time.”
Saad pa ni Doc. Lorenz kay Kristine at napatitig kay CJ.
“Thank you po, Doc.”
Muling pasalamat pa ni Kristine dito.
“Just give her time to rest. Excuse me.”
Tango-tangong saad naman ni Doc. Lorenz saka umalis kasama ang mga Nurse pagkatapos nilang maicheck ang vital signs ni Wilma.
Masayang muling napalapit si Kristine sa Nanay niya at kinausap ito ng kinausap. Maging ang dalawa niyang kapatid ay masayang napapakwento din dito ng kung ano-ano. Hindi pa din kasi ito nakakapagsalita pero makikita naman sa mga mata nito ang liwanag at saya na nangangahulugang maayos na ang pakiramdam nito.
“You did a great job, Nay. Bilisan niyo na pong gumaling at magpalakas para makauwi na po kayo at makapagkwentuhan na tayo.”
Napatingin pa si Kristine kay CJ nang magsalita ito ng nakangiti at humawak sa kanang kamay ni Wilma. Nakita din nilang tumango si Wilma.
Makalipas ang ilang minutong pakikinig ni Wilma sa pagkwekwento nina Kristine, Vincent at Wina ay nakita nilang pumipikit-pikit na ang mga mata nito.
“Nay? Nay?.”
Muling nagpanic naman si Kristine at ang dalawa niyang kapatid dahil dito.
“Let her be. Kailangan niya pang magpahinga. Matutulog lang siya.”
Saad naman ni CJ kaya kumalma naman si Kristine nang makitang tumango ang Nanay niya sa sinabi ni CJ. Napangiti na din si Kristine at hinaplos ang pisngi ng Nanay niya.
(Tok! Tok! Tok!)
Makalipas lang din ang ilang minuto ay muli silang napatingin sa pinto nang may kumatok mula dito. Si Kristine na din ang nagpasyang magbukas nito.
“Hi.”
Nakangiting bati ng kanilang bisita.
“J-Jake, ikaw pala. Pasok ka.”
Gulat na saad naman ni Kristine dito pero pinapasok pa rin ito.
Nang makita ni CJ kung sino ang pumasok ay agad na napakunot ang noo niya. Halatang hindi niya gusto ang dumating.
“Ah. Here. I brought fruits. Nagdala din ako ng pagkain para sa mga bata.”
Ngiting saad pa ni Jake kaya nagpasalamat na din si Kristine saka kinuha ang mga inabot nito at inilagay sa mesa. Nagpasalamat din ang dalawang bata na nagsimula na ding kumain. Inaya pa ni Vincent si CJ na kumain pero umiling lang ito.
-“Suuss! Masyadong pabilib! Eh kaya ko din namang bilhin yang mga yan! Tsk!”-
Isip pa ni CJ habang nakatingin sa mga dala ni Jake.
“Nga pala, wala ka bang pasok ngayon?.”
Tanong ni Kristine kay Jake nang makaupo na sila.
“Ah.. Eh..”
Hindi naman nakasagot si Jake na nahihiyang napakamot sa ulo. Naghintay naman si Kristine ng sagot niya.
“Eh kasi.. gusto kitang makita eh at kumustahin yung Nanay mo kaya ako napapunta dito.”
Nahihiyang saad pa nito.
“Sa madaling salita, umabsent ka.”
Hula naman ni Kristine na siyang tinanguan naman ni Jake at ngumiti ng alanganin. Natutuwa naman si Kristine sa intensyon ng pag-absent nito pero hindi niya pa rin gustong umabsent ito.
“Hindi mo naman kailangang umabsent eh. Pwede ka namang pumunta dito kapag lunch break o di kaya'y sa vacant mo nalang.”
Saad pa ni Kristine.
“Yes, ma'am! Hindi na po mauulit.”
Birong saludo naman ni Jake kaya napangiti nalang si Kristine at napailing.
Hanggang sa mag-usap na din sila ng kung ano-ano. Naikwento din ni Kristine na nagising na ang Nanay niya kaya laking tuwa din nito. Natutuwa naman si Kristine sa presensya ni Jake habang naiinis naman si CJ sa kanyang nakikita.
“Vincent, labas lang ako saglit.”
Paalam na ni CJ nang hindi na makatiis dahil sa inis sa kanyang nakikita. Napatingin din sa kanya si Kristine nang marinig ang pagpapaalam niya.
“Sama ako, Atkuy.”
Saad naman ni Vincent na nakaupo lang din sa tabi niya. Umupo kasi ito sa tabi niya pagkatapos nitong kumain.
“Wag na, dito ka nalang. Bantayan mo yung ate mo.”
Saad naman ni CJ na binulong ang huling sinabi. Tumango naman si Vincent at napangiti kaya lumabas na din siya. Napatingin pa si Kristine kay CJ pero hindi manlang ito napasulyap o nagpaalam sa kanya.
“Nakakainis! Akala mo gwapo, eh mukha namang kwago! Tsk!.”
Bubulong-bulong pang saad ni CJ habang naglalakad.
Nagpasya siyang lumabas ng Hospital at pumunta ng Garden na nasa likod nito. Nagpahangin siya at pinakalma ang sarili habang nakaupo sa upuang naroon.
“Damn! Ano bang nangyayari sakin? Tsk! Bakit ba ako naiinis?! Aarrgghh!.”
Inis pang bulong ni CJ sa sarili niya na napahilamos ng mukha at napabuntong hininga.
Nagpalipas din siya ng ilang minuto para lalong mawala ang inis na nararamdaman niya. Makalipas ang dalawampung minuto ay nagpasya na siyang bumalik sa itaas.
Nagmadaling bumaba ang isang tao pababa ng kanyang sasakyan pagkadating niya ng Hospital galing sa bahay nila Kristine. Agad din siyang lumapit sa reception area para magtanong dito.
“Excuse me, miss. May naka-confine po ba ditong Wilma Amante? Anong room po siya?.”
Tanong niya sa receptionist.
“Kaano-ano ka po nila?.”
Tanong naman ng receptionist. Agad naman siyang napaisip dahil dito.
“A-Anak niya po ako.”
Sagot niya pa. Napatitig naman sa kanya ang receptionist na tila nagdadalawang isip pero nakumbinsi din ng makitang tila nagmamakaawa ang tinging pinupukol niya.
“Room five, zero, five po.”
Sagot na ng receptionist kaya nakangiting nagpasalamat na siya dito at nagmadaling umalis.
Habang naglalakad si CJ pabalik sa loob ng Hospital ay napansin niya ang tila nagkakagulong mga Nurse dahil sa dami ng mga bagong dating na pasyente.
“Aaaarrrggghhh! Be gentle! You stupid!.”
Galit na sigaw ng babae sa isang Nurse dahil sa hapdi ng pag-gagamot nito sa sugat niya.
Napatingin din si CJ dito at napakunot ang noo nang makilala ito. Dahil sa pagtitig niya dito ay napatingin naman ito sa kanya.
“CJ?!.”
Gulat na saad ng babae pagkatingin sa kanya. Napalaki naman ang mga mata ni CJ at agad na napatakbo para iwasan ito.
“CJ, wait!.”
Sigaw pa ng babae at tumayo.
“Get lost, you stupid Nurse!.”
Galit na sigaw pa ng babae sa Nurse na hindi na ito pinatapos sa pag-gamot ng sugat niya sa may ulo.
“Damn it! Damn it! Damn it!.”
Napapamura pa si CJ habang patuloy na tumatakbo. Agad siyang napapasok ng Elevator at nagmadali itong isinara.
“Aaaarrrhhh!!! f**k! Come on! Come on! Come on!.”
Nagmamadali pang saad ni CJ habang patuloy na pinipindot ang close button nang makitang malapit na sa kanya ang babae.
“CJ! Aarrggh! I said stop!.”
Sigaw naman ng babae at nagmadali ding tumakbo papuntang Elevator habang iniinda ang sakit na nararamdaman dahil sa aksidenteng nangyari palang sa kanya.
“AAAAARRRRRGGGGGHHHHH!!!.”
Malakas pang sigaw ng babae nang saktong paglapit niya sa pinto ng Elevator ay ang pagsara naman nito.
Malalim ang naging paghinga ni CJ at napalaki ang mga mata dahil sa gulat. Laking pasasalamat niya nang hindi siya maabutan ng babae.
“WHAT THE HELL ARE YOU LOOKING AT?!.”
Galit na sigaw pa ng babae sa mga taong napatingin sa kanya kaya napaiwas na din ng tingin ang mga ito. Agad din siyang napasakay sa katabing Elevator nang makitang sa fifth floor pumunta si CJ.
Makalipas ang ilan pang minutong pag-uusap nila Kristine at Jake ay nagpaalam na din si Jake na aalis. Nagpaalam din ito sa dalawang bata na tumango naman sa kanya.
“Salamat sa pagtitiis sa kakulitan ko, Tine. I really had a great time.”
Saad pa ni Jake kay Kristine.
“Ano ka ba, Jake. Ako ang dapat na magpasalamat dahil sa pagdalaw mo. Thank you ah? Thank you sa oras mo.”
Ngiting saad naman ni Kristine kay Jake habang nasa may pinto na sila ng kwarto.
“You're always welcome. Paki-hi nalang din ako sa Nanay mo, Tine. Hindi ko na mahihintay ang pag-gising niya eh.”
Ngiting saad pa ni Jake at napatango naman si Kristine.
Agad na nakarating sa room 505 ang isang tao. Napangiti pa siya nang nasa may pinto na siya nito. Itinaas niya na din ang kamay niya para kumatok.
Walang inaksayang oras si CJ na agad ding tumakbo papuntang room 505 para tuluyang makapagtago sa babae. Patingin-tingin din siya sa likod habang patuloy na tumatakbo.
Binuksan na ni Jake ang pinto ng room 505 habang nag-ngingitian pa rin sila ni Kristine at nag-uusap. Mahahalata din ang kislap sa mga mata niya habang nakatingin kay Kristine.
Nabitin sa ere ang kamay ng isang tao, nawala ang ngiti sa mga labi ni Kristine at napapreno naman sa pagtakbo ang pawisang si CJ. Gulat na nagkatinginan silang lahat habang palipat-lipat ng tingin.
“Jastine?!.”
Gulat na saad ni Kristine nang makita ang taong nasa labas ng kwarto kung saan naka-confine ang Nanay niya.
“CJ?!.”
Gulat namang saad ni Jastine pagkatingin kay CJ na nasa may kaliwa niya.
“CJ!.”
Sigaw pa ng babaeng humahabol kay CJ kaya napatingin silang lahat dito.
“Grace?.”
Gulat ding saad ni Jake nang makilala ang babaeng sumigaw nang mapatingin siya sa may likod ni CJ.
Dahil sa gulat nilang lahat pagkakita sa isa't-isa ay walang nakapagsalita sa kanila na palipat-lipat lang ang naging pagtingin.
~
~
~
⇨acacabas_019ツ.