EPISODE 16.

4061 Words
"MEANT TO BE" EPISODE 16. Nasa kanyang opisina ang isang ginang, may nirereview pa siyang mga sales kaya hindi pa siya nakakauwi. Siya nalang din ang naiwan. Medyo nagulat pa siya ng biglang pumasok ang isa sa mga maituturing na boss sa kompanyang pinagtatrabahuan niya. Agad na napatayo ang ginang at inayang maupo ang boss. “Well. Well. Well.” Nakangiting saad ng boss habang naglalakad palapit sa mesa ng ginang. “M-Magandang gabi po boss. A-Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?.” Tanong ng ginang sa boss na siyang nagpangiti dito ng malaki. “Hmmm.. Just a small favor.” Saad pa nito at ngumisi. “But before that. I promise to double your salary, plus.. your family's safety. Only if you take my side.” Saad pa nito na nagpalaki ng mga mata ng ginang. Naramdaman agad ng ginang na hindi maganda ang sadya nito sa kanya dahil may kasamang pagbabanta ang kondisyon nito. “A-Ano po yun, sir?.” Kinakabahang tanong na ng ginang. “In time you heard it, there's no turning back.” Muling ngisi pang saad ng boss. Napalunok naman ng laway ang ginang at nanginig ang kamay. “Now, are you.. on my side? I'm sure you won't have a second thought knowing that your family's lives are on the line.” Tanong pa ng boss na naninigurado at may pagbabanta. “Y-Yes, sir. I-I'm on your side.” Kinakabahang saad ng ginang at patango-tango. “Good.” Ngising saad ng boss saka sinabi na dito ang kanyang sadya. Pagkatapos marinig ang sadya ng boss ng ginang ay lalong napalaki ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig mula dito. Gusto niya mang tumanggi ay alam niyang hindi pwede dahil sa pananakot na sinabi nito. Ayaw niyang madamay ang pamilya niya dahil lang sa trabaho niya. ★★★★★ Pagdating nila CJ sa hospital ay agad silang inasikaso ng mga Nurse. Laking pagtataka pa ni Kristine dahil dinala siya ni CJ sa General City Hospital, isa sa pinakasikat at mamahaling hospital. “Sino sa inyo ang kamag-anak ng pasyente?.” Tanong ng Nurse nang maihiga na si Wilma. “Ako po. Anak niya po ako.” Sagot naman ni Kristine. “Ma'am, ano pong history ng nanay niyo?.” Muling tanong ng Nurse habang tinitingnan sa mata si Wilma. “M-May tumor po siya.” Mabigat sa loob na sagot ni Kristine. Nagulat naman ang mga Nurse maging si CJ na hawak-hawak ang dalawang bata. “Tawagan mo si Doc. Lorenz. Sabihin mo ang case natin dito. Bilisan mo.” Utos ng Nurse sa kapwa niya Nurse nang marinig ang sinabi ni Kristine. Makikita din ang pag-aalala sa mga mata nito. Pagdating ng Doctor ay napatingin ito kina CJ. Medyo may edad na din ito pero litaw na litaw pa rin ang pagiging makisig at gwapo. Agad din nitong inasikaso si Wilma habang pinalabas naman ng Nurse sila Kristine at sinara ang transparent na pinto. Nasa ICU si Wilma kaya nakikita pa rin nila kung anong ginagawa ng doctor dito. “We need to do the surgery, now! She's dying!.” Nagmamadali pang saad ng doctor sa mga Nurse habang sinusuri si Wilma. “Go and check kung saang operating room ang available ngayon.” Utos niya pa sa isang Nurse. “And call Doctor Francis and ask him to be my assisstant.” Saad pa ni Doctor Lorenz sa isa pang Nurse. Agad namang tumalima ang mga ito. “God, p-please wag niyo pong hayaang may mangyaring masama kay Nanay. Maawa na po k-kayo. Please po.. Nakikiusap po ako sa inyo.” Muling tumulo ang luha sa mga mata ni Kristine nang mapansin ang pagmamadali ng Doctor at ng mga Nurse na tila may hinahabol silang oras. Napadaan din sa harap nila ang Nurse na tila inutusan ng Doctor. Napayakap din sa kanya ang mga kapatid niya na umiiyak din. Si CJ naman ay nakatayo lang at naaawang nakatingin kina Kristine. “Doc, available po ang OR three.” Saad ng Nurse pagkabalik nito. “Doc, pumayag na po si Doc Francis at on the way na daw po siya.” “Good! Now, go! Bring her to the OR. I'll be there as soon as I get the family's consent.” Saad pa ni Doc. Lorenz kaya tumalima na din ang mga Nurse. Agad na napapunas ng luha si Kristine nang makitang ilalabas ang Nanay niya sa ICU. Nagtaka pa siya nang lampasan lang sila nito habang pinapatabi siya ng Nurse nang sinubukan niyang lumapit sa kanyang Nanay. “Excuse me, I'm Doctor Lorenz Sebastian. We are running out of time, so I will make this conversation quick.” Pagpapakilala ng Doctor na halatang nagmamadali din. “A-Ano pong n-nangyayari, doc?.” Hindi mapigilan ni Kristine ang pagtulo ng kanyang luha. “The patient needs to undergo surgery, now! Because every single minute passes, the percentage of her survival reduces.” Pagpapaliwanag ng Doctor na lalong nagpagimbal sa nararamdaman ni Kristine. Napahawak pa siya sa bibig at hindi nakasagot. “Ma'am, you have to calm yourself down.” Pagpapakalma pa ng Doctor kay Kristine. “Just.. do everything in your power to save her, Doc.” Saad naman ni CJ sa Doctor kaya napatingin din ito sa kanya at napatitig bago tumango. “But we need you to sign the consent.” Saad pa ng Doctor na nakatingin kay Kristine. Wala ng inaksayang oras si Kristine na agad ding tumango sa Doctor. Nang mapirmahan ang consent ay agad na ding pumasok sa OR ang Doctor pagkatapos maglinis ng kanyang mga kamay at magsuot ng damit at gloves. Naiwang naghihintay naman sa labas sina Kristine na nag-aalala para sa kanilang Nanay. Nakaupo sila habang nagdadasal para sa kaligtasan nito. “Ate, magiging okay po ba si Nanay? Magigising pa ba siya?.” Tanong ni Wina habang nakayakap kay Kristine. Nagpunas naman ng luha si Kristine bago sumagot. “O-Oo naman. Alam niyo naman si Nanay, s-strong yun.. ka-kaya siguradong gigising siya.” Sagot naman ni Kristine habang pinupunasan ang luhang patuloy na dumadaloy sa mga mata niya. “A-Ate, paa-no na tayo ku-kung hindi magising si Nanay?.” Tanong naman ng umiiyak na si Vincent na nasa tabi ni Wina. “Vincent, w-wag kang mag-isip ng ganyan! Magigising si N-Nanay!.” Medyo pagalit na saad pa ni Kristine dito kaya nagsorry naman ito. Naaawang nakatingin si CJ sa magkakapatid. Hindi niya akalaing masasaksihan niya ang ganitong pangyayari. Lumapit siya at umupo sa tabi ni Kristine. Napatingin din sa kanya si Kristine nang hawakan niya ang kamay nito. “Matapang si Nanay, siguradong lalaban siya. Magpakatatag lang tayo.” Pagpapalakas loob na saad pa ni CJ kay Kristine. Tumango naman si Kristine na iyak pa rin ng iyak hanggang sa tabigin siya ni CJ para yakapin. Lalo pa siyang napahagulhol sa may dibdib ni CJ na tila nakahanap ng mapagsasandalan. Hinayaan naman siya ni CJ na hinagod ng hinagod ang likod niya. Nakatulog sila Kristine at ang dalawang bata kakahintay sa labas ng Operating Room. Si CJ naman ay gising na nakatingin sa natutulog na si Kristine sa balikat niya. “You really are a one in a billion woman.” Bulong na saad pa ni CJ habang inaayos ang buhok na nakatakip sa mukha ni Kristine. “Hrm.. Hrrmm..” Napababa ng kamay si CJ nang gumalaw at umungol si Kristine. Nang tuluyang dumilat ng mga mata si Kristine ay napatingin pa siya kay CJ at humingi ng tawad sa pagsandal dito. Tumango lang din naman si CJ bilang sagot. “Tapos na ba?.” Right after ng pagtanong ni Kristine kay CJ ay pareho silang napatingin sa pinto ng OR nang bumukas ito at lumabas si Doc. Lorenz. Maging si Wina na nakasandal kay Kristine ay nagising din at napatingin sa Doctor. “Doc, kumusta po ang resulta ng surgery?.” Kinakabahang tanong ni Kristine pagkatayo at pagkaharap sa Doctor. Maging si CJ ay napatayo din. “Good news, the surgery's successful. But she still needs to be confine for us to monitor her vital signs. She might regain her conscious tomorrow or day after tomorrow.” Nakangiting saad ni Doc. Lorenz kaya napahinga ng maluwang si Kristine at napangiti. “Thank you, Doc. Thank you po.” Maluha-luhang saad pa ni Kristine pero sa pagkakataong iyon ay luha ng kaligayahan na. “Excuse me.” Muli ay ngiting saad pa ni Doc. Lorenz na yumuko at umalis. “Ate, okay na po ba si Nanay?.” Tanong naman ni Wina. “Hmm-hmmmm.. Okay na si Nanay.” Tangong saad naman ni Kristine na halatang masaya sa naging balita ng doctor. Napangiti din si CJ dahil dito. “Yeheeey!!.” Masayang sigaw naman ni Wina at niyakap si Kristine pagkatapos ay niyakap ang kuya niyang tulog na nagising at nagulat. Napayakap din si Vincent kay Wina nang sabihin nito ang good news. Napatingin naman si Kristine kay CJ at masayang ngumiti dito. Hindi niya din napigilan ang sariling lumapit kay CJ at yumakap dito. Masayang gumanti naman ng yakap si CJ sa kanya. “A-Ah.. Eh..” Dahan-dahang napabitaw ng yakap si Kristine nang marealize ang ginawa niya. “S-Sorry.” Hinging paumanhin pa ni Kristine. “Okay lang.” Mabilis na sagot naman ni CJ at napakamot ng ulo dahil maging siya ay na-awkward din. “Ate! Atkuy! Yeheey!.” Masayang sigaw nina Vincent at Wina saka yumakap kina Kristine at CJ. Napatingin at napaganti din sila ng yakap sa dalawang bata habang nangingiti. ⇨⇨⇨⇨⇨ KINABUKASAN .. Nasa isang private room na si Wilma kasama sina Kristine. May sariling CR ang kwarto at talagang napakaganda nito. May bantay din na Nurse ang Nanay niya na maya't-maya itong chinicheck. Nag-aalala naman si Kristine dahil alam niyang mamahalin ito. Ganunpaman ay handa siyang gawin ang lahat dahil ang importante lang sa kanya ay naging successful ang operasyon ng Nanay niya. “Good morning, ma'am. Breakfast niyo po.” Dating ng isang Nurse na may dalang pagkain at inilagay sa mesang naroroon. Naaamaze naman si Kristine dahil sa pagkasosyal ng hospital. Nagpasalamat din sila dito pagkatapos. “Tara na, magbreakfast na muna tayo.” Aya na ni Kristine kina CJ kaya kumain na din sila ng agahan. Pagkatapos nilang magbreakfast ay nagpaalam si CJ saglit na lalabas. Nagtaka naman si Kristine pero tumango pa rin naman siya. Paglabas ni CJ at paglalakad sa hallway ay nakasalubong niya si Doc. Lorenz na kasalukuyang may kausap na isang Nurse. Nang makita siya nito ay pinaalis nito ang Nurse bago lumapit sa kanya. “CJ, care to explain what's going on? Why were you with them? Who are they?.” Tanong ni Doc. Lorenz na ang tinutukoy ay sila Kristine. “Let's not talk about it here, Uncle. Your office would be fine and comfortable.” Saad naman ni CJ kaya pumunta na sila sa opisina nito. Oo, Uncle niya ito dahil kapatid ito ng mama niya. “Now?.” Muling tanong pa ni Doc. Lorenz pagkapasok na pagkapasok nila ng office. “Well Uncle.. First, I wanna get away from dad. I had enough of him. Second, I want to pay my debt which is private.. and third, I owe them my life. They saved me when I accidentally fell from the bridge.” Saad pa ni CJ na parang wala lang at umupo sa couch. “Accident? When?.” Nag-aalalang tanong pa ni Doc. Lorenz. “I'm fine now, Uncle. No need to worry about.” Saad naman ni CJ. Sandaling natahimik si Doc. Lorenz na nakatitig lang kay CJ. Pero napakunot din ang noo niya nang maalala ang kapatid niya. “CJ, what about your mom? Your mom had been looking for you everywhere! Have you even thought of that?.” Lumabas na ang ugali ni Doc. Lorenz bilang isang Uncle niya. “I know I know. But just.. don't tell them yet that you saw me. Let's keep this between us, Uncle. Uuwi naman po ako eh.” Saad pa ni CJ dito. Napabuntong hininga si Doc. Lorenz dahil sa sinabi ng pamangkin niya. “And now you're asking me to lie? Have you forgot that your mom is my sister?.” “Uncle please.. I just wanna make sure that Nanay Wilma would be totally fine before I leave them.” Pakiusap pang saad ni CJ dito kaya lalong napakunot ang noo nito at napabuntong hininga. “You know I hate waiting. Make sure you'd get back before I lose my patience.” Hindi pa rin nakatiis si Doc. Lorenz na napapayag pa rin sa gusto ni CJ. “Of course, Uncle. Swear! Thank you!.” Ngiting saad pa ni CJ. Nagkwentuhan din muna sila habang nagkakape bago nagpaalam si CJ na aalis na. Pero nang nasa may pinto na siya ay muli siyang napatingin kay Doc. Lorenz at may pinakiusap dito bago tuluyang umalis. Pagbalik ni CJ sa kwarto kung saan naka-confine si Wilma ay nagtatanong ang tinging pinupukol ni Kristine dito. Nagtaka pa siya kung saan ito nakakuha ng pera dahil may dala na itong mga pagkain. Pero hindi nalang siya nag-usisa dahil naiisip niya pa rin ang bayaran nila sa hospital. Wala na din silang kasamang Nurse dahil gabi lang ito nagbabantay. Habang hinihintay nilang magising si Wilma ay muling nakaidlip si Kristine. Pag-gising niya ay napatingin pa siya sa kanyang mumurahing relo at napalaki ang mga mata. “CJ, pwede bang i-iwan ko muna kayo saglit? Pakibantayan na din muna yung mga kapatid ko, kung pwede?.” Nahihiyang pakiusap ni Kristine kay CJ. “Why?.” Takang tanong naman ni CJ. “Kailangan kong kumuha ng mga damit eh para makapagbihis kayo. At kailangan ko ring manghiram ng pera para sa hospital bill.” Saad pa ni Kristine na mahahalata ang pagkabahala. Magsasalita sana si CJ pero mas pinili niya nalang manahimik. Buntong-hiningang tumango nalang din siya kay Kristine at sinabihan itong mag-ingat kaya gumayak na ito paalis. Pang-apat na araw nang hindi nakakapasok si CJ na siyang pinagtatakhan ng mga kaibigan niya. Lalo pa silang nagtataka dahil hindi ito hinahanap ng kanilang mga professors. “Sir? Pwede po bang magtanong?.” Tanong na ni Zane kay Mr. Gabitan nang paalis na ito. Katatapos lang din kasi ng klase nila dito. “Sure.” Taas-kilay naman nitong saad. “Bakit hindi niyo na po nababanggit ang kaibigan namin, si CJ po?.” Tanong naman ni Grey. “Ano? Kayo pa talagang mga kaibigan niya ang nagtanong niyan ah? Haha.” Natatawang saad naman ni Mr. Gabitan. Nainis naman ang tatlo na tila gusto na itong batukan pero nagpigil pa rin. “Ay ano ba kayo? Nagtransfer na si CJ ng school. Laking pasasalamat ko nga eh dahil nabawasan ang mga batugan sa klase ko. Tsk!.” Saad pa ni Mr. Gabitan at iiling-iling na umalis. “That can't be!.” Hindi makapaniwalang saad ni Vin. Naiwang napanganga naman ang tatlo dahil sa kanilang narinig. Hindi sila makapaniwala sa sinabi ng kanilang Professor dahil nga wala namang nasabi sa kanila si CJ tungkol dito. Panay ang tingin ni Jake sa paligid na tila may hinahanap habang nagwawarm-up sila ng kanilang team sa half court. Sila na ang lalaban pero ni anino ni Kristine ay hindi niya pa nakikita. Tila wala tuloy siyang ganang maglaro. (Priiiirrrrrtttt!!!...) Pumito na ang referee kaya pumwesto na din sila Jake sa gitna ng court at ang kanilang makakalaban. Hanggang sa magsimula na nga ang laro. Umpisa palang ng laro ay mainit na ang labanan. Masyadong magaling dumipensa ang kalaban nila Jake kaya agad silang nalamangan ng mga ito. “Go go go! Okay lang yan!.” Pagchecheer ng kanilang coach para ganahan sila. “Jake, ayusin mo ang laro mo. Team captain ka, ikaw ang magdala sa team mo.” Pasigaw pang saad ng coach nila Jake. Tumango naman si Jake pero halatang matamlay pa rin ito. (HAAHH!!) (YAAHH!!) (HAAMP!) Sunod-sunod na shoot galing sa kalaban nila Jake kaya lalong naistress kakasigaw ng kung ano-ano ang kanilang coach. “Jake ano ba! Ayusin mo ang laro mo! Ano bang nangyayari sayo?!.” Muli ay inis ng sigaw ng coach nila Jake. Napapansin din kasi nito ang maya't-maya niyang pagtingin sa paligid. (EEEENNNNGGGGKKKK!!!) Tunog ng bell at tapos na ang second quarter kaya pumunta sa kani-kanilang pwesto ang bawat team. “HAHH!.” Hingang malakas ni Jake habang pawisan at pagod. Wala pa rin siyang ganang maglaro kahit pa maraming mga kababaehan ang nagchecheer sa kanya. “Jake ano bang nangyayari sayo?! Tapos na ang second quarter! Masyado na tayong kulilat oh! Fourty-five sila tapos fourteen palang tayo!.” Pagalit ng saad ng coach kay Jake. “Pasensya na coach.” Hinging paumanhin lang naman ni Jake. “Hindi pwede ang ganyan dito. Kailangan mong lumaban! Kailangan nating manalo kung gusto mong may patutunguhan tong pagbabasketball natin!.” Saad pa ng coach na siyang tinanguan naman ni Jake. “Excuse me, excuse me.” Panay ang siksik ni Kristine sa mga tao para makapunta sa unahan at makita sa malapitan ang laro. Sinubukan niya ding hanapin ang mga kaibigan niya pero hindi niya sila nakita. Naisip niya ding baka hindi pumasok ang mga kaibigan niya. Nagtagumpay naman siyang makapunta sa unahan at napangiti pero nawala ang ngiti niya nang makita ang score. Masyadong mataas na ang lamang ng kalaban nila Jake kaya nag-alala siya para dito. Mahalaga kay Kristine ang pagpapangako kaya kapag kaya niya naman itong tuparin ay ginagawa niya talaga. (EEEENNNNGGGGKKKK!!!!) Muling tumunog ang bell para sa third quarter kaya back to the ball game na sila. Muling inilibot ni Jake ang tingin sa huling pagkakataon at laking tuwa niya nang makita ang kumakaway na si Kristine sa gitna ng audience. Agad niya itong nakilala syempre. Tila parang nagkaroon ng lakas at energy si Jake na biglang ginanahan sa paglaro. Masaya na ito at halatang nagpapasikat. (YAAHH!) (WAAHH!) (AH!) Parang bumaliktad ang mundo nang sunod-sunod na makapuntos sila Jake at mabilis na nakabawi sa pagkalugi ng kanilang score. Napatayo at napamura pa ang coach ng kanilang kalaban dahil dito. Nagpatuloy ang laban kung saan kitang-kita ang sigla ni Jake. Napasimangot din si Marian nang makita kung sino ang laging tinitingnan ni Jake sa tuwing nakaka-shoot ito. (EEEENNNNGGGGKKKK!!!!) Huling tunog ng bell na hudyat ng pagtatapos ng laro. Napapasigaw habang napapatalon din ang grupo ni Jake dahil sila ang nanalo. Wala namang pakialam si Jake na agad na lumapit kay Kristine at yumakap dito ng sobrang higpit. “Ahaha.. Hehe co-congrats, Jake.” Saad pa ni Kristine pagkahiwalay nila ng yakap. Kitang-kita niya pa rin ang saya sa mukha ni Jake. “Tara, sama ka Tine. Magcecelebrate kami eh.” Masayang aya pa ni Jake kay Kristine. Pinangakuan kasi sila ng kanilang coach na ililibre sila sa restaurant kapag nanalo sila. Gusto sanang tumanggi ni Kristine pero hindi niya nagawa nang makita ang masayang mukha ni Jake. Ayaw niya namang sirain ang mood nito kaya pumayag nalang din siya. Napa-yes pa si Jake na energetic pa rin. Pagdating nila sa isang restaurant ay maiingay silang kumain na basketball pa din ang pinag-uusapan. Nariyan din yung pang-aalaska ng mga kateam ni Jake sa kanya at kay Kristine. “Thank you at dumating ka. Kung hindi dahil sayo, matatalo na sana kami. Ito kasing si kapitan eh, hanap ng hanap sayo kaya hindi makapag-concentrate. Hahaha.” Pambubuko ng isa sa mga kateam ni Jake kaya naging tampulan tuloy siya ng tukso. Nahihiyang napapangiti at namumula nalang din tuloy si Kristine habang naiiling at natatawa naman si Jake. Maging ang coach nila ay nagpasalamat din at nakisali sa panunukso kaya lalo silang naging maingay at puro tawanan. Pagkatapos nilang kumain at makapagkwentuhan ay napansin ni Jake ang panay na pagtingin ni Kristine sa kanyang relo. Hindi na din kasi mapakali si Kristine dahil madilim na. “May.. problema ba, Tine?.” Tanong na ni Jake kay Kristine. “Ah.. Eh.. K-Kasi Jake.. Kailangan ko ng umalis eh.” Nalungkot naman si Jake dahil sa narinig. Magkatabi lang din sila kaya silang dalawa lang ang nakakarinig sa isa't-isa. “Bakit parang nagmamadali ka yata? Ayaw mo ba akong kasama?.” Malungkot na tanong pa ni Jake na siyang nagpaguilty naman kay Kristine. “Hi-Hindi naman sa ganun, Jake. A-Ano kasi.. A-Ano eh..” Hindi alam ni Kristine kung sasabihin ba kay Jake na nasa hospital ang Nanay niya kaya nagkanda-utal utal siya. Pero sa huli ay nagpasya siyang sabihin dito ang totoo. Nagulat pa ito at labis-labis na nag-alala para sa kanya. Nakita naman ni Kristine kung gaano ito kabait at kamaalalahanin na lalaki. Ito na din ang nag-aya sa kanyang umalis pero nagpumilit naman itong samahan siya kaya pumayag nalang din siya. “Kung alam ko lang, kahit hindi ka na pumunta ay okay lang. Mas tatanggapin ko pang natalo kami kesa sa pumunta ka nga, nagsaya tayo pero yung Nanay mo naman ay nasa hospital. I'm sorry, Kristine. I didn't know.” Nakita ni Kristine sa mga mata ni Jake kung gaano ito kasincere habang humihingi ng tawad. Nagmamaneho na din ito papuntang hospital. “O-Okay lang yun, Jake.” Saad naman ni Kristine para hindi na ito mag-alala. Pabalik-balik ng lakad si CJ sa loob ng kwarto dahil sa pag-aalala kay Kristine. Gabi na pero hindi pa din ito nakakabalik kaya naiisip niyang baka may masama ng nangyari sa dalaga. “Atkuy, kami ang nahihilo sa ginagawa mo eh.” Pansin na sa kanya ni Vincent. Nakaupo ito sa couch at katabi si Wina habang nakatingin sa kanya ng seryoso. “Oo nga Atkuy. Bakit po ba kayo pabalik-balik ng lakad?.” Tanong naman ni Wina. “Wala Wala. Wag niyo nalang akon---” Napatigil sa pagsasalita si CJ at napatingin sa pinto nang binuksan ito ni Kristine. Pero agad na napakunot ang noo niya nang makitang may kasama si Kristine at napansing naka-jersey pa itong damit at may tatak na USN. “Ah-Hi. CJ, si Jake. Jake, si CJ.” Awkward na pagpapakilala ni Kristine kay CJ at Jake sa isa't-isa pagkapasok nila ng tuluyan sa kwarto. “Hi.” Bati naman ni Jake at nakipagkamay. “Bakit ngayon ka lang?.” Sa halip ay tanong lang ni CJ kay Kristine at hindi tinanggap ang pakikipagkamay ni Jake. Hindi naman nagsasalita ang dalawang bata na palipat-lipat lang ng tingin sa tatlo. “Ah.. Eh.. K-Kasi..” Hindi naman alam ni Kristine ang sasabihin niya. “Kasalanan ko kung bakit. Inaya ko kasi siyang manuod ng laro ko eh.” Singit naman ni Jake sa usapan. Sumama ang mukha ni CJ dahil sa narinig na siyang nagpakaba naman kay Kristine sa hindi niya malamang dahilan. Hindi nalang din pa nagsalita si CJ na pinili ng umupo sa tabi ni Vincent at hindi tumingin sa gawi nila Kristine. Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam na din si Jake na uuwi. Nagpaalam pa ito kay CJ pero dineadma niya naman ito kaya umalis na ito. Hinatid pa ito ni Kristine hanggang pinto. “CJ, ano bang problema mo?! Bakit ba ang bastos ng pakikitungo mo kay Jake?!.” Inis ng lapit ni Kristine sa nagtutulog-tulugang si CJ pagkaalis ni Jake. “Don't start with me, Kristine!.” Gigil na saad naman ni CJ. “Well, ano pa bang ineexpect ko sayo? Eh sadyang wala ka naman talagang modo!.” Inis pa ring saad ni Kristine. “Really? Ako pa ngayon? Ako pa ngayon? Ano bang paalam mo sa amin, ha?! Di ba nagpaalam kang kukuha ka ng damit? Now, where is it? Wala! Dahil hindi damit ang pinuntahan mo! Kundi ang lalaking yun!.” Hindi na napigilan ni CJ ang sarili niyang mapasigaw dahil sa galit. “Wala kang alam! Nangako ako sa kanya kaya ako pumunta dun!.” Inis pa ring saad ni Kristine. “At inuna mo pa talaga siya eh noh? Ano? Inuna mo ang kaligayahan mo habang nandito ang Nanay mo sa higaan nakaratay. How nice of you! Nakuha mo pang magsaya sa sitwasyon mo ngayon?!.” Saad naman ni CJ na halatang gigil pa rin. “Ate, Atkuy, tama na po. Wag na po kayong mag-away.” Napatingin silang dalawa kay Wina at nakitang maiiyak na ito. Agad namang natauhan ang dalawa dahil sa kanilang nakita. Nilapitan din ni Kristine ang kapatid niya para aluin ito. Si CJ naman ay piniling lumabas habang nakakuyom ang mga kamao. ~ ~ ~ ⇨acacabas_019ツ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD