"MEANT TO BE"
EPISODE 15.
Tatlong araw nang hindi nakakauwi si CJ. Sobrang nag-aalala na si Jennelyn sa anak. Tinawagan at pinuntahan pa nito ang mga kaibigan ni CJ kung may alam ba ang mga ito kung nasaan ang kanyang anak. Nang sabihin ng mga itong wala silang alam ay lalo siyang nabalot ng kaba. Kinausap niya din si Christian na ipahanap sa mga pulis ang anak nila pero ayaw naman nito dahil gagawa lang daw ito ng ingay. Nagalit naman si Jennelyn sa naging sagot niya.
Maging ang mga kaibigan ni CJ ay nag-aalala na din sa kanya. Tumulong na din sila sa paghahanap at pinuntahan na din nila ito sa condo nito pero ilang araw na din itong hindi nagagawi doon ayun sa receptionist.
Medyo magaling na ang sugat sa paa ni CJ. Nakakalakad na din siya ng maayos pero ayaw niya pa ring umuwi. Napapansin niya din ang palaging pagsusungit sa kanya ni Kristine sa tuwing kinakausap niya ito.
“Atkuy, samahan mo naman si ate na maghatid samin sa eskwelahan.”
Saad ni Vincent kay CJ. Para kasi itong nakahanap ng kuya sa katauhan niya. Lagi itong sumasama sa kanya at nakikipag-usap ng kung ano-ano na halatang nag-eenjoy sa kanyang presensya.
“Nak, papagudin mo na naman si CJ niyan eh.”
Saway naman ni Wilma dito kaya napakamot ito sa ulo.
“Okay lang po, Nay. Para naman po maensayo ko tong paa ko sa paglalakad ng malayo.”
Saad naman ni CJ. Napapangiwi din si Kristine sa tuwing naririnig niyang tinatawag ni CJ na Nanay ang Nanay nila.
“Yesss!.”
Masayang sigaw naman ni Vincent.
“Nay, hatid ko na po muna sina Vincent at Wina. Ako nalang din po ang pupunta kina Aling Sisa para magtanong kung magpapalaba sila.”
Paalam na ni Kristine sa kanyang Nanay.
“Sige Nak, mag-iingat kayo.”
Saad naman ni Wilma kaya nagmano na sila saka umalis.
Habang naglalakad papunta sa eskwelahan ng mga bata ay nakaakbay si CJ kay Vincent habang hawak naman ni Kristine si Wina.
“Atkuy, ngayong magaling na ang paa mo. Maligo tayo sa ilog. Madaming tao dun kapag linggo kaya siguradong mag-eenjoy ka dahil marami ding mga chix.”
Nakangiting saad ni Vincent na nagpangiti naman kay CJ at nagpakunot ng noo ni Kristine.
“Haha. Ganun ba. Eh magaganda ba?.”
Birong tanong naman ni CJ dito.
“Tigilan mo ngang pagtuturo sa kapatid ko ng mga ganyan. At ikaw Vincent ang bata mo pa marunong ka na sa mga ganyan. Mag-aral ka muna ng mabuti.”
Pagsusungit na saad naman ni Kristine kay CJ at kay Vincent.
“Ate talaga oh..”
Kamot-ulong saad naman nalang ni Vincent.
“Pasensya na, boss.”
Saad naman ni CJ na nangingiti at naiiling. Inirapan naman siya ni Kristine.
Pagdating sa eskwelahan ay nagpaalam na din ang dalawang bata para pumasok. Nakipag-bro fist pa si Vincent kay CJ na akala mo magkasing-edad lang sila, bago tuluyang umalis.
★★★★★
■CJ's P.O.V.■
Tatlong araw na akong nananatili sa bahay nila Nanay Wilma. I had a hard time at first. Pero ngayon, I had fully adjust. Magaling na rin ang sugat ko sa paa, but I still don't want to go home. Hindi dahil sa ayokong umuwi kundi dahil gusto kong bumawi kay Kristine sa nagawa ko sa kanya. Na kahit manlang sa ganitong paraan ay mabawasan yung guilt na nararamdaman ko. I don't know, hindi naman ako ganito pero hindi ko mapigilan eh. Dapat wala na akong pakialam sa kanya eh. To think na galit pa ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa pinsan ko.
I was actually surprised to see her when I regained consciousness. Biruin mo ba naman, nung hinahanap ko siya hindi ko siya makita-kita pero sa isang iglap bigla siyang lumitaw sa harapan ko.
“Anong tinitingin-tingin mo? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo baka matumba ka pa at madagdagan ang injury mo.”
Ang sungit niya talaga kahit kailan. I wonder kung may naging jowa na ba siya.
“Ewan ko nga sayo!.”
Saad niya pa at inirapan ako.
“Hey, hintayin mo naman ako. Haha.”
Natatawa kong tawag sa kanya pero mabilis pa rin ang paglakad niya. Hinabol ko siya at hinawakan sa kamay.
“Wag mo nga akong hawakan!.”
Inis niya pang waksi sa kamay ko.
“Okay. Okay.”
Taas-kamay ko namang saad.
“I'm sorry, okay?.”
Nangingiti ako dahil ang cute niyang magalit.
“Tine!.”
Napatingin kami pareho sa lalaking sumigaw. Napakunot din ang noo ko nang makitang tumakbo ito palapit samin. Tine pala ay si Kristine. Hmmm..
“Oh Marco, ikaw pala.”
Nakangiting saad naman ni Kristine. Ayos ah, sakin ang sungit, sa kwagong kausap niya ang bait. Tsk! Oo, kwago! Kasi ang laki ng mga mata niya!.
“Saan ka pupunta? Samahan na kita?.”
Ang laki din ng ngiti ni Kwago. Pheeew!.
At wow ha! Parang hindi nila ako nakikita! Sa gwapo kong to? Tsss! Nakakainis tong dalawang to ah! Tsk!.
“Pauwi lang naman ako eh. Hindi mo ko kailangang samahan.”
“Eh kahit na, gus---”
“Kristine halika na. May kukunin pa tayong mga labahan at si Nanay lang mag-isa sa bahay.”
Singit ko na. Nakakaasar na eh. Ang init-init tapos parang wala pa silang balak tumigil.
Napatingin silang dalawa sakin. Nakita ko rin ang pagtataka sa mga mata ni Kwago nang makita niya ako. I think nakilala niya ako. Siya yung team captain nung nakalaban namin dito sa lugar na ito eh.
“Kung ayaw mo naman sisilong nalang din muna ako.”
Saad ko pa.
Hindi ko na din hinintay ang sagot niya. Naglakad na ako para sumilong dahil ang sakit sa balat ng sikat ng araw.
■Kristine's P.O.V.■
Hindi ko alam kung anong nangyari sa baliw na yun. Bigla nalang umalis nang nakasimangot. Eh kani-kanina lang ang saya niyang mang-asar. Tsk bahala nga siya!.
“Tine, b-bakit kasama mo siya?.”
Muli akong napatingin kay Marco nang magtanong siya. Nagtataka din siyang nakatingin sakin.
“Ah.. Eh.. W-Wala. Bisita lang ni Nanay sa bahay.”
Pagsisinungaling ko pa. Hindi ko din naman kasi alam kung anong isasagot ko eh.
“Aaahh.. P-Pero paano nangyari yun? Eh di ba siya yung nakatama sa ulo mo nung nagbasketball kami? Nung isa siya sa mga nakalaban namin. Yung mayabang?.”
Muli ay tanong pa ni Marco. Mygad! Akala ko hindi na niya naalala yun. Haayy..
“Eh.. ka-kasi nga, nung mga ora---”
“Kristine ano ba?! Baka naiinip na si Nanay. Wala siyang kasama sa bahay!.”
Napatigil ako sa pagsasalita dahil sa pagsigaw nitong CJ na to. Gusto ko siyang yakapin dahil sa pagsingit niya. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko kay Marco eh.
“Ah.. Eh.. M-Marco, kailangan ko ng umalis eh. Usap nalang tayo sa susunod.”
Saad ko nalang kay Marco.
“Sige, Tine. Mag-iingat ka.”
Ngiting sagot naman ni Marco kaya tinanguan ko nalang din siya at umalis.
Nagpatuloy kami sa paglalakad papunta kina Aling Sisa. Napapatingin din ako dito sa kasama ko. Dahil kung anong kulit niya kanina ay siya namang tahimik niya ngayon.
Pagdating namin sa bahay ni Aling Sisa at pag-abot nito ng tray na may mga labahan ay nagpumilit si CJ na siya na ang magdala. Hinayaan ko nalang din dahil nakasimangot eh.
“Uy, Tine. Sino yan ah? Jowa mo? Ang gwapo ah..”
Napatingin ako kay Jonah nang magsalita ito. Nakangiti ito habang nanunudyo. Dumaan kasi kami sa harapan niya na kasalukuyang nakaupo sa labas ng tindahan. Magkasing-edad lang din kami.
“Baliw talaga.”
Bulong ko namang saad na hindi ito sinagot at pinansin.
“Ang galing mong pumili, Tine!.”
Sigaw pa nito kaya napapailing nalang din ako.
Pagtingin ko naman dito sa kasama ko ay nakangiti na siya ng malaki. Nang-aasar ba to? Wag niyang sabihing type niya ako at nasisiyahan siyang mapagkamalang jowa ko? Tsk! No way!.
“Bakit parang natutuwa ka pang pinagkakamalan kang jowa ko? Umamin ka nga! May gusto ka ba sakin?!.”
Kunot noo ko ng tanong. Naku! Naku! Wag niya lang sasabihing oo kundi palalayasin ko siya ng bahay! Tsk!.
“HAHAHAHAHAHA.”
Sa halip na sumagot ay tumawa pa ito ng sobrang lakas. Nilapag niya din ang tray sa sahig at pinagpatuloy ang pagtawa.
“Anong nakakatawa, ha?!.”
Yamot ko ng tanong at hinampas siya sa braso.
“HAHAHA ka-kasi.. ka-kasi.. HAHAHA.”
Hindi pa ito makapagsalita ng maayos dahil sa kakatawa.
Tiningnan ko siya ng masama at nag-crossed arms. Pinaningkitan ko talaga siya ng mga mata dahil naiinis na ako!.
“Okay! Okay! Haha..”
Napahands-up pa siya na parang sinasabing titigil na pero natatawa pa din naman.
“Haha.. I'm sorry. Pero kasi.. Haha. I never thought na masyado kang bilib sa sarili mo eh. Haha.”
Saad niya pa. Sobrang nakakainis na dahil ang dami niyang sinasabi! Hindi nalang sagutin ang tanong ko!.
“I mean.. Hindi ako natutuwa dahil sa pinagkakamalan akong jowa mo. Haha. Natutuwa ako dahil gwapo ako sa paningin niya. Haha.”
Saad niya pa at tumawa na naman. Nakakainis! Ang yabang-yabang talaga ng taong to! Sarap ipaanod sa ilog! Aarrgghh!.
“Ewan ko sayo!.”
Yamot ko ng saad at nagpatiuna na sa paglalakad.
Nakakaasar na siya! Tsk! Tinawag niya naman ako at sumunod sa paglalakad habang natatawa pa rin. Bwesit talaga! Tsssss...
⇨⇨⇨⇨⇨
Pagdating nila CJ at Kristine ng bahay ay natatawa pa rin si CJ habang nakasimangot naman si Kristine.
“Oh Nak? Bakit ganyan ang mukha mo? May nangyari ba?.”
Takang tanong ni Wilma sa anak.
“Wala po, Nay.”
Sagot naman ni Kristine pero masama pa din ang tingin kay CJ.
“Haayy naku. Kayo talaga. Mga kabataan talaga ngayon.”
Iling na saad naman ni Wilma nang maintindihan kung anong nangyayari.
“Nay, ako na po ang maglalaba. Magpahinga nalang po kayo.”
Saad na ni Kristine nang mailagay na ni CJ ang mga labahan sa likod ng bahay nila.
Nagpumilit pa si Wilma na tumulong pero matigas na umayaw si Kristine dahil nga ayaw niyang mapagod ang Nanay niya. Tinulungan na din siya ni CJ dahil ito na ang nagbomba ng tubig para sa kanya. Pero imbes na magpasalamat si Kristine ay naasar pa siya dahil inabot na naman ng kakulitan si CJ. Kung ano-ano ang maisipan nitong gawin na walang kakwenta-kwenta.
Pagkatapos maglaba ni Kristine ay nag-asikaso na din siya sa kusina, nagluto siya ng ulam at nagsaing. Pagkatapos niyang mag-asikaso ng lahat ng kailangan niyang gawin ay naligo at nagbihis na din siya.
“Nay, pasok na po ako.”
Paalam na ni Kristine sa kanyang Nanay. May klase na kasi siya.
“Sige Nak, mag-iingat ka.”
Saad naman ni Wilma.
Hindi naman nagpaalam si Kristine kay CJ na nakatingin lang sa kanya. Inirapan niya pa ito nang ngumiti ito sa kanya.
“Maganda ka pala eh. Kaya lang nakasimangot na naman. Haha.”
Tawang saad naman ni CJ na lalong nagpasimangot kay Kristine.
“Hmmmpp!.”
Sungit na irap naman ni Kristine kay CJ saka tuluyang umalis. Natatawa naman si Wilma sa inaasal ng anak. Masyado kasi itong masungit kay CJ.
Habang nasa kanyang mini-office si Christian at abala sa pagtitingin ng mga documents na kailangan niyang basahin at pirmahan ay bigla nalang bumukas ang pinto nito at pumasok ang galit na si Jennelyn.
“Christian! What the hell are you waiting for?! Aren't you gonna do some actions?! Our daughter is missing!.”
Galit ng sigaw ni Jennelyn sa asawa. Pangalawang beses niya na itong pagkausap dito. Napatayo naman si Christian at kunot noong hinarap ang asawa.
“Jennelyn, can't you see I'm busy? I had more important things to do than finding your daughter! She's old enough to return by herself! Besides, I'm sure she's doing this to show how mighty she can be! Such a rebel!.”
Saad naman ni Christian na halatang galit na din.
“Still, she's our daughter! What if something bad happened to her?! Christian, she's missing! She's not being a rebel or something! Her friends are also looking for her! Which means she's not only throwing her tantrums! She could be out there and asking for help! Can't you see that?!.”
Galit pa ring saad ni Jennelyn.
“Like what I've said, don't be paranoid. I'm sure she'll get back in no time. Now, go and.. just take some rest. I have to finish this.”
Sa halip ay saad naman ni Christian at muling umupo.
“You! You're an ASSHOLE!.”
Galit na sigaw na ni Jennelyn na hindi na napigilang murahin ang asawa.
Gulat at galit na napatayo naman si Christian dahil sa narinig. Magsasalita na din sana siya nang bigla namang tumalikod si Jennelyn para umalis.
“Jennelyn! Come back here!.”
Sigaw niya pa pero sa halip na makinig ay malakas nitong sinara ang pintuan ng mini-office niya.
(BLAG!!!)
Nasa classroom sina Kristine. Wala pa ang kanilang professor kaya maingay ang mga kaklase niya.
“Hahaha ang pangit mo, what the! Para kang pinaglihi sa pwet ng manok!.”
Sigaw na saad ng bully nilang kaklase na si Carl sa kaklase nilang nerd na si Felix.
“WAHAHAHAHAHAHA.”
Malakas na tawanan naman ng mga kaibigan nito. Palibhasa walang naglalakas loob na kumalaban dito dahil sa takot.
“Oh ayan! Ipaayos mo yang mukha mo!.”
Sigaw pa nito at hinampas ang bente pesos sa mukha ng nerd. Lalong nagsitawanan ang mga kaklase nila habang nakayuko lang naman si Felix.
“Carl, tumigil ka na.”
Saway ni Kathlyn dito kaya sa kanila nabaling ang atensyon nito.
“Oooohhhh... Sige para sayo mybaby titigil ako. Hahahaha.”
Natatawang saad pa nito na nagflying kiss kay Kathlyn bago bumalik sa kani-kanilang upuan.
“Siraulo talaga. Tsk!.”
Yamot na bulong naman ni Jessa habang nakatingin dito ng masama.
“Ganyan lang yan dahil anak siya ng President nitong school! Ang yabang pero pangit din naman!.”
Gigil na saad naman ni Isabelle.
“Hayaan niyo na. Hintayin nalang natin na may kumalaban sa kanya. Siguradong may tatayo din para labanan siya.”
Saad naman ni Kristine sa mga kaibigan niya.
Hanggang sa dumating na din ang kanilang professor at mag-umpisa ang kanilang klase. Pero napapansin pa din nila ang maya't-mayang paglingon at pag-ngiti sa kanila ni Carl na siyang sinisimangutan naman nila.
Kinagabihan, habang nagpupunas ng mesa si Wilma ay minamasahe naman ni CJ ang paa niya kung saan ang may injury. Nasa may sahig naman ang dalawang bata na gumagawa ng kanilang takdang aralin.
“CJ, Nak, hindi mo pa ba naiisipang umuwi sa inyo?.”
Malumanay na tanong ni Wilma kay CJ.
“Pinapauwi niyo na po ba ako, Nay?.”
Birong tanong naman ni CJ na nakangiti.
“Hindi sa ganun, Nak. Kahit pa sabihing ilang araw ka palang dito samin ay tinuring na din kitang anak. Ang akin lang, bilang ina, siguradong nag-aalala na ng sobra ang mga magulang mo sayo.”
Saad naman ni Wilma at umupo sa tabi ni CJ.
“Hindi mo ba sila namimiss o naaalala?.”
Tanong pa ni Wilma. Napatulala naman si CJ dahil dito.
“Hindi, Nay. S-Sigurado namang hindi sila nag-aalala sakin eh. I think, masaya pa nga sila eh dahil wala ako sa bahay.”
Malungkot na saad naman ni CJ.
-“Kasi kung nag-aalala sila sakin, my face should've been all over the news. I know how powerful my father is.”-
Isip pa ni CJ.
“Nak, alam ko ang pakiramdam ng isang magulang. Kung hindi man naging maganda ang relasyon mo sa magulang mo, hindi ibig sabihin nun na hindi ka na nila mahal at hindi sila nag-aalala sayo.”
Saad ni Wilma kay CJ na humawak pa sa balikat niya.
“Kung gusto mong manatili dito ay walang problema sakin yun. Pero kailangan mong tawagan ang pamilya mo at sabihing okay ka lang. Baka kasi isipin pa nila na may masama ng nangyari sayo eh.”
Saad pa ni Wilma dito.
“S-Sige po, Nay. Salamat po..”
Ngiting saad naman ni CJ at niyakap si Wilma. Napangiti din ito habang hinahagod ang likod niya.
“Aaarrrh!..”
Pero biglang napabitaw sa yakap si Wilma at napahawak sa ulo nang makaramdam ng sakit mula dito.
“Nay? Nay, bakit po?.”
Nag-aalalang tanong ni CJ nang makitang napapapikit na si Wilma at napapadaing dahil sa sakit. Maging sina Vincent at Wina ay napatayo at napalapit sa gawi ng kanilang Nanay.
“Nay? Nanay?.”
Tawag-pansin pa ng dalawang bata kay Wilma.
“Aaaaahhhhhggggg.. Aaaarrrrhhhg..”
Impit pang daing ni Wilma na hindi na maipinta ang mukha at napapadiin na ang paghawak sa kanyang ulo dahil nanunuot ang kirot dito.
“Nay??!! Nay??!! A-Anong nangyayari, Nay?.”
Hindi na din mapakali si CJ na niyuyugyog si Wilma. Maging sina Vincent at Wina ay tuluyan ng napaiyak.
“N-Nay! Nanay..”
Iyak na tawag pa nina Vincent at Wina kay Wilma.
“AAAAHHHHHH!!! AAARRRGGGHHH!!.”
Sigaw na daing na ni Wilma dahil sa sobrang sakit habang nakapikit at naluluha. Napahigpit na din ang hawak niya sa upuan na tila gustong labanan ang sakit na nararamdaman.
Lalo namang binalot ng kaba si CJ dahil sa nakikita. Panay din ang yugyog niya kay Wilma. Nagmadali din siyang kumuha ng tubig para ipainom kay Wilma pero hindi niya naman ito mapainom ng maayos dahil pabaling-baling ang ulo nito dahil sa sakit na nararamdaman. Ang dalawang bata naman ay mas lalong napaiyak dahil sa nakikita.
“Nay, a-ano po bang nangyayari sa inyo? N-Nay, kausapin mo ako.”
Tuluyang binalot ng takot si CJ dahil sa sobrang pag-aalala kay Wilma.
“Y-Y-Yung g-g-ga-mot k-ko.”
Nahihirapang saad ni Wilma habang nakaturo sa may kusina.
Nagmadaling hinanap naman ni CJ ang gamot sa kusina kung saan nakaturo si Wilma. Nang mahanap niya ito ay agad niya itong pinainom kay Wilma. Nanginginig pa si Wilma at halos hindi makainom ng maayos.
“Nay? Nay?!.”
Gulat na napasigaw si Kristine na kadadating lang galing sa school. Nagmadali kasi siyang maglakad nang makarinig ng iyak mula sa labas ng kanilang bahay.
“Nay?.”
Lapit at hawak niya pa sa magkabilang pisngi ng nanay niya at nag-aalalang tiningnan ito sa mga mata.
“I-I-Ina-an-tok a-ako, N-Nak.”
Pero napangiti naman si Wilma at napatingin sa mga anak niya habang nagsasalita. Sa pagkakataong iyon ay hindi na umepekto ang gamot na iniinom niya.
“Nay?! Nay?! Wag po kayong pumikit! Nay! Nay! Please po!.”
Tuluyan na ding napaiyak si Kristine habang niyuyugyog si Wilma.
Hanggang sa tuluyang pumikit ang mga mata ni Wilma na lalong nagpahagulhol sa magkakapatid.
“Kristine! Let's bring her to the hospital!.”
Mabilis na umaksyon naman si CJ na binuhat si Wilma.
Agad ding sumagi sa isip ni Kristine na wala silang pera pero wala na siyang nagawa nang maglakad si CJ palabas habang buhat-buhat ang kanyang Nanay. Umiiyak na nakasunod naman sina Kristine at ang dalawa niyang kapatid. Naghanap din sila ng masasakyan at dinala nga sa hospital si Wilma.
~
~
~
⇨acacabas_019ツ.