EPISODE 14.

3012 Words
“MEANT TO BE” EPISODE 14. ◆General's POV.◆ Kasalukuyang naglalakad sa isang mall sina Zane, Grey at Vin. Nagplano kasi silang mamasyal saka maghanap ng mga damit at ng kung ano-ano basta kanilang matipuhan. Broh bonding, kumbaga. "So?." Tinging tanong ni Grey kay Zane. Makailang ulit na kasi nitong tinatawagan si CJ simula nang nasa biyahe palang sila hanggang sa makarating sila ng Mall. "Still out of coverage area." Sagot naman ni Zane. Napatigil din silang lahat sa paglalakad at nagtatakang nagkatinginan. "She might be grounded." Maya-maya'y hinala na ni Vin. "She could be. But she won't turn off her phone. That's.. unusual." Saad naman ni Grey. Napapabuntong hininga ang apat dahil sa kanilang mga iniisip. Nagpatuloy nalang din sila sa paglalakad habang nakakunot ang noo. Maya't-maya ding tinatawagan ni Zane si CJ sa pag-aasang makokontak na ito. Kagagaling lang nila Isabelle, Jessa at Kathlyn sa isang food court ng Mall. Pagkalabas nila ay agad na inilabas ni Jessa ang kanyang phone para tawagan si Kristine. Nagkabigayan na din kasi sila ng number. May mga hawak din silang inumin na siyang binitbit nila habang naglalakad. (Riinngg.. Riinngg.. Riinngg.. Riinngg..) (The subscriber cannot be reached.. Please try again later..) "She's not answering." Saad ni Jessa nang muling hindi sumagot si Kristine. Ilang beses niya na din kasi itong tinawagan. "Hmmmm. I think she's busy. Alam niyo naman ang sissy nating yun, masyadong workaholic." Saad naman ni Kathlyn. "Eh kung pumunta nalang kaya tayo sa kanila? What do you, guys, think?." Suhestiyon ni Isabelle. "We don't know where she lives, do we?." Saad naman ni Jessa. Napatingin si Isabelle kay Jessa saka napangiti ng alanganin nang may marealize. "We don't. Hehe." Kamot ulong saad pa nito habang nakangiti. Ni minsan kasi ay hindi pa sila nakapunta sa bahay nila Kristine. Same thing na hindi pa ito nakakapunta sa kanilang bahay. Puro eskwelahan-trabaho-bahay lang kasi ito. Maswerte nalang din kapag naisasama nila itong makipagbonding sa kanila. Napabuntong-hiningang pinagpatuloy nila ang paglalakad habang sige pa rin sa pagkontak si Jessa kay Kristine. "Agh!." "Ahmmp!." Sabay na bahagyang napadaing ang dalawang taong nagkabanggaan. Pareho kasi silang abala sa cellphone kaya hindi nila napansin ang isa't-isa. "Oh s**t!." Inis na napamura pa ang babae saka napatingin sa damit niyang natapunan ng kanyang hawak na inumin. "Damn!." Mura naman ng nakabanggaan niya nang makitang natapunan din ang damit niya. "Sissy." Lapit nina Kathlyn at Isabelle kay Jessa nang makita ang pagkayamot sa mukha nito dahil sa pagkabasa ng damit nito. "Broh." Lapit din nina Grey at Vin kay Zane na masama ang tinging pinupukol sa babaeng nakabanggaan niya. "What the hell! Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo, miss?!." Yamot ng sigaw ni Zane sa babae. "Excuse me?! Ako pa talaga tong sinisi mo?! Bakit?! Tiningnan mo din ba ang dinadaanan mo?!." Yamot na pasigaw na saad naman ni Jessa. "Sissy, tama na." "Broh, hayaan mo na." Sabay na hawak naman ng kani-kanilang kaibigan sa kanilang braso. Nakakuha na din kasi sila ng atensyon mula sa mga taong naroon. "Miss, pasensya ka na." Hinging paumanhin na ni Grey kay Jessa para sa nagawa ni Zane. Tumango naman si Jessa bilang sagot na medyo naging soft ang tingin. Makikita din ang pagsingkit ng mga mata ni Jessa dahil sa sama ng kanyang tingin kay Zane, samantalang ito ay nagpipigil din ng galit habang sila ay naglalakad palayo sa isa't-isa. "In fairness sissy, ang gagwapo nila ah. Haha." Tawang saad ni Kathlyn na napakindat pa kay Jessa at Isabelle. "Oo nga eh. Ito kasing sissy natin masyadong hot. Haha." Segundang saad naman ni Isabelle na tila kinikilig. "Gwapo? Tsk!." Sa halip ay saad lang ni Jessa na napapairap at napapailing habang pinupunasan ang damit niyang nabasa. "Broh, that was bad. They're all hot. We could have.. had them in bed." Nakangising saad ni Grey at iiling-iling na umiral na naman ang pagkababaero. "Yeah, especially the one who wears a sunglasses." Ngiting saad naman ni Vin na ang tinutukoy ay si Kathlyn. "No way!." Saad naman ni Zane na napapailing at nakakunot pa rin ang noo habang patuloy na pinapagpag ang parte ng damit kung saan siya natapunan. Nagulat at napatigil pa silang tatlo sa paglalakad nang biglang may babaeng tumigil sa harapan nila. Nakataas ang kilay nito at naka-crossed arms. "Nasaan si CJ?!." Nahimigan nila ang inis sa tono ng pagtatanong nito. "Nakikita mo bang kasama namin siya, Grace?." Pagsusungit na sagot naman ng badtrip na si Zane. "Hin---" "Exactly, hindi namin siya kasama. Basically, we don't know. And stop asking like a freaking girlfriend!." Sungit pang saad ni Zane na hindi manlang ito pinatapos sa pagsasalita saka nilampasan. Maging sina Grey at Vin ay napangisi at napailing kay Grace habang nilalampasan ito. Ayaw nila sa babaeng ito dahil bukod sa may pagka-war freak ito ay umaasta itong akala mo jowa ni CJ. Naiwang yamot naman si Grace dahil sa inasal ng tatlo sa kanya. ★★★★★ Nakaupo sa mahabang upuan si CJ. Katabi niya si Wilma habang nakatayo naman sa harap nila si Kristine na nakahawak sa ulo at nakakunot ang noo. Ang dalawang bata naman ay naglalaro sa labas. Katatapos lang din kasi nilang kumain. "Nak, bakit? May problema ba kung pansamantalang dito muna siya satin? Kilala mo ba siya?." Mga tanong mula kay Wilma habang nagtatakang nakatingin sa kanyang anak. Nakiusap kasi si CJ na doon muna siya sa kanila hanggang sa tuluyang gumaling ang injury niya sa paa. Napatingin naman si Kristine kay CJ habang ito ay nakatitig lang sa kanya. Pagkatapos niya kasing makita si CJ na nasa may pinto ng kanilang kwarto ay agad din itong nilapitan ni Wilma para usisain at kumustahin ang pakiramdam nito. At habang inaasikaso ito ng kanyang Nanay ay siya naman ay nakatayo lang at nakatingin sa mga ito. Hanggang sa lutuin ng kanyang Nanay ang isdang dala niya. Naikwento din sa kanya nito kung paanong napunta sa kanila ang kanilang bisita. Nakapagpakilala na din si CJ sa kanila habang pinakilala naman ng kanyang Nanay ang kanyang sarili at silang magkakapatid nung kumakain sila. Naitanong din ni CJ kung sino ang nagbihis sa kanya. Medyo nailang pa siya nang malamang si Wilma iyon pero laking pasasalamat niya na din dahil hindi si Kristine. "Hindi, Nay. Hindi ko po siya kilala. At okay lang naman po kung dito muna siya pansamantala." Sagot na ni Kristine kay Wilma habang napapasulyap kay CJ. Napakunot din ng konti ang noo ni CJ dahil sa narinig. Nagsinungaling kasi ito. "Okay lang naman po siguro sa kanyang matulog sa upuan eh." Saad pa ni Kristine. Masikip naman kasi ang kanilang kwarto. At pwede namang matulugan ang mahaba nilang upuan na gawa sa kahoy na siyang kasalukuyang inuupuan nila CJ. Nahimigan naman ni CJ na may konting pagsusungit sa tono ni Kristine. "A-Ah-Yeah. I'm fine sleeping here. I'm used to this." Pagsisinungaling pa ni CJ dahil sa takot na baka magbago ang isip ni Kristine. Si Kristine naman ay kunot noo siyang tiningnan dahil sa pag-eenglish niya. "I mean, sanay naman po akong matulog sa upuan." Muling saad ni CJ nang mapansin ang tinging pinupukol ni Kristine sa kanya. "Sigurado ka ba, CJ?." Tanong ni Wilma. Gusto mang tawagin ni Wilma na iha si CJ ay hindi niya magawa dahil naiilang siya, kasi nga mukha itong lalaki. "O-Opo." Tangong sagot naman ni CJ. Gusto mang tumanggi ni Kristine sa pagpapanatili kay CJ sa kanilang bahay ay hindi niya magawa. Alam niyang may pusong mamon ang Nanay niya kaya siguradong malulungkot ito kapag tumanggi siyang tumulong dito. Kasalukuyang nasa mini-office niya si Christian na nasa kanilang bahay mismo. Nirereview niya ang sales ng kanilang kompanya. Patagal ng patagal ay pakunot ng pakunot naman ang noo niya habang nakatingin sa mga documents. "The sales for this month is far different from last month. What happened? Bakit masyadong bumaba?." Takang tanong pa ni Christian sa hangin habang patuloy na bina-browse ang mga documents. Kinuha niya ang kanyang phone at may tinawagan. Tinanggal niya din ang salamin niya sa mata at marahang hinilot ang sentido niya. "Hello, Mr. Sandoval?." Sagot ng nasa kabilang linya. "Attorney Wilson, have you seen the sales for this month?." Tanong niya sa kanyang pinaka-pinagkakatiwalaang tao. Alam nito lahat ng mga trabaho when it comes to their company. Ito ang kanyang private Attorney at private Adviser. "I haven't seen it yet, Mr. Sandoval." Sagot naman ni Atty. Wilson. "Kindly check it for me. And tell me if you found something suspicious." Saad pa ni Christian na napatayo mula sa pagkakaupo. "Okay. I'll just call you back, Mr. Sandoval." Sagot naman nito saka pinatay ang tawag. Matanda din ito ng ilang taon kay Christian. Muling napaupo si Christian at tinawagan ang kanyang anak na si Jayson. Kasalukuyan itong nasa kanilang kompanya. (Riiinnnggg.. Riiinnnggg.. Riiinnnggg..) Agad na sinagot ni Jayson ang tawag nang makitang ang dad niya ito. "Hello, sir?." Sagot niya ng tawag. They were trained to be professional kaya "sir" ang tawag nila sa kanilang dad sa oras ng trabaho. "Jayson, inform the finance department to prepare. I want a full details report regarding the sales for this month, later this afternoon. A two hours from now would be fine." Saad ni Christian sa kabilang linya. "Copy, sir." Sagot naman ni Jayson saka pinatay ang tawag. Agad na tumalima si Jayson sa utos ng dad niya. Siya na din mismo ang pumunta sa finance department para sabihin dito ang pinapasabi ng dad niya. Pagkatanggap ng message galing kay Mr. Sandoval ay binalot ng kaba ang finance department lalo na ang head dito. "Eh ma'am, bakit naman po kayo kakabahan eh naka-inventory naman po lahat eh. Saka taga-lista lang naman po tayo ng lahat ng sales." Saad ng isa sa mga nagtatrabaho sa finance department. "Well, wala namang problema yun eh. But knowing our President, I'm sure he'll bombard me with unexpected questions." Kinakabahang saad pa ng head ng finance department na ang tinutukoy ay si Christian. Alam din kasi ng lahat ng nagtatrabaho sa kanilang kompanya kung gaano siya ka-strikto with it comes to work. (Riinngg.. Riinngg.. Riinngg.. Riinngg..) Nang makitang si Attorney Wilson ang tumatawag ay sinagot ito ni Christian. "Hello, Attorney?." Sagot niya pa ng tawag. "Mr. Sandoval, I've checked the sales. And yeah, it's a little bit suspicious. I think I should meet Manager Valeria for this, if you let me." Suhestiyon ni Atty. Wilson. Si Manager Valeria ang overall manager sa lahat ng branch ng kanilang negosyo. "Yeah. I was about to ask you to. Please do that for me." Saad naman ni Christian dito. "Okay, Mr. Sandoval." Sagot pa ni Atty. Wilson saka pinatay ang tawag. ("Isang aksidente ang naganap dito sa may tulay malapit sa Barangay ng Cabalwa. Sinasabing ang motor ay nahulog mula dito sa kinatatayuan ko pababa sa tubig na nasa ilalim. Patuloy na pinaghahanap pa din ang may-ari ng motor na pinaghihinalaang tinangay ng tubig papunta sa kung saan." Saad ng reporter sa isang TV news. "Biglang lumitaw sa harap ko ang motor na nakasalubong ng truck na nasa unahan ko kaya napapreno ako ng malakas. Bigla ko nalang nakitang napalihis siya ng daan at nahulog sa tulay." Saad naman ng iniinterview ng reporter na nakaturo sa parte kung saan nahulog ang motor.) Napapailing si Jennelyn habang kumakain at nanunuod ng TV. Kinuha niya din ang remote at nilipat ang channel. "Mga tao talaga ngayon. Hindi na marunong mag-ingat. Tsk!." Saad pa ni Jennelyn sa sarili niya habang palipat-lipat ng channel. "Masyado naman atang mayabang magmaneho kaya nadidisgrasya. Tsk!." Saad pa ni Jennelyn na napapailing. ⇨⇨⇨⇨⇨ Magdidilim na, abala sa pagsasaing si Kristine habang nakaupo si CJ at nakikipaglaro sa dalawang bata. "Yah! Tugs! Tugs! Aaarrrggghhh..." Parang batang nakikipaglaro si CJ na may hawak na dalawang maliliit na karton na may guhit na mukha ng lalaki at kanyang pinag-aaway kunwari. "Ahahaha. Patay na! Ito namang isa Atkuy!." Saad naman ni Wina na halatang natutuwa at inabot ang isa pang laruan. "Mamaya na yan. Ito na muna. Hahaha." Saad naman ni Vincent na inabot ang plastic na laruang putol ang kamay. Si Vincent din ang nakapag-isip ng itatawag sa kanya. Atkuy na ang ibig sabihin ay "ate at kuya". Naiintindihan na din naman kasi nitong tomboy siya. Napapatingin si Kristine sa gawi nila CJ dahil sa ingay ng mga ito. Napalapit din sa kanya si Wilma nang mapansin ang maya't-maya niyang pagtingin sa kanilang bisita. "Nak? Okay ka lang ba? Napapansin kong parang gusto mo ng kainin ng buhay ang bisita natin ah? May hindi ka ba.. sinasabi sakin?." Tanong pa ni Wilma pagkatapos bigyan ng sulyap si CJ. "W-Wala po Nay. Iniisip ko lang po, hindi tayo sigurado kung mabuting tao ang pinapasok natin dito sa bahay." Kunwaring saad ni Kristine at umarteng nag-aalala. "Nak, mukha naman siyang mabait eh." Ngiting saad naman ni Wilma. -"Naku, Nay! Kung alam niyo lang! May pagkaempakto ang ugali ng taong yan!."- Simangot na salungat naman ni Kristine sa isip niya. "Saka isa pa, aalis naman daw siya pagkagaling ng sugat niya eh." Saad pa ni Wilma. "Siguradong hahanapin siya ng pamilya niya, Nay." Saad ni Kristine. "Kokontakin niya naman daw eh. Pahiramin mo nalang ng phone, Nak." Saad naman ni Wilma. Hindi na din sumagot si Kristine dahil kahit ano namang sabihin niya ay lagi itong may isasalungat. "Nak, sige na. Ako nang bahala dito. Linisan mo nalang muna yung sugat ni CJ." Maya-maya'y utos na ni Wilma kay Kristine. Gusto mang tumanggi ni Kristine ay wala siyang nagawa. Pagkalapit ni Kristine kay CJ ay takang napatingin pa ito sa kanya. May hawak siyang maliit na planggana, sabon at panyo. Sa hindi malamang dahilan kasi ay nagkaroon ng sugat si CJ na parang hiniwa sa kaliwa niyang paa. "Linisan ko na muna ang sugat mo." Seryosong saad ni Kristine kay CJ. Ang nakakaintinding si Vincent ay inaya naman si Wina palayo sa kanila. Umupo na din si CJ nang maayos sa upuan. Tinanggal naman ni Kristine ang panyong nagsisilbing benda na nakabalot sa sugat niya. "Wala kaming alcohol kaya magtiis ka sa sabon." Medyo masungit na saad ni Kristine, sapat lang na silang dalawa ang makarinig. "Walang problema sakin yan." Saad naman ni CJ kaya inumpasahan na ni Kristine ang paglinis sa sugat niya. "Ano bang plano mo ha? Bakit mo to ginagawa? Pwede kang umuwi sa inyo! Pwede mong ipagamot tong sugat mo sa hospital! Hindi mo kailangang magtiis dito!." Sa bawat pagsasalita ni Kristine ay ang pagdiin naman ng basang panyong pinupunas niya sa sugat ni CJ. Lihim na napapadaing naman si CJ na namimilipit dahil sa sakit. Tinitiis niyang hindi gumawa ng ingay kahit pa sobrang nasasaktan siya. "W-Wait, stop. Can you be a little bit gentle?." Pakiusap na ni CJ nang hindi na makatiis sa sakit. Napatingin din sa kanya si Kristine na nakakunot ang noo. Ganunpaman ay dinahan-dahan na din nito ang pagpunas. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Ano bang intensyon mo, ha?!." Muli ay pagsusungit pa ni Kristine. Silang dalawa lang din ang nakakarinig dahil hinihinaan nila ang kanilang boses. "Wala akong masamang intensyon. I just wanted to stay.. and.. talk to you." Malumanay na saad ni CJ. Napasimangot din si Kristine sa isiping gusto pa ata nitong alilain sila. "I promise I won't be a burden." Saad pa ni CJ na tila nabasa ang naiisip niya. "Talk? Wala tayong dapat pag-usapan. Ano bang pinagsasabi mo?." Kunot-noo pang saad ni Kristine. "Look. I just wanted to clear things and apologize. I'm sorry for what I did. I didn't know it was yo---" "STOP!." Napatigil sa pagsasalita si CJ at napatingin sina Wilma kay Kristine dahil sa bigla niyang pagsigaw at pagtayo. Tila natauhan naman si Kristine nang makitang takang nakatingin sa kanya ang kanyang Nanay. "W-Wag ka kasing m-malikot!." Pagdadahilan pa ni Kristine. "Nak, wag ka ngang sumigaw diyan. Tinatakot mo si CJ eh." Saway naman ni Wilma kay Kristine kaya napatango nalang din ito at muling umupo para linisan ang sugat ni CJ. Nangingiti naman si CJ dahil sa ginawang pagpapalusot ni Kristine. Samantalang si Kristine ay gusto ng batukan si CJ. Kasalukuyang nasa conference room na si Christian. Nasa unahan niya na din ang head of finance department na pinapakita ang lahat ng kanilang nainventory maging ang sales, kahit ang mga kaliit-liitang bagay tungkol dito ay hindi niya pinalampas. Silang dalawa lang din ang naroon. "Mrs. Valdez, are you sure about that sales?." Unang tanong sa head of finance department mula kay Christian. "Yes, sir." Siguradong sagot naman ni Mrs. Valdez. "Have you double checked your inventory and the sales?." Tanong pa ni Christian. "Yes, sir." Muli ay sagot naman ni Mrs. Valdez. "The details are thoroughly explained. However, the sudden falloff of our sales is a bit doubtful." Saad ni Christian na siyang nagpakaba naman kay Mrs. Valdez. Naisip niya kasing baka siya ang pinaghihinalaan nitong may kasalanan kahit wala naman. "I asked you here, not totally because of explaining or something. I want you to do something for me." Saad pa ni Christian na diretsong nakatingin sa mga mata ni Mrs. Valdez. "A-Ano po yun, s-sir?." Kinakabahang tanong ni Mrs. Valdez. "I know we had a villain inside, disguised in a silver clothes. And I want you to find out who it is. That traitor must be punish for all the shits he did." Seryosong saad pa ni Christian. Nagulat naman si Mrs. Valdez sa narinig at napanganga. Hindi niya akalaing ipapahanap nito sa kanya ang trahidor na nasa kanilang kompanya. "And remember, this will just between the two of us, Can I trust your loyalty on this?." Saad pa ni Christian. "Y-Yes, sir. It would be my honor." Saad naman ni Mrs. Valdez. "Be cleaver." Huling saad pa ni Christian saka tumango na tila pinapaalis na si Mrs. Valdez. Agad namang nakuha ni Mrs. Valdez ang gusto niyang iparating kaya umalis na din ito bitbit ang mga gamit nito. Napatayo naman si Christian at napatingin sa labas ng glass wall ng kanilang kompanya. Pinapatay niya na din sa isip niya ang trahidor na naglakas loob na tirahin siya patalikod. ~ ~ ~ ⇨acacabas_019ツ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD