“MEANT TO BE”
EPISODE 20.
Tila nabingi si Kristine nang makita si CJ na kasalukuyang nakikipag-usap sa School Vice President. May pagka-arogante pa ito kung makipag-usap na akala mo pagmamay-ari ang eskwelahan. Medyo nagulat pa si Kristine nang nakalapit na pala sa kanya ang Vice President na tinapik pa siya ng mahina sa may balikat.
“A-Ah p-po, ma'am?.” Biglang tayo ni Kristine na kinakausap na pala ng VP.
“Okay ka lang ba, Tine?.” Nag-aalalang tanong pa ng VP sa kanya na siyang tinanguan naman niya. Napatingin din siya kay CJ at nakitang nakangiti ito sa kanya ng nakakaloko.
“Hmmm. Nga pala iha, siya si CJ Sandoval. Siya ang bagong transferee ng school. At siya din ang itotour mo sa buong eskwelahan.” Saad na ng VP at tinuro si CJ. Halatang napipilitan lang itong i-entertain si CJ dahil sa kagaspangan ng pinakita nitong ugali.
-“Naku ma'am, kung alam niyo lang. Kilala ko na po yan!.”- Isip naman ni Kristine habang nakatingin kay CJ.
“And CJ, siya si Kristine Amante, ang matalinong scholar ng school.” Proud namang saad ng VP kay CJ.
“Hmmmm. It's nice to meet you.” Saad pa ni CJ at nakipagkamay na tila nag-eenjoy sa nakikitang reaksyon ni Kristine. Napatitig din muna sa kanya si Kristine bago tinanggap ang pakikipagkamay niya.
Pagkatapos ibigay ng VP ang schedule ng klase ni CJ at ang pagpapakilala portion ay lumabas na din sila sa Administrative Office.
“So, where to, Ms. Amante?.” Natatawang tanong pa ni CJ kay Kristine na siyang nagpakunot naman ng noo nito. Naglalakad na din sila sa hallway. May mangilan-ngilan ding napapatingin kay CJ dahil sa bago itong mukha sa kanilang paningin.
“CJ, anong ginagawa mo dito? Paanong napunta ka dito?.” Takang tanong at harap na ni Kristine kay CJ.
Nagtataka din siya sa pinapakita nitong pagtrato sa kanya, ang pagkakaalala niya kasi ay hindi sila in good terms dahil sa nangyaring pagpapaalis niya dito sa kanilang bahay.
“What? Well, I've decided na panagutan ka. Panagutan yung nangyari sating dalawa.” Parang wala lang na saad ni CJ.
Nanlaki naman ang mga mata ni Kristine dahil sa narinig at agad na tinakpan ang bibig ni CJ habang palingon-lingon sa paligid. At dahil matangkad si CJ sa kanya ay napatingkayad pa siya ng konti.
“Ano bang pinagsasabi mo, ha?! Nakalimutan ko na ang pangyayaring yun! Bakit kailangan mong ipaalala?!.” Makikita ang galit sa mga mata ni Kristine nang matigas itong bumulong.
Pilit niya kasing kinalimutan ang pagkakamaling nagawa niya pero sa isang iglap ay pinaalala na naman ito sa kanya ng taong kasama niya pa sa pagkakamaling yun. Kaya rin mainit ang ulo niya kay CJ ay dahil na din sa pagkakamaling iyon.
“Mmmbmmmb mmmbbbb?.” Hindi naman makapagsalita si CJ ng maayos dahil sa kamay ni Kristine na nakatakip sa bibig niya.
“Ano?!.” Yamot pang tanong ni Kristine.
“Hmmmm.” Turo naman ni CJ sa kamay ni Kristine na nakatakip sa bibig niya. Tinanggal naman ito ni Kristine.
“OMG! Close sila ng poging yan? Lahat nalang ba? Tsk!.”
“Masyado talagang malandi! Tsk!.”
Napatingin si Kristine sa mga babaeng siya na naman ang pulutan. Maging si CJ ay napakunot noo dahil dito kaya hinarap niya ang mga babae.
“What the hell is wrong wit---” Pero bago paman niya matapos ang sasabihin niya ay hinila na siya ni Kristine palayo sa lugar na yun.
“Hey. Hey. Hey!.” Gulat na reaksyon naman ni CJ habang hinihila siya ni Kristine. Dinala siya ni Kristine sa may locker nang makitang walang tao doon.
“CJ, tatanungin kita ulit! Ano ba talagang ginagawa mo dito?!.”
“I'm the transferee.”
“Pero bakit dito?! Marami namang school ah!.”
“You can ask my father, why.”
“Aaarrggh!.”
Yamot ng reaksyon ni Kristine nang hindi niya makausap ng maayos si CJ na tatawa-tawa pa. Iniwan niya na din ito sa sobrang inis.
“Kristine! Hahaha hey.” Tatawa-tawang tawag at habol ni CJ kay Kristine sabay hawak sa braso nito.
“Tigilan mo ako ah!.” Inis namang waksi ni Kristine sa kanya at pinagpatuloy ang paghakbang.
“Hmmm.. Gusto mo bang bumalik ako sa Administrative Office at sabihing iniwan ako ng nagtotour sakin? I'm sure you wouldn't want to piss the Vice President off of this school, would you?.” Pananakot ni CJ na siyang nagpatigil kay Kristine sa paghakbang. Napapikit pa siya ng mariin bago humarap dito at muling lumapit. Ngiting tagumpay naman si CJ.
“Sige na po, sir!.” Sarcastic pang saad ni Kristine at nagbow na parang hari ang kausap. Napangiti naman si CJ ng nakakaloko sa kanya habang siya ay napapairap nalang.
Habang nililibot ni Kristine si CJ sa kanilang eskwelahan ay napapatingin sa kanila ang mga tao. Nakasimangot naman si Kristine habang tawa ng tawa si CJ.
“Tine?.” Napalingon silang dalawa ng makarinig ng tawag mula sa likod.
“Jake.” Ngiting saad naman ni Kristine pagkalingon at pagkakita kay Jake.
Nagkatitigan din sina CJ at Jake pagkatapos ay napakunot noo silang dalawa. Tila nagsukatan pa sila ng titig na makikitang hindi gusto ang isa't-isa. Nagtataka pa si Jake sa porma ni CJ na pangmayaman.
“Anong ginagawa mo dito, ha?!.” Mahina pero madiing tanong na ni Jake habang nakakunot noong lumapit kay CJ.
“Ano namang pakialam mo?.” Ngising tanong naman ni CJ.
“J-Jake.. Ah.. Eh.. Si CJ, s-siya ang bagong transferee ng school.” Pumagitna naman si Kristine sa dalawa para mapigilan ang namumuong tensyon.
“Pero bakit kasama mo siya?.” Kunot noong tanong naman ni Jake kay Kristine. May mga napapatingin na din sa kanilang mga estudyante.
“Ka-Kasi ano.. k-kasi ako ang m-agto---”
“Sissy?.” Natigil sa pagsasalita si Kristine at napatingin sa mga sissy niya na biglang dumating at sabay-sabay siyang tinawag.
“CJ?!.” Sabay-sabay pa ulit ng tatlo pagkatingin kay CJ. Nagulat ang mga itong makita si CJ dahil naikwento na din naman sa kanila ni Kristine ang nangyaring pagpapaalis nito sa kanilang bahay.
“Ah.. Eh.. Mga sis..” Pati si Kristine ay naguluhan na din kung sino ang haharapin.
“Anong gingagawa mo dito, CJ?.” Gulat pang tanong ni Isabelle na napapatingin sa porma nito.
“Siya yung pinag-uusapan kanina.” Singit naman ni Kathlyn ng maalala ang porma ng taong pinag-uusapan ng mga tao.
“That's why he looks so familiar, I mean, she pala.” Bulong naman ni Jessa.
“To answer your question, I'm the new student here. And Kristine will be the one to tour me around.” Saad na ni CJ na nagpanganga sa tatlo.
Maging si Kristine ay hindi na nakapagsalita na napapikit at napatampal nalang sa noo. Si Jake naman ay masama pa din ang tinging pinupukol kay CJ habang ang tatlo ay napapatango nalang na nakanganga pa rin dahil sa gulat. Pasimpleng nginisihan naman ni CJ si Jake na siyang lalo nitong kinaasar.
★★★★★
Pagkatapos mag-excuse ni Kristine para itour si CJ ay galit na pumasok ng classroom si Jake. Makikita ang gigil sa mukha niya habang iniisip ang mukha ni CJ na nakangisi sa kanya.
“Oh pare? Anong mukha yan?.” Tanong ng isa sa mga kaibigan niya pag-upo niya sa tabi ng mga ito.
“Badtrip lang. Nandito na naman yung epal sa panliligaw ko kay Kristine eh! Bwesit!.” Yamot pang sagot ni Jake.
“Ha? Sino?.” Takang tanong naman ng isa niya pang kaibigan.
“Yung transferee! Yung bwesit na CJ na yun!.” Sagot ni Jake na nakakunot pa rin ang noo.
“Yung transferee? Yung usap-usapang gwapong lalaki daw tapos magara yung sasakyan? Yun ba pare?.” Gulat na tanong naman ng isa pa. Ito din ang mga teammates niya at sa tuwing wala sila sa court ay "pare" ang kanilang tawagan.
“Oo. At wag nga kayong tanga! Dahil hindi naman lalaki yun eh! Tomboy yun!.” Yamot pang saad ni Jake na halatang ayaw na ayaw sa nalamang sa kanilang school na mag-aaral si CJ. Napanganga naman ang mga kaibigan niya sa narinig.
“Eh pare, second year criminology din yun eh. Meaning, baka kaklase natin siya.” Saad naman ng kaibigan niya.
“Sana lang hindi dito sa seksyon natin mapunta ang taeng yun!.” Inis pa ring saad ni Jake.
Dalawang section kasi ang criminology, A at B. Section A naman sila Jake. Lingid sa kaalam din ni Kristine ay magaspang ang ugali ni Jake kapag hindi siya kaharap.
Hanggang sa dumating na ang prof. nila Jake ay wala na naman siyang pakialam dito na nakatingin lang sa kawalan at pinapatay si CJ sa isip niya.
★★★★★
Dahil sa pagtotour kay CJ ay hindi na nakapasok si Kristine sa kanyang klase. Sinabihan na din naman siya ng VP na nai-excuse na siya sa mga teacher niya. Silang dalawa nalang din ang magkasama dahil nagsipasok na sa kani-kanilang classroom sina Jake at ang mga sissy niya. Ayaw na sanang pumasok ng mga kaibigan niya pero pinilit niya ang mga ito.
“Oh ano? Okay na po ba sir?.” Medyo sarcastic pang tanong ni Kristine nang mailibot na niya sa lahat ng parte ng eskwelahan si CJ. Nasa rooftop na din silang dalawa dahil ito ang huli nilang pinuntahan.
“Aaaaahhhhhh...” Reaksyon ni CJ habang nakaspread ang magkabilang kamay na tila nilalanghap ang sariwang hangin habang nakatingin sa ibaba kung saan matatanaw ang mga taong dumadaan sa highway.
“This will be my favorite place.” Masayang saad niya pa bago humarap kay Kristine.
“Pwede na ba akong umalis?.” Tanong naman ni Kristine.
“Let's go to the cafeteria, I'm hungry.” Sa halip ay ngiting saad naman ni CJ.
“Let's go.” Saad pa ni CJ at hawak sa kamay ni Kristine. Nagulat pa siya pero nagpaakay nalang din dito.
“CJ, bitawan mo nga ako!.” Medyo inis na saad ni Kristine nang makitang pinagtitinginan sila ng mga tao, particularly ang kanilang kamay. Hindi naman siya pinakinggan ni CJ hanggang sa makarating sila ng cafeteria.
“Wow naman! Iba din!.” Napatigil sa paglapit sa counter sina CJ nang may biglang humarang sa kanilang unahan na isang babae habang pumapalakpak at nakangisi.
“Who are you?!.” Kunot noong tanong naman ni CJ dito.
“Marian, padaanin mo kami. Please lang.” Saad naman dito ni Kristine. Napatingin na din sa kanila ang lahat ng taong nasa cafeteria na nagbubulungan pa.
“I see you're the new student. And they're right. You're a handsome man.” Medyo malanding saad pa ni Marian na tila nagpapacute kay CJ at hindi pinansin si Kristine. Napakunot naman ang noo ni CJ dito.
“You are right and wrong in two things.” Saad naman dito ni CJ na siyang nagpakunot din ng noo nito.
“You are right of me, being handsome. But you're definitely wrong because I'm not a man. I'm a Lesbian.” Ngising saad pa ni CJ na nagpanganga dito. Maging ang mga nakarinig ay hindi din makapaniwala sa narinig.
Hinila na ni CJ si Kristine papunta sa harap ng counter. Wala din siyang pakialam nang magsimulang magbulong-bulungan ang mga tao. Hindi niya din kasi kinakahiya kung ano talaga siya.
“Anong gusto mong kainin?.” Tanong ni CJ kay Kristine.
“Busog pa ako.” Sagot naman ni Kristine.
-“Ibang klase din talaga tong taong to! Haaaayyyy.. Nakikita ko ng guguluhin na naman nito ang mundo ko.”- Isip pa ni Kristine habang nakatitig kay CJ na nag-oorder ng pagkain.
Pagkatapos mag-order ay naupo na sila sa bakanting mesa. Nangingiti naman si CJ dahil nakakunot pa rin ang noo ni Kristine habang nakatingin sa kanya.
“Bakit ang dami mong inorder?.” Napanganga si Kristine nang kunin ni CJ ang order nito at pagbalik ay ang dami nitong dalang pagkain.
“Of course, dalawa tayong kakain eh. Pambawi ko na din to sa kapilyuhan ko.”
“Sabi ko namang hindi ako kakain eh!.”
“Kapag hindi ka kumain, hindi tayo aalis dito. Ikaw din.”
Naiinis na naman si Kristine sa kakulitan ni CJ. Pero sa huli ay wala din siyang nagawa kundi ang kumain. Masyadong mapilit si CJ para hindi niya pagbigyan.
Pagkatapos nilang kumain ay napatingin si CJ sa relo niya. Nang makitang alas-kwatro pasado na ay nagpaalam na din siya kay Kristine dahil kailangan niya pang bumili ng mga gamit niya para sa pagbabalik eskwela. Bago pa siya makaalis ay hindi pa siya natigil sa pang-aasar kay Kristine na siyang kinasimangot naman nito.
Gaya din ng sinabing kondisyon ng dad niya ay magtatrabaho siya sa kanilang kompanya pero tuwing weekends lang kaya naiisip niyang mas magiging busy siya tuwing weekends.
★★★★★
Malakas na napadaing ang isang lalaki ng mabali ang paa niya nang pabagsak siyang matumba galing ere. Kasabay ng pagbagsak niya ay ang nakatayong bagsak naman ni Gerald na siyang may kagagawan kung bakit siya na-out balanced.
“AAAAAAAHHHHHHH!!!.” Malakas na daing pa ng lalaki na napaiyak na rin dahil sa sobrang sakit. Pinagpapalo niya na din ang sahig dahil sa sobrang kirot na nararamdaman niya.
Agad na napalapit sa kanya ang mga teammates niya na nagulat dahil sa pangyayari. Makikita din sa mukha ng mga ito ang awa. Napatayo din ang coach nito na halatang nagulat din.
-“Annnd knock down! HA-HA-HA.”- Isip naman ni Gerald na natutuwa sa kanyang nakikita. Sabay kasi silang tumalon ng lalaki at dahil gusto niya itong pilayan ay pasimply niya itong sinipa sa may buto ng paa nito dahilan para mapadaing ito at ma-out balance pagkabagsak.
Sa gitna ng mga nanunuod ay napatitig ang isang lalaki kay Gerald na siyang nakasaksi sa ginawa nito. Matalas ang mata nito hindi katulad ng ibang nanunuod. Napangisi pa ang lalaki dahil sa kanyang nakita. Masyado siyang naimpress sa nasaksihan. Napailing din siya habang matamang nag-iisip ng magandang plano.
-“Nakita ko na rin. Nakita ko na rin ang magiging legendary sa larangan ng street basketball. Tingnan lang natin kung may binatbat pa si CJ sa taong to! HA-HA-HA!.”- Masayang isip pa ng lalaki na natutuwa sa kanyang naiisip.
“Siraulo ka! Gago ka! Bakit mo ginawa yun?!.” Galit na sugod naman ng isa sa mga teammates ng lalaki kay Gerald. Dahil bukod sa nakita niya ang ginawa nito ay hindi pa ito tinawagan ng foul. Agad naman siyang pinigilan ng mga teammates niya.
“Pare, tama na. Baka ma-technical ka!.” Saway pa dito ng isa kaya napasuklay nalang ito ng buhok habang naiyak na din dahil sa frustration. Bestfriend niya kasi ang na out-balanced.
“AAAAAAHHHHHHH!!!!!.” Muli ay sigaw pa ng lalaki ng bitbitin na ito ng ambulansya na siyang dumating ng tawagan ng kanilang coach.
Pero hindi ito naging dahilan para itigil ang laro. Nagpatuloy ang laro na makikitang energetic pa rin si Gerald na tila nakapag-recharge dahil sa ginawa niya sa lalaki. At sa huli ay sila pa ang nanalo.
-----
Habang naglalakad na pauwi si Gerald ay bigla siyang napatigil sa paghakbang nang may biglang lumitaw na lalaki sa harap niya. Nasa fourties na ito, maliit lang at bilugan. Wala din siyang kasama dahil hindi siya mahilig makipagkaibigan, kahit pa sa mga teammates niya.
(Pap! Pap! Pap!)
Palakpak pa ng lalaki at napangisi habang nakatingin sa kanya.
“Nakita ko ang ginawa mo kanina. I was impressed.” Nanggigigil sa excitement na saad ng lalaki na siyang nanunuod sa mga audience na nakakita sa ginawa ni Gerald.
Hindi naman sumagot si Gerald na nilampasan ng lakad ang lalaki. Pinakita niyang hindi siya intresado dito.
“Pwede kita gawing legendary ng street basketball. Pwede kang kumita ng malaki. Malaking-malaki pa kesa sa nakuha mo kanina sa laro niyo. Barya lang yan kumpara sa makukuha mo pag sakin ka sumama. Pag ako ang naging coach mo.” Napatigil sa paghakbang si Gerald dahil sa narinig.
“Wala akong pakialam sa pera mo!.” Hindi intresadong saad naman ni Gerald at nagsimulang humakbang ulit.
Napaisip naman ang lalaki ng sasabihin habang nakasunod sa likod ni Gerald. Hindi din ito mapakali sa takot na baka mawala pa ang pagkakataong mapilit ang taong gusto niyang kumampi sa kanya. At sa bawat dahilan na binabato niya ay may binabato naman pabalik si Gerald na hindi pa rin intresado.
“Ma-Madami kang mapipilayan.” Biglang saad nalang ng lalaki na hindi na nakapag-isip ng maayos. Napangiti din ito ng makitang tumigil sa paghakbang si Gerald kaya pinagpatuloy niya ang sinasabi niya.
“Ma-Marami kang pwedeng lumpuhin na mga pumapayagpag sa street basketball.” Dagdag pa ng lalaki ng makitang nakikinig na si Gerald.
-“Tama. At mukhang mas mahahanap ko pa siya gamit ang pangit na to! HA-HA-HA!.”- Isip pa ni Gerald habang nakangisi.
Hinarap niya na din ang lalaki at napangisi dito na parang nasisiyahan sa isiping madami siyang malulumpo. At isa na doon ang taong dahilan ng pagkamuhi sa puso niya.
⇨⇨⇨⇨⇨
Pagkatapos ng klase nila Kristine ay agad niyang nakita sa labas ng kanilang classroom si Jake na naghihintay. Nag-offer itong ihatid siya papunta sa flower shop kung saan siya nagtatrabaho. Minsan na din kasi siya nitong naihatid kung saan siya nagtatrabaho. Maging ang mga sissy niya ay pinilit din siya kaya napapayag nalang din siya.
“Tine, I'm so excited para sa dinner natin sa linggo. Thank you ah? Thank you sa pagpayag.” Malambing na saad ni Jake pagkapasok niya ng kotse. Napangiti naman si Kristine dahil dito.
“Suuusssx ano ka ba. Maliit na bagay lang naman yun eh kumpara sa mga ginagawa mo para sakin.” Sagot niya naman kaya nagmaneho na si Jake paalis.
Eksaktong pagdating ni CJ ng eskwelahan para sunduin si Kristine ay ang pagsakay naman nito sa sasakyan ni Jake. Napakunot pa ang noo niya dahil dito at napaisip din siya ng masama.
“Saan dadalhin ng gagong to si Kristine?.” Tanong pa ni CJ sa sarili niya na masama ang mukha.
Nagpasya si CJ na sundan ang sasakyan ni Jake kung saan nito dadalhin si Kristine. Naiinis pa siya sa isiping baka nagkakamabutihan na ang dalawa.
Pagdating sa flower shop ay pinagbuksan pa ni Jake si Kristine ng pinto. Nagpasalamat naman si Kristine dito.
Napatigil din ang sasakyan ni CJ sa may di kalayuan sa likod nila Jake. Nakakunot pa rin ang noo niya at napatingin sa establishementong nasa harap kung saan nakapark ang kotse ni Jake.
“Tine.” Medyo nabigla si Kristine nang hawakan ni Jake dalawa niyang kamay. Agad din niyang naramdaman ang malakas na pagkabog ng puso niya dahil dito. Napatitg naman siya sa mga mata nito.
“Alam mo naman kung gaano kita kagusto di ba? Tine, seryoso ako sayo. Seryoso ako na maging bahagi ng buhay mo.” Seryosong saad pa ni Jake at matamang napatingin sa mga mata ni Kristine.
“Hmmm-hmmmm. Alam ko naman yun eh. Makakapaghintay ka pa naman di ba? Kasi sa totoo lang Jake, hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko eh.” Ngiting saad naman ni Kristine dito. Nalungkot naman si Jake sa narinig.
“Hey, wag kang malungkot. Sabi ko naman di ba? Hindi pa ako sigurado pero alam kong may nararamdaman na akong kakaiba.” Dagdag pa ni Kristine na siyang nagpaliwanag naman sa mukha ni Jake. Napayakap din si Jake kay Kristine dahil sa narinig.
Napakuyom ng kamao si CJ dahil sa nakita niya. Lalo pang napakunot ang noo niya ng makitang hinalikan ni Jake si Kristine sa noo bago ito nagpaalam na umalis.
“Damn!.” Yamot pang mura ni CJ na halatang nanggigil sa nakita.
Pagkasakay ni Jake ng kotse niya ay inikot niya ito pabalik sa kung saan sila dumaan papuntang flower shop. Nakabukas din ang bintana ng passenger seat kung saan siya nakaupo nang dumaan siya sa tapat ng kotse ni CJ.
Dahan-dahang napalingon si CJ nang dumaan sa tapat niya ang kotse ni Jake. Nakita niya pa ang pag-ngisi nito na tila sinasadya nitong ipakita iyon sa kanya.
“Stupid tomboy. Hindi ka mananalo sakin. Huh!.” Ngising saad naman ni Jake pagkalampas niya sa kotse ni CJ at pagtingin sa kotse nito sa side mirror ng kotse niya.
Lingid sa kaalaman ni CJ, alam ni Jake na nakasunod siya sa kanila ni Kristine. Kaya naman sinadya niyang ipakita dito ang paglalambingan nila ni Kristine para asarin din ito.
Pagpasok ni Kristine ng flower shop ay binati niya muna ang mga katrabaho niya bago siya nag-umpisang magtrabaho. Nag-aayos na din siya sa mga display nilang bulaklak.
“Ano pong gusto niyong bulak---” Natigil sa pagsasalita si Kristine nang pag-angat niya ng ulo ay ang nakangiting mukha ni CJ ang bumungad sa kanya.
“CJ? Anong ginagawa mo dito?.” Pabulong pang tanong ni Kristine. Hindi naman sumagot si CJ na nagsimula ng pumili ng isang bungkos ng bulaklak. Napapatingin din dito ang ibang katrabaho ni Kristine na mga babae.
“For you.” Ngiting bigay pa ni CJ ng isang bungkos ng bulaklak kay Kristine na siyang ikinataka nito.
“Uuuuuyyyyy... Ikaw Tine ah. Hindi mo sinabing may isa ka pang gwapong manliligaw.” Tukso pa sa kanya ng isa sa mga katrabaho niyang babae. Nahiya naman siya dahil dito. Mabuti nalang at wala ang amo nila. Kilala na din naman kasi ng mga ito si Jake.
“CJ, ano ba?! Nasa oras ako ng trabaho! At paano mo nalamang nandito ako?!.” Inis ng saad ni Kristine kay CJ. Naiinis siya sa isiping baka mawalan pa siya ng trabaho dahil dito.
“Ang dami mo namang tanong.” Kamot ulong saad naman ni CJ.
“Saka wag kang mag-alala. Bibilhin ko naman to eh.. para sayo.” Ngiting saad pa niya at taas-baba ng kilay kahit nakikitang inis si Kristine. Hindi naman ito tinanggap ni Kristine kaya napapout si CJ.
All throughout ng trabaho ni Kristine ay panay ang pangungulit sa kanya ni CJ. Hindi niya nalang ito pinansin at inabala ang sarili niya sa mga customer.
⇨⇨⇨⇨⇨
Malalim na ang gabi ng matapos ang oras ng trabaho ni Kristine. Pagkapaalam niya sa pinaka-manager ng flower shop ay umalis na din siya. Pinagsabihan naman siya ng manager na si Loiza na wag niya na ulit dadalhin sa trabaho ang pakikipaglandian niya. Nagsorry naman siya dito. Ramdam niya din kasing hindi siya nito gusto.
“Hatid na kita.” Ngiting saad ni CJ paglabas ni Kristine ng shop. Hindi naman siya pinansin ni Kristine na akala mo hindi siya nito nakikita.
“Uy. Uy Kristine.” Kalabit niya pang pangungulit kay Kristine.
“Kaya kong umuwi!.” Saad naman ni Kristine na hindi manlang siya tinitingnan.
“It's already late. Baka mapano ka pa, mahirap na. And besides, gusto ko ding bisitahin sina Nanay at ang dalawang bata.” Napatingin si Kristine kay CJ nang biglang nangingiusap na ang tono nito.
“Malalim na ang gabi, tulog na ang dalawang bata.” Saad naman ni Kristine.
“Please???.” Pout pang saad ni CJ na muntik ng magpangiti kay Kristine.
“Ang pangit mo.” Tanging saad nalang ni Kristine at nauna ng pumasok ng kotse ni CJ. Napangiti naman si CJ nang makitang napangiti si Kristine habang naiiling.
Malalim na ang gabi, nakasara na ang lahat ng bahay sa lugar nila Wilma. Tulog na din ang dalawa niyang anak. Hinihintay niya nalang din ang pagdating ng anak niyang si Kristine.
Panay din ang dasal niya na gabayan ang anak niya sa biyahe nito pauwi lalo na't marami na ang mga taong nang-aabuso sa kahinaan ng babae.
Tatlong kalalakihan na naka-bonnet at itim na damit ang dahan-dahang naglalakad papunta sa mga kabahayan sa lugar ng Cabalwa. Parang magnanakaw ang mga ito na may bitbit pang tatlong malalaking water can na ang laman ay gasolina.
“Siguraduhin niyong walang makakarinig. Mag-ingat kayo. Sige na, dun kayo, dito ako.” Mahinang pabulong na utos ng isa sa dalawang kasamahan niya.
Tumango naman ang dalawa at pumunta na sa pwesto nila saka dahan-dahang binuhos ang gasolina paikot sa mga bahay saka lumayo ng konti at naglabas ng lighter pagkatapos.
Napatayo si Wilma mula sa pagkakaupo nang makaamoy siya ng kakaiba. Nagpasya din siyang lumabas ng bahay nang makarinig ng kakaibang tunog mula dito.
Eksaktong pagsindi ng lighter ng isang lalaki sa harap ng bahay nila Wilma ay siya namang pagbukas niya ng pinto at pagtingin dito. Napalaki ang mga mata ni Wilma nang makita ang lalaking naka-bonnet at may hawak ng lighter.
“S-Sino ka?!.” Gulat pang tanong ni Wilma na siyang nagpaalarma sa lalaki, dahilan para magulat ito at hindi maitapon ang lighter.
Dahil sa sobrang pagkagulat ng lalaki ay napasugod siya kay Wilma at hinawakan ito sa ulo saka hinila palabas habang tinatakpan ang bibig nito.
“Mmmmbbb.. mmmbbb.. mmmbb..” Nagpumiglas naman si Wilma na nagimbal sa nangyayari.
“S-Si Nanay yun ah.” Pansin ni Kristine sa Nanay niya nang maglakad na sila ni CJ papunta sa kanilang bahay. Nasa may di-kalayuan kasi pinark ni CJ ang kotse niya.
Agad na bumalot ang kaba sa dibdib ni Kristine nang makitang tila sinasakal ang Nanay niya ng isang lalaki. Maging si CJ ay nagulat din pero agad naman siyang umaksyon palapit sa mga ito.
“Hmmpf! Arrggh! Ahmmpf!.” Sunod-sunod na daing ng lalaki ng suntukin ito ni CJ sa likod at sa mukha nito.
Nabitawan din ng lalaki si Wilma na napaubo pa at napahawak sa leeg niya. Agad namang lumapit si Kristine sa Nanay niya at niyakap ito.
“Tulong! Tulong! Mga kapitbahay, tulong!.” Sigaw pa ni Kristine na napapalingon sa paligid.
“Bwesit! Tara na!.” Yamot na aya naman ng isang lalaki sa isa pang lalaki ng marinig ang sigaw at makitang binubugbog ang kasamahan nila. Hindi din nagawa ng mga itong sindihan ang mga bahay ng mabilis na tumakbo paalis ang mga ito.
(AGH! HA! AH!)
Gigil na sunod-sunod pa ring suntok ni CJ sa lalaki. Wala namang nagawa ang lalaki kundi ang mapadaing habang nakahandusay sa sahig.
May mga nagsilabasan na ding mga tao dahil sa nangyaring ingay. Napalapit din ang mga ito sa gawi nila Kristine na nagtataka dahil sa naamoy nilang gasolina sa paligid.
~
~
~
⇨acacabas_019ツ.