EPISODE 19.

3656 Words
"MEANT TO BE" EPISODE 19. ⇨ONE WEEK LATER!⇦ Isang linggo. Isang linggo na mula nung umalis si CJ sa bahay at sa buhay nila Kristine. Pagkatapos kasi nang huling nangyari ay tuluyan na nga itong umalis at hindi na nagpakita pa. Hindi naman magawang magalit ni Wilma sa anak dahil alam niyang nadala lang ito ng galit. Ganunpaman ay nalungkot siya dahil sa biglaang pag-alis ni CJ. “Nay? Hindi na po ba babalik si Atkuy?.” Malungkot na tanong ni Vincent habang kumakain sila ng agahan. Napatigil naman sa pagsubo si Kristine dahil sa narinig. Maging si Wilma ay napatingin din kay Kristine. “Oo nga po Nay. Namimiss ko na po si Atkuy eh.” Segunda naman ni Wina kaya napahigpit ang hawak ni Kristine sa kanyang kutsara. “Wag niyo ng hanapin dito yung wala! At ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na ayoko ng tanong pa kayo ng tanong tungkol sa kanya?!.” Pagalit na saad naman ni Kristine kaya napayuko nalang din ang dalawang bata. “Nak..” Tawag pansin naman ni Wilma kay Kristine na tila sinasabing huminahon siya kaya nagpatuloy nalang din siya sa pagkain. “Sige na, kumain na kayo at may pasok pa kayo.” Saad nalang din ni Wilma sa dalawang bata. Pagkatapos nilang kumain ay hinatid na ni Kristine ang mga kapatid niya sa eskwelahan. Pagbalik niya din galing sa eskwelahan ay naabutan niya ang Nanay niyang naghuhugas. Lumapit naman siya dito para tumulong. “Nak, halos araw-araw ko nalang napapansin ang pagiging mainitin ng ulo mo simula nung umalis si CJ ah. Ano bang gumugulo sayo?.” Malumanay na kausap ni Wilma kay Kristine makalipas ang ilang minuto nilang pananahimik. Tama din kasi ito. Maging ang mga kaibigan ni Kristine at si Jake ay napansin ang tila pagiging mainitin ng ulo niya, kundi man ay ang madalas niyang pananahimik. Napabuntong hininga siya bago sumagot. “Ewan ko, Nay. Nagiguilty lang siguro ako sa nagawa ko. Sa sobrang galit ko kasi, nagawa ko siyang paalisin. Pero kasi.. mali din naman yung ginawa niya di ba Nay? Ano bang dapat kong maramdaman, Nay?.” Naguguluhang tanong ni Kristine kay Wilma. “Nak, kung anuman ang nangyari sa inyo ay may dahilan. Hindi mo kasalanan at hindi niya kasalanan kung bakit nangyari yun. At wag mo na ring masyadong isipin yun. Malay mo, isang araw bigla nalang bumalik dito yung pasaway na batang yun.” Saad naman ni Wilma na natawa pa sa huli niyang sinabi. Napangiti naman si Kristine dahil dito at niyakap ang kanyang Nanay. “Wag mo ng isipin yun ah? At wag ka na ring magsusungit sa mga kapatid mo. Natatakot na sila sayo eh.” Nangingiting saad naman ni Wilma habang yakap-yakap na rin ang anak at hinaplos ang mukha nito. “Opo, Nay. Haha.” Tawang sagot naman ni Kristine dito. Natawa din si Wilma nang makitang may sabon pa pala ang kamay niya at naihilamos niya ito sa mukha ng anak. Parang batang naglaro pa ang dalawa na nagpunasan ng may sabon habang tawa ng tawa pagkatapos. ★★★★★ ⇨ONE WEEK LATER!⇦ Isang linggo. Isang linggo ng nakabalik si CJ sa kanilang bahay. Laking tuwa pa ng mommy niya ng makita siya nito. Tinanong din naman siya ng kanyang ama kung saan siya galing pero hindi niya nagawang sumagot na mas piniling tumahimik at magkulong nalang sa kwarto niya. Pinagsabihan din siya ng dad niya na nakakahiya yung ginawa niya. Mag-iisang buwan na kasi siyang hindi nakakapasok sa University of Sto. Niño na siyang kinagalit nito lalo sa kanya. Maging ang mga kapatid niya ay hindi din nagustuhan ang pagbalik niya. Laking gulat din ng mga kaibigan ni CJ nang bigla siyang tumawag sa mga ito gamit ang ibang number at pinapunta sila sa condo niya. “Broh, what the hell happened to you? We searched all the possible places you might be but you were nowhere to be found.” Kunot-noong saad ni Zane. Kasalukuyan na silang nasa condo ni CJ at umiinom ng red wine. Nagkwento naman si CJ sa mga ito ng totoong nangyari sa kanya. Simula sa pananakot ni Grace hanggang sa pinaalis siya ni Kristine. “What the! Woh! Good thing hindi ka napuruhan sa pagkahulog mo broh!.” Nagulat pang saad ni Grey na napapailing pagkatapos marinig ang buong kwento ni CJ. “Yeah. Masamang d**o ata toh!.” Ngising saad naman ni CJ na pinakita pa ang braso niya ng may pagyayabang. “W-W-Wait up, you mean? Yung babaeng natamaan mo sa ulo nung nakipagdayo tayo ng laban ng basketball? Yung suplada? Yung pinag-usapan natin? Yun yung tinutukoy mo? Sa kanila ka nag-stay, broh?.” Sunod-sunod na tanong naman ni Vin na habang tumatagal ay napapalaki ang mga mata nang makaalala. Napatingin naman sa kanya ang tatlo. “Exactly.” Ikling sagot naman ni CJ at tumungga. “Holy s**t! I remember her!.” Reaksyon naman ni Grey na napatayo pa nang maalala din ito. “Ooohh.. I think destiny works for itself. I see you had a chance to win.” Dagdag pa ni Grey na nangingiti kay CJ. Napatitig din ang tatlo kay CJ at ngumisi. -“Yeah. I should win! I think I should win her heart! Kaysa naman mapunta siya sa gagong yun!.”- Isip pa ni CJ habang matalim na nakatitig sa kawalan. At nakapag-desisyon na nga din siya. Determinado na siyang gawin ang kailangan niyang gawin. And there's only one way to victory. She needs to obey what her father wants. ★★★★★ ■CJ's P.O.V.■ I'm finally back. Yeah, but sad to say, hindi naman naging maganda ang dahilan ng pag-alis ko sa bahay nila Kristine. Inaamin ko, nasaktan ako dahil dun. Biruin mo ba naman, naniwala siya sa kwagong sinungaling na yun! Tsk! Anyway, let's just forget about it. “Hmmp!.” Nagulat ako sa biglang pagtama ng bola sa may tiyan ko. Mabuti nalang at nahawakan ko ito. “Tulala ka na naman diyan eh. Nakapaglaylow ka lang ng ilang linggo, parang wala ka na atang amor sa basketball!.” Kantiyaw pa sakin ni Zane na siyang naghagis ng bola. Kasalukuyan na din kaming nasa bahay nila Zane. Siya lang din kasi ang nagpapapawis sa laro habang ako ay nakatayo at sina Grey at Vin ay nakaupo dito sa may gilid. “Mahina pala ah!.” Ngising saad ko naman saka nagdribble at mabilis na gumalaw para malampasan siya. Nang maiwasan ko siya ay agad akong pumwesto sa may gilid saka tumalon at tumira. (Swoooosssshhhh!) “Aaaannnd three points!.” Sigaw naman ni Vin na napapataas pa ng kamay habang nangingiti. “Woooh! Ikaw na broh! Wala pa ring kupas ah! Hahaha.” Tawang saad naman ni Grey na nakaupo at kumakain ng cokies. “That's what you call, confidence! Agh!.” Ngising saad ko pa at kantiyaw kay Zane na natatawang naiiling naman sakin. Haha. Lumapit na din siya sakin at nakipag-apir. “Ang yabang mo pa rin. Haha come on, let's take a rest.” Saad pa ni Zane kaya lumapit na din kami sa dalawa at umupo. “S-Sir, ito na po yung drinks niyo.” Napatingin kami sa babaeng may bitbit na drinks. Halatang nahihiya pa ito at bago lang din. Nahihiya siguro dahil nakaboxer lang kaming apat. Haha pheeew!. “Oh. Thank you, May. Pakilagay nalang dito sa mesa.” Saad naman ni Zane. Napatitig ako sa babae nang maglakad ito sa harapan ko. Damn! So damn sexy! Kahit pa nakasuot ito ng pang-maid na damit ay ang sexy pa din nitong tingnan. “Broh, you're drooling! Haha.” Natatawang pansin sakin ni Vin kaya napatingin ako dito at napapunas din ng bibig. “Hahahahaha.” Tawanan pa nilang tatlo. “Siraulo ka, broh! Hahaha.” Tawang saad ko naman at hampas ng damit ko dito. Gago talaga! Pinagloloko ako eh! Haha. “Broh, wag yan. Anak yan ng mayordoma namin dito, ni Nanay Linda. Baka mapatay ka ni Nanay Linda pag nagkataon. Haha.” Natatawang saad pa ni Zane sakin. Napailing nalang din ako dahil dito. Maging ang dalawa ay panay din ang kantiyaw sakin. “Anyway, broh? Saan ka na nga pala papasok ngayon? We heard nag-transfer ka na?.” Usisang tanong naman ni Grey. “That's what I'm actually thinking about. Well, we'll see. I'll just inform you, guys. In the mean time, let's not talk about it.” Sagot ko naman at naisip ang ama ko. Pagkatapos kong makipagbonding kina Zane ay nagpaalam na din akong uuwi. Wala na akong motor dahil nga nahulog na sa tulay kaya commute-commute na muna ako. At dahil sa iba ko ipinangalan yung motor na nahulog sa tulay ay walang naliligaw sa bahay na mga pulis para sadyain ako tungkol dun. Pagdating ko ng bahay ay tinanong ko ang maid namin kung nasaan ang ama ko. Nang sabihin nitong nasa opisina ito nito ay agad ko itong pinuntahan. Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto at nang marinig kong pinapapasok niya ako ay binuksan ko na ito. “What is it?.” Medyo nagulat pa siya nang makita ako. Tinanggal niya din muna ang suot niyang salamin bago ako tinanong. “I'm here to make a proposition.” Saad ko sa kanya. Nakita kong napakunot ang noo niya. “I see you had guts for that.” Saad niya naman na halatang hindi gusto ang sinabi ko na napapailing pa. “Well then, if you're not interested, I mig---” “Spill it.” Putol niya sakin. Napatitig din ako sa kanya. pang makita kong seryoso siya ay saka lang ako sumagot. “Well, nakapagdesisyon na akong pumasok sa University of Sto. Niño gaya ng gusto mo, in return you'll stop controlling my life and I could use my car.” Saad ko na sa kanya. Naapasandal naman siya sa kanyang swivel chair at napatitig sakin saka matamang nag-isip. I hope pumayag siya. Namimiss ko na ding gamitin ang pinakamamahal kong kotse eh. Ang mahal nun tapos hindi manlang nagagamit. Tsss.. “Fine. But addition to my condition, you should start working in the company.” Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. What the!. Isa din talaga sa dahilan kung bakit mainit ang ulo niya sakin ay dahil ayaw niya sa course ko. Mas gusto niyang sa kompanya niya ako magtrabaho. “Let's say, you can do whatever you want if you agree. I know I won't be able to stop you from your wrong doings, so I decided to stop meddling in your business only if you work in the company.” Saad niya pa na halatang nangungumbinsi. Damn it!. “Fine! Deal!.” Saad ko na kahit napipilitan. Hindi ko man gusto tong gusto niya ay wala na akong magagawa. Besides, I think this would be best for the both of us. Let's just see kung sino samin ang unang susuko. ★★★★★ ■Kristine's P.O.V.■ Kasalukuyan akong nasa library kasama ang tatlo kong sissy nang biglang lumitaw si Jake. Napangiti pa ako ng inabutan niya ako ng isang piraso ng white rose. “Ayyyeeeehhhh...” Pabulong na kantiyaw sakin ng tatlo. Napailing naman ako sa kanila. Pinagtitinginan din kami ng ibang studyante. “Thank you, Jake.” Pasalamat ko naman kay Jake at pinaupo siya sa tabi ko. Sa ilang araw na lagi kaming nagkakasama ni Jake ay nakita ko kung gaano siya kadeterminado sa panliligaw niya sakin. Ginagawa niya din ang lahat para mapasaya ako. At yung babaeng nanggulo sa hospital nung na-confine si Nanay ay pinsan niya pala, yung Grace ang pangalan. Nagsorry din kasi siya sakin dahil sa pangyayaring yun. At aaminin ko, unti-unti na din akong nahuhulog sa kanya. “You're always welcome, Tine. Nga pala, may lakad ka ba sa Linggo?.” Saad at tanong niya pa sakin. “Ika-cancel niya ang lakad niya para sayo, Jake. Ayeeehhh..” Natatawang kantiyaw na naman ni Jessa sakin. “Baliw ka sis.” Ngiting saad ko dito. “Hmmm. May trabaho kasi ako sa linggo eh.” Saad ko naman kay Jake. Nakahanap na kasi ako ng bagong trabaho. Sa isang flower shop. Mabait din ang amo ko at friendly kaya siguradong magtatagal din ako dun. “Hmmmm sayang naman. Gusto sana kita ayaing kumain sa labas eh.” Malungkot niyang saad. Hindi bagay maging malungkot ang gwapo nitong mukha. Hehe. “Hmmmm.. Eh anong oras ba?.” Naguilty naman ako bigla. “Mga alas-otso pa naman.” Napaisip ako sa sinabi niyang oras. “Sige, puntahan mo nalang ako sa bahay.” Ngiting saad ko na. “Yes!.” Excited pang saad ni Jake. Napangiti naman ako dahil dito. Sinaway din siya ng librarian na wag mag-ingay. Nagsorry naman siya pero makikita pa rin ang kislap sa mga mata niya. Maging ang mga kaibigan ko ay panay din ang tukso saming dalawa. (Riiiiinnnnnggggg!!!!!) Nagulat kami ng biglang tumunog ang bell, hudyat na oras na naman ng klase. Napatingin ako sa orasan at nakitang ala-una na. Binalik na namin ang mga binasa naming libro saka inayos ang mga gamit at naglakad na papunta sa aming classroom. “Ako na magdadala ng gamit mo, Tine.” Gaya ng laging ginagawa ni Jake ay kinuha niya ang gamit ko para siya ang magdala. Nagpasalamat naman ako sa kanya at napangiti saka binigay ang mga gamit ko. Isa siyang criminology at second year na din. Nalaman kong matataas ang mga marka niya kahit pa isa siyang varsity ng basketball. Ang galing lang di ba? Nakaka-impress yung ganung mga lalaki eh. Hehe .. Pagdating namin ng classroom ay nagpasalamat na ako kay Jake at umalis na din siya para pumunta sa kanyang classroom. “Ang haba talaga ng hair mo, sis. Hahaha.” Tawang saad at akbay pa sa akin ni Isabelle. “Mas mahaba pa rin yung sa inyo, sis.” Saad ko naman. Marami din kasi ang pumuporma sa kanila, ang problema masyado silang pihikan. Haha. Natatawa kaming pumasok sa loob ng classroom pero natigil ang tawa ko nang mapatigil kami sa paghakbang dahil sa babaeng nasa harapan namin na sinalubong kami. Wala pa kasi ang prof. namin. “Wow. Ang saya mo ata ha, ambisyosa?!.” Tanong sakin ng walang iba kundi si Marian na naka-crossed arms pa at kasama ang mga kaibigan niya. “Now what, Marian?!.” “Insecure ka na naman. Hanggang ngayon ba ay habol ka pa rin ng habol kay Jake?!.” “Kahit na tsinutsupe ka na niya?!.” Masungit na sunod-sunod namang tanong ng mga sissy ko na may kasamang pang-aasar. Kahit kailan talaga mga tigre tong mga kaibigan ko. “Alam mo? Pagsasawaan ka din ni Jake! Alam ko namang nachachallenge lang siya sayo eh! Pero I'm sure babalik din siya sakin! Tingnan lang natin kung hindi ka magmukhang kawawa!.” Saad naman ni Marian na hindi manlang pinansin ang mga sissy ko. Lalo pa siyang dumikit sakin. “Mag-iingat ka!.” Pabulong niya pang saad sa madiing tono pero napansin ko ang takot sa mga mata niya na mabilis ding napalitan ng inis. Nagtatakang tiningnan ko nalang siya dahil hindi ko alam kung para saan ang sinabi niya maging ang nakita ko. Umaaksyon naman ang mga sissy ko na tila pinapaalis siya habang ako naman ay nanahimik nalang. “Hindi pa tayo tapos! Hintayin mong mapag-isa ka!.” Ngising banta pa ni Marian sakin bago umalis kasama ang mga kaibigan niyang masama din ang tingin sakin. Nag-middle finger naman sa kanya ang mga pasaway kong sissy. Pagkatapos ng isang subject ay vacant namin. Pinatawag ako ng VP kaya nag-excuse muna ako sa mga sissy ko para puntahan ito sa Administrative Office. “Ma'am? Pinatawag niyo daw po ako?.” Tanong ko kay Vice President Reyna Bulawan pagkapasok ko ng opisina. “Ah yes, Ms. Amante, sit down.” Ngiting pagpapaupo naman sakin ni VP kaya umupo na din ako sa may harap niya. “I have a favor to ask, Ms. Amante.” Saad niya pa na siyang tinanguan ko naman. “We have a transferee, ipapakiusap ko lang sana sayong ikaw ang maging tour niya dito sa school pagpasok niya mamaya. Tumawag na kasi ang ama niya at sinabing pupunta daw ang anak niya dito para makita ang school eh.” Ngiting saad pa ni VP. “Ah sige po, ma'am. Wala pong problema.” Saad ko naman kaya pinaupo niya na muna ako sa may tabi para hintayin yung transferring sinasabi niya. Minsan lang silang mag-utos sakin at bilang scholar ay dapat akong sumunod. Laking pasasalamat ko na nga dahil scholar ako eh. Siyempre kung hindi dahil sa pagiging scholar ko ay hindi naman ako makakapag-aral. Siguro powerful din yung transferee dahil bukod sa kalagitnaan na ng sem eh special pa ang pagtrato dito to think na may pabisi-bisita pa itong nalalaman kahit buwan na ng klase. ★★★★★ Nagulat ang mga estudyante ng University of Sto. Niño nang makita nilang may biglang magpark ng Lamborghini Veneno Roadster sa parking lot ng kanilang eskwelahan. Kitang-kitang brand new pa ito at kulay black. “Pare, pare tingnan mo! Ang ganda ng kotse oh!.” “Wow! The heck pare! Ang ganda ng kotse! Holy s**t!.” “Grabe! Pangarap ko lang yang Lamborghini na yan ah!.” Saad ng mga lalaking estudyante na nakakita ng sasakyan. Napapanganga pa ang mga ito at naiiling dahil sa pagka-impress. Paglabas ng driver ay napatingin naman ang mga babae dito. Nakasuot ito ng damit na may pagkarugged style na siyang kinagwapo nitong tingnan at may pagkabad boy image din. Nagtanggal ito ng shades at inilibot ang tingin. “O.M.G.! Ang gwapo!.” “May bago na naman tayong pagpapantasyahan! Aaahhh!...” Tiling saad pa ng mga babaeng nakatingin dito. Biglang napatingin din ang driver sa mga babae at napakunot ang noo nang makita ang itsura ng mga ito. “Tsk!.” Reaksyon pa nito at tumalikod saka nagsimula ng maglakad habang patingin-tingin sa paligid. “Ay! Suplado! Tsk! Nakakaturn off!.” “Ano ba yan! Gwapo sana kaso suplado!.” Muling saad pa ng mga babae nang makita ang mukha nitong tila hindi sila nagustuhan nang tumingin ito sa kanila. “Hey, excuse me, where's the Administrative office?.” Tanong na nito sa lalaking nakasalubong nito habang naglalakad na sa hallway. Napatingin naman ang lalaki sa kanya mula ulo hanggang paa bago sumagot. “Ah dun. Straight mo lang yan tapos sa dulo, kumanan ka then yung right side, nandun na yun. Mababasa mo naman yung Administrative Office eh.” Sagot naman ng lalaki kaya nagpasalamat na ito at naglakad sa tinurong direction. Nang mabagot sa tambayan kakahintay kay Kristine ay nagpasyang pumunta sina Jessa, Isabelle at Kathlyn sa Canteen. Habang naglalakad ay napatingin sila sa taong tila pinag-uusapan ng mga tao. Pagkatingin nila dito na nasa may di kalayuan ay napakunot ang noo nila dahil sa tila mayabang nitong awra. “Mukhang madadagdagan na naman ang magiging sakit sa ulo ng mga Prof. dito ah.” Saad ni Kathlyn habang naiiling. “Sinabi mo pa sis, porma palang halata ng bad boy eh.” Segunda naman ni Isabelle. “Pero mga sis, gwapo ah. Hotty! Haha.” Tawang saad naman ni Jessa na nagpakunot ng noo ng dalawa. Kahit kailan talaga, yung pagiging hot ang unang napapansin ni Jessa. “But, he looks so familiar.” Saad pa ni Jessa pero hinila na siya ng dalawa kaya hindi na niya natitigan ng maayos ang hotty na sinasabi niya. Habang naghihintay si Kristine sa transferee ay hindi niya maiwasang mapakunot ang noo habang panay ang tingin sa kanyang relo. -“Bakit ang tagal naman ata nung transferee na yun? Hmmmm. Baka malate pa ako dahil sa kanya eh. Tsk!.”- Isip pa ni Kristine na halatang nababagot na kakahintay. Mahigit kalahating oras na din kasi siyang naghihintay pero wala pa ring lumilitaw na transferee. Kinuha niya ang cellphone na nabili niya. Oo, nakabili na din siya ng cellphone mula sa kanyang ipon dahil hindi niya naman ito nagastos sa operasyon ng Nanay niya kasi nga may nagbayad na para sa kanila. Isa itong keypad dahil hindi niya naman afford ang touch screen. Hindi niya na din ginagamit ang cellphone na binigay ni Jastine at balak na niya iyong isuli. [Sis, baka malate ako sa susunod nating subject. Mauna nalang kayo. Sunod nalang din ako.] Text na ni Kristine sa mga sissy niya para iinform ang mga ito. (Beep!) [Bakit sis? May problema ba?.] Reply naman ni Kathlyn. Magkakasama din ang tatlo kaya ito nalang din ang nagreply. [May hinihintay pa kasi ako eh. May bagong dating na transferee daw kasi. Ako ang pinakiusapan ni VP na magtour sa kanya dito sa school.] Reply naman dito ni Kristine. Napatingin din si Kristine sa VP nang bigla itong tumayo at pumasok ng CR na nandoon din sa loob mismo ng office. (Beep!) [Sige sis. Nandito nga din kami sa canteen eh. Gusto mo bang hatiran ka namin ng pagkain diyan?.] Reply pa ni Kathlyn. Napangiti naman si Kristine dahil dito. Maalalahanin talaga ang mga kaibigan niya. [Wag na sis, busog pa naman ako---] Natigil sa pagtatype si Kristine nang may taong biglang tumayo sa harap niya. Nakayuko kasi siya habang nagtetext kaya nagulat siya nang makakita ng paa sa harap niya. Dahan-dahan din niyang inangat ang ulo niya para tingnan kung sino ito. Nang tuluyan niyang makita ang mukha nitong nakangiti sa kanya ay napalaki ang mga mata niya dahil sa gulat. “Oh! Ms. Sandoval?.” Napatingin ito kay VP nang marinig ang hindi siguradong pagtawag nito sa kanya. “Hi. Yes, it's me. But you can call me.. CJ.” Sagot naman nito sa Vice President ng school at lumapit dito saka nakipagkamay. “CJ.” Bulong pa ni Kristine na hindi pa rin makapaniwala sa kanyang nakita. Nakanganga pa siya at napalaki ang mga mata dahil sa sobrang gulat. Hindi niya inaasahang ito ang makikita niya. ~ ~ ~ ⇨acacabas_019ツ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD