EPISODE 10.

3155 Words
"MEANT TO BE" EPISODE 10. ◆General's POV.◆ Abala sa pagpipirma ng documents si Christian ng biglang sabihin ng secretary niya na nasa labas si Mr. Nobles, ang kanyang tauhan. Pinapasok niya ito at magalang naman itong bumati sa kanya. “Sit down.” Saad pa ni Christian dito. “Sir, I've got all the documents prepared for your daughter's transfer. And I came here to ask, as to where school is she transferring to?.” Umpisang saad na ni Mr. Nobles ng kanyang sadya. Napasandal naman si Christian sa upuan at napaisip sa tanong nito. “Do you have any suggestions?.” Maya-maya'y tanong naman ni Christian. At dahil inasahan na ito ni Mr. Nobles ay nakahanda na rin ang mga suggestion niya para dito. “I've done my research sir. And I have here, the schools which are best in terms of academics.” Saad naman ni Mr. Nobles saka pinakita ang mga nasearch niya na nasa kanyang dalang tablet. Isa-isa naman itong tiningnan ni Christian. “Hmmmm..” Tango-tangong reaksyon ni Christian habang tinitingnan ang mga image ng iba't'-ibang school. “Okay. Dito mo siya itransfer sa University of Sto. Niño. And also bring a letter to the President for me.” Saad pa ni Christian saka inabot pabalik ang tablet ni Mr. Nobles. “Yes, sir.” Tango-tangong sagot naman ni Mr. Nobles. Tinawag ni Christian ang secretary niya at inutusan itong gumawa ng letter na ipapadala sa President ng napili niyang school na paglilipatan ng anak niyang si CJ. Agad namang tumalima ang secretary niya kaya agad din itong naibigay kay Mr. Nobles. ----- Nasa garden si Kristine kasama ang mga kaibigan niya dahil vacant pero ramdam naman ng tatlo na tila hindi nila ito kasama. “Sis? Hello, earth to, sis?.” Pansin ni Isabelle kay Kristine na winawagayway pa ang kamay sa harap ng mukha nito pero hindi manlang ito napakurap. Takang nagkatinginan ang tatlo dahil dito. “Hoy!.” Biglang gulat naman ni Jessa kaya nagitla din si Kristine at napatingin sa kanila. “Sis, b-bakit?.” Ang walang kamalay-malay na tanong ni Kristine. “Sis, okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala at walang kibo ah?.” Nag-aalalang tanong ni Kathlyn. “May problema ka ba, sis? Tell us. We're willing to give you a hand.” Segunda pa ni Jessa. “Ah-ha? A-Ano bang pinagsasabi niyo mga sis? W-Wala. Wala to. Iniisip ko lang yung thesis na kailangan nating g-gawin.” Sagot naman ni Kristine na ngumiti pa ng konti. Napabuntong-hininga naman ang tatlo na halatang hindi naniniwala sa sinabi niya. “Sis, hanggang ngayon ba hindi mo pa rin kami mapagkatiwalaan sa mga problema mo? What's the use of calling us your sissy? O siguro tinatawag mo nga lang kami ng sissy pero hindi mo naman talaga kami tinuturing as one?.” Malungkot na saad naman ni Isabelle. “N-No. No, of course not, sis.” Iling-iling na sagot naman ni Kristine. “Na-Nahihiya lang ako sa inyo.. dahil hindi ko alam ku-kung paano ko sasabihin. Pu-Puro problema nalang din kasi.. a-ang nasa-nasasabi ko eh.” Dagdag pa ni Kristine at napakagat labi. “Feel free to share, sissy. Kahit ano pa yan.” Pang-eencourage pa ni Kathlyn saka hinawakan si Kristine sa balikat. Pagkatapos titigan ni Kristine ang mga kaibigan ay nagkwento na din siya sa mga ito ng problema niya tungkol kay Jastine. Napakunot pa ang noo ng tatlo at medyo nagalit kay Jastine dahil sa nalaman. Sa dami ng problema ni Kristine ay hindi niya na din alam kung anong uunahin. Dumagdag pa sa isipin niya ang patuloy na pangungulit ni Jastine. Pinupuntahan pa din kasi siya nito sa kanilang bahay kahit ilang beses niya na itong pinagtatabuyan. Nasa cafeteria sina CJ at ang mga kaibigan niya ng biglang lumapit si Ben kasama ang mga kaibigan nito sa table nila. Hindi talaga sila nito nilulubayan. “Hoy, mga mayayabang!.” Maangas na tawag pansin pa ni Ben kina CJ at pinatong ang dalawa nitong kamay sa kanilang mesa. “Wala namang salamin dito. Bakit kinakausap mo yung sarili mo?.” Patawang saad naman ni Grey na nagpangiti ng mapang-asar kina CJ at nagpasimangot kina Ben. Pinagtitinginan na din sila ng mga kasalukuyang kumakain. “Akala niyo siguro nakalimutan ko na yung ginawa niyo noh?! Pwes nagkakamali kayo!.” Saad naman ni Ben na halatang nagpipigil ng galit. “Tingnan natin ang tapang niyo mamayang gabi! Magkita-kita tayo sa may kanto, sa sirang basketball court. Sana lang hindi mabahag ang mga buntot niyo!.” Dagdag pa ni Ben na nang-iinsulto sa huli niyang sinabi. Napangisi pa ito ng mapang-asar. Aalis na sana ang mga ito ng may may magsalita kina CJ. “Ben, baliw ka ba? Eh wala naman kaming buntot eh! Baka ikaw merun, tinatago mo siguro sa pwet mo noh? Hahaha.” Pang-aasar namang saad ni Zane na siyang ikinatawa ng mga nakarinig. Parang tangang napatingin pa sa may pwetan ni Ben ang mga kasamahan niya kaya sinapak niya ang mga ito isa-isa. “O baka naman tinatali niya sa bewang para hindi mahalata. Syempre natatakpan ng damit eh! Wahahaha.” Segunda naman ni Vin na tumawa ng sobrang lakas. Napapakuyom na din ng kamao si Ben dahil sa galit. “Wait lang! Wait lang! Inaasar niyo na naman si Ben eh.” Tayong saad naman ni CJ na tinaas pa ang dalawang kamay saka humawak sa balikat ni Ben na tila pinaparelax ito. “Ano ba kayo? Wala sa pwet at wala sa bewang yung buntot nito. Nasa mukha! Tingnan niyo nga! Mukhang buntot! Wahahaha.” Biglang insultong sigaw naman ni CJ na lalong nagpalakas ng tawanan ng lahat. Napapahawak pa ang tatlo sa kani-kanilang tiyan dahil sa kakatawa. “Mga gag---” Susugod na sana si Ben nang pigilan siya ng kasamahan niya at sinabing kumalma dahil nasa loob sila ng school. “WAHAHAHAHA!!.” Patuloy na tawanan pa nila CJ. “Hindi pa tayo tapos! Mamaya kayo sakin!.” Gigil na banta pa ni Ben na dinuro sila CJ isa-isa bago tuluyang umalis. “Oh! I'm scared! Hahaha.” Nang-aasarang pa ring saad ni CJ na nagkukunwaring takot sabay tawa. Masyado talagang pilyo ang mga ito. At lalo silang nagiging pilyo kapag may naghahamon sa kanila. Ito na rin ang ginagawang kaligayahan ni CJ, ang pangbubully ng mga bully. ⇨⇨⇨⇨⇨ Pauwi na sila Kristine nang bigla siyang tawagin ni Jake na naka-jersey pa, ang masugid niyang manliligaw. Hindi pa rin kasi siya nito sinusukuan. “Hatid na kita sa inyo?.” Ngiting tanong pa nito kay Kristine pagkatapos bumati sa mga sissy niya. “Wag na Jake. May dadaanan pa kasi ako eh. Salamat sa pag-alok.” Magalang at nakangiting tanggi naman ni Kristine. Ang mga sissy niya naman ay nagkakatulakan ng mahina dahil ang haba na naman ng buhok ng kaibigan nila. Pero nagpaalam din agad ang mga ito at kinuha ang kani-kanilang sasakyan. “Lagi mo nalang tinatanggihan ang alok ko. Hindi naman ako masamang tao ah. Gusto ko lang masigurong makauwi ka ng safe.” Malungkot na saad pa ni Jake at napabuntong hininga. -“Haaayyy... parang ang sama ko naman ata dito kay Jake.”- Kagat-labing isip naman ni Kristine na naawang nakatingin kay Jake. “Jake pa-pasens---” “Tin2x.” Natigil sa pagsasalita si Kristine nang makarinig ng tawag mula sa labas ng malaking pinto ng kanilang school kung saan ang entrance at exit. Napatingin sila dito at nakitang palapit na ito sa kanila. Hindi nila maintindihan kung bakit hinayaan itong makapasok ng kanilang guwardiya. Agad na napakunot ang noo ni Kristine pagkakita dito. Nagtataka naman ang mga kaibigan niya kung sino ang gwapong nakikita nilang lumapit sa kanilang sissy. Napababa din sila ng kanilang kotse at muling lumapit kina Kristine. “Jastine, anong ginagawa mo dito?.” Makikita ang pagkadisgusto sa mukha ni Kristine ng magtanong siya. Maging ang mga kaibigan niya ay napasimangot din ng marinig ang naging pagtawag niya dito. Ito palang kasi ang taong nasa kwento niya ng magkwento siya ng problema, ang manloloko. “I'm here to pick you up.” Ngiting saad naman ni Jastine na binalewala ang pagkasimangot ng mukha ni Kristine. “No. Hindi ako sasama sayo!.” Matigas na saad naman ni Kristine na nagpasimangot kay Jastine. “And why not? Ito ba ang pinagmamalaki mo? Sa kanya ka ba sasama?.” Biglang nag-iba ang tono ng boses ni Jastine. Naging malalim ito at halatang yamot. Tinuro din nito si Jake. Nakaramdam naman ng tensyon ang mga kaibigan ni Kristine. “Pare, respetuhin mo nalang yung desisyon ni Kristine. Ayaw niyang magpahatid eh.” Malumanay na saad naman ni Jake kay Jastine na siyang nagpasama ng tingin nito. “Jastine, umalis ka na.” Pagpapaalis na din ni Kristine dito na kinakabahan na rin. “No! I won't leave! Not unless you'd come with me! Ayokong sumama ka dito!.” Matigas namang saad ni Jastine at muling tinuro si Jake. “Wait lang ah! Wait lang!.” Biglang singit naman ni Isabelle at pumagitna kina Kristine at Jastine. “Walang sasamahan sa inyo ang sissy namin! Dahil samin siya sasabay!.” Masungit pang saad ni Isabelle kay Jastine. Hinila niya na din ang kaibigan at pinasakay sa kotse niya. Wala namang nagawa si Jastine nang magpatianod si Kristine at makitang masama ang tingin sa kanya ng mga babae. Pagkasakay ng sasakyan ay mabilis na pinaandar ng tatlo ang kani-kanilang sasakyan paalis sa lugar na iyon. Hindi na din nagawang sundan ni Jastine ang mga ito. Nasa parking lot sina CJ at nakaupo sa kani-kanilang motor. Dumidilim na din kaya nag-uusap na sila tungkol sa ginawang paghahamon ni Ben sa kanila. “So, broh? Are we going or not?.” Tanong ni Vin kay CJ. “Why? Are you afraid, broh?.” Ngising tanong naman ni Zane kay Vin. “Of course not!.” Pikong saad naman ni Vin. “Oh! Tama na yan at baka saan pa mapunta yan.” Saway naman ni Grey sa dalawa kaya tumigil na din sila. “Eh ano na nga bang plano mo broh?.” Harap na din ni Grey kay CJ. “Eh ano pa nga ba? Edi pupunta tayo. Tayo pa ba? Hinihintay ko lang na dumilim-dilim pa.” Ngising sagot naman ni CJ na siyang nagpangisi din sa tatlo. Makalipas ang ilan pang minuto ay umalis na din sina CJ papunta sa lugar kung saan sila pinapapunta ni Ben. Walang ilaw kaya buwan lang ang tanging nagbibigay ng liwanag sa paligid. Isa itong open court na matagal na ding sira kaya mga gangster nalang ang naliligaw dito. “Eh mukhang nabahag naman ata ang buntot nila eh.” Saad pa ni Zane habang nililibot ang paningin at walang nakitang tao. “Baka natako---” Hindi natapos ni Grey ang pagsasalita ng may biglang lumitaw na mga kalalakihan na nakatago lang pala sa madilim na bahagi ng court. Sampu silang lahat kasama si Ben at may kanya-kanyang dalang tubo. “Buti naman at nakarating kayo.” Ngising saad pa ni Ben na nasa gitna ng mga ito. “Akala ko umiral ang p********e niyo eh. Haha.” Natatawang insulto pa ni Ben. Seryosong tiningnan lang din naman siya nina CJ. “Broh, mga taga-USN to ah.” Bulong ni Vin kay CJ ng makitang may nakalagay na pangalan ng school ang suot nilang T-shirt. “Mga tol, sila yung sinasabi ko sa inyo. Mga mayayabang sa school. Umaastang mga boss.” Harap pa ni Ben sa mga kasamahan niyang maaangas ang mga dating. “Yan ba? Wag kang mag-alala tol. Lalampahin natin yang mga yan.” Mayabang na saad pa ng lalaking malaki ang katawan sabay dura. (Pap! Pap!) Palakpak ni CJ kaya napatingin sa kanya ang mga ito. “Kung kami tibo. Ikaw pala Ben, bakla! Andami ng dala mo ah. Hahahaha.” Insultong saad pa ni CJ sabay tawa. Lalong sumama naman ang mukha ni Ben dahil dito. Tiningnan niya din ang mga kasamahan niya sabay sigaw. “Tama na ang satsat! Sugoooood!!!!.” Malakas na sigaw ni Ben kaya sabay-sabay na sumugod ang mga ito. Nagpaiwan din siya na piniling manuod nalang. “AAAAAAHHHHHH!!!.” Malakas na sigaw ng mga lalaki habang tumatakbo papunta kina CJ. (HA! HA! HA! HA!) Sunod-sunod na hampas ng mga lalaking sumugod kina CJ. Nagkanya-kanya naman sila CJ ng ilag para hindi matamaan. (Blag!) “Aarrgghh!.” Daing ni Zane nang masipa siya ng isa at mapasandal sa motor niya dahilan para matumba siya kasama ng motor. (AGH!) Apak pa ng lalaki kay Zane pero umikot siya at nakailag. “Hmmmpf! Ow! Aw! Aargh!.” Daing naman ng lalaki na napapatalon pa ng magantihan ito ni Zane ng sipa sa may itlog nito. Muli din siyang napatayo nang makitang may dalawa na namang lumapit sa gawi niya. (HA! HA! HA! HA!) Sunod-sunod na napapaiwas si CJ sa mga hampas ng tatlong lalaki sa kanya. Maging sina Vin at Grey ay napapatalon pa sa pag-iwas para hindi matamaan ng tubo. “HAAAHHH!!.” Malakas na hampas ng malaking lalaki kay CJ. Mabilis naman siyang napayuko kaya hindi siya natamaan. Agad din siyang gumanti dito ng suntok. “Ahmpf!.” Daing ng lalaki ng matamaan ito ng suntok sa tagiliran. Agad ding napaikot si CJ sa likod nito nang makitang hahampasin siya ng isa pa. “Aahmmppgg!.” Muling daing ng lalaki ng ito ang matamaan imbes na si CJ. Marahas niya ding sinipa ang lalaking natamaan kaya napasubsob ito sa sahig. Agad niya ding pinulot ang tubo nito na siyang ginamit niya bilang armas nang may muling sumugod sa kanya. Nagpatuloy ang laban sa dalawang panig. Tila walang gustong magpatalo sa kanila. Lalo pang nagalit ang mga kalalakihan nang makitang may mga nalagas na sa kanila. “AARRMMMHHFF! Aaarrrggh!.” Daing ng huling lalaking natira ng malakas itong hampasin ni CJ sa may dibdib. Ang natirang si Ben ay nagimbal dahil sa nakita. Lahat ng mga tol niya ay napabagsak nila CJ. Hingal at gigil na napapunas ng kanya-kanyang pawis sina CJ bago tumingin kay Ben. Napalunok ng laway si Ben nang makita ang masamang tingin nina CJ sa kanya. Lalo pa siyang kinabahan nang magsimulang maglakad sina CJ papunta sa kanya. Pero bago paman makalapit sina CJ kay Ben ay agad na itong tumakbo paalis. Binato pa ni CJ ang hawak niyang tubo sa gawi nito. Nag-apir din silang apat habang nangingiti. “Mga lampa naman pala eh! Tsk!.” Saad ni Grey at napangisi. “Puro lang pala yabang! Hah!.” Segundang saad naman ni Vin. “Let's go. Let's celebrate.” Ngising aya naman ni CJ. “Alright! That's what I'm talking about!.” Nakangiting saad naman ni Zane kaya excited na umalis na din sila, sakay sa kani-kanilang motor. Hindi ininda ng apat ang sakit ng mga pasa na kanilang tinamo. Sa halip ay nagpasya pa silang pumunta ng Club para mag-enjoy at magcelebrate. Habang nagmamaneho si Isabelle ay takang napatingin dito si Kristine nang makitang iba ang kanilang tinatahak na daan. “Sis, saan tayo pupunta?.” Takang tanong ni Kristine kay Isabelle. “Sis, you need to unwind.” Ngiting sagot naman ni Isabelle. “Kahit ngayon manlang, pagbigyan mo kami at yung sarili mo. Masyado ka ng stress sa mga problema mo sis eh.” Dagdag pa ni Isabelle. Wala namang nagawa si Kristine kundi ang manahimik. Naisip niya ding mukhang kailangan niya nga munang magpakasaya kahit isang gabi lang. -“Ngayon lang po to. Gusto ko po munang makalimutan lahat ng mga iniisip ko kahit ngayon lang.”- Isip pa ni Kristine at napatingin sa labas ng bintana. Pagdating nila ng bar ay agad na napasigaw ang tatlong kaibigan ni Kristine na halatang excited. Nakaakbay pa sa kanya si Jessa habang nakangiti ng malaki. Pagpasok nila ay agad silang nakahanap ng kanilang pwesto. “Wooohhhhhh!!!.” Masayang sigaw pa ni Kathlyn habang sumasabay ng indak sa musika kahit nakaupo. “This is life!!.” Segundang sigaw naman ni Isabelle habang nakataas din ang mga kamay at swabeng ginagalaw ang katawan. Napapailing at nangingiti naman si Kristine dahil sa nakikita. Ito ang kauna-unahang napasama siya sa mga kaibigan sa isang bar. Hindi niya inakalang may pagka-wild pala ang mga ito. Agad na umorder ng hard drinks ang tatlo. At pagdating ng kanilang inumin ay kanya-kanya din silang tumungga. “Sis, come on. Have a drink. Don't miss the fun.” Nakangiting offer pa ni Jessa ng inumin kay Kristine. Napatitig naman siya sa inumin. “Go on, sis.” Muling encourage pa ni Jessa kay Kristine. Napabuntong hininga naman si Kristine saka ngumiti bago tinanggap ang inumin. “Yun oh!.” Masayang sigaw ni Isabelle nang makitang tinanggap ni Kristine ang inumin. “That's our girl!.” Segundang sigaw pa ni Kathlyn at nakipag-cheers sa tatlo. “CHEEERRRSSS!!!.” Masayang sigaw pa ng tatlo habang si Krisitine ay naiiling lang na nakipag-cheers. Patuloy ang naging inuman ng apat. Sumasayaw na din sila sa gitna ng dance floor. Habang tumatagal ay lalong napaparami ang kanilang inom, dahilan para makaramdam sila ng pagkahilo. Maging si Kristine na konti palang ang naiinom ay nahihilo na din dahil hindi naman siya sanay uminom. “S-Sis, *aahh* i-ihi lang a-ako.” Napapadaing na saad ni Kristine dahil sa pagkahilo. Winagayway lang din naman ni Jessa ang kamay niya bilang sagot. Pinilit nia ding tumayo ni Kristine kahit nahihirapan siya. (Grrggh!) Sa hindi inaasahan ay nakabangga si Kristine ng tao. Napapalayo na din kasi ang lakad niya dahil hindi niya naman alam kung nasaan yung CR. Napadpad siya sa isang tila hallway na padaan-daan lang ang tao. “Oh! Hi beautiful.” Nakangising bati ng lasing na lalaking nabangga ni Kristine. “So-Sorry.” Tanging saad lang din naman ni Kristine na napapahawak sa ulo. Aalis na sana siya ng bigla na naman siyang harangan ng lalaki. “Oh. Not so fast, malady.” Saad pa ng lalaki at napangiti ng may pagkamanyak. Napapakagat pa ito ng labi habang pinapasadahan ng tingin ang katawan ni Kristine. Dahil sa takot ni Kristine ay bigla siyang tumalikod para tumakbo. Pero bago paman siya makahakbang ay nahawakan na siya ng lalaki sa braso. “Bi-Bitawan mo a-ako!.” Sigaw ni Kristine pero ramdam niya namang wala siyang lakas para lumaban. “Hmmmmm! So damn sexy!.” Gigil na saad pa ng lalaki ng mapayakap kay Kristine. Hanggang sa nagsimula ng hilain ng lalaki si Kristine papunta sa isang kwarto. Napunta kasi si Kristine sa hallway kung saan papasok doon ay mga kwarto na pwedeng rentahan ng mga gagawa ng kababalaghan. “Aahhh!! Tu-Tulong!!.” Kahit hirap ay pinilit ni Kristine na magpumiglas sa hawak ng lalaking m******s. Pero sa kasamaang palad ay hindi niya magawang manlaban dahil bukod sa nahihilo siya ay wala din siyang lakas. Kaya wala na siyang nagawa nang tuluyan siyang mahila ng lalaki. ~ ~ ~ ⇨acacabas_019ツ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD