EPISODE 9.

2438 Words
"MEANT TO BE" EPISODE 9. ◆General's POV.◆ Kasalukuyang nasa isang Japanese restaurant ang isang lalaki habang kausap ang may edad na lalaki. Dito sila laging nagkikita para magkaroon ng privacy at nang walang makakita sa kanila na magkausap kung sakali. Gabi lang din ang pinipili nilang oras para masigurong walang nakasunod sa kanila. “So, how's your work Attorney?.” Tanong ng lalaki sa may edad na lalaki na siyang tinawag niyang Attorney. “Everything's working on our hands, sir. Wala tayong magiging problema at sinisiguro ko sa inyong sooner than later makukuha niyo ang lahat-lahat.” Sagot naman ng Attorney na siyang nagpangisi pa sa lalaki. “That's good. Let's cheers to that. Let's cheers for the upcoming success.” Nakangising saad pa ng lalaki at nakipagcheers sa maliit na tasa na may lamang tsaa. Napatitig pa sa kawalan ang lalaki at napangisi habang naiisip ang masayang pangyayari na kung saan ay mapupunta sa kanya ang lahat ng kayamanan na matagal na niyang inaasam-asam. -Now that things are starting to work the way I want them to, sisiguraduhin kong luluhod kayong lahat sa akin!.- Madiing isip pa ng lalaki habang nakangisi at may inaalala. ★★★★★ Hindi nakagalaw ang apat na nagkakatinginan lang habang puzzled ang kani-kanilang mukha. Hindi din alam ni Jastine ang sasabihin dahil hindi niya inaasahang mahuhuli siya ni Kristine ng ganun kadali. Ni hindi siya makahakbang palapit sa mga ito. “Huh!.” Ngising harap na ni CJ kay Jastine. “Ang kapal naman ng mukha mong magpakita pa dito.” Basag pa ni CJ sa katahimikan. “What the hell is going on? May hindi ba ako nalalaman?.” Kunot-noo at palipat-lipat na tinging tanong ni Divina sa tatlo nang mapansin ang kakaibang tinging pinupukol ni Jastine kay Kristine. Maging si Kristine ay hindi makapagsalita na nanlulumong nakatingin lang kay Jastine. Ang mga customer naman na naroon ay nakatingin lang din sa kanila. Ang ibang crew ay tahimik na pinagpapatuloy lang ang kanilang trabaho. “Well, for your information ate. Isa lang naman siya sa babae ng damuhong yan.” Simangot na saad ni CJ habang nakatingin kay Kristine at nakaturo kay Jastine. “Inahas ka ng sarili mong tauhan.” Dagdag pang saad ni CJ na nagpasimangot din kay Kristine. Naging malinaw na kay Kristine ang lahat. At tama din ang hinala niya. Ang Jastine na nanliligaw sa kanya ay siya palang jowa ng amo niyang si Divina. Naisip niya ding kaya pala binugbog si Jastine ng taong kaharap niya ay dahil niloko nito ang amo niya na siyang pinsan nito. “W-Wait, w-what?.” Hindi makapaniwalang tanong naman ni Divina. “Hindi ko inahas si ate! Wala kang alam!.” Madiing opposed naman ni Kristine na masama ang tingin kay CJ. Nginisihan lang naman siya ni CJ na halatang hindi naniniwala. “Tine, what's this? Anong ibig sabihin nito? Magkakilala kayo n-ni Jastine?.” Nanlulumong tanong naman ni Divina kay Kristine. “A-Ate, hi-hindi ko po alam na s-si Jastine ang jowa mo.” Nahihiyang saad ni Kristine at hindi makatingin ng diretso kay Divina. Ramdam niya na din ang namumuong luha sa mga mata niya. “Ma-Magkababata po kaming dalawa. Huling kita po namin ay nung high school pa kami. L-lately lang din po kami muling n-nagkita.” Dagdag pa ni Kristine na napayuko na sa sobrang hiya. “Wow! Wow! You're so good at making up such stories!.” Biglang singit naman ni CJ na pumalakpak pa habang nakangisi. “CJ, stop it.” Seryosong saway naman ni Divina kaya muli itong nanahimik. “Tine, kayo din ba? K-kayo ba?.” Mabigat sa loob na tanong ni Divina. Mahinang umiling naman si Kristine bilang sagot. “Na-Nanliligaw siya ate.” Yukong sagot naman ni Kristine. Sobrang sama ng loob ni Divina kay Jastine dahil sa kanyang nalaman. Natahimik din silang apat na tila hindi na alam kung anong sasabihin. Nagpapakiramdaman pa sila sa isa't-isa. Maya-maya'y napabuntong hininga nalang si Divina. “Tine, sige na. Gawin mo na yung trabaho mo.” Malumanay ng saad ni Divina kay Kristine kaya yumuko na din ito at nagpaalam. Wala namang nagawa si Jastine kundi ang habulin ng tingin si Kristine na hindi manlang siya sinulyapan. Walang emosyong umiling-iling naman ni Divina kay Jastine na nasa may di kalayuan saka tumalikod at muling pumasok sa opisina niya. Pagpasok niya ng opisina ay marahas niyang pinunasan ang luhang pumatak sa kanyang mga mata. Hahakbang na sana si Jastine para lapitan si Kristine nang biglang lumitaw si CJ na masama ang tingin sa kanya. “Get out while I'm still nice!.” Mahina at madiing saad pa ni CJ na may kasamang pagbabanta. Imbes na sumagot ay hindi nalang nagsalita pa si Jastine na pinili nalang lumabas. Naisip niyang hintayin nalang si Kristine sa labas pag-uwi nito. Pagkalabas ni Jastine ay sinundan ni CJ ang pinsan niya sa opisina nito. Naabutan niya itong umiiyak ng palihim. Hindi niya naman alam ang sasabihin kaya nilapitan niya nalang ito at agad naman siya nitong niyakap. Umiyak naman ito sa may bewang niya na parang bata kaya napakuyom nalang siya ng kamao dahil sa galit na nararamdaman para kay Jastine. ★★★★★ ■Kristine's P.O.V.■ Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Grabe! Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon! Naiiyak ako. Hindi ko akalaing magagawa sakin to ni Jastine! To think na si ate Divina pa pala ang jowa niya! Nakakahiya!. Pagkatapos kong magpaalam kay ate ay pumunta na akong counter para ipagpatuloy ang trabaho ko. Nakita ko pang pinalabas si Jastine nung pinsan ni ate. “E-Excuse me.” Utal kong paalam sa mga katrabaho ko at nagmadaling pumunta ng CR. Hindi ko alam pero tila may sariling kusa ang luha ko dahil bigla ko nalang naramdamang basa ang pisngi ko. “Aaarrrggghhh!! Agh! Gosh! Ano ba to?!.” Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko mapigilan ang luha sa mga mata ko. Panay ang punas ko dito pero maya't-maya naman ang pagtulo nito. Napapatingala pa ako para pigilan ang pagtulo ng luha ko pero agos ito ng agos. Arrggh! Nakakainis!. Mahal ko si Jastine, oo inaamin ko mahal ko siya. Kahit noong mga bata pa kami ay mahal ko na siya. Kaya naman sobrang sakit para sakin nitong mga nalaman ko. Pinilit kong magtrabaho kahit napakasakit ng nararamdaman ko. Mabuti nalang at nacontrol ko ang sarili ko hanggang sa matapos ang oras ko. Magpapaalam sana ako kay ate pero wala naman akong mukhang maihaharap sa kanya kaya sa mga kasamahan ko nalang ako nagpaalam. “Sige Tine. Ingat ka sa pag-uwi. Kami nalang ang bahalang magsabi kay ate.” Saad ng kasamahan ko. Ngumiti nalang din ako dito ng konti at nagpasalamat saka umalis na bitbit ang back pack ko. “Gosh!!.” Inis kong pinunasan ang luhang muling pumatak sa pisngi ko habang naglalakad. Patuloy kasing nagsusumiksik sa isip ko ang nalaman kong katotohanan. “B-Bakit ba kasi ang tanga ko?! Naniwala akong walang jowa si Jastine gayong napaka---” “Tin2x.” Natigil ako sa pagsasalita at paghakbang ng marinig ko ang pamilyar na boses. Siya lang din ang tumatawag sakin ng ganun. Napatingin ako kay Jastine na nasa harapan ko ilang hakbang ang layo mula sakin. “Tin2x, please let's talk.” Saad niya pa habang naglalakad palapit sakin. Hindi ko siya sinagot, sa halip ay umiling-iling ako sa kanya saka muling naglakad at nilampasan siya. “Tin2x please.. let me explain.” Nagsusumamong saad niya pa at hinawakan ako sa braso. Wala na din siyang hawak na bulaklak. “Wala tayong dapat pag-usapan Jastine! Bitawan mo ako!.” Inis kong sigaw sa kanya at winaksi ang kamay niya. Sa ngayon, ayaw ko muna siyang makita at makausap. “Tin2x please..” Patuloy niyang pakiusap at sunod sakin. “Tin2x, ano ba!.” Maya-maya'y yamot niya ng saad at humarang sa dinadaanan ko. “Jastine, umalis ka na. Ayoko ng makita ka pa. P-Pinaniwala mo lang ako sa mga ka-kasinungalingan mo!.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kusang tumulo ang luha ko kaya yamot ko itong pinunasan. “Tin2x, please.. j-just let me explain.” Nagsusumamong pakiusap pa rin ni Jastine sakin. Iiling-iling ko siyang tinitigan sa mga mata niya habang paatras na lumalayo sa kanya. Tatakbo na sana ako ng muli na naman niya akong hawakan sa kamay. “Tin2x no! You're not leaving without me!.” Matigas niyang saad habang hawak ako sa kamay. “Jastine, ano ba! Bitawan mo ako!.” Nagpupumiglas kong sigaw. Natatakot na din ako sa kanya. Nakita ko din ang pagdilim ng mga mata niya at ang masamang pagtingin sakin. “Aaahhh!! Ja-Jastine bi-Bitawan mo ako!! Aaah!! T-Tulong!!.” Sigaw ko na ng magsimula niya akong hilain papunta sa kanyang sasakyan. Tila wala namang pakialam ang mangilan-ngilang taong nakakakita samin. Sobrang kinakabahan na din ako. Lalo pa akong kinabahan ng binuksan niya na ang pinto ng kotse niya at pilit akong pinapasok habang nagpupumiglas. ★★★★★ ■CJ's P.O.V.■ Pagkatapos umiyak ni ate Devy ay kinuha ko siya ng tubig at pinainom. Naaawa ako sa kanya. Kung naniwala lang kasi sana siya sakin nung unang beses na sinabi ko sa kanya na may ibang babae si Jastine. Edi sana hindi na lumalim pa ang nararamdaman niya para dito. “You must fire that woman.” Kunot-noo kong saad kay ate. Napapasigok-sigok pa siya dahil sa sobrang pag-iyak. “No. I can't do that couz.” Iling niya namang saad. “What? And why not? Inahas ka niya ate! And I'm sure she would bring back the pain everytime you see her.” Hindi ko alam kung bakit ganito tong pinsan ko. Inahas na nga siya eh. Tsk! Tsk!. “She's also a victim here. She know nothing. Have you forgot that my relationship with Jastine was only between us? And I believed her. I never mentioned to her Jastine's name and Jastine had only been here, once. They never crossed paths during that day.” Medyo frustrated na saad ni ate. “Not only that, I can't fire her because she needs the money more than anyone could.. and.. she's my friend.” Dagdag niya pa at napabuntong hininga. “You're impossible! How could you consider that woman your friend?!.” Napapailing nalang ako dahil sa mga sinasabi niya. At kahit ano pang sabihin ko sa kanya ay talagang mas kinakampihan niya pa ang babaeng yun! Tsk! Napapailing nalang tuloy ako sa kanya. Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam na ako kay ate para umuwi. Mabuti nalang at maayos na siya kaya pwede ko na siyang iwan. Pero bago paman ako makalabas ng kanyang opisina ay may pinakiusap pa siya sakin na siyang nagpakunot ng noo ko. “Couz, favor naman.. pakihatid naman si Tine sa bahay nila just to make sure she's safe. Baka ano pang mangyari sa batang yun eh. Halatang wala din siya sa sarili.” Malumanay niyang pakiusap kaya napasama ang tingin ko sa kanya. “What the!.” Hindi makapaniwala kong reaksyon. Napaka-impossibly talaga nitong pinsan ko! Tsk! Hindi nalang ako sumagot at lumabas na pagkatapos kong mapailing-iling. “Hey, where's that annoying woman? The one we talked to, a few minutes ago.” Wala sa mood at masungit kong tanong sa isang crew. Alam kong kilala niya ang tinutukoy ko. Tsismoso tong crew na to eh. Kunwari nagtatrabaho pero nakikinig naman samin kanina. “Ah.. Eh.. W-Wala na po boss. Umuwi na po siya kani-kanina lang. Out niya na po kasi eh.” Sagot niya naman. “Okay.” Good news para sakin yung sinabi niya. Atleast hindi ko kailangang ihatid yung babaeng yun. Tsk!. Pagkalabas ko ng shop ni pinsan at pagkasakay sa motor ay agad ko itong pinaharurot paalis. Pero agad akong napapreno at napakunot-noo nang makita si Jastine na hinihila ang babaeng crew ni ate papunta sa kanyang sasakyan. Nagsusumigaw pa ang babae na humihingi ng tulong. Bumababa ako ng motor at lumapit sa mga ito. Halatang dinadaan ni Jastine sa dahas ang babae. Napailing tuloy ako dahil dito. Tsk! Tsk! Tsk!. ★★★★★ Patuloy ang pagpupumiglas ni Kristine kay Jastine. Pinagpapalo niya pa ito pero tila wala itong pakialam na patuloy siyang tinutulak papasok ng sasakyan. “Jastine, bita-wan m-mo ako!.” Sigaw pa ni Krisitine na namumutla dahil sa takot. “Get in!.” Malakas na sigaw naman ni Jastine na siyang kinagulat nito. Pero bago paman maipasok ni Jastine sa sasakyan si Kristine ng tuluyan ay bigla siyang may naramdamang kamay sa may balikat niya. Napalingon siya dito. “Aghmpf!.” Daing pa ni Jastine nang may biglang dumapong kamao sa mukha niya. Napasandal din siya sa sasakyan at nakitang si CJ ang sumuntok sa kanya. Agad namang lumayo ng konti si Kristine sa mga ito. “Hmpf!.” Daing naman ni CJ nang mahawakan ni Jastine ang paa niya nang sipain niya ito at masuntok siya nito sa tagiliran. Muli siyang sinuntok ni Jastine sa may ulo na siyang nasalo niya naman ng braso niya. “HAH!.” Gigil na ganting sipa naman ni CJ sa may dibdib ni Jastine dahilan para mapahiga ito sa sahig. Agad itong nilapitan ni CJ at hinawakan sa may kuwelyo nito at bahagyang inangat saka paulit-ulit na sinuntok sa mukha. Wala naman itong nagawa kundi ang mapadaing nalang sa sakit. Tumayo lang si CJ at tumigil nang makitang bugbog sarado na ito. Naisip niyang naipaghiganti niya na din ang pinsan niya dito. Pagkatapos ay kunot-noong napatingin siya kay Kristine at lumapit dito. Nagulat pa si Kristine sa ginawa niya kaya napaatras ito ng konti. “Good thing you didn't intervene. Let's go.” Seryosong saad pa ni CJ saka hinila si Kristine sa kamay na siyang kinataka nito. “Sa-Saan mo ako da-dadalhin?.” Kinakabahang tanong pa ni Kristine nang hilain siya nito palapit sa isang motor. “Don't worry, I had no intention on bringing you in my house. You're not my type.” Patutyang saad naman ni CJ na nagpasimangot kay Kristine. Nayayabangan na naman siya dito. “My cousin asked me to send you home.” Walang ganang saad pa ni CJ. “Hi-Hindi na kailangan. Ka-Kaya ko na.” Saad naman ni Kristine. “Don't be such a hardheaded. I already had enough!.” Mahina pero madiing saad ni CJ pero matigas na napailing naman si Kristine. Kahit anong pilit din ang ginawa ni CJ pero hindi niya napilit si Kristine na ihatid ito sa bahay nito. Sa yamot niya dahil sa kaartehan nito ay hinayaan niya nalang ito sa gusto nito. Ang importante ay sinubukan niyang gawin ang pakiusap ng pinsan niya. ~ ~ ~ ⇨acacabas_019ツ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD