EPISODE 8.

3853 Words
"MEANT TO BE" EPISODE 8. ◆General's POV.◆ Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi na din nagpapakita si Jastine sa pinsan ni CJ na si Devy. Ikinataka at ikinalungkot man ito ni Devy ay wala na din siyang nagawa kundi ang hayaan nalang ito. Pinagsabihan din siya ni CJ na magmove on nalang ng tuluyan dahil hindi na siya muling susuyuin pa ni Jastine. Nagpatuloy din ang panliligaw ni Jastine kay Kristine. Pinupuntahan niya ito sa kanilang bahay at nagdadala ng kung ano-ano para dito. Pinagsabihan naman siya ni Kristine na wag ng magdala ng kahit ano pero matigas ang ulo niya. Naging persistent din ang desisyon ni Christian na ilipat si CJ sa ibang school pagkatapos ng isang buwan. Sa katunayan ay inaayos na nga ito ng tauhan niya. Nang malaman ito ng misis niyang si Jennelyn ay nagkasagutan na naman sila pero sa pagkakataong iyon ay hindi nagpatalo si Christian. Naging doble-doble din ang pagkayod ni Kristine dahil bukod sa trabaho niya sa coffee and cake shop ay naghanap pa siya ng ibang side line. Nag-iipon kasi siya para sa pang-oopera ng nanay niya. Nag-iisip din siya ng pwedeng mapagkakitaan ng malaki para mas mapabilis ang pagpapaopera dito. . . Sa isang open na basketball court ay may naglalaro. Mga naka-pula laban sa mga naka-itim. At dahil isa itong street fight na basketball ay nagkakanya-kanyang strategy ang bawat panig para manalo. Maraming tao ang nanonood. May mga nagsisigawan pa para sa mga naka-itim na grupo. Ang grupo kasing ito ay isa sa mga pinakasikat sa street basketball. “YAAAHHH!.” Malakas at maangas na sigaw ng captain ng itim na grupo na si Gerald sabay talon at block ng bolang tinira ng team captain ng kanilang kalaban. “WOOOOHHHH!!!.” Sigawan ng mga tao nang makuha nga ni Gerald ang bola at malakas itong tinapak ng dalawa niyang kamay pagkababa. Agad itong nag-dribble at napangisi na tila inaasar ang taong nasupalpal niya. Mabilis din siya kung gumalaw kaya naiwasan niya ang pagbabantay ng mga kalaban. “HAAAHHH!!.” Sigaw pa ni Gerald sabay talon papunta sa ring para mag-dunk. “AAAGGGHHH!!.” Napatalon din naman ang captain ng kabilang grupo para supalpalin din ang tira niya. Pero nang makita ni Gerald na malapit na nitong mahawakan ang bola ay pasimply at patago niya itong sinipa sa may tuhod nito dahilan para mapababa ito at maishoot niya ang bola. “Aarrgghh...” Daing ng captain ng kabilang grupo pagkabagsak nito sa lupa at na-out balance. Napahiga pa ito sa sahig habang dumadaing sa sakit. Natigilan din ang mga taong nanonood at napatayo naman ang mga nakapulang grupo dahil sa gulat. Nakita naman ng mga kasamahan ng kabilang grupo ang ginawa ni Gerald kaya sinugod nila ito pagkatapos nilang buhatin ang kanilang kapitan papunta sa kanilang upuan. Pero naging maagap naman ang grupo ni Gerald na sumugod din sa kabilang grupo kaya nagkakatulakan na sila. Mabilis namang pumagitna ang referee na hindi nakita ang pangyayari kaya hindi tumawag ng foul. “Prrriiiirrrttt!!! Tama na!.” Pito at sigaw pa ng referee nang mapaglayo niya ang dalawang grupo. “Eh madaya kasi yang Gerald na yan eh! Kitang-kitang sinipa niya si kapitan sa tuhod!.” “Oo nga! Dapat diyan tinatanggal na eh!.” Gigil na saad ng mga nakapulang grupo habang tinuturo-turo si Gerald. Makikita ang pagkayamot sa kanilang mga mukha dahil sa nakitang pandadaya ni Gerald. “Anong daya ang pinagsasabi niyo, ha?! Eh mga baliw pala kayo eh! Sadyang lampa lang yang kapitan niyo!.” “At kaya kayo nagkakaganyan dahil malaki na yung lamang namin sa inyo! Palibhasa mga talunan kayo!.” Pang-aalaska naman ng team ni Gerald sa mga ito. Makikita sa mga mukha nila ang pagiging palaban. Samantalang si Gerald ay tahimik lang na nakikinig at nanonood. Nasisiyahan ito sa kanyang nakikita. “Titigil ba kayo o itong laro niyo ang ititigil natin?!.” Pagalit at pasigaw na singit ng referee kaya natahimik na din silang lahat. “Magsibalik na kayo sa upuan niyo.” Utos pa ng referee na siyang sinunod naman ng lahat. Pero bago maglakad si Gerald ay napatingin pa siya sa kanilang kalaban at palihim silang nginisihan. Nagpigil naman ng galit ang mga ito. Kilala si Gerald na magaling pagdating sa basketball. Kilala rin itong magaling sa paglalaro ng madumi. Mahilig kasi itong manakit ng palihim. Sa katunayan ay madami-dami na din ang hindi na nakabalik sa paglalaro ng basketball dahil sa pangpipilay na ginawa niya. ★★★★★ Kasalukuyang naglilinis ng kwarto si Kristine nang makita niya ang maliit niyang box na nakatago sa may lumang aparador. Napangiti siya at binuksan ito saka tiningnan ang mga laman nito. Naagaw din ang pansin niya ng isang lumang litrato kaya kinuha niya ito at pinunasan. “Tep2x, kumusta ka na kaya? Asan ka na kaya ngayon? Ang tagal na nating hindi nagkita ah.” Ngiting saad ni Kristine na hinahaplos ang isang lumang litrato habang inaalala ang nakaraan. Litrato niya ito noong labing-isang taong gulang palang siya kasama ang kaibigan niyang si Tep2x. Ang laki din ng ngiti nilang dalawa habang nakaakbay sa isa't-isa. Silang tatlo din nina Jastine ang laging magkakasama tuwing recess. Kahit kasi matanda si Jastine sa kanila ng dalawang taon at secondary na ito ay dinadayo pa din sila nito para sabay-sabay silang mag-snack. Naging kaibigan nila Kristine at Jastine si Tep2x noong siyam na taong gulang na sila. Tahimik kasi ito kaya sila ang gumawa ng paraan para mapalapit ito sa kanila. Nagkahiwalay lang din sila nung mag-high school na si Tep2x dahil pinaalis ito at ang tatay nito sa bahay na kanilang tinitirhan dahil hindi sila nakakabayad. “Ano na kayang hitsura mo ngayon? Siguro sobrang ganda mo na. Naaalala mo pa kaya ako? Kami?.” Patuloy pang tanong at kausap ni Kristine sa litrato. “Nak? Nak? Nandiyan ka ba?.” Natigil sa pag-iisip si Kristine nang marinig ang pagtawag ng nanay niya. “Opo, Nay.” Sagot ni Kristine saka inayos ang gamit niya at lumabas. “Nak, nandito si Jastine.” Saad ng nanay niya. Nakita naman ni Kristine si Jastine na agad ding napatayo pagkakita sa kanya. Pagkalapit ni Kristine dito ay nakangiting inabot nito ang isang bungkos ng bulaklak. Napangiti naman si Kristine pagkaamoy dito. Alam na din ng nanay niya na nanliligaw ito sa kanya. Hindi naman ito naging problema kay Wilma. “Upo ka.” Ngiting aya pa ni Kristine kaya umupo na din sila. Nagpaalam naman si Wilma na lalabas muna at may kukuning mga labahan pagkatapos maglagay ng meryenda sa mesang nasa harapan nina Jastine at Kristine. Pinagsabihan na din ito ni Kristine na tumigil na sa paglalaba pero hindi talaga ito nakikinig. “Nagpapakabusy ang maganda kong dilag ah.” Malambing na saad ni Jastine saka pinunasan ang dumi na nasa pisngi ni Kristine. Parang nakuryente naman si Kristine at namula ang pisngi. “You're so cute when you blush.” Ngiting saad pa ni Jastine at pinisil ang pisngi ni Kristine. “Hmmpp! Ewan ko nga sayo.” Pabirong irap naman ni Kristine na nakangiti. Aminin niya man sa hindi, sa loob lang ng ilang araw na panliligaw ni Jastine sa kanya ay muling bumalik ang nararamdaman niya para dito noong panahong magkasama pa sila. Ramdam na ramdam niya din ang kilig kahit masilayan lang ito. “Anyway, ano nga palang ginagawa mo't ang tagal mo ata sa loob?.” Tanong pa ni Jastine sa kanya. Napangiti naman muna si Kristine bago sumagot. “Naalala mo pa ba si Tep2x?.” Ngiting tanong ni Kristine at napatingin sa kawalan na tila may naalala. “Si Tep2x? Of course! Haha. Eh lagi niyo kaya akong pinagtutulungan dati! Lagi kayong magkakampi eh! Sino bang makakalimot sa baboy nating kaibigan na yun? Haha.” Tawa-tawang sagot naman ni Jastine. “Baliw! Haha. Hanggang ngayon may pagkabully ka pa din. Hindi naman ganun kataba si Tep2x pero grabe ka kung makaasar sa kanya dati. Naalala ko pa yung mukha niya sa tuwing napipikon siya dati eh.” Tawang saad naman ni Kristine na halatang namimiss na ang kaibigan. Masayang nagkwentuhan ang dalawa tungkol sa nakaraan nung panahong pasaway pa sila. Madalas kasi silang magkulitan at magpikunan. At ang laging napipikon ay si Tep2x. Habang tumatawa si Kristine ay napapangiti naman si Jastine habang nakatitig dito. Tila hinahaplos ang puso niya dahil sa pagka-genuine ng ngiti ng dalaga. “Kahit yung tawa mo nalang ang marinig ko araw-araw, hinding-hindi ko pagsasawaan yan.” Malambing na banat pa ni Jastine sa kalagitnaan ng pagtawa ni Kristine. Natigilan naman si Kristine at napakagat labi. “Aaah.. Hmmm.. Ba-Bakit ba ang b-bolero mo na nga-ngayon?.” Namumulang tanong naman ni Kristine at napangiti ng alanganin. Hinaplos naman ni Jastine ang kanang pisngi niya at tinitigan siya sa mga mata. Hinawakan din nito ang isa niyang kamay at tinapat sa puso nito. “Tin2x, kahit ilang taon na ang lumipas at kahit ilang taon pa ang lumipas.. alam ko.. sa puso ko.. ikaw at ikaw pa rin ang hahanapin at mamahalin nito.” Malambing at madamdaming saad pa ni Jastine. Tumagos sa puso ni Kristine ang sinabi ni Jastine. Pigil-hiningang napatitig din siya sa mga mata nito. Maging ang puso niya ay kumakabog na din ng malakas. “Mahal.. na mahal.. kita, Tin2x ko.” Dahan-dahang saad pa ni Jastine at unti-unting nilapit ang mukha niya sa mukha ni Kristine. Napalunok naman si Kristine ng laway at hindi nakagalaw. Hanggang sa maglapat na nga ng tuluyan ang kanilang mga labi. Napangiti din ang dalawa pagkahiwalay ng kanilang labi. Nailang naman ng konti si Kristine kaya nag-open siya ng ibang topic para maalis ang pagkailang niya. Nangingiti naman si Jastine at naiiling pero sinabayan niya nalang din ito para hindi ito mapahiya. “Oh. Before I forgot.” Biglang napatayo si Jastine nang may maalala sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap. Napatayo siya at lumabas papunta sa kanyang sasakyan. Nagtaka naman si Kristine pero hinayaan nalang ito. “I almost forgot. Here.” Abot ni Jastine ng maliit na box kay Kristine pagbalik niya. “P-Para saan to?.” Takang tanong naman ni Kristine na nakakunot ang noo. “Of course para alam ko kung saan kita susunduin at kung anong oras.” Ngiting sagot naman ni Jastine. Binigyan niya kasi ng cellphone si Kristine. “Jastine, hindi ko matatanggap to.” Napailing si Kristine at muling inabot pabalik ang cellphone kay Jastine. Matigas niya itong tinanggihan na siyang kinalungkot naman ni Jastine. “Please? For me?.” Puppy eyes at malungkot na saad ni Jastine pero iling ng iling pa rin si Kristine. Napabuntong hininga nalang din si Jastine dahil dito. “Okay, ganito nalang. Tanggapin mo yung phone. At unti-unti mong bayaran sakin. Kahit paunti-unti. I just wanted to know that you're safe wherever you are.” Pakiusap pang saad ni Jastine at nagpapaawa. Matapos titigan ang mukha ni Jastine ay napabuntong hininga nalang din si Kristine at wala ng nagawa kundi ang pumayag. “Basta babayaran ko to ah.” Saad pa ni Kristine at kinuha na ang phone. Napangiti naman ng malaki si Jastine dahil dito at napayakap kay Kristine ng mahigpit. Napangiti naman si Kristine ng malapad. ★★★★★ Habang abala sa paglalaro ng online games sina Grey, Zane at Vin ay nakaupo lang si CJ at nakapikit habang nagsasoundtrip. Lunch break na din kasi. “Broh. Broh.” Tawag pansin ni Grey kina Zane at Vin saka nginuso si CJ. “Ano na namang nangyari diyan?.” Tanong pa ni Grey sa dalawa. Umaga palang ay pansin na nila ang katamlayan ni CJ. Wala itong ganang kumain at wala din ito sa mood makipag-usap. “I don't know.” Kibit-balikat namang sagot ni Vin. “Yung utak niyo talaga ang hihina na! Anong petsa ba ngayon ha?.” Iiling-iling namang saad at tanong ni Zane. “Oh? Ano naman ang kinalaman ng petsa sa pagkatamlay nitong kaibigan natin?.” Puzzled na tanong naman ni Grey. Maging si Vin ay nagtataka din. “Tsk! Tsk! Tsk! Ewan ko nga sa inyo! Basta hayaan niyo nalang muna siya. Wag kayong mag-alala, bukas masigla na yang broh natin.” Iiling-iling na saad naman ni Zane at pinagpatuloy na ang paglalaro. Wala namang nagawa ang dalawa kundi ang mapakamot nalang sa kanilang ulo. ????? (Masayang naghahabulan ang dalawang tao sa dalampasigan. Nakasando at boxer ang isa habang nakaswimsuit naman ang dalaga. Hinahabol ng isa ang natatawang dalaga. Nang mahuli ang dalaga ay napatili pa ito habang natatawa. “Ahh! Hahaha. Chris! Hahaha. Don't! Hahaha. Stop it! Hahaha.” Malakas na tawang tili pa ng dalaga ng buhatin siya ng natatawang si Chris mula sa likod. “Hahaha. Hmmmm. Yum-yum!.” Pabirong saad pa ni Chris habang dinidikit ang labi niya sa leeg ng dalaga. “HAHAHAHA.” Lalong napatawa ng malakas ang dalaga ng makiliti ito. “Chris, baby, hahaha nakikiliti ako. Hahaha.” Natatawang saad pa ng dalaga at humarap na kay Chris habang nakayakap pa rin ito sa kanya. Nang magkatitigan ay nagngitian silang dalawa. Inikot din ng dalaga ang kamay niya sa may leeg ni Chris at napangiti habang ito naman ay nakahawak sa bewang niya. “You're so sexy, baby.” Ngiting saad ni Chris at hinapit pa lalo ang dalaga kaya magkadikit na ang katawan nila. “And so are you, baby. Haha.” Natatawang saad naman ng dalaga. Hanggang sa magkatitigan ang dalawa at unti-unting maglapit ang kanilang mukha at maglapat ang kanilang labi. Nangingiti pa ang dalawa habang naghahalikan na tila ineenjoy ang ginagawa. Habang masayang magkayakap ang dalawa sa dalampasigan ay biglang nagulat si Chris nang tila may humila sa dalaga papalayo sa kanya. Nagulat man siya ay hinabol niya ito pero palayo ito ng palayo hanggang sa tuluyan itong mawala sa paningin niya. Pagtingin ni Chris sa paligid ay biglang nag-iba ang lugar na kinaroroonan niya. Takang inikot niya ang paningin niya dahil bigla siyang napadpad sa isang bahay sa isang iglap. “Stephanie, I love you. And I know you feel the same.” Nagsusumamong saad ng binata sa dalaga. “Jan please.. I'm begging you. Let's end this here. I love her so much.” Nagsusumamong pakiusap naman ni Stephanie sa binata. “I know you love me more than you love her. I'll fight for you.” Matigas na saad naman ng binata at biglang siniil ng halik ang dalagang si Stephanie. Napatingin si Chris sa kwartong nakaawang nang makarinig ng nag-uusap mula dito. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at siya namang gulat niya sa nasaksihan. Ang dalagang kasama niya sa dalampasigan, ang dalagang masayang nakikipaghabulan sa kanya ay nakikipaghalikan sa iba. Biglang tumulo ang luha sa mga mata ni Chris ng makitang gumanti din ng halik ang dalaga. “W-Why?.” Tanging lumabas sa bibig ni Chris dahilan para mapatingin sa kanya ang dalawa. Napalaki din ang mga mata ng dalaga at naitulak ang binata nang makita si Chris na naiiling habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. Napakuyom ng kamao si Chris at makikita ang galit sa kanyang mga mata habang nakatingin sa dalaga at sa binata.) “Broh? Hey broh?.” “Aghmmmhhh!.” Gulat at tila hingal na nagising si CJ mula sa mahimbing niyang pagkakatulog. Napasuklay pa siya ng buhok at napatingin kay Zane na siyang gumigising sa kanya. “Broh, are you okay?.” Nag-aalalang tanong pa ni Zane. Maging ang dalawa ay nag-aalalang nakatingin din sa kanya. Naririnig kasi ng mga ito ang mahina niyang pag-ungol na tila may kaaway. “Y-Yeah. Yeah, I'm fine.” Saad naman ni CJ na malalim ang paghinga. “Broh, lunch break's over. May klase na tayo.” Saad naman ni Grey. Tumayo na din si CJ mula sa pagkakaupo. Pero sa halip na pumasok ay nagpaalam siya sa tatlo na pupunta siya sa shop ng ate Devy niya kaya hindi siya papasok sa panghapon nilang subjects. Tumango nalang din ang mga kaibigan niya bilang sagot at pag-iintindi. Naisip kasi ng dalawa na may problema ito samantalang si Zane naman ay alam ang dahilan kung bakit. Ang motor niya na din ang ginagamit niya sa pagpasok dahil hindi pa rin siya pinapayagan ng dad niya na gumamit ng kanilang kotse. Pagdating niya sa shop ni Devy ay naabutan niya itong nasa opisina nito. Samantalang isang tingin lang ni Devy sa kanya ay alam na agad nito ang problema niya. Hindi niya din gustong pumunta sa condo niya dahil baka maglasing lang siya magdamag. “Oh. I know kung bakit biyernes santo yang mukha mo.” Umpisang saad agad ni Devy pagkaupong-pagkaupo ni CJ sa sofang naroon. “Don't mention it.” Pikit-matang saad naman ni CJ na tila ayaw itong marinig. “It's so funny to think that lately you keep on telling me to move on, but you, yourself, haven't moved on from your past yet.” Tila nang-aasar pang saad ni Devy na nangingiti. Hindi naman siya inimik ni CJ. “Oh well, happy anniversary for the both of you. Ooppss.. sorry.” Dagdag pang pang-aasar ni Devy. Nananadya talaga ito. Napatingin naman sa kanya si CJ ng masama. Sa kasamaang palad kasi, eksaktong anniversary nila CJ at ng jowa niya ay siya namang nahuli niya ito na may kahalikang iba. Iyon din ang kauna-unahan at kahuli-hulihang nagseryoso siya ng babae. “Stop it!.” CJ hissed kaya napatawa naman si Devy at napataas ng kamay na tila sumusuko. Sa halip na makipagsabayan sa pang-aasar ni Devy ay mas pinili niya nalang na humiga sa sofa at matulog. Hinayaan nalang din naman siya ng pinsan niya. ⇨⇨⇨⇨⇨ Hinatid ni Jastine si Kristine sa school nito bago siya pumunta sa kanilang kompanya. Naging maayos din ang maghapong klase ni Kristine kahit pa nagrereplay sa isip niya ang ginawang smack kiss ni Jastine sa kanya. Napapangiti pa siya habang naaalala ito. Pagsapit ng uwian ay hinatid na naman siya ng mga kaibigan niya sa coffee and cake shop kung saan siya nagtatrabaho. Nagkape pa ang mga ito bago umalis kaya naipakilala niya ang mga ito sa mabait niyang amo na si Divina. Nagkakwentuhan pa sila saglit bago umalis ng tuluyan ang mga kaibigan niya. “Your friends are all nice. You're lucky.” Ngiting saad pa ni Divina pagkalapit kay Kristine na nasa counter. “Oo nga ate eh.” Ngiting saad naman ni Kristine. (Riinngg.. Riinngg.. Riinngg..) Parehong napatingin sina Kristine at Divina sa bag ni Kristine nang manggaling dito ang nag-riring na phone. “Go on. Answer it.” Ngiting saad pa ni Divina nang mapayuko si Kristine dahil sa hiya. Oras pa kasi ng trabaho niya. Nag-excuse na din si Divina at naglakad paalis. “Hello, Jastine?.” Sagot ni Kristine ng phone. Nagkapalitan na din kasi sila ng number. Napatingin pa sa kanya si Divina na nasa may di kalayuan nang tila may narinig. Pero napangiti nalang siya nang makitang malaki ang ngiti ni Kristine. “Hey Tin2x ko. Where are you?.” Tanong ni Jastine sa kabilang linya. “Nandito pa ako sa trabaho eh. Bakit?.” Sagot naman ni Kristine. “Oh. I just call para sabihing hindi kita masusundo ngayon. I have an urgent meeting with investors.” Sagot naman ni Jastine. “Ah okay. Sige, mag-iingat ka.” Saad naman ni Kristine. “Yeah. And you too. Bye, I love you.” Huling saad ni Jastine saka pinatay ang tawag. Hindi niya na din hinintay ang sagot ni Kristine dahil alam niyang hindi pa ito handa. Kasalukuyang nagmamaneho si Jastine habang kausap si Kristine. Pagkatapos niya itong makausap ay bumaba siya ng sasakyan nang nasa harap na siya ng flower shop. Pumasok siya dito at bumili ng mamahalin at napakagandang bulaklak. Pagkabili niya ay muli na naman siyang nagmaneho paalis. Muli siyang nagsuot ng earphone at nag-dial ng number. Habang tinitingnan ni Devy ang sales nila ay biglang nagring ang phone niya. Agad na napakunot ang noo niya nang makita kung sino ang caller. “What do you want?.” Mahihimigan ang galit sa tono ng pagtatanong niya. “Hey babe, where are you? Please.. talk to me.” Pakiusap na sagot naman nang nasa kabilang linya. Napapikit ng mariin si Devy nang marinig ang boses nito. Alam niya kasi sa sarili niya na may puwang pa rin ito sa puso niya kahit pa ilang araw na itong hindi nagpaparamdam. “I'm busy, Jastine! Bye.” Galit-galitan at pakipot niya pang saad saka pinatay ang tawag. Napahawak pa siya sa phone niya na tila niyayakap ang tumawag. Wala namang nagawa si Jastine kundi ang mapailing. Oo, nagsinungaling siya kay Kristine dahil wala naman talaga siyang meeting. Balak niyang puntahan at suyuin ang nobya niyang si Devy. Kaya nagdesisyon nalang siyang puntahan ito sa shop nito. Gabi na nang magising si CJ mula sa pagkakatulog sa sofa ng opisina ng pinsan niya. Pipikit-pikit pa siya habang bumabangon. Hindi niya nakita ang pinsan niya kaya nagpasya siyang lumabas. Magpapaalam na din kasi siya para umuwi. “Hey? Have you seen ate Dev---” Tawag pansin ni CJ sa babaeng service crew na dumaan sa harap niya. Napatigil ito sa paglalakad at napatingin sa kanya pero napatigil din siya sa pagsasalita nang matitigan ito at makilala. “What are you doing here?.” Gulat at kunot-noong tanong pa ni CJ dito. “Ikaw na naman? Tsk! At hindi ba obvious? Nagtatrabaho ako dito! Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito, ha?.” Pagsusungit na sagot naman ng babae. “Couz? Tine? What's going on here?.” Biglang labas at lapit naman ni Divina/Devy sa dalawa na galing sa CR nang marinig ang pagsasagutan nila. “You knew each other?.” Tanong niya pa sa dalawa habang palipat-lipat ng tingin sa mga ito. “Ate Devy, I never thought na tumatanggap ka na pala ng ahas ngayon.” Inis na saad naman ni CJ habang nakatingin sa babae na walang iba kundi si Kristine. Napakunot naman ang noo nito at ni Devy. “Couz, what do you mean?.” Puzzled at kunot-noong tanong pa ni Devy. “She's the wo---” “Babe!.” Magsasalita na sana si CJ nang may biglang sumigaw na kakapasok lang mula sa pinto dahilan para mapatigil siya. Nakatalikod din dito si Krisitine. Agad na sumama naman ang mukha ni CJ pagkatingin dito. Napatingin din si Devy dito at nakitang may dala itong bulaklak habang nakangiti. Maging si Kristine ay napalingon din sa kanyang likod ng dahan-dahan. Nawala ang ngiti sa mga labi ng sumigaw pagkatingin kay Kristine. Dahan-dahan kasi itong lumingon dahil nabosesan nito ang sumigaw. At hindi nga siya nagkamali. Ang pinagtaka niya lang ay babe ang sinigaw nito at hindi baby na siyang tawag nito sa kanya. “Jastine, what are you doing here?.” Inis na tanong ni Devy na napansin ang paraan ng pagtingin nito kay Kristine. “Tin2x.” Mahinang usal naman ni Jastine nang mapatitig kay Kristine. Tila naestatwa pa ito at napalaki ang mga mata. “Babe?.” Kunot-noo at hindi makapaniwalang bigkas naman ni Kristine nang marealize kung anong nangyayari. Napatingin pa siya sa bulaklak na hawak ni Jastine. ~ ~ ~ ⇨acacabas_019ツ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD