"MEANT TO BE"
EPISODE 7.
◆General's POV.◆
Magkaharap na nakaupo sa isang coffee shop sina Kristine at Jastine. Medyo nagkakailangan pa silang dalawa at hindi makatingin sa isa't-isa ng diretso.
“Aahh.. Hmmm.. Eh.. Jastine, si-sigurado ka bang hindi ka na pupuntang h-hospital?.”
Basag ni Kristine sa katahimikan ng kanilang pagkakape. Hindi na kasi pumayag si Jastine na pumuntang hospital, sa halip ay dinala siya nito sa isang coffee shop dahil gusto nitong makipag-usap sa kanya.
“No need, Tin---”
Natigil sa pagsasalita si Jastine nang marealize ang pagtawag niya kay Kristine. Tin2x kasi ang palayaw niya kay Kristine nung kabataan nila.
“I m-mean---”
Utal na saad pa ni Jastine.
“Okay lang.”
Saad nalang ni Kristine at ngumiti para maalis ang awkwardness sa pagitan nila.
“Anyway, kumusta ka na?.”
Tanong pa ni Kristine saka uminom ng kape.
“Okay lang naman. Ikaw? Kumusta ka na? Lalo kang gumanda ah.”
Ngiting saad naman ni Jastine na naalis na din ang pagkailang.
Hanggang sa magkwentuhan na silang dalawa tungkol sa mga nangyari sa kanilang buhay-buhay. Nagkakatawanan pa sila habang nag-uusap. Tila namiss din nila ang pagiging ganun nila.
Silang dalawa ay magkababata. Matanda ng dalawang taon si Jastine kay Kristine. Naging mag-close sila hanggang sa naging high school crush nila ang isa't-isa. Malayo man ang agwat ng kanilang katayuan sa buhay ay hindi naman ito naging hadlang para mas maging malapit silang dalawa. Nangako din silang dalawa na walang iwanan.
Sa kasamaang palad, sa huling taon ni Jastine sa high school ay dinala siya sa ibang bansa ng mommy niya at palipat-lipat naman sina Kristine ng lugar makalipas lang din ang isang taon. Kaya nang bumalik ng bansa si Jastine ay hindi na sila muli pang nagkita.
“Namiss kita, Tin2x.”
Malambing na saad ni Jastine sa gitna ng kanilang tawanan. Natigilan naman si Kristine na bumilis ang t***k ng puso.
“Aah.. Eeh.. n-nga pala, ba-bakit ka b-binugbog kanina?.”
Utal na pag-iiba ni Kristine ng usapan. Napapaiwas din siya ng tingin dahil sa lagkit ng tingin ni Jastine sa kanya.
“Sobrang namiss kita, Tin2x. Kung alam mo lang, hinanap kita. Nagtanong-tanong ako pero mali-mali yung mga napuntahan ko.”
Saad ni Jastine. Makikita din ang pagsusumamo sa mga mata niya.
“Aah-Eehh.. Hmmm.. A-Ayaw mo ba ta-talagang i-ipapulis yung nam-bugbog sayo k-kanina?.”
Tanong naman ni Kristine na sunod-sunod na napainom ng kape. Lalo niya kasing naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso niya.
“Hindi mo ba ako namiss, Tin2x?.”
Tanong ni Jastine at hinawakan ang kamay ni Kristine na nakapatong sa mesa. Tila naestatwa naman si Kristine dahil dito.
“Ah.. Eh.. Ja-Jastin---”
“May boyfriend ka na ba?.”
Diretsong tanong na ni Jastine na nagpanganga kay Kristine.
“A-ha? W-Wala. Wala.”
Iling na sagot naman ni Kristine saka dahan-dahang inatras ang kamay niya. Nahihiya kasi siyang maramdaman ni Jastine ang panlalamig at panginginig niya.
“Really? That's a good news, then.”
Masayang saad naman ni Jastine na abot tenga ang ngiti.
“Ako rin, single pa rin ako hanggang ngayon.”
Dagdag niya pa na halatang tumaas ang energy.
Napangiti nalang din si Kristine ng konti pero sa loob-loob niya ay masaya din siya dahil bukod sa nagkita na sila ng long lost love niya ay single pa din pala ito.
★★★★★
Yamot na pinagmamasdan ni CJ ang tila paglalandian nina Jastine at Kristine. Hindi kasi siya tuluyang umalis. Sinundan niya din ang mga ito at napadpad sila sa isang coffee shop.
“Damn!.”
Mura pa ni CJ habang nakatingin sa dalawa. Nasa labas lang kasi siya at nakatingin sa mga ito.
“What a coincedence! Isa din pala ito sa mga babae ng ugok na ito! Kaya pala ganun nalang siya kung mangialam!.”
Yamot pang bulong ni CJ na masama pa din ang tingin sa dalawa.
Makalipas ang ilang minuto ay nagpasya na din siyang umalis at pumunta sa bahay ni Zane. Sinalubong naman siya nito at nagbro-hug sila.
“Zup broh? Ginabi ka ata? Mukhang nang-chix kang mag-isa ah..”
Pabirong saad ni Zane habang naglalakad sila papasok ng bahay.
“Hindi ah. Pumunta ako kay ate Devy eh at may inasikaso lang na konting problema.”
Sagot naman ni CJ na napangisi ng konti at komportableng umupo sa sofa. Dumiretso naman si Zane ng lakad papuntang refregirator.
“Hmmmmm. Here.”
Tatango-tangong abot ni Zane ng beer kay CJ pagbalik niya sa may sofa. Tinanggap naman ito ni CJ at nagpasalamat.
“Anyway broh, yung motor ko, doon ko na iiwan sa parking lot ng condo. Nakausap ko na yung guard dun eh. Siya na ang bahalang magtitingin-tingin.”
Saad ni CJ.
“No problem broh.”
Saad naman ni Zane saka nagcheers na din sila bago tumungga.
Makalipas ang ilang minutong pananatili sa bahay nina Zane ay nagpasya na din si CJ na umuwi. Pagkatapos magpaalam ay umalis na din siya. Ayaw niya mang umuwi ay hindi pwede. Alam niya kasing paparusahan na naman siya ng dad niya pag nagkataon.
Pagdating ni CJ ng bahay ay hindi niya nakita ang dad niya. Pabor naman iyon sa kanya. Nang makita niya naman ang mommy niya ay agad siyang humalik sa pisngi nito at nagpaalam na aakyat na siya ng kwarto. Tinawag pa siya nito at inayang kumain pero mabilis naman siyang sumagot na hindi siya kakain at dumiretso na din sa kanyang kwarto.
“Haayy.. buhay..”
Saad ni CJ habang patihayang humiga sa kama niya na naka-spread pa ang mga kamay.
Napapikit pa siya at muling inalala ang ginawa niya kay Jastine. Muli na naman siyang nainis sa isiping babae nito ang babaeng nangialam sa kanyang pambubugbog kay Jastine.
Hanggang sa makatulugan na ni CJ ang pag-iisip tungkol dito.
⇨⇨⇨⇨⇨
Araw ng lunes, may pasok na naman. Kasalukuyang naglalakad papuntang gym sina CJ at ang mga kaklase nila para sa kanilang P.E. subject.
“Ano na naman kaya ang ipapagawa sa atin ni sir Yabang.”
Saad ni CJ sa tatlo niyang barkada na tinutukoy ang kanilang PE Teacher na si Mr. Lee.
“Ano pa ba broh? Edi bubugbugin na naman tayo.”
Sagot naman ni Vin na napapailing pa.
Nagkakatulakan pa ang iba sa kanilang mga kasamahan at nagtatawanan. Ang iba ay nangtitrip pa sa mga babae. May mga naghahabulan din dahil napipikon.
Pagdating nila ng gym ay kanya-kanya sila ng upo sa lapag. Wala pa ang teacher nilang si Mr. Lee. Huling pumasok ang mayabang at maangas na si Ben kasama ang tatlo nitong kaibigan. Mayabang na hinagis pa nito ang bag nito sa may lapag saka umupo at ngumisi habang nakatingin sa gawi nila CJ. Ito din ang laging naghahamon ng away kina CJ. Lagi kasi nila itong pinaparinggan at ginagalit.
“Puro angas, palibhasa mukhang paa.”
Natatawang parinig naman ni CJ na siyang kinatawa din ng mga kaklase nila.
“HAHAHAHA..”
Malakas na tawa pa ng tatlo niyang barkada na siyang kinasama ng mukha ni Ben.
Yamot itong tumayo at lumapit sa gawi nila CJ. Maging ang tatlo nitong kaibigan ay napatayo din at napasunod dito.
“Anong sabi mo, ha?!.”
Galit nitong tanong habang nakatayo sa harap ni CJ. Maangas na tumayo naman sina CJ na halatang nagpipigil ng tawa.
“Oh! Bingi ka na pala ngayon. Ang sabi ko, MU..KHA.. KANG.. PA..A!.”
Saad pa ni CJ na tila bata ang kaharap. Natawa pa ito ng malakas pagkatapos. Lalong sumama ang mukha ni Ben at napakuyom ng kamao. Sa sobrang inis niya ay sinuntok niya si CJ sa mukha.
“Ugghh!.”
Daing ni CJ at napaatras sa mga kaibigan niya.
Agad na nagsitayuan naman ang mga kaklase nila at natatawang sumigaw ng syete-diyes syete-diyes. Lumalakas pa ang ingay ng mga ito.
Hanggang sa nagrambulan na ang mga kaibigan ni CJ at ang mga kaibigan ni Ben. Agad namang humarap si CJ kay Ben at gumanti dito ng suntok. Silang dalawa din ang nagpapalitan ng suntok.
“Arrggghhh...”
Daing ni Ben nang masuntok siya ni CJ sa tiyan. Napahandusay din ito sa sahig nang muli itong masipa ni CJ sa may dibdib.
“Agh! Hrm! Hmf! Ah!.”
Sumampa si CJ sa may tiyan nito at gigil na paulit-ulit itong sinuntok sa mukha. Nagpupumiglas naman si Ben na napapadaing nalang sa sakit.
“WHAT THE HELL IS GOING ON HERE??!!.”
Tila naestatwa ang lahat ng makarinig ng sigaw. Napalingon din sila sa may pinto at nakita ang teacher nilang si Mr. Lee. Makikita ang galit sa mukha nito dahil sa kanyang naabutan.
Agad na nagsiupuan ang mga kaklase nila CJ at natahimik na parang maaamong tupa habang sila ay napatayo. Napatingin din sila sa teacher nilang masama ang titig sa kanila.
“ANO SA TINGIN NIYONG GINAGAWA NIYO, HA??!!.”
Galit pa ring sigaw ni Mr. Lee habang naglalakad palapit sa gawi nila CJ.
“Sir, we're just having fun. Nagwawarm-up lang kami para sa pagdating niyo.”
Nakangiting pang-jajamming at palusot ni CJ nang nakatayo na sa harap nila si Mr. Lee.
“Nagwawarm-up pala ah?.”
Tango-tangong saad naman ni Mr. Lee na halatang hindi naniniwala. Napatingin pa siya sa mukha ni Ben na may mga dugo at naiiling.
“Sige, since gusto niyo ng warm-up. Run in circle on this gym for two hundred times.”
Malumanay at nakangiting saad pa ni Mr. Lee. Hindi naman agad nakakibo sina CJ dahil sa gulat. Si Ben naman ay agad na napa-violent reaction dahil sa narinig. Tinuro niya pa si CJ na siyang nauna at may kasalanan.
“GO!!.”
Pero bigla naman silang napatakbo nang sumigaw na si Mr. Lee. Nag-uunahan pa sila nila Ben. Sila lang din kasi ang paparusahan dahil sila lang ang "nagwarm-up".
“Damn this man!.”
Bulong na mura pa ni CJ habang tumatakbo ng paikot sa loob ng gym. Panay din ang reklamo ng tatlo niyang kaibigan. Maging sina Ben ay yamot na napapatingin kina CJ dahil sa nangyayari.
Kahit hingal na hingal na sila CJ ay hindi pa din sila pinapatigil ng kanilang sir. Medyo malaki kasi ang gym kaya naman pawisan na sila kahit nangangalahati palang sila ng bilang.
“f**k! *hah* I'm so *hah* damn *hah* tired! *hah*.”
Inis na saad ni CJ habang hinihingal. Maging ang mga kaibigan niya at sina Ben ay masama na din ang mukha dahil sa pagod.
Wala namang pakialam si Mr. Lee na nagpatuloy lang sa lesson niya sa iba niya pang mga studyante.
★★★★★
Katatapos lang mag-almusal nila Kristine. Ihahatid niya na din ang mga kapatid niya sa school bago siya pumasok dahil vacant naman siya ng 7:30 to 8:30. Pinainom niya na din ng gamot ang nanay niya.
Pagkatapos magpaalam sa nanay niya ay lumabas na din siya ng bahay kasama ang masisigla niyang kapatid.
(Pep! Pep!)
Pero laking gulat ni Kristine ng makita ang sasakyang nakaparada sa may di kalayuan ng kanilang bahay. Agad niya ding nakilala kung kanino ito dahil ito ang sasakyang ginamit ng naghatid sa kanya pauwi galing sa coffee shop.
Napangiti pa si Kristine nang makita ang taong lumabas mula sa driver seat. Takang napatanong din ang mga kapatid niya kung kilala niya ba ang may-ari ng kotse dahil sa laki ng ngiti niya. Pero tila wala naman siyang narinig na nakatingin lang kay Jastine.
“Hi. For you.”
Nakangiting bati pa ni Jastine sabay abot ng bulaklak pagkalapit kina Kristine.
“Thank you. Pero bakit ang aga mo yata?.”
Ngiting saad naman ni Kristine pagkatanggap at pagkaamoy ng bulaklak. Takang palipat-lipat naman ng tingin ang mga kapatid ni Kristine sa kanya at kay Jastine.
“Hmmmm wala naman. Fan lang ako ng hearsays na.. early bird catches the beautiful worm.”
Kindat pang saad ni Jastine na nagpapacute. Namula naman ang pisngi ni Kristine dahil dito at napangiti ng malaki.
“Hmmm.. Ate? Mauna nalang kaya kami ni Kuya? Baka ma-late pa kami eh.”
Inosenting singit naman ni Wina kaya napalingon ang dalawa dito.
“Ay sorry! Ahm oo nga pala. Ah eh Jastine, sina Vincent at Wina nga pala, mga kapatid ko.”
Pagpapakilala na ni Kristine sa mga kapatid niya. Nagbatian naman ang mga ito habang nakangiti.
“Ah eh Jastine, dito ka nalang muna. Ihahatid ko lang ang mga kapatid ko.”
Ngiting paalam na ni Kristine.
“Ah no! I mean, sasama ako.”
Ngiting saad naman ni Jastine kaya hinayaan nalang ito ni Kristine.
Hanggang sa maihatid nga nina Kristine at Jastine ang mga kapatid niya. Pagkabalik din nila sa bahay nina Kristine ay nahiya pa siya kay Jastine dahil hindi naman ganun kaganda ang bahay nila. Ganunpaman ay masaya siya dahil hindi naging maarte si Jastine. Nakilala din ito ni Wilma. Nakilala niya na din kasi ito noong mga bata pa sila.
“Eh kumusta ka naman ngayon? Nagtatrabaho ka na ba o nag-aaral ka pa?.”
Tanong ni Wilma kay Jastine.
“Nagtatrabaho na po ako tita. Sa sarili po naming kompanya.”
Magalang at nakangiting sagot naman ni Jastine. Hanggang sa mag-usap na din sila ng kung ano-ano at maihatid ni Jastine si Kristine sa paaralan nito.
Naging smooth para kay Kristine ang buong araw niya. Kahit papaano ay napapatawa din siya ng mga kaibigan niya sa kabila ng pag-iisip niya sa malaki niyang problema.
“Sis, hatid ka na namin.”
Saad ni Jessa habang naglalakad sila palabas ng school.
“Wag na sis, may dadaanan pa kasi ako eh.”
Ngiting tanggi naman ni Kristine.
“Hay naku! Akala mo naman hindi namin alam ang tungkol sa pagtatrabaho mo noh? Hatid ka na namin dun sa coffee and cake shop.”
Saad naman ni Kathlyn na nagpatameme kay Kristine.
“Pa-Pasensya na mga sis. Pasensya na kung hindi ko sinabi.”
Maya-maya'y hinging paumanhin ni Kristine at napayuko.
“Hey, ano ka ba. Okay lang yun noh. Alam naman namin kung bakit eh.”
Ngiting saad naman ni Isabelle sabay akbay kay Kristine.
Napangiti na din siya dahil dito. Thankful na thankful siya dahil maintindihin ang mga kaibigan niya. Nagkayakapan pa sila at natawa sa kanilang kadramahan.
~
~
~
⇨acacabas_019ツ.