"MEANT TO BE"
EPISODE 6.
◆General's POV.◆
Nagising si CJ dahil sa ingay ng nag-uusap. Nagsisigawan kasi ang mga ito. Yamot na minulat niya ang mga mata at bumangon.
“Get out Jastine! I don't want to hear any of your stupid reasons!.”
Sigaw ng pinsan niya. Kasalukuyan itong nakatayo habang kaharap nito ang kausap nito. Makikita ang galit sa mga mata nito. May mesang nakapagitan din sa kanilang dalawa.
“Get the hell out of here, Jastine! I don't want to see you! Not now nor ever!.”
Gigil na sigaw pang saad ng pinsan ni CJ at nakaturo sa pinto. Ito din ang kauna-unahang pagkakataon na pumunta si Jastine sa shop niya dahil bukod sa busy itong tao ay private din ang kanilang relasyon.
“Look babe, mali yung iniisip mo okay? Ni hindi ko nga type yung babaeng yun eh! Please believe me!.”
Nakikiusap na saad naman nung Jastine. Isa din itong gwapong lesbian.
Dahil sa narinig ni CJ ay lalong napakunot ang noo niya. Ni hindi manlang inisip ng dalawa na natutulog siya. At hindi manlang napansin ng mga ito na nagising siya.
“Your action says it all! Stop making me stupid, Jastine! Baka lalo lang kitang isumpa!.”
Galit pa ring sigaw ng pinsan ni CJ.
“But babe, yo---”
“Didn't you understand what my cousin said? Are you that stupid?.”
Biglang napatingin ang dalawa kay CJ nang magsalita ito.
Napalaki din ang mga mata ng dalawa. Kinabahan naman ang pinsan ni CJ para kay Jastine. Maging ito ay napapalunok din ng laway.
“C-CJ, I j-just wanted to e-explain myself.”
Kinakabahang paliwanag pa ni Jastine. Napangisi naman si CJ dito at napatayo.
“Couz, don't. J-Just let her leave.”
Kabadong lapit na din ng pinsan ni CJ sa kanya para pigilan siya. Alam kasi nitong may pagka-bayolente si CJ kapag may inaargabyadong mahal nito sa buhay.
“Just what the hell did I tell you before when you asked my permission to court my cousin?!.”
Mahina at kalamado pero madiing tanong pa ni CJ dito.
“Couz.. please..”
Patuloy namang pakiusap ng pinsan ni CJ nang pilit na naglalakad si CJ palapit kay Jastine habang hinaharangan at pinipigilan niya ito.
“CJ, hayaan mo naman m-muna akong magpaliwanag. God knows kung g-gaano ko kamahal ang p-pinsan mo.”
Saad naman ni Jastine habang napapaatras ng dahan-dahan. Ramdam niyang galit si CJ kaya kinakabahan na din siya.
“Just get the hell out of here before I lose my temper!.”
Mahina at madiing saad pa rin ni CJ. Napalunok naman ng laway si Jastine at nagmamakaawang napatingin sa nobya niya bago napilitang umalis.
Nang maiwan ang dalawa ay napapailing na nakatingin si CJ sa pinsan niya habang ito ay nakayuko. Tinanong niya din ito kung anong nangyari kaya nagkwento naman ito na nakita nito ang jowa nitong si Jastine kasama ang babaeng pinagseselosan nito sa isang restaurant.
Hindi naman nagsalita si CJ pero panay pa din ang babala ng pinsan niya sa kanya na hayaan nalang si Jastine at wag na itong galawin kahit wala naman siyang sinasabi. Palibhasa, alam na alam niya ang ugali nito.
-----
Dahil sa nangyaring rambulan at pagkaipit ng nanay at mga kapatid ni Kristine ay dinala niya ang mga ito sa center pagkatapos matigil ang kaguluhan. Kasalukuyan din siyang kinakausap ng doctor tungkol sa nanay niya, privately.
“Kung dun lang sa nangyaring pagkaipit ng nanay mo iha ay wala namang problema. Kaya lang.. iha, kailangan mong ipatingin ang nanay mo sa isang specialist dahil may nakita akong kakaiba sa ulo niya based on her x-ray. And she has to undergo a surgery.”
Malungkot na saad ng doctora. Hindi naman agad nakasagot si Kristine.
“A-Ano pong i-ibig niyong sabihin, doc?.”
Kinakabahang tanong ni Kristine.
“Her x-ray shows a complication on her brain. And when I thoroughly checked it, I found out that it is a tumor.”
Saad pa ng doctora na siyang nagpanganga kay Kristine.
“It's already severe. So I assume, na napapansin mo din ang madalas na pagdaing ng nanay mo dahil sa pagsakit ng ulo niya. Or it could be worst, madalas din siyang mawalan ng malay.”
Dagdag pa ng doctora. Nanlumong napatulala si Kristine at naaawa sa kalagayan ng ina niya.
Naisip niya din ang kawalan nila ng pera na siyang laging dahilan ng nanay niya kaya ayaw nitong magpa-check up. Sa center pa nga lang ay nagkautang-utang na siya para sa pambayad, sa magiging surgery pa kaya ng nanay niya na alam niyang kakailanganin ng malaking halaga.
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay niresetahan na din siya nito ng gamot para kung sakaling muling sumakit ang ulo ng nanay niya. Ganunpaman ay hindi pa din iyon sapat dahil mas kinakailangang operahan ito.
“Nay, mabuti nalang at walang masyadong nangyari satin. Makakauwi na din tayo sa wakas.”
Masiglang saad ng kapatid ni Kristine na si Vincent.
“Oo nga eh. Magpasalamat nalang tayo sa Diyos dahil sa pagprotekta niya sa atin.”
Ngiting saad naman ni Wilma. Naglalakad na din sila palabas ng center. Nagkulitan na din ang magkapatid na sina Vincent at Wina.
“Nak? Okay ka lang ba? Bakit wala ka yatang imik diyan?.”
Biglang pansin ni Wilma kay Kristine nang mapansin ang tila malungkot nitong mukha. Nagtaka pa siya nang tila hindi siya nito narinig at may malalim itong iniisip.
◈◈◈◈◈
(“Nay? Okay lang po ba kayo?.”
Nag-aalalang tanong ni Kristine nang makitang tila may tinitiis na sakit ang nanay niya. Mahigpit itong nakahawak sa kanilang maliit na mesa at nakapikit.
“Ah.. ha? Ah eh wa-wala nak. Ma-may iniisip lang ako.”
Pagdadahilan naman ni Wilma na ngumiti pa ng pilit. Magtatanong pa sana si Kristine ng bigla naman itong mag-excuse at mabilis na umalis.)
(Habang naglalaba si Wilma ay biglang dumating si Kristine para tulungan ito. Pero laking gulantang ni Kristine nang makitang matutumba ang nanay niya nang sinubukan nitong tumayo. Nabigla man ay naging maagpa naman si Kristine sa pagsalo dito.
“Nay! Nay!.”
Sigaw na yugyog ni Kristine sa nanay niya pagkalapit dito. Kinabahan din siya ng sobra.
“Nay?! Nay, gising!.”
Patuloy niya pang sigaw. Nang makitang tila hindi ito magigising ay hirap na binuhat niya ito papunta sa kanilang sala. Agad din siyang kumuha ng maligamgam na tubig at pinunas-punas ito sa katawan at mukha nito. May pasok ang mga kapatid niya kaya siya lang ang nasa bahay.
Pagmulat ng mata ni Wilma ay ang nag-aalalang mukha ni Kristine ang bumungad sa kanya.
“N-Nak? Anong n-nangyari? Bakit ako n-nandito?.”
Takang tanong naman ni Wilma at dahan-dahang umupo. Inalalayan din siya ng nag-aalala niyang anak.
“Nay, bigla po kayong nahimatay.”
Malungkot na saad pa ni Kristine. Naaawa din siya dito dahil patuloy itong naglalabada para sa kanilang magkakapatid.
“Nay, magpa-check up na po kaya kayo? Nagiging madalas na po kasi ito eh.”
Naaawang saad pa ni Kristine pero agad niya ding nakita ang matigas na pagtutol sa mga mata nito.
“Nak, wag na. Dahil lang to sa pagod. At saka isa pa, wala tayong pera para sa check up check up na yan. Gastos lang yan eh. Mas maigi ng ibili nalang natin ng bigas ang ipangchecheck up ko.”
Ito ang laging sinasabi ng nanay niya. Kaya ang ending ay laging hindi niya ito napapapayag at napipilit. Wala din siyang nagagawa kundi ang mapabuntong hininga nalang.)
◈◈◈◈◈
“Nak?.”
Gulat na napatigil sa paghakbang si Kristine at napatingin sa nanay niya nang maramdaman ang hawak nito sa balikat niya.
“May problema ba?.”
Nag-aalalang tanong pa ni Wilma sa anak.
“Ah.. po? Ah.. Wa-Wala po, Nay.”
Biglang ngiti nalang ni Kristine para hindi na muna mag-alala ang nanay niya. Ayaw niya kasing ma-stress pa ito.
“Tara na po.”
Aya pa ni Kristine na pinasigla na din ang boses niya. Napangiti na din si Wilma kaya masaya na silang nagpatuloy sa kanilang paglalakad.
-----
Pagkaalis ni CJ sa opisina ng pinsan niya ay dumiretso siya sa condo niya. Hindi alam ng parents niya na may condominium siya dahil palihim niya itong binili gamit ang sarili niyang pera. Tanging ang tatlong barkada niya lang ang nakakaalam nito. Minsan lang din naman siya nagawi dito dahil nabobored din naman siyang mag-isa.
Maganda ang condo niya na nasa ikasampung palapag ng building. Mas gusto niya kasing natatanaw ang paligid sa tuwing nakatingin siya dito. May hagdan din ito pataas kung saan nandoon ang kwarto niya.
Pagpasok niya ng condo ay agad siyang umupo sa sofa na tila pagod ang katawan. Hindi niya pa rin maalis-alis sa isip niya ang tungkol sa pagtatransfer na sinasabi ng dad niya. Malaking flat screen na TV din ang nasa harapan niya.
“Damn! This is frustrating!.”
Yamot niyang saad na napatingala at napapikit dahil sa frustration na nararamdaman.
Nagpasya din siyang matulog nalang nang muling maalala ang pangyayari sa opisina ng pinsan niya. Dumagdag lang kasi ito sa pagkainit ng ulo niya.
Pagdating nila Kristine ng bahay ay agad niyang inasikaso ang nanay niya para makapagpahinga ito. Pagkatapos ay naglinis siya ng bahay. Hindi naman siya makapag-concentrate kakaisip sa sitwasyon ng nanay niya. Hindi niya pa din kasi kayang sabihin dito ang totoo.
Pagsapit ng alas-singko ay nagpaalam naman si Kristine sa nanay niya na papasok siya ng trabaho. Maging sa trabaho sa coffee and cake shop ay wala din siya sa focus. Pinilit niya kasing pumasok kinahapunan dahil nanghihinayang siya sa magiging sahod. Napansin naman ng boss niyang si Divina ang katamlayan niya.
“Tine? May problema ka ba?.”
Nag-aalalang tanong ni Divina pagkalapit kay Kristine.
“W-Wala po, ate. Pa-Pasensya na po.”
Biglang saad naman ni Kristine na nahiya pa sa kanyang inasal. Bilang empleyado kasi, kailangan niyang maging masigla sa harap ng mga customer.
Tumango naman si Divina sa kanya bilang pag-iintindi at sinabing handa itong makinig kapag handa na siyang magsalita tungkol sa problema niya. Ngumiti nalang din si Kristine bilang sagot.
⇨⇨⇨⇨⇨
Kinagabihan, habang binabaybay ni Jastine ang daan papunta sa kanyang nobya ay napansin niya ang isang motor na tila sumusunod sa kanya. Balak niya kasing muling suyuin ang nobya. Malapit na sana siya ng biglang mapalaki ang mata niya pagkatingin sa rear mirror.
(Scccrrreeetttccchhh!!!)
Laking gulat pa ni Jastine ng biglang mag-overtake ang motor sa kanya at biglang huminto ng palihis sa unahan niya. Mabuti nalang at nakapagpreno siya. Galit na bumaba siya ng sasakyan dahil dito. Lalo pa siyang nagulat nang makilala kung sino ang driver ng motor nang makalapit ito sa kanya. Madilim din sa parteng iyon at walang katao-tao.
“What---”
“You asshole!.”
Gigil na saad ng driver na agad sumugod ng suntok kay Jastine.
“Hmmmpppff!.”
Daing ni Jastine na dahil sa pagkabigla ay hindi nakaiwas.
“Grrrrggghhhh!.”
Muling daing pa ni Jastine nang muli siya nitong sipain.
“C-CJ, p-please, maniwala k-ka. I l-love your cousin too m-much para ma-magawa ko siyang l-lo-kohin. P-Please!”
Nagmamakaawang saad ni Jastine na napapaatras habang nakahandusay sa sahig. Alam niyang iyon ang dahilan sa likod ng galit sa mga mata nito.
“And you think I would believe you, ha?! You stupid asshole! Ugh!.”
Gigil pa ring sigaw ni CJ at muling sinipa sa may tiyan si Jastine.
“What did I tell you, ha? Lokohin mo na lahat! Pero wag na wag ang pinsan ko!.”
Saad pa ni CJ at hinawakan ng mahigpit sa may leeg ang namimilipit sa sakit na si Jastine.
“Ss-Ss-CJ. M-Maniwala ka s-sakin!.”
Hirap na pakiusap pang saad ni Jastine pero tila wala namang pakialam si CJ na patuloy lang sa pagsuntok dito.
Habang naglalakad si Kristine sa may madilim na bahagi ng daan ay malalim ang kanyang pag-iisip. Pero bigla siyang napatigil sa paglalakad at kinabahan nang makita ang isang taong binubugbog ng isang lalaki.
Aalis na sana siya dahil ayaw niyang makialam at baka madamay pa siya pero tila pinapagalitan naman siya ng konsensya niya.
“Aarrhhhh... Ano ba to?!.”
Naguguluhan at kinakabahang bulong ni Kristine. Napapahawak pa siya sa ulo niya at napapalingon sa paligid para maghanap ng taong pwedeng mahingian ng tulong. Sa kasamaang palad ay walang dumadaan.
“Hoy! Ano yan ha?!.”
Tanging sigaw nalang ni Kristine dahil wala siyang makitang tao na pwedeng tumulong sa kanya. Nagtatapang-tapangan lang din siya at nagsimulang maglakad palapit sa gawi ng kaguluhan.
-Papa God, kayo na pong bahala sakin..-
Kabadong saad pa ni Kristine sa isip niya. Ramdam niya din ang panginginig ng kalamnan niya at ang panlalamig ng kamay niya.
Napatingin si CJ sa taong sumigaw at nakitang palapit na ito sa gawi nila. Pero tila wala naman siyang pakialam dito na muling hinarap si Jastine.
“Akala mo ba hindi ko alam ang baho mo ha?! Wag ako Jastine! Stay away from my cousin kung gusto mo pang mabuhay ng matiwasay!.”
Bantang saad pa ni CJ at marahas na isinandal si Jastine sa pinto ng kotse nito.
“Itigil mo yan!.”
Muling sigaw pa ni Kristine kahit nagmumukha na siyang tanga dahil tila walang pakialam ang nambubugbog sa kanya.
“CJ, I swear I-I'm being h-honest!.”
Nagmamakaawang saad pa din ni Jastine pagkatapos mapatingin sa sumigaw at muling tumingin kay CJ.
“You better mark my word, Jastine! You knew me!.”
Mahigpit na diin pa ni CJ kay Jastine sa may pinto.
“Aaarrrggghhh!!...”
Impit na daing naman ni Jastine.
“HA!.”
Nang makitang walang balak na tumigil ang lalaki sa p*******t ay walang sabi-sabing hinampas niya ito sa likod gamit ang back pack niyang bag.
“Agh!.”
Napadaing ng mahina si CJ nang makaramdam ng hampas sa likod niya. Nabitawan niya din si Jastine kaya muli itong napaupo sa sahig.
Paglingon niya sa kanyang likod ay nakataas na naman ang bag nito na nangangahulugang hahampasin siya nitong muli. Mabilis ang naging pag-galaw niya at hinawakan ang kamay ng manghahampas saka marahas itong hinila palapit sa kanya.
“Ay!.”
Napalaki ang mga mata ni Kristine dahil sa gulat kasi bigla siyang hinila ng lalaki palapit dito. Sa lakas ng pagkakahila ay halos magdikit na ang kanilang mukha. Nakahawak pa ito sa kamay at bewang niya.
“I-Ikaw?!.”
Gulat pang reaksyon ni Kristine nang mapatitig at makilala ang mukha ng taong nambubugbog. Agad niya ding nakita ang tila signature smirk nito.
“It's you again. Sinusundan mo ba ako, ha?!.”
Tila nagpanting naman ang tenga ni Kristine sa narinig. Marahas niya itong tinulak dahilan para maghiwalay ang mga katawan nila.
“Ang kapal naman ng mukha mo! Sino ka naman sa inaakala mo para sundan ko, ha?!.”
Ang takot na nararamdaman ay biglang naging inis dahil sa inasal ng walang modong nambubugbog.
“At ano sa tingin mong ginagawa mo, ha?! Ipapupulis kita!.”
Dagdag pa ni Kristine na siyang nagpakunot na din ng noo ni CJ.
“Pwede ba miss, wag kang mangialam dito?! This is none of your business!.”
Biglang simangot pang saad ni CJ.
Napatingin naman si Kristine sa tatlong papadaan na lalaki at dalawang babae. Agad niyang naisip na humingi ng tulong sa mga ito.
“Tulong! Tulong! Tulungan niyo kami!.”
Biglang sigaw pa ni Kristine kaya naalarma naman si CJ.
“Pare, tara tulungan natin.”
Napatingin din sa gawi nila ang mga papadaan at mabilis na tumakbo palapit sa kanilang gawi.
“Damn it!.”
Gigil na bulong nalang ni CJ at binigyan ng masamang tingin si Kristine bago nagmadaling sumakay sa motor niya at sumibat.
Pagkaalis ni CJ at agad na nilapitan naman ni Kristine ang taong nabugbog at sinipat ito. Pero laking gulat niya nang makilala ito. Napanganga pa siya at napalaki ang mga mata.
“Ja-Jastine?.”
“Kristine?.”
Sabay pa nilang saad nang magkasalubong ang kanilang mga tingin at magkatitigan sila ng ilang minuto.
~
~
~
⇨acacabas_019ツ.