EPISODE 5.

2177 Words
"MEANT TO BE" EPISODE 5. ◆General's POV.◆ Kinaumagahan, pagkagising ni CJ ay agad siyang napangisi nang makita ang babaeng katabi niya na nakayakap pa rin sa kanya. “Hmmmm..” Ungol pa ng babae saka dahan-dahang minulat ang mga mata. Napangiti ito ng makita ang mukha ni CJ. “Good morning.” Bati pa ng babae kay CJ. “Morning.” Ngising bati naman ni CJ saka bumangon. “Wait, saan ka pupunta?.” Takang tanong naman ng babae na napaupo sa kama. “I'm leaving. I still have something to do.” Saad naman ni CJ at nagsuot na ng kanyang damit. “Wait, what? Ganun-ganun na lang yun?.” Biglang simangot na saad ng babae sa kanya. “Huh! Why? Are you expecting something? This is just a one night stand.” Ngising saad pa ni CJ na nagpanganga sa babae. Pagkatapos mag-sinturon ay naglabas na din siya ng pera sa pitaka at inilagay ito sa ibabaw ng mesa. “Ano?! Anong akala mo sakin, ha?! p****k?!.” Biglang sigaw na ng babae nang tila mainsulto siya sa paglagay ni CJ ng pera sa mesa. “Stop acting like a virgin.” Ngising saad pa rin ni CJ. Sanay na din kasi siya sa mga ganung babae kaya alam na alam na niya ang gagawin sa tuwing naghi-hysterical ang mga ito. As much as possible, iniiwasan niya ding mahulog sa babaeng nakakatalik niya dahil nadala na din siya. “HOW DARE YOU!! AFTER WHAT HAPPENED IIWAN MO AKO?! AAARRRGGGHHH! DAMN YOU!!.” Nagsisisigaw at nagwawawala naman ang babae nang magsimulang maglakad si CJ papuntang pinto. Naiiling naman si CJ at napapangisi dahil dito pero wala naman siyang planong balikan ito. Pagkalabas ni CJ sa kwarto ay biglang nawala ang ngisi niya nang pagharap niya sa kwartong katapat nila ay may nakatayo ditong babae na masama ang tingin sa kanya. “Oh. It's you again.” Ngiting saad pa ni CJ nang makilala ito. Hindi naman ito sumagot na inirapan lang siya at pumasok sa katabi nitong kwarto. Nagkibit nalang din ng balikat si CJ saka umalis na din para umuwi. Hindi niya na din hinanap ang mga kaibigan niya dahil alam niyang nag-eenjoy pa din ang mga ito. . . Pagkagising ni Kristine at pagkalabas niya ng kwarto ay takang napatingin siya sa katapat niyang kwarto nang marinig ang boses ng babae na nagwawala. “HOW DARE YOU!! AFTER WHAT HAPPENED IIWAN MO AKO?! AAARRRGGGHHH! DAMN YOU!!.” Rinig pa ni Kristine na sigaw ng babae mula sa loob. Nang lumabas ang lalaki sa kwarto ay tiningnan niya ito ng masama nang marealize ang nangyayari. -Mga lalaki talaga ngayon! Argh! Konti nalang ang matino!.- Isip pa ni Kristine habang nakatitig sa lalaki. Lalong napasama ang mukha niya nang makilala ito. “Oh. It's you again.” Saad pa nito sa kanya pero inirapan niya lang ito at tinalikuran. “Gosh! Mukha palang, halata ng babaero! Akala mo naman ikinagwapo niya yung panloloko niya! Nakakabwesit talaga yung mga ganung tao! Well, hindi na nakakapagtaka yun lalo pa sa walang modo na yun!.” Bubulong-bulong pa ni Kristine pagkapasok niya sa kwarto kung saan nandoon ang amo niya. “Tine, okay ka lang ba?.” Takang tanong naman ni Divina nang mapansin ang pagbubulong-bulong ni Kristine. “Ay jusme!.” Nagitla naman si Kristine na napahawak pa sa kanyang dibdib. “A-A-Ay ate. O-Okay na po ba k-kayo?.” Tanong nalang ni Kristine para ilihis ang usapan. “Yeah, I'm fine. Eh ikaw? Okay ka lang ba? Parang may kaaway ka yata?.” Nag-aalalang tanong naman ni Divina. “Ah.. Eh.. W-Wala ate. M-Masama lang ang gising ko.” Saad nalang ni Kristine at ngumiti ng alanganin. Pagkatapos makapag-ayos ay umalis na din sila sa lugar na iyon. Nagpasalamat din si Divina kay Kristine sa ginawa nitong pagsama sa kanya. Inalok pa ni Divina si Kristine na ihatid sa bahay nito pero tumanggi naman si Kristine na mas piniling mag-jeep pauwi. Ayaw niya na din kasing abalahin ang amo niya. Pagdating ni Kristine ng bahay ay ang nag-aalala niyang nanay ang sumalubong sa kanya. “Nay, pasensya na po kayo kung hindi po ako nakapagpaalam. Biglaan po kasi eh.” Saad ni Kristine kay Wilma. “Haaaayyyy..” Napabuntong hininga naman si Wilma at lumapit sa anak. “Nak, sa susunod ipaalam mo naman muna sakin ah? Nang hindi ako nag-aalala ng sobra.” Saad pa ni Wilma na hinawakan si Kristine sa kamay. “Opo, nay. Sorry po ulit.” Ngiting saad naman ni Kristine dito. . . Pagkauwi ni CJ ng bahay nila ay takang napatingin siya sa dad niya at sa lalaking kausap nito na kasalukuyang nasa kanilang sala. Lalagpasan niya na sana ang mga ito ng magsalita ang dad niya. “By next month, you'll be transferring to another school.” Alam ni CJ na parinig iyon ng dad niya sa kanya. Dahil dito ay napakunot din ang noo niya at napatingin dito. “Yes, you heard it right. YOU will transfer!.” Madiing saad pa ni Christian emphasizing the word "YOU" na napatayo na din at humarap kay CJ. “Hah!.” Napangisi si CJ pero halata namang naiinis siya. “Hindi mo ako mapipilit diyan sa gusto mo! If you insist, ikaw nalang ang pumasok diyan!.” Yamot pang saad ni CJ. Nag-init naman ang tenga ni Christian dahil sa pagkawalang respeto ni CJ. “What did you just say?!.” Napasigaw na si Christian dito na siyang kinagulat naman ng lalaking kausap niya. Napalapit na din siya kay CJ. “What? Eh sa ayokong mag-transfer eh!.” Naiinis pa ring saad ni CJ. “No! Whether you like it or not, you'll do as I say!.” Gigil pang saad ni Christian na pilit na pinipigilan ang sarili niyang masuntok ang anak. “Mr. Nobles, ikaw na ang bahalang mag-asikaso ng mga papers ni CJ. I'm expecting that by next month, she'll be out on her previous school.” Saad pa ni Christian sa lalaking kausap niya habang kay CJ pa rin nakatingin. “NO!! I WILL NOT!!.” Matigas na sigaw naman ni CJ at tumakbo papunta sa kanyang kwarto. (BLAG!) Malakas na sinara ni CJ ang pinto dahil sa galit. Napapahawak din siya sa ulo at nagpabalik-balik ng lakad dahil sa frustration na nararamdaman. “You can never control me! I will never be your toy!.” Madiing saad pa ni CJ na mahahalata pa din ang galit sa mukha. Nag-isip din siya ng paraan para hindi siya mapilit ng dad niya sa gusto nito. . . At dahil araw ng sabado. Nagpaalam si Kristine sa nanay niya at pumunta na sa bahay nila Lina para sabay na silang pumuntang merkado. Pagdating ng merkado ay agad silang pumunta sa kanilang pwesto. Nang dumating din ang kanilang mga isda ay inayos na din ito ni Kristine para maidisplay ng maayos. “Sir, isda po kayo diyan. Merun po kami dito, mga bagong kuha lang po. Pwedeng-pwede pa pong sabawan to. Masarap pa naman po ang sinabawan lalo na pag si misis ang nagluto.” Umpisa na ni Kristine ng diskarte niya sa mga dumadaang customer. Dahil sa mga diskarte niyang ganito ay nakakahatak siya ng mga customer. Masigla din kasi siyang makipag-usap, samahan pa ng matatamis na salita kaya lalong nadadala ang mga ito. “Miss, magkano tong bangus?.” Tanong ng customer. “Ay naku ma'am, two hundred lang po isang kilo. Fresh na fresh pa po to ma'am. Garantisado po gaganahan kayong kumain kapag ito po inulam niyo.” Napangiti ang customer dahil sa dami ng sinabi ni Kristine. “Sige, dalawang kilo nga.” Natatawang saad na ng customer. Agad naman itong pinagkilo ni Kristine at sinuklian ang pera nito. “Maraming salamat po, ma'am.” Nakangiting saad pa dito ni Kristine. Maagang naubos ang mga isda nila Kristine kaya maaga din siyang nakauwi. Masayang umuwi siya ng bahay dahil may tinirang isda para sa kanya si Lina. Nagpasalamat naman siya dito. “Nay, may ulam na po tayo mamayang gabi.” Masayang bungad ni Kristine sa nanay niya. “Ay ganun ba nak. Sige ilagay mo na muna diyan at ako na ang mag-aasikaso niyan maya-maya lang.” Ngiting saad naman ni Wilma. “Ako na pong bahala dito, nay.” Saad naman ni Kristine at inasikaso na nga ito. . . Dahil sa yamot ni CJ ay muli siyang umalis ng bahay ng walang paalam. Wala din kasi ang mommy niya dahil pumunta ito sa parents nito. “Hey, ate Devy.” Matamlay na bati ni CJ sa pinsan niya padating niya sa opisina nito sa sarili nitong shop. Hindi niya nalang din pinansin ang pagyuko nito sa mesa. Sumalampak nalang siya diretso ng upo sa couch na nandoon at pumikit. “Oh? Ano na naman ang problema mo't nandito ka? Don't tell me nag-away na naman kayo ni tito?.” Pansing tanong naman nito kay CJ nang makitang nakabusangot ang mukha nito. Close din silang dalawa. Nahimigan naman ni CJ ang tila inaantok na boses ng pinsan niya pero binalewala niya nalang iyon. “You can say that. Nakakainis kasi eh. He decided to transfer me to another school without asking me first!.” Yamot namang saad ni CJ at napabuntong hininga. “Tsk. I couldn't blame tito for that. I think may ginawa ka na naman kasing kalokohan.” Saad pa nito. “Oh come on ate! Pati ba naman ikaw kakampihan siya?.” “I'm not taking sides okay? I'm just stating the possibilities.” “Tsk!.” Tanging response nalang ni CJ at humiga na sa couch. “I wanna get some rest. Let me sleep here for a minute.” Saad pa ni CJ at pumikit. Hindi naman sumagot ang pinsan niya na hinahayaan lang siya sa ginagawa niya. . . Habang inaasikaso ni Kristine ang isdang lulutuin niya para sa kanilang hapunan ay takang napapalingon siya sa bintana nang marinig ang kakaibang ingay ng mga tao sa labas. Nang hindi na siya nakatiis ay lumapit na siya sa bintana para silipin kung anong merun. Napakunot noo siya nang makita ang isang magarang sasakyan at sa tabi nito ay ang dalawang taong nag-uusap habang nakatingin sa paligid. May mga lalaki ding nakapalibot sa dalawa na tila bodyguard nila na may mga dalang matitigas na kahoy. “Aling Sheila, ano hong merun?.” Takang tanong na ni Kristine dito nang mapadaan ito habang nakakunot ang noo. “Aba'y ang mga taong yan! Nagpaplanong sirain ang mga bahay dito para magpatayo ng kanilang negosyo!.” Inis na saad nang napagtanungan niya bago dumiretso ng lakad. Hindi naman siya makapaniwala sa narinig kaya tuluyan na siyang napalabas ng bahay. Saka niya lang napansin ang mga kalalakihan sa kanila na tila gusto ng sugudin ang dalawang tao. Pinipigilan lang ang mga ito ng mga kalalakihang kasama din ng dalawang nag-uusap. “So, Mr. Willes, what do you think?.” “You're right, this place is awesome. Good choice.” “I know Mr. Willes, and I could guarantee you that this will be a success for the both of us.” “Yeah. I'm thinking I made a great decision as well.” Rinig pa ni Kristine na usapan ng dalawang tao. Makikita din sa mga mukha nila ang saya habang napapaikot ng tingin. Yung isa ay halatang bata pa samantalang ang kausap nito ay medyo may katandaan na. Napakunot na din ang noo niya dahil sa narinig. Maging ang mga tao ay nagiging bayolente na din. (THAG!) Napatingin si Kristine sa medyo may katandaan na nang bigla itong matamaan ng binatong itlog galing sa paligid. “Damn it!.” Rinig niya pang mura nito saka naglabas ng panyong pamunas habang nag-alala naman ang kasama nito at napakunot noo. “Bugbugin niyo yung nangbato!.” Galit na utos naman ng lalaki sa mga kasamahan nila at inalalayan papasok sa loob ng sasakyan ang medyo may katandaan na. Kinakabahang napaatras si Kristine dahil sa nakikitang kaguluhan. Nagkarambulan na din kasi. (HA! HA! HA!) (Arrrggghhh! Arrrggghhh! Arrrggghhh!) Mga daing ng mga tao habang patuloy sila sa pagpapalitan ng palo at suntok. May mga nakatihaya na din dahil nawalan ng malay. Nang makita ni Kristine ang nanay niya sa may di kalayuan ay napalaki ang mga mata niya. Lalo pa siyang nag-alala nang makitang kasama nito ang dalawa niyang kapatid. Nasa gitna nila ang nagrarambulan kaya possibleng matamaan ang mga ito pag pinilit nilang dumaan. “Nay! Lumayo po muna kayo!.” Sigaw ni Kristine pero tila wala namang naririnig ang nanay niya na nagpumilit na dumaan sa gitna ng mga nagrarambulan. Tatakbo na sana si Kristine palapit sa mga ito nang makita niyang nabangga ang nanay niya dahilan para mapaatras ito at matumba. Napaiyak na din ang kapatid niyang si Wina habang niyayakap ito ni Vincent para protektahan. “NAY!!!.” Muling sigaw pa ni Kristine nang makitang maapakan ang nanay niya ng mga nagrarambulan. Napatakbo na din siya at biglang nawala ang takot dahil sa nakita. ~ ~ ~ ⇨acacabas_019ツ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD