"MEANT TO BE"
EPISODE 4.
◆General's POV.◆
Pagkatapos ng laro ay agad na umalis sina CJ para bumalik sa bahay nila Zane. Habang papaalis, di sinasadyang muntik ng makasagasa si CJ dahil sa hindi tumitingin sa daan ang babae.
“A-A-Ay!!.”
Gulat pang sigaw ng babae at napatumba ng biglang mapaiwas dito, dahilan para mabitawan niya din ang bitbit niya. Kunot noong tiningnan niya din ang driver ng motor na tumigil at tumingin sa gawi niya.
Tinaas ni CJ ang cover ng helmet niya at ngumisi sa babaeng muntik niya ng masagasaan.
“Told yah. Tumingin ka sa paligid mo.”
Ngising saad pa ni CJ sa babae nang makilala niya ito saka muling nagmaneho.
“Aaarrrggghhh!!! Walang modo!.”
Gigil na napasigaw nalang din naman si Kristine dahil sa ugaling pinakita ng muntik ng makabangga sa kanya. Yamot na pinulot niya nalang din ang mga damit na nahulog mula sa tray na dala niya.
Pagdating nila CJ sa bahay nila Zane ay panay ang asar ng mga ito sa kanya tungkol sa babaeng natamaan niya ng bola sa ulo. Lumihis din ng daan ang coach nilang si Boknoy at umuwi sa bahay nito.
“Come on, broh. She's not my type.”
Saad pa ni CJ at uminom ng juice na hinanda ng katulong para sa kanila.
“Oh come on. We all know that she's kinda hot, broh.”
Saad naman ni Zane na pinairal na naman ang galing sa babae.
“And we all know na ganun yung mga tipo mong babae.”
Segunda naman ni Vin.
“Simply pero chix na chix.”
Saad naman ni Grey. Nagsitawanan din sila pagkatapos maliban kay CJ.
“Tsk. No way!.”
Napapailing na saad nalang ni CJ sa mga sinasabi ng kaibigan.
“Let's have fun, then.”
Saad naman ni Grey. Tingin palang niya ay alam na ng tatlo kung anong iniisip niya. Agad ding sumang-ayon ang dalawa at napilit naman nila si CJ.
Pagdating ni Kristine sa kanilang bahay ay nakapagsimula na ang nanay niya sa paglalaba. Nangalahati na din ang labahan nito dahil sa tagal niya.
“Nay, sabi ko naman po tutulong ako eh.”
Saad pa ni Kristine sa nanay niya.
“Nak, wag mo nga akong ginagawang prinsesa at baka masanay ako.”
Pabirong saad naman ni Wilma sa anak na siyang nagpangiti dito.
“Eh bakit ka nga pala natagalan, nak?.”
Tanong pa ni Wilma habang kumukusot na din silang dalawa ng mga damit.
“Ay naku nay! May antipatiko kasi akong nakilala eh! Nakakainis! Ang yabang-yabang akala mo naman gwapo! Aka---”
“Eh gwapo ba?.”
Singit na tanong ni Wilma na nangingiti dahil seryoso at dire-diretso sa pagsasalita ang anak niya.
“Oo nay gwapo. Kaya nga la---”
Napatigil sa pagsasalita si Kristine nang marealize ang sinabi niya. Napatigil din siya sa pagkusot at napatingin sa nanay niyang may ngiting nakakaloko.
“A-Ay hindi nay. A-Ang ibig kong s-sabihin, ang pa-pangit niya.”
Utal-utal pang saad ni Kristine at napakagat labi saka muling nagkusot ng mga damit.
“Haha ikaw talaga nak. Nagdadalaga ka na nga.”
Natatawang saad pa ni Wilma.
“N-Nay! Hindi ko p-po type yun noh!.”
Agad na depensang saad ni Kristine na napalaki pa ang mga mata. Lalo namang natawa ang nanay niya dahil sa sinabi niya na siyang kinataka niya.
“Haha nak. Ang ibig kong sabihin. Dalaga ka na nga dahil marunong ka ng tumingin sa gwapo-gwapo na yan.”
Natatawang pagpapaliwanag pa ni Wilma. Muli namang napakagat labi si Kristine dahil sa hiya at napayuko.
Panay din ang naging pang-aasar sa kanya ng nanay niya pero sa huli ay sinabihan siyang mag-aral muna ng mabuti at kilalanin ding mabuti ang lalaking magiging kabiyak niya kung sakali.
-----
Kasalukuyang nakikipag-usap si Christian sa kanyang anak na si Jayson tungkol sa bago nitong proposal.
“Dad, hundred percent sure.. all the credit will be on our company.”
Pangungumbinsi pa ni Jayson sa dad niya.
Nag-propose kasi siya dito na magpatayo sila ng isa pang branch ng pagbibintahan nila ng mga sasakyan. At humihingi siya dito ng funds o di kaya'y possible investor na tutulong sa kanya. Humihingi din siya dito ng tulong lalo pa't may problema ang location na napili niyang pagtatayuan.
“Two million for those pathetic people who live on that place will be a waste for us. We better use some other way.”
Kunot-noong saad naman ni Christian.
“B-But dad, we---”
“No more buts Jayson. You know I hate wasting my money for some stupid purposes. And let me find some investors, first. Anyone who'd be interested on this.”
Seryosong saad pa ni Christian na pinutol ang pagsasalita ng anak.
“Yes, dad.”
Nanlulumong saad nalang din ni Jayson saka nag-excuse dito at lumabas ng opisina.
Saktong pag-alis ni Jayson ay tumunog ang cellphone ni Christian. Agad na napakunot ang noo niya nang makita kung sino ang caller.
“Yes, Mr. President?.”
Pilit na pinasigla nalang ni Christian ang boses niya, hoping na makakarinig ng good news mula dito.
“Mr. Sandoval, sir, hindi po pumasok si CJ ngayon.”
Lingid sa kaalaman ng lahat. Ang presidente ng pinapasukang eskwelahan ni CJ ay hawak ni Christian. Informant niya ito sa kung anong ginagawa ng anak niya, mapamabuti man o hindi.
Napahigpit ang hawak ni Christian sa phone niya at napahawak din sa kanyang ulo dahil sa nalaman.
“Sige, salamat Mr. President.”
Saad nalang ni Christian saka pinatay ang tawag.
-----
(Riiinnnggg.. Riiinnnggg.. Riiinnnggg..)
Agad na napatingin si CJ sa phone niya nang makitang tumatawag ang dad niya. Pero imbes na sagutin ay hinayaan niya lang itong mag-ring ng mag-ring. Takang napatingin din sa kanya ang mga kaibigan niya. Kasalukuyan na din silang nasa kwarto ni Zane at nagvivideo games.
“Let him be. I think nalaman niya na namang hindi ako pumasok. I just don't know who his informant is. Pero kapag nalaman ko kung sino, patay sakin yun.”
Simpleng saad lang din naman ni CJ at pinagpatuloy ang paglalaro.
“Baka naman kasi may tracking device ka sa katawan mo broh. O di kaya'y sa mga gamit mo.. o sa damit.”
Saad naman ni Vin na may pagka-OA ang tono.
Napatigil naman sa paglalaro si CJ at napaisip sa sinabi nito. Naisip niyang possibly yun lalo pa't laging nalalaman ng dad niya ang mga ginagawa niya sa kanilang eskwelahan.
“Let me see!.”
Saad pa ni CJ saka mabilis na kinuha ang bag niya at binuhos ang laman nito sa kama ni Zane.
Inisa-isa niya ang mga gamit niya, maging ang bag ay tiningnan niya din. Nang walang makita ay naisipan niyang baka nasa sapatos. Agad niyang kinuha ang sapatos niya at sinuri ito. Pati ang damit niyang suot at dala at sinuri niya din.
“Damn! Wala naman eh.”
Napasuklay sa buhok si CJ nang walang makitang tracking device.
“Hmmmm.. Baka naman isa satin ang nagsusumbong kay tito.”
Napatingin kay Vin ang tatlo nang marinig ang pangalawa niyang assumption.
“Gago!.”
“Baliw!.”
Napabatok naman sina Grey at Zane dito.
“Aray!.”
Daing naman ni Vin at napakamot sa ulo niya.
“Anyway, let's go out tonight. Let's celebrate.”
Saad nalang ni CJ at napangisi.
“Hindi ka naman kaya patay kay tito niyan?.”
Tanong naman ni Grey.
“Don't mind him. Bukas nalang din ako uuwi. Mang-chi'chix tayo ngayong gabi.”
Ngising saad pa ni CJ na siyang nagpangisi din sa tatlo. Nagsi-apir din ang mga ito na halatang excited.
-----
Kasalukuyang nasa classroom na sina Kristine. Habang nakikinig siya sa discussion ay siya namang kulit at busy sa cellphone ang tatlong niyang kaibigan. Pare-pareho kasi silang nursing kaya magkaklase sila sa lahat ng subject.
“Haha tingnan mo to sis, haha ang pangit!.”
“Haha gosh! Gawin ko nga din yan! Hahaha.”
“Edi sabay-sabay nating gawin yan. Haha.”
Napatingin si Kristine sa mga kaibigan niya dahil sa ginagawang ingay ng mga ito. Kinalabit niya din ang mga ito at sinaway dahil baka marinig sila ng strikto nilang professor na si Prof. Gabitan.
“Ms. Francisco! Ms. Aucente! and Ms. Reyes!.”
Madiing tawag ni Prof. Gabitan sa mga kaibigan ni Kristine. Nagitla pa ang mga ito at napalaki ang mga mata. Nasa kanila na din ang atensyon ng lahat.
“Stand up!.”
Pagalit pa nitong sigaw. Napatingin kay Kristine ang tatlo saka dahan-dahang tumayo.
“Hindi kasi kayo nakikinig eh.”
Pabulong at pasimpleng sisi pa ni Kristine sa tatlo habang nagpapaawang nakatingin ang mga ito sa kanya.
“Are you insulting me?! If you're not interested on my discussion, you may go out!.”
Pagalit pa ring sigaw ni Prof. Gabitan at lumapit sa tatlo.
“So-Sorry, sir.”
Nakayukong hingi na ng tawad ng tatlo.
“Because of what you, three, did. You will make a journal starting today up to friday this week.”
Napalaki ang mga mata ng tatlo dahil sa narinig dito. Hindi naman mahirap ang pag-gawa ng journal, sadyang tamad lang sila.
“But si---”
“Don't try!.”
Pagbabanta naman agad ni Prof. Gabitan kaya nanahimik nalang din si Isabelle at tumango nalang din silang tatlo.
Pagbalas ng classroom ay puro reklamo ang narinig ni Kristine sa tatlo. Nakasimangot din ang mga ito at nagpapadyak ng kanilang mga paa.
“Tumigil na nga kayo diyan, mga sis. Journal lang naman yung gagawin niyo. Mabuti nga't hindi kayo pinaresearch ni sir eh.”
Saad naman ni Kristine sa mga ito.
“Eeeehhhh!! Paano na yung paglalakwatsa namin! Nakakaasar talaga yung matabang yun! Palibhasa walang lovelife eh!.”
Reklamo pa rin ni Isabelle.
“Dapat dun pinapalapa eh!.”
Segundang reklamo pa ni Jessa.
“Tsk! Nakakabwesit talaga!.”
Saad pa ni Kathlyn.
Naiiling naman si Kristine sa mga naririnig mula sa tatlo. Tinatamad lang kasi talaga ang mga ito sa pag-gawa ng journal. Mas iniisip din nila ang paglalakwatsa. Tsk.
⇨⇨⇨⇨⇨
Pag-uwi ni Christian galing sa trabaho ay agad niyang hinanap ang bunso niyang anak na si CJ.
“She's not here, yet.”
Saad naman ni Jennelyn sa hindi mapakaling asawa.
“Hindi na naman pumasok yang anak mo! Hindi ko na alam ang gagawin para magtino siya!.”
Pagalit na saad pa ni Christian na napapahawak pa sa bewang at sa ulo.
“Christian, pwede bang tumigil ka na kakapuna at kakabantay kay CJ! Kaya lalong nagrerebelde eh!.”
Saad naman ni Jennelyn.
“So anong gusto mo?! Hayaan siya sa kabulastugan niya ha?!.”
Pasigaw pa ring tanong ni Christian.
“No! Ang gusto ko ay tanggapin mo siya! Kaya ka lang naman nagkakaganyan ay dahil hindi mo matanggap kung ano siya!.”
Ganting sigaw naman ni Jennelyn.
“You're impossible!.”
Iiling-iling na saad naman ni Christian.
“Know what? Kaya lumalaki ang ulo niya ay dahil sayo! Dahil kinakampihan mo!.”
Matigas pang saad ni Christian.
“Oh really?! Sabihin mo nga sakin, bakit ba lagi nalang mainit ang ulo mo kay CJ, ha!.”
Paghahamon na ni Jennelyn sa asawa. Hindi naman nakasagot si Christian na pagkatapos titigan ang asawa ay iniwan na din ito. Wala namang nagawa si Jennelyn kundi ang mapa-buntong hininga.
-----
Kinagabihan, gaya ng kanilang napag-usapan ay pumunta nga ng club sina CJ. Isa itong club intended for lesbians.
“Cheeeerrrrssss!!!.”
Masayang sigaw pa ni Vin at nagtoast silang apat.
Patuloy sila sa pag-inom habang napapaindak na sa tugtog. Napapaikot na din ang tingin nila at naghahanap na ng mga magagandang chix.
“Broh, three o'clock on the right.”
Pabulong na saad ni Grey nang may makitang apat na magagandang babae. Nang mapatingin din ang isa sa mga ito sa gawi nila ay tinaasan niya din ito ng baso. Gumanti naman ito ng ngiti at tinaas din ang hawak nitong baso.
“Sexy and hot.”
Saad pa ni Grey kaya napatingin na din sila CJ dito.
Nang mapatingin na ang apat sa kanilang gawi ay napangiti na din sila CJ ng malandi sa mga ito.
“They are all hot.”
Bulong ng isa sa mga kababaihan sa mga kasama niya.
Lalo pa silang napangiti ng maglakad na sila CJ palapit sa kanila. Nagpakilala na din sila isa-isa at umupo na din sa tabi ng kani-kanilang type.
Uwian na sila Kristine, dumiretso na din siya sa kanyang trabaho. Pero habang nagtatrabaho ay napatingin siya sa amo niyang babae nang makitang namumula ang mga mata nito na tila galing sa pag-iyak.
“A-Ate?.”
Tawag-pansin ni Kristine nang sundan niya ito sa may kusina at makitang humihikbi ito. Agad namang napapunas ng luha si Divina nang marinig ang boses ni Kristine.
“T-Tine, ikaw pala.”
Saad naman ni Divina at ngumiti ng pilit.
“O-kay lang po ba ka-kayo ate?.”
Nag-aalalang tanong pa ni Kristine.
Nang hindi na din napigilan ni Divina ang sarili niya ay napalapit na siya kay Kristine at napayakap dito habang umiiyak. Dahan-dahang tinaas naman ni Kristine ang kamay niya at hinimas-himas ang likod nito para maibsan ang sakit na nararamdaman nito.
“Hi-Hindi ko a-lam k-kung bakit. A-Ano bang ku-kulang sakin? Ba-Bakit lagi akong n-naloloko?.”
Hikbi pa ring saad ni Divina.
Hindi naman alam ni Kristine kung anong gagawin at sasabihin. Hindi niya pa din naman kasi naranasan ang kasalukuyang problema nito.
“Sa-Samahan mo ako, T-Tine.”
Maya-maya'y saad na ni Divina. At dahil amo niya ito at may problema ito ay tumango nalang din siya dahil sa awa dito.
Takang napatingin si Kristine sa lugar kung saan siya dinala ng amo niya. Napalaki pa ang mga mata niya at kinabahan din siyang bigla.
Lalong kinabahan si Kristine nang pumasok na sila ni Divina. Agad niyang narinig ang malakas na tugtog at nakita ang maraming tao. May mga nag-iinuman, may mga naghahalikan at may mga sumasayaw.
“Waiter, bigyan mo kami ng hard drinks.”
Saad pa ni Divina pagkaupo nila at pagkapwesto sa mesa.
Pagdating ng kanilang order ay agad na uminom si Divina. Binigyan niya din si Kristine pero umayaw ito.
Nang mapadami na ang inom ni Divina ay napapaindak na ito. Tumatawa na din ito na tila walang problema.
“A-Ate, u-uwi na po t-tayo.”
Aya na ni Kristine kay Divina pero tila wala naman itong narinig na pumunta na ng dance floor at sumayaw. Takang napapatingin din si Kristine sa paligid nang makitang mga babae sa babae ang naghahalikan.
Nang mapadami na ang inom nila CJ ay napapagalaw na din ang mga kamay nila. Napupunta na ito sa hita ng mga katabi nilang babae.
“You're naughty.”
Malanding ngiti pa ng babae kay CJ nang maramdaman ang kamay niya.
“Let's go find a room.”
Malanding bulong naman dito ni CJ.
Napakagat labi ang babae at malanding tumayo. Napangisi naman si CJ at sumunod dito. Ang mga kasama niya ay nakikipaghalikan na din sa mga kasama nito.
Napasunod si Kristine kay Divina nang makitang may mga dumidikit na dito. Hinila niya din ito pabalik sa kanilang mesa.
“T-Tine! Le-Let's enjoy! A-yaw mo ba a-kong dama-yan?.”
Nagmamakaawang saad ng lasing na si Divina at muling inabot ang inumin kay Kristine.
“Pe-Pero ate. Hi-Hindi po ako umi---”
“Pleeeaaassseee??? For me?.”
Puppy eyes pang saad ni Divina. Habang patuloy ang pagtanggi ni Kristine ay patuloy naman sa pagpilit si Divina sa kanya.
“Aarrrhhhh...”
Napasama ang mukha ni Kristine pagkainom niya ng alak. Hindi siya sanay kaya agad niyang naramdaman ang tila mainit at maanghang sa kanyang dibdib.
“More, Tine! Hahaha.”
Muli ay painom pa ni Divina kay Kristine.
Hanggang sa wala ng nagawa si Kristine kundi ang uminom ng ilang beses. Gusto niya ding iluwa at itapon ang alak pero nakatingin naman sa kanya si Divina.
Habang papunta sa kwarto ay nakaramdam ng pag-iihi si CJ. Napatigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ang kasama niyang babae.
“I'll be on the room number six.”
Malanding bulong pa ng babae ng mag-excuse si CJ at naglakad na paalis. Napangisi naman si CJ at gigiwang-giwang na pumunta ng CR.
Nang makitang nakatulog na si Divina sa kalasingan ay nagpatulong si Kristine sa isang bouncer para dalhin ito sa sasakyan. Sinabi naman ng bouncer na may mga kwarto silang pwedeng tulugan.
Nang maisip ni Kristine na hindi niya alam ang bahay ng amo niya ay nagdesisyon siyang kumuha nalang ng kwarto. At bilang respeto ay inayusan niya muna ang amo niya saka ito kinumutan.
“Aarrgghh...”
Napahawak si Kristine sa ulo niya ng makaramdam ng hilo. At nang makaramdam ng antok ay lumabas na din siya sa kwarto ng amo niya at pumunta sa katabing kwarto kung saan siya matutulog.
Panay ang tingin ni CJ sa numerong nakalagay sa pinto ng mga kwarto habang napapahawak sa ulo at napapapikit. At nang makita ang tamang numero ng kwartong hinahanap niya ay agad siyang napangisi saka binuksan ang pinto at dahan-dahang pumasok.
Lalong napangisi ang lasing na si CJ nang makita ang isang bulto ng tao na nasa ibabaw ng kama. Medyo madilim ang paligid na siyang nagbigay ng magandang ambiance dito. Excited siyang napalapit sa kama at dahan-dahang sumampa dito.
“Heeeyyy...”
Malanding bulong pa ni CJ at agad na inangat ang kumot at niyakap ang taong naka-talukbong.
“Hrrrrrmmmmm...”
Napaungol naman ang babaeng nasa kama nang makaramdam ng yakap mula sa kanyang likod. Pero dahil dinalaw na din ito ng antok at nahihilo na din ay hindi na nito pa magawang gumalaw.
“Hmmmmm..”
Ungol ni CJ nang magsimulang halikan ang babae sa may leeg. Tila napataas naman ang balahibo ng babae at biglang nakaramdam ng init.
Lalo pang nakaramdam ng init ang babae nang maramdaman ang kamay ng taong nakayakap sa kanya na naglilikot na. Pumaibabaw na din ito sa kanya at tinanggal ang kumot saka uhaw na hinalikan siya.
“Hrrrrrmmmmm...”
Napaungol na din ang babae nang gumanti na din ito ng halik kay CJ.
Dahil sa alak na nainom ay tila wala ng lakas ang babaeng pigilan ang init na nararamdaman niya. Para namang uhaw na uhaw si CJ sa halik na lalo pang ginanahan.
Hanggang sa mangyari na nga ang bagay na humantong sa kanila papuntang paraiso na tanging silang dalawa lang ang nakakaalam.
~
~
~
⇨acacabas_019ツ.