“MEANT TO BE”
EPISODE 3.
◆General's POV.◆
Maaga palang ay umalis na ng bahay si CJ. At dahil pinagbawalan siya ng dad niya sa pag-gamit ng sasakyan niya ay nagtaxi nalang siya papunta sa bahay ni Zane para kunin dito ang motor niya. May motor siyang binili for emergency purpose katulad nalang ng kasalukuyang nangyari. Hindi din ito alam ng family niya.
“Zup broh? Let me guess, pinagbawalan ka na naman ni tito sa car mo noh?.”
Ngising saad pa ni Zane nang makitang walang dalang sasakyan si CJ. Pumasok na din muna sila ng bahay.
“Hi tita.”
Medyo pasigaw na bati at kaway pa ni CJ sa mommy ni Zane na nasa may kusina. Ngumiti naman ito sa kanya at kumaway din. Umupo na din si CJ sa sala at muling humarap kay Zane.
“As if you don't know him, broh. Umiral na naman ang pagka-strikto niya. Nalaman niya yung ginawa natin eh. Tsk.”
Dagdag pang saad ni CJ.
“Edi bad mood ka na naman pala ngayon. So, that means.. magbabasketball tayo at hindi papasok.”
Saad pa ni Zane na tila alam na ang nasa isip ni CJ. Sa tuwing bad mood kasi ito ay inaaya sila nitong mag-basketball para mailabas ang sama ng loob nito.
“Ano pa nga ba. Kontakin mo si coach Boknoy. Sabihin mo makikipagpustahan tayo.”
Saad pa ni CJ kay Zane.
“Areglado, broh.”
Masayang saad pa ni Zane na halatang excited.
Isa din sa hilig nilang magbabarkada ay ang pagbabasketball. Mahilig silang makipagpustahan sa mga taga-kanto. Mas nag-eenjoy kasi silang makipaglaro sa ilalim ng araw kesa sa ilalim ng bubong.
-----
Pagkagising ni Kristine ay nakita niyang naghahanda ng almusal ang nanay niya. Lumapit siya dito at niyakap ito mula sa likod.
“Good morning, nay...”
Masiglang bati pa ni Kristine sa nanay niya na nagitla pa ng konti pero napangiti naman ng makita siya.
“Good morning din, nak. Sige na maupo ka na, ako ng bahala dito.”
Saad ni Wilma pero hindi naman pumayag si Kristine na piniling paupuin ang nanay niya at siya na din ang nagpatuloy sa pag-aasikaso ng pagsasangag at pagprito ng itlog.
Pagkatapos maligo at kumain ay nakapag-ayos na din ang mga kapatid ni Kristine para pumasok sa kanilang eskwelahan.
“Oh nak? Bakit hindi ka pa bihis? Hindi ka ba papasok?.”
Takang tanong ni Wilma kay Kristine habang nagliligpit ng mga pinagkainan.
“Wala po kaming pasok ngayong umaga nay. Mamayang hapon pa po.”
Saad naman ni Kristine.
“Sige po nay, ihatid ko lang po muna tong mga pasaway kong kapatid. Wag niyo nalang din pong galawin yang hugasan, ako na pong bahala diyan pagbalik ko.”
Ngiting saad pa ni Kristine.
“Sige, nak. Mag-ingat kayo ah.”
Paalala pa ni Wilma.
Pagkatapos humalik sa pisngi ng kanilang nanay ay gumayak na din sila paalis. Panay din ang kulitan nila habang nasa daan.
-----
Mabilis na dumating sa bahay ni Zane sina Grey at Vin nang marinig ang good news mula dito. Napangisi pa si CJ nang makitang naka-jersey na ang dalawa na halatang handa na.
“Hindi naman halatang excited kayo broh ah.. Haha.”
Natatawang saad ni CJ habang nakatingin sa dalawa.
“Syempre broh. Pampalakas din ng appeal to noh.”
Saad naman ni Vin na pinakita pa ang muscle niya sa braso.
“Pampadagdag pogi points pa.”
Segunda naman ni Grey na nag-pogi sign.
“Mga siraulo. Halina nga kayo.”
Natatawang saad nalang ni Zane at inaya na sila palabas. Naiiling naman si CJ habang nakangisi.
(Broooooommmmm! Brooommm!)
Mayabang na pagpapatunog nila CJ ng kani-kanilang motor. Tig-iisang big bike ang dala nila na may iba-ibang kulay.
“Namiss ko to! Hahaha.”
Masayang sigaw pa ni CJ saka nagsuot ng helmet.
“Let's go!!.”
Masiglang sigaw naman ni Grey at nagbiyahe na din sila.
Pagdating nila sa isang bahay ay nakipag-apir sila kay Boknoy, ang kanilang nagsisilbing coach na siyang naghahanap at umaayos ng kanilang laro, kung sino ang kanilang makakalaban at kung saan ito gaganapin.
“Ano coach? May naka-deal ka ba? Eh gustong makipaglaro nitong kaibigan natin dahil bad mood eh.”
Akbay ni Zane kay CJ habang nagsasalita.
“Maganda yan. Mas magaling pa naman kayong makipaglaro kapag ang isa sa inyo bad mood.”
Ngiting saad naman ni Boknoy.
“May makikipagpustahan pero malayo dito.”
Dagdag pang saad ni Boknoy.
“Walang problema yan. May mga motor naman tayo eh.”
Saad naman ni CJ na atat na ring makipaglaro.
Pagkatapos nilang pumayag at magkasundo ay gumayak na din sila papunta sa sinasabi ni Boknoy na lugar kung saan sila makikipagpustahan. Sumunod nalang din sina CJ kay Boknoy dahil ito ang nakakaalam ng lugar.
-----
Pagdating sa medyo may kalayuang eskwelahan ay humalik na sa pisngi ni Kristine ang dalawa niyang kapatid saka naglakad papasok sa bungad ng eskwelahan.
“Wag makikipag-away ah? Diretso uwi pagkatapos ng klase.”
Paalalang pasigaw na saad pa ni Kristine habang kumakaway sa mga ito. Ngumiti naman ang mga kapatid niya at tumango. Sa tuwing wala kasi siyang pasok sa umaga ay hinahatid niya ang mga ito.
Naglakad na din siya pabalik sa kanilang bahay. Habang naglalakad ay napansin niya ang mga nagkukumpulang mga binata sa maliit na basketball court ng kanilang baryo.
“Hi Tine! Ang ganda mo ngayon ah..”
Papansing bati pa ni Marco na nasa basketball court kaya napatigil din sa paglalakad si Kristine. Lagi din itong nagpaparinig sa kanya ng mga matatamis na salita.
“Salamat Marco. Ikaw din, pagwapo ka ng pagwapo ah. Siguro may nililigawan ka na noh.”
Ngiting saad naman ni Kristine. Hindi niya din siniseryoso ang pagpaparinig nito dahil kaibigan lang ang turing niya dito.
“Araw-araw kasi kitang nakikita eh kaya nagpapagwapo ako.”
Ngiting saad pa ni Marco.
“Ayyyyyeeeeeehhhhh!! Ang corny mo tol! Hahahaha.”
Biglang nagtawanan naman ang mga kasamahan nito na tinulak-tulak pa ito ng bahagya. Natatawa naman si Marco habang sinasaway at sinisiko ang mga ito.
“Ikaw talaga. Sige na Marco, may gagawin pa ako eh.”
Paalam ng saad ni Kristine dito.
“Sige, mag-ingat ka Tine.”
Saad naman ni Marco.
“Papakasalan pa kita.”
Bulong pa nitong saad na hindi na narinig ni Kristine. Lalo naman itong inasar ng mga kasamahan nito dahil dito.
“Uy Tine, Ay ano? Pwede ka ba sa sabado? ”
Tanong ni Aling Lina nang mapadaan si Kristine sa tindahan nito. Lumapit siya sa gawi nito at napangiti.
“Sige po Aling Lina, wala naman po akong gagawin eh kaya sasama po ako.”
Masayang saad naman ni Kristine.
Tuwing sabado o di kaya'y linggo ay maghapon naman sa merkado si Kristine at nagbabantay ng mga isda na siyang nakuha ng asawa ni Lina.
“Sige sabihin ko nalang kay Pedro.”
Ngiting saad naman ni Lina kaya nagpasalamat na din si Kristine dito at nagpaalam na.
-----
Napatingin sa paligid si CJ nang makarating sila sa lokasyon kung saan sila dinala ni Boknoy. Agad ding napatingin sa kanila ang mga lalaking nagpa-practice sa maliit na basketball court.
“Ang angas ng mga motor ng mga dayo natin ah.”
Saad ng isa ng mapatigil sa paglalaro at mapatingin sa gawi nila CJ.
“Boknoy!.”
Sigaw na saad naman ng coach ng naglalaro ng mapatingin dito.
“Edward.”
Lapit at apir naman ni Boknoy dito.
“Oh? Sila na ba?.”
Tanong ni Marco nang mapatingin kina CJ. Nakangiting tumango naman si Boknoy dito.
“Wow. Kayo nga. Ang sikat na D'Four.”
Saad pa ng coach na si Edward.
“Kinagagalak kong makilala kayo at makalaro ng team ko.”
Saad pa ni Edward at nakipagkamay kina CJ.
Ang grupo nila CJ ay tinatawag na D'Four, na siyang kilala sa street basketball. Sumikat din sila dahil sa galing nilang makipaglaro at may matatag na team work. Alam din ng mga nakakalaro nila na mga lesbian sila kaya laging natatamaan ang mga ego ng mga natatalo nilang grupo.
“Mukhang maaangas ang kalaban natin ah.”
Pansin ni Grey sa mga lalaking nasa kabilang half court na nakatingin din sa kanila.
“Sana lang magaling sila nang hindi naman ako mabagot.”
Mayabang na saad naman ni CJ at napangisi. Nagtanggal na din sila ng mga damit kaya naka-jersey na din sila.
Makalipas ang ilan pang minuto ay may mga nagsidatingan na ding mga tao. Mga binata, dalaga at may mga bata din. Ang mga binata ay intresado sa laro, ang mga dalaga naman ay nakakita lang ng mga gwapo habang ang mga bata naman ay trip lang.
Agad na nagpapansin sina Vin, Grey at Zane sa mga dalagang nakasuot ng pang-sexy. Pass lang din naman muna si CJ dito dahil bad mood siya.
Ang laban ay four vs. four dahil apat lang sila CJ. Street basketball din naman kaya wala itong problema sa makakalaban nila na siyang alam din ang kanilang kondisyon.
(Prrrrrrrriiiiiiiirrrrrrrrtttttttt...)
Pito na ng nagsisilbing referee kaya pumwesto na din sila CJ sa gitna ng court para sa jump ball. At dahil si CJ ang nagsisilbing team captain ay siya ang makikipag jumb ball sa captain ng kabilang team.
Pumwesto na din ang referee para sa paghahagis ng bola pataas. Matamang nakipagtitigan naman si CJ sa kaharap niyang captain hanggang sa maihagis na ng referee ang bola.
(Haahh!.)
Naunang tumalon ang captain ng kabilang grupo.
(Yaahh!.)
Sumunod naman si CJ na napangisi pa.
“HAH!.”
Sigaw pa ni CJ nang mahampas niya ang bola ng malakas papunta kay Grey. Pagbagsak sa lupa ay nagkatitigan ang dalawang captain. Nainis naman ang captain ng kabilang grupo ng ngisihan ito ni CJ.
“WOOOOOOOHHHHHHH!!!.”
Malakas na sigaw naman ng mga babaeng nanunuod.
Agad na nag-dribble ng bola si Grey nang bantayan siya ng isa sa mga kalaban. Napapangisi pa siya habang nagdidribble na tila nang-aasar.
One on one ang ginawang pagbabantay ng kanilang kalaban. Mabilis na napapatakbo at napapagalaw naman sila CJ.
Nang makaikot si CJ sa team captain ng kanilang kalaban na siyang nagbabantay sa kanya ay agad na pinasa sa kanya ni Grey ang bola.
Mahigpit na binantayan naman ng team captain si CJ habang nagdidribble ito ng bola. Yamot na sinusubukang agawin din nito ang bola kay CJ nang makitang nginingisihan siya nito.
“Show me what you've got.”
Saad pa ni CJ saka mabilis na gumalaw at umikot saka tumira. Tila naguluhan naman ang team captain sa bilis ni CJ na hindi nakagalaw at nakahabol dito.
(Swoosh!.)
“WOOOOOHHHHHH!!!.”
Muli ay malakas na sigaw pa ng mga kababaihan ng maka-three points si CJ.
“GO POGI! GO POGI! GO! GO! GO!.”
Malakas pang pag-cheer ng mga kababaihan. Nakipag-apir naman si CJ sa mga kasamahan niya at ngumisi.
“Nice shot broh!.”
Saad pa ni Vin pagkatapos makipag-apir.
“Kaasar!.”
Yamot na bulong naman ng team captain ng kabilang grupo.
Patuloy ang naging laban ng dalawang grupo. Pangisi-ngisi naman sila CJ dahil walang binatbat ang kanilang kalaban. Natatambakan na din nila ng score ang mga ito.
Pagkatapos maghugas ng pinggan ni Kristine ay napatingin siya sa kanyang nanay na kadadating lang galing sa labas. Napakunot noo pa siya nang makitang may bitbit itong malaking tray na may lamang mga labahan.
“Nay, sabi ko naman sa inyong tigilan niyo na po ang paglalaba eh.”
Malambing na saad ni Kristine sa kanyang nanay.
“Nak, wala naman akong ginagawa dito sa bahay eh. Saka wala din naman akong alam na trabaho kundi ito lang. Hayaan mo ng makatulong ako sayo kahit papaano.”
Saad naman ni Wilma. Naawa naman si Kristine dito at naintindihan ang ibig nitong iparating. Gusto lang nitong panindigan ang pagiging ina nito.
“Sige na nga po. Pero nay, tulungan ko na po kayo--hep! Wag ng kokontra nay.”
Saad pa ni Kristine na inunahan na si Wilma nang mapansing sasawayin na naman siya nito. Nangingiting naiiling nalang din si Wilma. Si Kristine na din ang nagbitbit ng tray papunta sa kanilang likod dahil doon ito naglalaba at nandoon ang kanilang bombahan ng tubig.
“Nak, saglit lang ah? Puntahan ko lang si Mayeth baka magpapalaba din siya eh.”
Saad ni Wilma pagkatapos nilang mailagay sa planggana ang mga labahan at malagyan ito ng tubig.
“Nay, ako na po.”
Saad naman ni Kristine na tumayo na din. Wala namang nagawa si Wilma kundi ang hayaan nalang ang anak niya.
Habang naglalakad papunta kina Mayeth ay muling napatingin si Kristine si basketball court ng makitang naglalaro sina Marco. May mga nanunuod din sa mga ito.
“Hmmm? Mga dayo?.”
Takang tanong pa ni Kristine sa sarili niya nang makakita ng mga bagong mukha.
Hindi nalang din niya ito pinansin at diniretso na ang tingin sa daan. Nagpatuloy na din siya sa paglalakad.
Kasalukuyang nasa kabilang grupo ang bola. Mahigpit ding binabantayan ni CJ ang team captain na siyang may hawak ng bola. Patuloy ito sa pagdribble at napapakunot noo pa nang hindi magawang makalusot kay CJ.
Kunot-noong napaatras ang team captain at pilit na naghanap ng paraan para makatira nang marinig na ilang minuto nalang at matatapos na ang third quarter.
Napatalon ng mataas ang team captain at tumira for three points sa may gilid. Agad namang gumalaw si CJ na tumalon din ng sobrang taas para habulin ang bola.
“Haah!.”
Napasigaw pa si CJ nang magawa niyang hampasin ng malakas ang bola pagilid.
(Blag!)
Gulat na napatingin si CJ nang may matamaan siyang babae sa may ulo dahilan para mapaupo itong bigla.
“Agh!.”
Gulat na napadaing ang babae nang bigla siyang matamaan ng bola sa ulo at napaupo sa sahig.
Napatingin din siya sa taong lumapit at nakatayo sa harap niya. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Dahan-dahan din siyang napatayo habang nakatingin dito.
-Gosh! Nasa langit na ba ako?.-
Tanong pa ng babae sa isip niya.
-Sinusundo na ba ako ng gwapong nilalang na to?-
Muli niya pang tanong sa isip habang nakatitig sa taong nasa harapan niya.
“Kristine! Kristine, okay ka lang ba?.”
Pero napukaw sa pag-iisip si Kristine nang may yumugyog sa kanya. Napatingin siya dito at nakitang nag-aalala ito.
“O-Oo, Marco. O-Okay lang ako.”
Saad naman ni Kristine at muling napatingin sa taong nakatayo pa rin sa harapan niya. Naisip niya ding hindi pala siya nito sinusundo dahil buhay pala ito. May mga tao na ding nakalapit sa gawi nila.
“Next time, tingnan mo naman ang dinadaanan mo miss. Hindi yung nakayuko ka habang naglalakad.”
Nag-init ang tenga ni Kristine at napakunot noo nang marinig ang sinabi ng taong nasa harapan niya. Siya pa ang kinagalitan nito!.
“Ang yabang mo ah! Ikaw na nga yung may kasalanan eh! Ikaw pa yung mayabang diyan!.”
Pagalit na saad naman ng team captain na si Marco at hinarap ito.
“What? Tama naman ako ah. Hindi siya matatamaan kung tinitingnan niya lang yung paligid niya.”
Saad naman ni CJ na nakakunot noo pa rin. Lalo pang nainis si Kristine nang malamang ito pala ang nakatama sa kanya.
“Excuse me lang ah! Ang kapal naman ng mukha mo para pagsabihan ako ng ganyan, gayong ikaw pala tong nakatama sakin!.”
Masungit na saad naman ni Kristine kay CJ. Hindi niya nagustuhan ang ugali nitong magaspang. Imbes na magsorry kasi ay ang presko pa nito. Pumagitna na din sina Boknoy at Edward para pigilan ang tensyon.
“Broh, tama na.”
Saway naman ni Grey kay CJ kaya hindi nalang din ito sumagot na nakasimangot pa rin.
“Miss, pasensya ka na.”
Si Zane na din ang humingi ng tawad para kay CJ at inaya na ito pabalik sa court.
Nag-aalalang tinanong at kinausap naman ni Marco si Kristine. Masama din ang tinging pinupukol niya kay CJ.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nagpaalam na din si Kristine kay Marco na aalis na siya at may pupuntahan pa. Bago pa siya tuluyang makaalis ay binigyan niya pa ng masamang tingin si CJ nang magkatitigan sila.
Nagpatuloy ang laro nila CJ vs. Marco. Yamot na nakipaglaro si Marco dahil sa ginawa ni CJ kay Kristine.
Ganunpaman ay nasa kina CJ pa din ang huling halakhak dahil sila ang nanalo. Muntik pang magsuntukan ang dalawang panig dahil sa tensyong namamagitan kina CJ at Marco. Mabuti nalang at napigilan sila ng kanilang mga coach.
~
~
~
⇨acacabas_019ツ.