EPISODE 2.

1913 Words
"MEANT TO BE" EPISODE 2. Kasalukuyang nasa library si Kristine at nagbabasa nang biglang dumating ang mga kaibigan niya at umupo sa tabi niya. Pagbabasa kasi ang libangan niya. “Sis, nagbabasa ka na naman? Hindi ka ba nagsasawa diyan?.” Maarteng tanong ng kaibigan niyang si Isabelle. “Kailangan eh. Alam niyo namang scholar lang ako dito. Hindi pwedeng bumaba ang grades ko.” Ngiting saad naman ni Kristine. “Hmmm. Eh bakit kasi ayaw mong kami nalang ang magbayad ng tuition mo? Edi sana hindi mo na kailangan pang mag-aral ng ganyan.” Saad naman ni Jessa. “At sana nakakasama ka pa sa tuwing nagna-night club kami.” Saad naman ni Kathlyn. “Hmmmm ayan na naman kayo. Tigilan niyo nga ako. Alam niyo namang ayo---” “Ayokong abusuhin ang kabaitan niyo porke magkakaibigan tayo. Ayoko ring matawag na gold digger.” Napatigil sa pagsasalita si Kristine ng biglang dinugtungan ng tatlo niyang kaibigan ang sinasabi niya. “Mga baliw talaga kayo.” Ngiting iiling-iling na sabi nalang ni Kristine sa tatlo. “Sssssshhhhh quiet!.” Pagalit na saway naman ng librarian sa kanila. Nag-peace sign lang din naman ang tatlo habang nakangiti. Sa kanilang apat, si Kristine lang ang masasabing hindi marangya ang buhay. Scholar lang siya ng kanilang eskwelahan. Paminsan-minsan ay tinatawag din siya ng kanilang admin sa tuwing may inuutos ito. Minsan ay natanong niya din ang tatlo kung bakit kinaibigan siya ng mga ito gayong malayong-malayo ang agwat nila. Ang sabi lang nila ay siya lang kasi ang totoo sa lahat. Pagkatapos ng klase at pagkalabas nila Kristine sa kanilang classroom ay agad niyang nakita si Jake sa may di kalayuan, ang masugid niyang manliligaw. “Hmmm.. Nandiyan na naman sis ang fafa mo.” Pabulong na saad ni Jessa. “Swerte mo sis ah. Varsity player na, gwapo pa.” Segunda naman ni Kathlyn. Isa kasing captain ng basketball team si Jake. Nagtataka din si Kristine kung bakit siya ang napagtripan nitong ligawan. Pero ang lagi lang nitong sinasabi ay walang pinipili ang love. “Oo nga sis, sagutin mo na nang makaranas ka na rin ng langit.” Pilyang saad naman ni Isabelle na siyang kinatawa nina Jessa at Kathlyn. “Ha? Pinagsasabi mo sis?.” Kunot noong tanong naman ni Kristine na hindi nagets ang ibig nitong sabihin. “Haaayyy naku! Masyado ka talagang makaluma!.” Saad nalang ni Isabelle at napa-roll eyes. “Hi, Tine.” Ngiting saad naman ni Jake. “Sabay na tayo mag-lunch.” Saad pa nito na nagpapaka-charming. “Eh ikaw ang bahala Jake kung sasabay ka samin.” Saad lang naman ni Kristine at ngumiti dito ng konti. Hindi naman siya nagiging choosy pero ramdam niyang wala siyang nararamdaman kay Jake. Sinabi niya na iyon sa binata pero hindi naman ito nakikinig kaya hinahayaan niya nalang. Pagdating nila ng cafeteria ay marami na din ang mga studyanteng kumakain. Ang iba ay nag-iingay pa. Ang iba naman ay nakaupo at nakikipaglandian sa kani-kanilang jowa. “Sis, kakainggit ka naman.” Pansin pa ni Kathlyn kina Jake at Kristine nang pinaghila ni Jake si Kristine ng upuan. “Inggitera ka na naman sis. Eh kung sana kasi hindi mo binasted yung manliligaw mo. Edi sana may nagpapacute din sayo ngayon.” Napasimangot naman si Kathlyn sa sinabi ni Jessa. “Yucksss sis! Di bale ng walang manliligaw kung yun lang naman!.” Napatawa sila dahil sa sinabi ni Kathlyn. Habang kumakain ay nagkekwentuhan sila ng kung ano-ano. Si Jake naman ay panay ang pagpapacute kay Kristine. “Hi Jake.” Napatingin sila sa bagong dating na humawak pa sa balikat ni Jake at pinalandi ang boses. Nang makita kung sino ang dumating ay agad na napataas ang isang kilay ng tatlong kaibigan ni Kristine. May kasama din itong dalawang tila alipores nito. “Ah Marian, hi.” Tanging bati lang din naman dito ni Jake. “Bakit mo ba sinasayang ang oras mo sa isang babaeng walang class at mukha pang basahan?.” Taas kilay pa nitong tanong kay Jake na nagpaparinig kay Kristine at dito nakatingin. “Marian, please.. Wag ka namang manggulo.” Kunot-noong saway naman dito ni Jake. “At tingin mo naman may class ka? Oh well, may class ka nga. Pero ikaw yung pinakamababang class.” Sungit na saad naman ni Jessa. Sinadyang tumawa din nina Isabelle at Kathlyn para maasar ito. “At kung mukha lang ang basehan? Mas mukha kang basahan!.” Segunda naman ni Isabelle at ngumisi. “Mas maganda pa nga ang pwet ng sis namin sayo eh.” Saad pa ni Kathlyn na siyang kinatawa naman ng mga nakarinig. “How dare you!.” At naasar nga ito. Tumayo naman ang tatlo at tinaasan ng kilay si Marian na tila naghahamon na din ng away. “Mga sis, tama na. Hayaan niyo na. Wag niyo na kasing patulan.” Tayo at saway naman ni Kristine sa mga kaibigan niya. “We're not yet done! I'm watching you!.” Gigil pang saad pa ni Marian kay Kristine bago tuluyang umalis sabay irap. Nag-aksyon naman ng middle finger ang tatlo niyang kaibigan dito kaya muli niya silang sinaway at pinaupo. Napapailing nalang din si Kristine sa tapang ng mga kaibigan niya. Pagkatapos ng afternoon class ay uwian na. Gaya ng laging nangyayari, inaya ng tatlo si Kristine na maglakwatsa pero hindi siya pumayag at sinabing may gagawin pa siya. Pagkahiwa-hiwalay nila ay agad na naglakad si Kristine papunta sa kanyang pinagtatrabahuan. Medyo malayo pero mas pinipili niyang maglakad nalang para tipid. Hindi din alam ng mga kaibigan niya na may mga side line siya. Ayaw niya munang sabihin sa mga ito at baka mag-offer na naman sila ng kung ano-ano. “Hi, ate.” Bati ni Kristine sa may-ari ng coffee and cake shop na si Divine. Mas matanda lang ito sa kanya ng limang taon. Mas gusto din nitong tinatawag na ate kesa ma'am o madam. Mabait din ito kaya lahat ng nagtatrabaho sa shop nito ay kasundo nito. Wala pa din itong asawa pero may jowa na. “Oh? Ang aga mo ata?.” Takang tanong naman ni Divine. “Eh wala naman na po akong gagawin ate kaya mag-uumpisa nalang po ako ng maaga.” Ngiting saad naman ni Kristine. Laking pasasalamat ni Kristine na ito ang naging amo niya dahil bukod sa mabait ito ay maalalahanin din ito at maintindihin. “Oh sige. Para makauwi ka rin ng maaga.” Ang mga working student na katulad ni Kristine ay apat na oras lang ang duty. Nag-umpisa ng magtrabaho si Kristine. Dahil sa kasipagan niya kaya siya nagustuhan ni Divine. Kasalukuyan siyang nakatoka sa counter nang mapatingin siya sa pinto nang may pumasok dito na isang grupo ng mga kababaihan. “Haleeerrr! Ang pangit niya kaya nararapat lang sa kanya yun noh!.” Agad niyang nakilala ang mga ito. Grupo sila ng mga bully sa kanilang school. Ang leader nila ay si Fiona na siyang narinig niyang nagsalita. Agad na napataas ang kilay ng mga ito nang mapatingin sa kanya at makilala siya. Tinitigan pa siya ng mga ito at nginisihan. “Ooohhh... What a surprise. Merun din pala ditong loser.” Maarte at taas ng isang kilay na saad ni Fiona. “A-Ano pong order niyo, ma'am?.” Sa halip ay tanong nalang ni Kristine. As much as possible kasi ay lagi siyang umiiwas sa away. Hindi dahil sa gusto niyang magpaapi kundi dahil ayaw niya lang matanggal sa trabaho maging sa school. “Hindi ikaw ang gusto namin. Kaya pwede tumawag ka ng iba?.” Sungit na saad naman ni Fiona. Nagtimpi naman si Kristine ay sinunod nalang ang gusto nito. Tinawag niya ang isa sa mga kasamahan niya at ito ang kumuha ng kanilang order. Inasikaso niya nalang din ang iba pang customer pero nakikita niya pa rin sa kanyang peripheral view na tinitingnan pa rin siya ni Fiona ng masama. “Ang arte naman ng babaeng yun, sayang ang kagandahan.” Bulong na saad naman ng kumuha ng mga order nila Fiona pagkaalis ng mga ito. “Hayaan mo na.” Ngiting saad nalang din ni Kristine at pinagpatuloy ang kanyang trabaho. Pagkatapos ng trabaho ni Kristine ay dumiretso na siya sa kanilang bahay. Nakatira siya sa isang masikip na bahay at hindi kagandahan. Gabi na din siyang nakakauwi dahil nga sa trabaho. Malayo palang ay may narinig na si Kristine na tila sumisigaw. Agad niyang nakilala ang boses nito at napagtantong galing iyon sa kanilang bahay. “Nay? Nay?.” Tawag ni Kristine sa kanyang nanay at napatakbo na din papunta sa kanilang bahay. May mga tao ding nakikinig at nakikisilip sa labas ng kanilang bahay. Mga tsismoso at tsismosa. “Aling Rosa?! Bitawan niyo po ang nanay ko!.” Agad na lumapit si Kristine sa nanay niya at hinarang ang katawan niya dito. Napalapit at napatago naman sa likod niya ang dalawa niyang kapatid. Naabutan niya kasing nakahawak si Rosa sa braso ng kanyang nanay at inaalog-alog ito habang pinagsasalitaan ng kung ano-ano. “Aba'y mabuti't nandito ka na! Ano? Kailan kayo magbabayad ng upa niyo dito sa bahay ha? Tatlong buwan na kayong hindi nakakabayad! Ay anong akala niyo? Libre ang pagtira niyo dito?! Hoy! Magsiayos kayo! Dahil kapag ako hindi nakapagtimpi palalayasin ko kayo dito!.” Dire-diretsong dada ni Rosa kay Kristine habang nakapamewang ang mga kamay. “Aling Rosa, magbabayad naman po kami. Konting panahon nalang po.” Saad ni Kristine sa nakikiusap na tono. “Konting panahon? Aba! Eh mukhang habang panahon ata ang ibig mong sabihin diyan sa konting panahon na sinasabi mo eh! Hoy Kristine! Napupuno na ako sa inyo! Kapag hindi pa kayo nakapagbayad sa susunod na linggo ay magbalot-balot na kayo!.” Huling saad ni Rosa na binigyan pa ng masamang tingin ang nanay niya bago umalis. Pagkaalis ni Rosa ay napatingin naman si Kristine sa nanay niya at napayakap dito. Maging ang mga kapatid niya ay napayakap din sa kanila ng nanay niya. “Nay, wag na po kayong mag-alala. Sa susunod na araw po sahod ko na rin naman po eh. Ibibigay ko nalang po muna lahat ng yun kay Aling Rosa.” Saad ni Kristine nang makaupo na sila. Kahit may problema, pinapakita niya pa rin sa nanay niya ang pagiging matatag. “Nak, pasensya ka na ah? Pati ikaw nadadamay sa problema dito sa bahay. Alam ko namang may panggagamitan ka rin ng pera eh.” Malungkot na saad naman ng nanay niyang si Wilma. Ang nanay niya ay si Wilma, paglalabada ang trabaho nito. Hindi niya din nakilala kung sino ang tatay niya dahil sabi ng nanay niya ay namatay daw ito sa isang aksidente nung bata pa siya. “Nay, ano ka ba? Wala po yun. Wag niyo na pong masyadong stressin ang sarili niyo. Ako na pong bahala dun.” Nakangiting saad pa ni Kristine. “Ang swerte ko talaga at ikaw ang naging anak ko.” Saad naman ni Wilma na napangiti na rin at niyakap ang anak. “Nay, Ate, pasali rin kami.” Cute na saad naman ng walong taong gulang niyang kapatid na si Wina. “Oo nga Ate! Pasali naman.” Ngiting saad naman ng labing-apat na taong gulang niyang kapatid na si Vincent. Napatawa naman sina Kristine dahil dito. Binuka din nila ang kanilang braso na tila naghihintay ng yakap. Agad namang napayakap ang dalawa niyang kapatid sa kanila na siyang kinatawa nila lalo. ~ ~ ~ ⇨acacabas_019ツ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD