EPISODE 1.

2227 Words
"MEANT TO BE" EPISODE 1. Kararating lang ni CJ sa eskwelahan kung saan siya nag-aaral. Agad siyang dumiretso sa tagpuan nilang magbabarkada at nakitang siya nalang ang wala. Lahat sila ay pawang mga lesbian at pormang lalaki. Ang kanilang tagpuan ay sa garden, nasa may patago silang parte kung saan may upuan na nakapaikot sa isang mesa. “Yow broh!.” Agad na bati ni Zane sa kanya at nakipag-apir. “Zup broh!.” Segunda naman ni Grey na nakipag-apir din. “You're late broh, what took you so long?.” Saad naman ni Vin pagkatapos makipag-apir kay CJ. May kanya-kanyang ginagawa din ang mga ito. May mga hawak din silang phone at halatang nag-eenjoy sa kani-kanilang pinapanood. Umupo naman muna si CJ sa mesa imbes na sa upuan bago sumagot. “Traffic lang broh.” Simpleng sagot lang din naman ni CJ at nilabas din ang phone niya. “Traffic mo mukha mo!.” Natatawang saad naman ni Grey. “Natraffic sa chix ka'mo! Haha.” Segundang tawa naman ni Zane at alaska kay CJ. “Baliw! Hindi ah! Natraffic lang sa legs ng isang magandang binibini! Hahaha.” Saad naman ni CJ at biglang tawa. May pagkapilyo din kasi ito. “Sabi ko na nga ba eh! Gago ka talaga. Hahaha.” Saad pa ni Grey. “Ang puti kasi broh eh! Ang kinis pa! Nakakaakit! Hahaha.” Saad pa ni CJ na tila naalala ang tinutukoy niya. “Kwento mo naman kung sino yan, broh!.” Intresadong saad naman ni Zane na siyang pinakababaero sa kanilang apat. “Mamaya nalang broh turo ko sa inyo pag nakita ko.” Saad naman ni CJ na nagpangiti kay Zane ng malaki. Matapos ang pag-skip nila sa isang subject ay nagdesisyon na silang pumasok nang makaramdam ng pagkabagot. Lahat din sila ay pawang Criminology ang kinuha at nasa ikalawang taon palang dahil naabutan sila ng K-12 Curriculum. “Tingnan mo nga ang mga mayayabang na yan! Akala mo sa kanila yung daan! Mga pangit naman! Hahaha.” Saad ng isang lalaking nakaupo pagkadaan nila CJ sa may hallway sabay tawa. Napatawa din ang apat nitong kasamahan na tila nang-iinsulto pa. Napatigil naman si CJ sa paglalakad nang marinig ang sinabi ng lalaki kaya napatigil din ang tatlo niyang kaibigan. Nagtaka pa ang mga ito pero nang makitang tila naka-beast mode si CJ ay naintindihan na nila. “Anong sabi mo?.” Maangas na tanong ni CJ pagkalapit sa lalaking nagparinig. “Bakit? Aangal ka?.” Maangas na tanong naman ng lalaki at tumayo. “Pare, mukhang lalaban ata ah.” Saad naman ng kasamahan nito na tumayo na din at naghanda. “Naghahanap ata ng sakit ng katawan eh.” Saad naman ng lalaki at muling tumawa. Napangisi naman si CJ at yamot na napatingin sa mga kasamahan ng lalaki. Lalo pa siyang nainis ng tinawanan lang siya ng mga ito. “Arrmmmmpp!!.” Gigil na sinipa ni CJ ang lalaki sa may tiyan dahilan para mapahiga ito sa mga kasamahan nito. “Hrrmmmpf!.” Muli pa nitong daing nang suntukin ito ni CJ sa may dibdib. Nagsisalihan na din ang tatlo niyang kaibigan kaya nagkarambulan na sila. Ang mga taong nandoon naman ay nanonood lang at hindi sila inaawat. “Hmmmpf!.” Daing ni Zane ng masuntok siya. Mabuti nalang at mabilis niyang naiwasan ang muli nitong pagsipa at gumanti ng sapak dito. Nagkagulo na nga sila at tila wala pang gustong umawat. Bugbog sarado na din ang mga lalaking kani-kanina lang ay tinatawanan sila. (Prrrriiiiiirrrrrrttttt!! Prrriiirrrttt!!.) Agad na pito ng kadadating lang na guwardiya at pinaghiwalay ang mga nagkakarambulan. Maging ang ibang teacher na mga lalaki ay tumulong na din para mapaghiwalay ang mga ito. . . “Who started the fight?!.” Agad na tanong ng guidance councelor na si Mr. Valdez na nakakunot noo nang dalhin na sa guidance office ang mga nagrambulan. May katandaan na din ito pero may pagka-chix boy pa rin. “Sila po sir!.” Agad na turo naman ng mga lalaki kina CJ. Magkaharap kasi ang mga upuan nila. “Anong kami, ha? Kayo!.” Matigas na salungat naman dito ni CJ. “Ano? Nananahimik kami eh! Kayo ang lumapit samin!.” “Eh paanong hindi lalapit? Eh para ka kasing babae kung pumutak!.” “Eh siraulo ka pal---.” “Eh gago ka di---” “SHUT UP! TUMIGIL NA KAYO!.” Napasigaw na din si Mr. Valdez dahil hindi pa rin natigil sa bangayan ang dalawang grupo. “At CJ! Ikaw na naman?! Kayo na naman?! Halos araw-araw na kayong nandito sa office ko ah! Wag niyo naman gawing classroom tong opisina ko!.” Inis pang saad ni Mr. Valdez na hindi na din alam kung anong gagawin kina CJ. Kung hindi kasi pakikipag-rambulan ay kung ano-ano pang kalokohan ang ginagawa ng mga ito. “Mr. Guidance Counselor, dumadaan lang po kami sa hallway per---” “Tumigil ka na! Wag ka ng gumawa pa ng mga palusot!.” Putol naman ni Mr. Valdez sa sasabihin ni CJ. Nanahimik nalang din si CJ at napakagat sa kanyang dila para pigilan ang inis niya. Bukod sa kita ang ebidensya kung sino ang dehado ay may nagtestigo din na sila CJ ang nauna sa pakikipag-rambulan kaya sila ang pinaiwan ni Mr. Valdez para bigyan ng parusa. Bilang parusa ay pinaglinis ang grupo ni CJ sa basketball court ng eskwelahan. Yamot na pumuntang basketball court naman sila CJ. Sumama din si Mr. Valdez para masigurong susunod sila CJ. Alam kasi nito ang ugali nila. “Broh, the heck! Masyadong madumi to!.” Agad na reklamo ng maarteng si Vin nang makitang madumi ang court. Napatingin naman si CJ sa mga kaibigan niya at palihim na napataas-baba ng dalawa niyang kilay. Nang makita ang ginagawa niya ay nagets naman agad ng mga kaibigan niya kung ano ang pinapahiwatig niya. “TAKBOOOOO!!!!.” Pilyong sigaw pa ni CJ at nagsitakbuhan na nga sila paalis. “CJ!!! CJ!!!! AAARRRGGGHHH!!!.” Malakas na napasigaw si Mr. Valdez nang makitang tumakbo paalis sina CJ bitbit ang mga bag nila. Hindi niya na din nagawa pang habulin ang mga ito. “Hahaha bilisan niyo mga broh!.” Masayang saad pa ni CJ habang patuloy silang tumatakbo. Dumaan din sila sa sekretong daan nila para makalabas ng eskwelahan. Tanging sila lang din ang nakakaalam nito. “Haah! Haah! Haah! Haah!.” Hingal na napatigil silang apat sa may di kalayuan ng kanilang eskwelahan. “Na-Nakakainis talaga yung panot na yun!.” Hingal na saad ni CJ na natatawa at tinutukoy si Mr. Valdez. “Haha. Akala niya siguro maiisahan niya tayo.” Saad naman ni Grey. “Ang mabuti pa pumunta nalang tayo sa Mall! Mang-chix hunting tayo! Hahaha.” Natatawang saad din ni Zane na pumupuso na ang mga mata. “Tara! Tara!.” Agad na sang-ayon naman ni Vin habang sina CJ at Grey ay napatango. Hanggang sa pumunta nga ng Mall ang apat. Inabot sila ng hapon dahil nalibang sila kakalaro ng mga games. May mga binili din sila. At minsan ay nagpapapansin pa sa mga babaeng magaganda. ⇨⇨⇨⇨⇨ Kasalukuyang naghahapunan sa dining area ang pamilya Sandoval. Tanging tunog na nagmumula sa kutsara at tinidor lang ang maririnig dahil sa sobrang tahimik at tila walang gustong magsalita. “Where have you been, CJ?.” Seryosong tanong ng padre de pamilya na si Christian Sandoval sa kadadating lang na bunso niyang si Chris Jean. Nakasuot ito ng black pants, black polo at black rubber shoes. May malaking headphone din ito na nakasabit sa kanyang leeg. Nakapang-mohawk din ang buhok nito na siyang kinagwapo nitong tingnan. “Project.” Simpleng sagot naman nito at nagsimulang humakbang ulit papuntang hagdan. “Don't give me that stupid reason!.” Galit ng saad ni Christian na napatayo pa mula sa pagkakaupo kaya napatigil naman sa paghakbang si CJ. “Akala mo ba hindi ko alam kung anong ginawa mo, ha?! The president of your school called!.” Sigaw pang saad ni Christian at galit na lumapit kay CJ. “I don't know what you're talking about.” Balewalang saad naman ni CJ na hindi nakatingin sa kanyang ama. “Really?! Then, what the hell is this?! Ha?!.” Pasigaw pang tanong ni Christian at pinakita ang isang video na nasa kanyang phone. Hindi naman nakasagot si CJ at nagpahalatang naiinip na. “Hindi ka ba talaga titigil sa kagaguhan mo, ha??!! You even run away from your punishment!..” Hawak na ni Christian sa kuwelyo ng damit ni CJ dahil sa inis nang mapansing tila wala manlang itong pakialam at hindi pa nakikinig. “Christian!.” Gulat na napalapit naman ang asawa nitong si Jennelyn para awatin ito. “I'm not even doing anything!.” Yamot at kunot-noong saad naman ni CJ. “Sumasagot sagot ka pa, ha??!! Ha!.” Nang hindi na mapigilan ni Christian ang galit niya ay sinuntok niya si CJ sa mukha nito. “Hmmppf!.” Daing naman ni CJ at napahiga sa sahig. “Christian, ano ba?!.” Pasigaw na awat naman ni Jennelyn at lumapit sa kanyang anak na napahiga sa sahig at inalalayan itong tumayo. Napahawak din si CJ sa kanyang panga kung saan siya natamaan. Maging ang tatlong kapatid ni CJ na sina Jayson, Jansen at Josh ay napalapit na din sa gawi ng kanilang ama. Hindi naman magawang pigilan ng mga ito ang kanilang ama dahil bukod sa takot sila dito ay hindi din nila gusto ang bunso nilang kapatid na si CJ. “Yan! Kaya lumalaki ang ulo niyang anak mo ay dahil kinakampihan mo! Do you know what she did, ha?! Nakipag-rambulan lang naman sa loob mismo ng kanilang eskwelahan!.” Galit pa ring saad ni Christian na dinuduro si CJ. “But you don't have to hurt her!.” Salubong naman ni Jennelyn sa galit ni Christian na tumayo pa sa harap ni CJ para hindi na ito masakatan pa ng kanyang asawa. “Don't lecture me on how am I going to discipline my child! Not in front of them!.” Sigaw pa ring saad ni Christian sa kanyang asawa. Laging ganito ang eksena sa loob ng kanilang bahay. Sa tuwing kinakagalitan at sinasaktan ni Christian si CJ ay laging pumapagitna si Jennelyn para ipagtanggol si CJ. “Well, sorry! Because this is not the right way to discipline MY child! Not when I'm alive!.” Matigas namang saad ni Jennelyn emphasizing the word "My". At sa tuwing nagkakasagutan sila ay laging si Christian ang napapatameme dahil sa hindi nagpapatalo ang kanyang asawa. “Starting today, no more car and credit cards!.” Galit pang saad ni Christian kay CJ saka umalis at hindi na tinapos ang pagkain. Hindi naman sumagot si CJ na halatang walang pakialam. “You okay, nak?.” Nag-aalalang tanong naman ni Jennelyn kay CJ at napahawak sa mukha nito. “I'm fine, mom.” Sagot naman ni CJ. “Tsk! When will you gonna learn a lesson, CJ?.” Patutyang tanong naman ni Jansen na napapailing pa. Pangalawa ito sa kanilang magkakapatid na dalawampu't limang taong gulang na. “You're old enough to be a spoiled brat!.” Yamot namang segunda ng dalawampu't pitong taong gulang na panganay na si Jayson. “Hah!.” CJ smirked. “Don't act as if you, guys, don't know! Wala na akong ginawa para sa inyo kundi puro mali!.” Inis pang saad ni CJ. “Why? Are you even doing something right?.” Inis namang tanong ng pangatlo sa magkakapatid na dalawampu't apat na taong gulang na si Josh. “Boys, ano ba! Pati ba naman kayo?!.” Inis namang saway ni Jennelyn sa kanyang tatlong anak. “Let them be, mom! Lagi naman silang ganito eh! Laging nagpapasipsip kay dad!.” Inis pa ring saad ni CJ. “Anong sabi mo, ha?!.” Pasigaw at galit namang saad ni Jayson at lumapit kay CJ. “Wala ka talagang respeto, eh noh?!.” Tulak pa ni Jayson kay CJ kaya napaatras ito. “Jayson, I said stop it!.” Galit ng saway ni Jennelyn kaya napatigil na din si Jayson. “Bakit ba lagi mong kinakampihan yang tomboy na yan, mom? Kaya lumalaki ang ulo eh!.” Inis pang saad ni Josh. “Dapat diyan pinapalayas eh!.” Saad naman ni Jansen. Napatingin naman ng masama si CJ sa tatlo niyang kapatid. Hindi nalang din siya sumagot pero pinapakita niya sa kanyang mga mata na hindi siya magpapaapi sa mga ito. “Eh kayo?! Hindi ba kayo makikinig sakin?! Asan din ang mga respeto niyo, ha?! Gumagaya-gaya din kayo dun sa ama niyong wala ng inatupag kundi trabaho!.” Dahil sa nakikitang galit sa mukha ng kanilang ina ay hindi nalang din muli pang umimik ang tatlo. “At ikaw Jansen!.” Turo niya pa sa pangalawa niyang anak. “Wag na wag ko na ulit maririnig sayo ang pagpapalayas na sinasabi mo, ha! I'm telling you!.” Saad pa ni Jennelyn dito na may kasamang pagbabanta ang tono. Walang salitang umalis nalang din ang tatlo habang masama pa din ang tingin kay CJ. Binabantaan din nila ito sa pamamagitan ng tingin. Lalo pa silang nainis dito nang makitang nginisihan lang sila nito. Agad na napahalik si CJ sa mom niya pagkalingon nito kaya agad na din siyang naglakad papunta sa kanyang kwarto matapos magpaalam dito. ~ ~ ~ ⇨acacabas_019ツ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD