Chapter 1
3 A.M (ROOM 2)
Hello horror loverz...
First time kung magsulat dito sa w*****d. Please let us support each other. Sana ay bigyan nyo ng chance.
Thankies in advance..hehe
___ ___
Pls. NOTE:
*Lahat po ng kwentong nakapaloob dito ay hango po sa mga totoong karanasan ng may akda. Kung meron man pong pagkakapareho sa mga pangalan, lugar at pagyayare ay nagkataon po lamang.
*Para mapangalagaan ang mga pagkakakilanlan ng mga taong nakapaloob sa kwentong ito ay ninais ko pong ibahin ang kanilang mga pangalan.
*Hangad ko po ang inyong pag-unawa. Fell free to chat me anytime. ❤️
___ ENJOY and be SCARED ___
Bago po ang lahat, kilalanin po muna natin ang mga taong napapabilang sa kwento:
1. Apple - Me, Myself and I
2. Tito Noy - Landlord
3. Tita tere - Landlady at pinsan ni Mama
4. Cara - Anak na panganay nila tita tere at tito noy, second cousin ko
5. Lito - Anak na pangalawa nila tita tere at tito noy, second cousin ko
6. Bebe - Bunsong anak nila tita tere at tito noy, second cousin ko
7. Rey - dating estudyante ni tita tere at ngayon ay tumutulong sa bahay
8. Inday - katulong sa bahay nila tita tere
9. Bro - kapatid ni tito noy at kaklase ko
10. Sampo pang mga boarders
Sana po ay mag enjoy kayo :) :)
___ ___
Ito ay nangyari noong college ako at sa pinakaunang boarding house ko.
Dahil sa malayo ang bahay namin sa kung saan ako nag-aaral, kailangan ko pang maghanap ng boarding house na malapit sa School. Hindi naman ako nahirapang makahanap dahil ang pinsan ni Mama na si tita tere ay mayroong boarding house na walking distance lang. Dahil sa kamag-anak ay walang atubiling doon na ako nag-board. Labing siyam kaming lahat ang nakatira sa boarding house.
Malaki ang boarding house, may limang kwarto sa unang palapag at dalawang kwarto naman sa itaas. Kung titingnan ito sa labas ay medyo matatakot ka at mahihiwagahan dahil sa bago itong gawa pero wala itong pintura. Meron itong gate at malapad ang bakuran. Mayroon itong poso sa bakuran at maliit na banyo na sadyang ginawa para sa mga gustong maligo sa labas. Sa likod ng boarding house ay mayroong malaking puno ng balete na nakatapat naman sa likod ng paaralan ng high school.
(Room 2) Unang paramdam
Ang room 2 ay nasa gilid ng hagdan na paakyat sa pangalawang palapag. Mayroon itong dalawang double deck na magkaharap. Ang roommates ko ay sina Cara at Lito (nasa kabilang double deck) at si Inday. Ako at ang katulong ay nasa iisang double deck(ako ang nasa itaas na bahagi at sya ang nasa ibabang bahagi).
3 A.M ng magising ako dahil sa sakit ng aking kanang braso. Nagmulat ako ng aking mga mata at ng maka-adjust na sa dilim ang aking mga mata ay may nakita akong matangkad na itim na lalaki na nakahawak sa kanang braso ko. Pinipilit kong kunin ang aking braso pero habang nagpupumiglas ako ay lalo lang itong sumasakit. Wala akong makitang mukha, itim ang buo nitong katawan at nakasuot ito ng maong na pang itaas at sombrebong katulad ng sa mga magsasaka sa bukid. Ang pinagtataka ko lang ay bakit ang tangkad nito. Nasa itaas na bahagi ako ng double deck pero mga 6 inches nalang ay abot na ng kanyang ulo ang kisame.
Nang hindi ko na talaga kaya ang takot ay ginising ko si Cara na nasa kabilang double deck. Pinabuksan ko ang ilaw. Pagbukas nito ay wala kaming nakita at lahat ay tulog maliban lang sa aming dalawa. Kinwento ko sa kanya na may matangkad na lalaki ang nakahawak sa braso ko. Nung una ay ayaw nyang maniwala dahil baka daw masama lang ang panaginip ko pero pagtingin namin sa braso ko ay sabay kaming nagulat. Meron itong bakat ng malalaking daliri at pulang pula.
___ ___
Tawag (Room 1)
Hello loverz..
___ ENJOY and be SCARED ___
___ ___
Ito naman ay nangyari ng second year college ako.
Dahil sa may nadagdag na boarders ay lumipat ako sa Room 1. Katulad ng Room 2, ganon rin ang set up ng Room 1, meron itong dalang double deck at nasa itaas na bahagi parin ako nakapwesto.
Sabado ng umaga, kakaunti lang kami ang natira dahil sa ang ibang mga boarders ay umuwi muna sa kani-kanilang mga bahay at pagka linggo nalang ng hapon or gabi babalik.
Tuwing sabado ay nakasanayan ko na talagang maglaba ng mga damit at uniforms. Apat lang kami ang natira sa boarding house, Ako, Cara, Lito at Rey.
Lahat kami ay nasa labas ng boarding house, ako ay naglalaba sa poso at ang tatlo ay nagkukwentuhan sa may kubo, mga apat na metro ang layo mula sa poso.
Napakatahimik ng paligid at tirik na tirik na ang araw kahit na 8 A.M palang. Kung ano kaliwanag sa labas ay ganon naman kadilim sa loob ng boarding house kahit na umaga palang.
Pumasok ako ng boarding house at dumeretso sa loob ng kwarto para kumuha ng mga hanger. Habang inaayos ko ang mga hanger na dadalhin ko sa labas ay may tumawag sa pangalan ko. Lumabas ako ng kwarto para naman masilip ko kung sino ang tumawag sakin. Pero paglabas ko ng kwarto ay katahimikan ang naabutan ko. Hinayaan ko nalang at baka sina Cara at Lito lang yun at hinahanap ako dahil sa hindi na nila ako makita sa labas.
Nung papalabas na ako ng kwarto habang bitbit ang mga hanger ay may tumawag ulit sakin at ngayon ay nabosesan ko na, si Rey pala.
Paglabas ko ay nakita ko silang tatlo sa kubo at nagtatawanan dahil sa pinapanuod nila. Tumigil ako at tinanong ko si Rey kung bakit nya ako tinatawag. Nagtinginan silang tatlo at lalong lumakas ang tawanan dahil sa akala nila ay nabingi ako at akala ko ay ako ang pinagtatawanan nila. Pero tumigil din sila ng makita nilang seryoso ako.
Sinabi ni Cara na "wala namang tumawag sayo ate".
"Ha? dalawang beses panga akong tinawag akala ko may kailangan or may ipapadala kayo sakin," sabi ko sa kanila.
Lahat sila ay umayos ng upo at sinabing hindi nga raw nila namalayan na pumasok pala ako ng boarding house.
"Sino yung tumawag sakin? Imposibleng mabingi ako dahil sa ang tahi-tahimik at apat lang tayo dito plus dalawang beses pa akong tinawag. Boses mo Rey ang narinig ko."
"Hindi kami umalis dito teh pramis." sabi ni Lito habang natatakot.
Pagtapos kong magsampay ay hindi na kami pumasok sa boarding house hanggang sa dumating si Tito noy .
___ ___
Thank you sa support nyo loverz...
Please don't forget to vote, add to library and follow me.
I'll follow you back as long as makita ko agad...
Take care ❤️❤️❤️
Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan habang nagbabasa ng mga kwento ko.
Thank you for giving this a chance...❤️
Love lots...