CHAPTER 22 : END OF TRAINING... Third Person POV Pasikat pa lang ang araw pero nag sasanay na agad si Luna sa tabi ng ilog. Sa tatlong buwan na pagsasanay niya sa tulong ng kanyang gurong Marcus ay masasabi na madami siyang natutunan. Mas tumibay na ang kanyang katawan , ang kanyang isipan at lalo na ang kanyang damdamin. Hindi naging madali sa kanya ang unang buwan na pagsasanay pero dahil sa determinasyon niyang lumakas ay napagtagumpayan niya ang lahat ng pagsubok na binigay sa kanya ni Marcus. At masasabi ni Marcus na malaki ang pag improvement ni Luna at pagbabago. Hindi na siya yung iyaking Luna na susuko agad sa maliit na pagsubok. "Sa tingin ko naituro ko na lahat ng pwede kong ituro sa kanya." Sabi ni Marcus kay Celestina habang palihim nilang pinapanuod si Luna habang nagsasa

