bc

Devron Academy 1 : The Magical Stones (TAGALOG)

book_age12+
1.0K
FOLLOW
5.2K
READ
dark
powerful
brave
twisted
bxg
magical world
secrets
superpower
supernatural
special ability
like
intro-logo
Blurb

Dinala ni Axter si Luna sa Devron Academy dahil doon na lang ang ligtas na lugar para kay Luna sa Majika. Ngunit hindi pa siya nagtatagal ng dalawang araw sa mundo ng Majika ay kinamuhian na siya ng prinsipe ng Sacred Kingdom dahil sa pangyayaring hindi naman nila inaasahan at ginusto.

Maging ang konseho ng academy ay iniisip na silang dalawa ni Axter ay isang kalaban hanggang sa napagdesisyonan na bibitayin si Axter.

Ano ang dapat gawin ni Luna upang hindi matuloy ang pagbitay kay Axter? Maiiligtas ba niya ang taong nagligtas sa kanya? Matatanggal ba ang pagkamuhi ng prinsipe kay Luna sa pagdaanan nilang misyon o mas lalo lamang siya nitong kamumuhian?

Tunghayan natin ang mga pagsubok na kakaharapin ni Luna sa unang yugto ng buhay niya sa Majika.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 : Meet The Guardian
CHAPTER 1 : MEET THE GUARDIAN... Luna POV Nakapangulambaba ako sa desk ko. Inip na inip na ako. Nakakabagot kasi magturo ang physics teacher namin. Tumingin ako sa labas ng bintana. Napakunot ang noo ko nung may nakita akong lalakeng nakatayo sa puno at nakatingin sa akin. Hindi ko naman iniwas ang tingin ko sa kanya. Pero maya maya wala na siya dun. Isang kurap ko lang nawala na agad siya? Imposible. "Class dismiss." Sa wakas eto ang pinaka favorite ko na sabihin ng teacher namin. Inayos ko na yung mga gamit ko para makauwi na ako. "Luuuunaaaa!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. "Nagmamadali ka nanaman umuwi? Naku lagi na lang." Sabi ni Lucy. Si Lucy ang kaibigan ko na napaka hilig magbasa at manuod tungkol sa mga magic. Nakita ko ang libro na yapos yapos niya. Libro tungkol sa mga magic. Hays. Ang tagal tagal ko na sa kanyang sinasabing hindi totoo ang magic eh. "Magic nanaman? Lucy bakit ba ang adik adik mo jan sa mga magic magic na palabas na yan?" Sabi ko. "Eh kasi totoo sila saka ang astig kaya kapag may magic ka." Sagot naman nito sa akin na kumikinang pa ang mga mata. "Isip bata ka talaga. Hindi yan totoo. Hindi ako naniniwala sa magic." Sabi ko saka naglakad na paalis. "Luna saglit lang!" Pigil niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin. Totoo naman diba? Hindi naman totoo ang mga magic na yan. Hindi yun nag eexist. Habang naglalakad ako nakita ko ulit yung lalake kanina sa may puno. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba. Lumingon ako para makumpirma ko na hindi ako yung tinitingnan niya pero wala namang tao sa likuran ko. So ako nga ang tinitingnan niya? Pero bakit? Matangkad. Matangos ang ilong. Maputi. Kulay yellow ang buhok. Pati yung kulay ng mata niya yellow din. May hepa kaya to? Kaya yellow ang mata niya? Unti unti siyang naglakad papapalapit sa akin. Wait! Papunta sa akin? Kikidnapin niya ba ako? Waaaaaah! Nooooo! "Sumama ka sa akin? Paparating na sila." Sabi niya sabay hila sa kamay ko. "Teka sino ka ba? Hindi naman kita kilala eh." Pagpupumiglas ko pero ang lakas niya. "WAAAAAAAH! TULOOOOOONG! KIKIDNAPIN NIYA AKO!" Sigaw ko baka sakaling may sumaklolo sa akin. May iilan namang taong naglalakad eh. "s**t! Nandito na sila! Tara na bilisan mo bago nila tayo mahuli." Laking gulat ko nang bigla na lang naging kulay pula ang paligid pati na din ang ulap. Ang mga tao naman ay hindi gumagalaw na akala mo nafreeze sila. "Nananaginip lang ako. Hindi to totoo! Bitawan mo nga ako uuwi na ako!" "I'm your guardian. And I will protect you whether you like it or not!" Napatulala ako nang makita ko na naging kulay pula ang mga mata niya at buhok. Pulang pula. At may lumabas sa mga kamay niyang espada na napapalibutan ng pulang kuryente. Sabihin niyo hindi totoo ang mga nakikita ko diba? Ano daw? Loading..... Loading..... Loading..... Loading..... My guardian? "Hahahahahahahaha!" Nagtataka siyang tumingin sa akin. "Kuya? Ikaw? Guardian ko? Pinagloloko mo ba ako? Wag ako. Iba na lang. Ngayon bita------" Napatigil ako nung biglang lumakas ng hangin. Sobrang lakas. Kung hindi lang siguro ako hawak nentong weirdong lalakeng to natangay na siguro ako. "Magtiwala ka saka wag mo akong tawanan sa gantong sitwasyon natin." Sabi niya ng seryoso. Bakit sa akin nagyayari ang ganitong weirdong mga bagay? Mababaliw na ako! Pero joke lang masasayang naman ang kagandahan ko. Hahaha. Oh wag na kayo kumontra. "Matulog ka muna prinsesa. Mamaya pag gising mo nasa mundo na tayo kung saan ka nabibilang." Bulong niya at hinalikan ako sa noo. "Sino ka ba saka bakit mo ako hinalikan sa noo? Manyak ka no?" Ngumiti lang sa akin. Inaantok na ako. Pinipigilan ko na hindi ako makatulog pero traydor ang mga mata ko. Nagising na lang ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Anong oras na kaya? Dali dali akong bumangon at tinignan ang relo ko. "Huh?" Nagulat ako nung hindi na gumagana ang relo ko pero alam ko kakabili ko lang neto nung isang araw. "Pati yung panaginip ko kagabi ang weird. Meron daw lalake na kumuha sa akin may dilaw na buhok pati mata. Katulad ng nasa harapan ko ngayon." Napatigil ako saka muling bumalik sa lalakeng nasa harapan ko. "WAAAAAAAAAAAH!" Sigaw ko saka binato ang lalakeng nasa harap ko. Pero mas lalo lang akong nagulat ng biglang lumutang sa ere ang binato kong unan sa kanya. Tapos papalapit siya sa akin. "Waaaaaah! Wag kang lalapit sa akin!!!" Sigaw ko at muling lumutang ang binato ko sa kanya. Naiiyak na ako dahil natatakot ako. Hindi! Panaginip lang ang lahat nang to. Pinagsasampal ko ang sarili ko para magising ako pero nasa harap ko pa din siya. "Prinsesa wag mong saktan ang sarili mo." Pigil niya sa akin. "Bitawan mo ako!" Sigaw ko sa kanya at natigilan naman ito. "Paumanhin prinsesa sa aking kalapastanganan." Hingi niya ng sorry. Pero bakit napaka lalim naman ata niyang magtagalog. "Halika prinsesa kagabi ka pa hindi kumakain kaya sigurado akong gutom ka na." Yaya niya sa akin. Tinignan kong mabuti ang itsura niya. Dilaw pa din ang buhok niya pero ibang kulay na ng mata niya. "T-teka totoo ba lahat ng nangyari kahapon? Hindi ako n-nanaginip?" Natatakot pa din ako pero nakuha ko pa ding magtanong sa kanya. Curious pa kasi ako eh. "Oo lahat ng yun ay totoo at hindi isang guni guni lang. Kung gusto mong ipaliwanag ko sayo ang lahat nasa hardin lamang ako." Sabi niya saka siya lumabas. Kung lalabas ako malalaman ko talaga ang nangyayari sa akin? Pero paano kung paglabas ko ay saktan niya ako? Baka nagkukunwari lang siya? Pero may bumubulong sa isip at puso ko na dapat akong lumabas. Hays bahala na nga pag iisipan ko na lang muna. Axter POV "Paano kung hindi siya sumunod sayo at takasan ka lang? Sayang paghihirap mo para lang mahanap siya." Kausap sa akin ng blue flame fairy ko.. "Magtiwala ka lang sa kanya katulad ng pagtitiwala mo sa akin." Sabi ko sa kanya habang hinahaplos ang ulo niya. "Sabi sayo pupuntahan niya ako eh." Nakangiti kong sabi sa alaga ko. "Sinong kausap mo?" Humarap ako sa kanya at pinakita sa kanya si Exie. "Ang baby blue flame fairy ko." Sabi ko at halata sa kanya na nagulat nanaman siya. "A-ano yan?" Tanong niya sabay turo sa fairy ko. "Exie makipaglaro ka muna sa iba pero mag ingat ka ha." Sabi ko sa fairy ko at pinalipad siya. "Fairy nga prinsesa. Halika umupo ka at kumain. Huwag kang mag alala dahil walang lason yan." Oo iniisip niyang may lason ang pagkaing inihandan ko sa kanya. "Pa-paanong?" "Nababasa ko ang isip mo." Sagot ko sa kanya. "Weh? Sige nga?" "Nababaliw na ba siya? Sa tingin niya ba maniniwala ako sa sinasabi niya?" Napangit naman ako sa narinig ko. "Una oo dapat maniwala ka. Pangalawa. Hindi ako baliw." Nanlaki naman ang mata niya dahil sa sinabi ko. "Oo na panalo ka na. Pero bakit mo ba ako kinidnap? Saka bakit prinsesa ang tawag mo sa akin? Saka nasaan ako?" Sabi niya habang nakain ng mansanas. "Hindi kita kinidnap prinsesa niligtas kita kasi may papatay sayong mga dark shadow." Paliwanag ko sa kanya. "Papatay sa akin? Isa lang akong ordinaryong babae. Saka anong dark shadow?" Hindi ko akalain na ganito pala kahirap to ipaliwanag sa kanya. "Makinig ka ha?" Tumango naman siya grabe ang takaw pa nito. "Ang mga dark shadow ay yung masasamang nilalang na may kapangyarihang itim. Puro pananakop at pagpatay ang nasa isip nila. Wala silang awa sa mga nilalang na mas mahina sa kanila. At hindi ka ordinaryong tao dahil isa kang maharlika. Ikaw ang nilalang na nasa propesiya ng puting mata." Mahaba kong paliwanag sa kanya. Grabe halos naubos na niya lahat ng prutas na inihain ko sa kanya. "Wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo." Naka pout niyang sabi. Ang cute naman. Erase erase earse. Naku Axter tigilan mo yan prinsesa ang nasa harap mo. "Wag kang mag alala ipapaliwanag ko naman sayong lahat eh." Magsasalita sana siya kaso may tumamang maliit na kutsilyo sa mansanas na dapat ay kakainin na niya. "Waaaaaaaaah!" Sigaw niya dahil sa gulat. Masama to natunton nila kami. Agad kong kinuha ang kutsilyo hanggang sa hinila ko si Princess Luna. "Aaaaaaaah! Anooooo yan?" Natatarantang tanong ni Prinsesa Luna. "Mga ninjas sila." Binilang ko sila mahigit bente sila. Nasaan na ba si Exie? "Pero bakit wala silang mga mukha?" Sabi niya saka nagtago sa likod ko. "Waaaaah gusto ko na umuwiiiiii." Hindi ko alam na isa palang isip bata si prinsesa. Naalerto ako nung may sumugod sa aking isang ninjas at balak niyang kunin sa akin si princess pero agad kong nahila ang prinsesa. "Tumakbo ka na. Hanapin mo si Exie. Sige na prinsesa." Tinulak ko siys at kinuha ko ang espada ko. Hinarangan ko ang mga ninjas na gustong kumuha kay prinsesa. "Hinding hindi niyo siya makukuha." Sabi ko at inisa isa ko silang pinatamaan ng espada ko. May limang pasugod sa akin kaya inihanda ko ang sarili ko. Nang malapit na sila sa akin ay tumalon ako sa pinakamalapit na puno saka iwinasiwas sa kanila ang espada ko. Ang espada ko ay may kakahayaang parang sa isang boomerang. Pg inihagis mo ito ay kusa itong babalik sa may ari. "Aah bitawan niyo ako!!!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. "Prinsesa." Pupuntahan ko na sana siya kaso may pumana sa akin ng dalawang beses at natamaan ako sa balikat at sa paa. Natanaw ko na hinihila ang prinsesa ng dalawang ninjas. Pinikit pikit ko ang mata ko dahil nanlalabo ito sa palagay ko ay may lason ang panang tumama sa akin. "Prinsesa." Bulong ko dahil unti unti na din akong nanghihina pero bago yun may narinig akong isang nakakabinging sigaw. Sigaw na mula sa kanya at nagkaroon ng isang puting liwanag na bumalot sa aming lahat. Kasabay ng pagkawala ng liwanag ay siya ding pagkawala ko ng malay. ---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
292.2K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
316.4K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.3K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.8K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.3K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook