Chapter 2 : Ala-ala

1009 Words
CHAPTER 2 : ALA-ALA... Luna POV Nakatingin ako sa lalakeng may dilaw na buhok na ngayon ay nakahiga sa kama. Dalawang araw na siyang tulog pagkatapos kaming atakehin ng mga ninjas. Sa tingin ko ako ang pakay nila. Gusto nilang patayin ang susunod na mamumuno sa White Clan. Gusto nila akong patayin. Oo ako nga. Alam ko na ang lahat. Naalala ko na. Nangyari iyon nung ginusto kong iligtas yung lalakeng may dilaw na buhok. Sumigaw ako pagkatapos nabalot ang buong paligid ng nakakasilaw na liwanag. Pagkatapos nun namalayan ko na lang na lumulutang ako sa ere. Kumikinang ang katawan ko at may alaalang nagflaflash sa utak ko. May mga pangyayari din na nagpakita sa isip ko. May maliliit na boses ang kumakausap sa akin. Hanggang sa naalala ko na ang lahat. Napatayo ako mula sa kinauupuan ko nang makita ko na unti unti nang nagigising yung lalakeng kumuha sa akin mula sa mortal ng mga tao. Naalarma ako sa pagkakataong ito. Paano kung kalaban din siya? Paano kung isa siya sa gustong pumatay sa akin? Pero siya yung nagligtas sa akin. At kung may balak siyang patayin ako sana noong nasa mortal world pa kami. "Wag kang magpapalinlang." Sabi ko sa isip ko. Tama lang na mag ingat ako. Dahil sa mundong ito wala dapat akong pagkatiwalaan. "Sino ka?" Tanong ko at tinutok ko sa leeg niya ang dagger na hawak ko at tila nagulat pa ito sa aking ginawa. "P-prinsesa." Utal utal na sabi niya. "Sabi ko sino ka?!" Mas inilapit ko pa ang talim ng dagger sa leeg niya. Nakita ko naman na nagpipigil siya ng hininga. "Paano siya makakapagsalita kung sobrang lapit ng hawak mong patalim sa leeg niya." Napatingin ako dun sa fairy na nakalutang sa harap naming dalawa. Sa pagkakatanda ko siya si Exie. "E-Exie!" Saway niya sa kanyang fairy. "Huwag kang lalapit kundi itatarak ko talaga ito sa leeg niya." Pagbabanta ko sa kanilang dalawa. "Alam mo mahal na prinsesa hindi kami ang kalaban mo." Napaisip ako sa sinabi ni Exie. "At alam ko na din na natatandaan mo na ang lahat ng nangyari sayo siyam na taon na ang nakakaraan." Dugtong ng madaldal na fairy. Napatingin ako sa lalakeng tila nagulat sa kanyang nalaman. Pagkatapos ay umaliwalas ang kanyang mukha. Tila natutuwa dahil naalala ko na ang lahat. "T-totoo ba yung sinasabi niya mahal na prinsesa?" Nakatingin na sabi niya sa akin. Nakikita ko sa mata niya ang kasiyahan at wala man lang bahid ng kasamaan. Dahil dun inalis ko na ang patalim na hawak ko sa leeg niya. "Ako si Axter mahal na prinsesa ang angkan namin ay buong tapat na naninilbihan sa inyong clan." Ramdam ko sa boses niya ang buong katapatan. "Nasaan na ang aking mga magulang?" Tanong ko kay Axter na ngayon ay nag iimpake ng damit at mga gamit. Nagtataka nga ako kung bakit siya nag iimpake eh. Itinigil muna niya ang pag aayos saka siya tumingin sa akin ng malungkot. "Patawad mahal na prinsesa. Nagkasakit ang iyong ina simula nung mawala ka at ikinamatay niya ito." Malungkot na sabi ni Axter na siyang ikinalambot ng tuhod ko. Napaupo ako sa isang silya. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o magalit. Naghahalo yung emosyon ko. Ni hindi ko man lang nakita ang aking ina. Nawalay pa ako sa kanya ng matagal. "A-ang aking a-ama?" Utal utal na sabi tanong ko. Nagbabakasakaling may ama pa akong uuwian dito. "Si Master Morgan ay nasawi naman sa pakikipaglaban upang maprotektahan ang apat na magical stone." Nakayukong sabi ni Axter. Nakakuyom ang mga kamao niya. "Lumusob ang Grisser Clan para tangkaing makuha ang magical stone. Pero buong tapang nakipaglaban sa kanila si Master Logan. Para ko na din siyang ama mahal na prinsesa kaya naman sobrang sakit din sa aking nangyari." Dagdag niya at unti unti nang tumulo ang aking luha. Walanghiya sila! Dapat magbayad sila. "Papatayin ko sila!" Tumayo ako sa kinauupuan ko. Sa oras na ito galit ang namamayani sa akin. Dahil sa kanila nawalay ako sa magulang ko at ngayon naman ulila na ako. "T-teka mahal na prinsesa delikado ang gagawin mo." Pigil sa akin ni Axter. "Wala na akong pake! Ang basta mabigyan ko ng katarungan ang pagkamatay ng aking magulang!" Lalakad na sana ako kaso hinawakan ni Axter ang braso ko. "Bago malagutan ng hininga si Master Morgan ipinagbilin ka niya sa akin. Hanapin daw kita at proteksyonan. Kaya hindi ko hahayaan na masaktan ka." Habang sinasabi niya sa akin iyon ay nakatingin siya sa aking mga mata. "Saka kung tutuusin. Walang wala kang magagawa ngayon laban sa Grisser Clan mahina pa ang pisikal na lakas at ang kapangyarihan mo. Kaya pakiusap mahal na prinsesa manatili ka lang sa tabi ko at hayaan mo na proteksyonan kita." Nakangiti niyang sabi sa akin na siyang ikinatulala ko. Maya maya nang mahimasmasan ako binawi ko ang kamay ko at tumalikod ako sa kanya. Ayoko makita ang ngiti niya. Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Hindi naman habang buhay dedepende ako sayo. Ayoko maging pabigat. Kailangan ko matutong lumaban na mag isa." Sabi ko. Tungkulin ng isang prinsesang katulad ko na matuto ng ganung bagay. Hindi porket sinabing prinsesa ay lagi na lang itong dedepende sa taga pagligtas niya. "Huwag kang mag alala tutulungan kita." Tugon niya sa akin. Kahit na hindi ako nakatingin sa kanya alam ko na nakangiti nanaman siya. "Umaasa ako na matutulungan mo ako. Magpapahangin muna ako." Sabi ko sa aking isip bago lumabas at alam ko na nabasa niya ito. Axter POV "Bakit hindi mo sinabi sa kanya ang katotohanan?" Tanong sa akin ni Exie na napapailing. Nakatanaw ako sa kanya habang naglalakad siya. Magpapahangin muna daw siya. "Sa tamang panahon malalaman niya din ang katotohanan." Sabi ko na lang at itinuloy ang pagiimpake. "Sigurong magagalit siya sayo kapag nalaman niya ang totoo." Sabi ni Exie habang palipad lipad sa tabi ko. Una pa lang alam ko na darating ang araw na iyon. Pero kailangan kong gawin ito. "Alam ko. Pero ang mahalaga ngayon nakita na natin siya. Kaya kailangan magawa na natin ang susunod na plano." Sabi ko bago ko isara ang bag. "Ikaw ang bahala. Binalaan na kita Master Axter." Sabi sa akin ni Exie bago siya naglaho. Patawad mahal na prinsesa pero kailangan kong gawin ito. Para sa ikabubuti ng lahat. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD