Luna POV "Ano ba! Inaantok pa ako eh!" - Smith "Bakit hindi ko magamit ang kapangyarihan ko?" - Hezreal "Nasaan si Leo?" - Kristal "Aray! Papasok naman eh bakit kailangan pa kaming itulak." - Smith "L-Luna?" - Antonette "Si Luna nga! Damit niya yan eh." - Hezreal Kanina pa ako gising pero hindi ko magalaw ang buong katawan ko. Maging ang pagmulat lang ng mata ko ay di ko pa magawa. Ramdam ko pa din ang halaman na bumalot sa buong katawan ko. Naririnig ko din ang boses ng mga kasamahan ko ibig sabihin nandito rin sila. Unti unti kong nararamdaman na may nagtatanggal ng mga halaman na nakabalot sa katawan ko. Unti unti na din akong nakakahinga ng maluwag. Nang tuluyan nang matanggal ang halaman ay bigla akong napabangon at huminga ng ubod ng lalim. At pagbukas ng mata ko ay isang nak

