Luna POV "Ang ganda naman niya." Sabi ni Smith habang nakatingin sa babaeng nakahiga sa may damuhan ngayon. "Wag kang maingay baka magising siya." Sita naman sa kanya ni Hezreal. "Edi ayos para malaman natin ang pangalan niya saka kung ano ba ang nangyare sa kanya." Nakangiting sabi ni Smith. May kakaiba sa ngiti niya ah. "Sus kunwari ka pa jan." Natatawang sabi ni Antonette. "Mas maigi na magising na nga siya." Sabi naman ni Leo. "Diba? Sabi sa inyo eh." Pang aasar ni Smith. "Pati ba naman ikaw?" Hindi ko alam pero sumagot na ako. "Tss. Magiging sagabal lang siya sa gagawin natin." Masungit na sagot ni Leo sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa narinig ko. Hindi ko namalayan na nakangiti na ako. "Anong nginingiti mo jan?" Tanong sa akin ni Leo. "H-huh? Hindi ako nakan

