Luna POV "Mag iingat kayo kapag hindi niyo na kinaya ang sitwasyon magbigay kayo ng senyales para mapuntahan namin kayo agad. At ganun din ang gagawin naming tatlo. Hangga't maaari huwag kayong maghihiwalay na tatlo. Clear?" Mahabang paliwanag ni Leo kila Hezreal , Antonette at Kristal. Napagkasundun kasi namin na maghiwalay hiwalay para mapabilis ang kilos namin. Pero nung una ay tutol pa si Leo pero wala siyang nagawa dahil mas mabuti na din ito para makabalik na kami sa academy. Nahati sa dalawang grupo at ang unang grupo ay sina Hezreal , Antonette at Kristal at sa kasamaang palad ay napunta ako sa grupo ni Leo kasama si Smith. "Mag iingat din kayo magkita na lang tayo sa napagkasunduan nating lugar." Ang sabi ni Hezreal. "Sige na tara na at malapit nanamang sumikat ang araw." Sabi

