Antonette POV Nandito na kaming lahat sa punong bulwagan maging si Luna. Kumpleto din ang mga councils. Nandito na rin si Headmaster at natutuwa siya na nakabalik na kami. Pagkatapos kasi naming ihatid si Axter sa infirmary ay nagpahinga muna din kami saglit doon. Maya maya inaya na kaming lahat ni Leo na pumunta nang infirmary. Ayaw pa nga iwanan ni Luna si Axter pero nagpumilit lang si Leo. Kailangan daw harapin ni Luna ang mga councils. Ilang minuto na rin kaming nandito pero ang ginagawa lang ni Leo ay pabalik balik siyang naglalakad. Halos wala din nagsasalita sa amin. "Alam niyo naman siguro ang kaparusahan sa mga traydor hindi ba?" Biglang awtoridad na tanong ni Leo at tumingin siya sa mga councils. Minsan mas natatakot pa ako kay Leo kesa sa amang hari niya. Kung hindi mo kasi

