[Academy Dungeon] Axter POV "Nabalitaan mo na?" Walang emosyon na sabi ni Exie sa akin habang palipad lipad siya sa harap ko. Napangiti na lang ako sa tinuran ng baby flame fairy ko. "Bakit tila masaya ka pa na bibitayin ka na mamaya Master Axter?" Tanong muli sa akin ni Exie. "Hindi ka ba natatakot?" Sunod na tanong sa akin ni Exie. "Ilang digmaan at labanan na din ang pinanggalingan ko Exie. Simula nang sumumpa ako sa harap ng aking master ay wala na akong karapatang matakot." Nakangiti kong sagot sa tanong ni Exie. "Saka may tiwala ako sa kanya. Alam ko na parte ito ng plano niya. At alam kong hindi niya ako pababayaan. Parang hindi mo naman siya kilala Exie." Natatawang sabi ko kay Exie. "Ang sabihin mo umaasa ka na babalik si Prinsesa Luna dito dala ang mga mahiwagang bato." W

