2 Sophia

544 Words
Pagbaba sa bus naghanap muna siya ng waiting shed para makapagpahinga. Nangangalay siya sa haba ng biyahe na halos limang oras kasama pa ang medyo trapik.Nang makakita ng upuan ay agad siyang lumapit dito at umupo. Kinuha din niya ang kanyang cellphone at kinontak si Aling Dolor na agad din nitong sinagot. "Oh Pia,saan kana ba?Nakasakay ka ba ng maayos?"bungad nito sa tawag niya. "Ayos lang po Aling Dolor.Andito na po ako sa Maynila kaso po hindi ko alam ang address na 'to kung ano ba yung sasakyan ko." "Naku simple lang yan hija..magtanong ka sa mga guard na nakikita mo kung kung pano makarating dito.At hihintayin kita sa labas mismo ng gate ng maging amo mo.Ipapakilala pa kasi kita sa kanya,wika nito. Luminga linga naman siya para maka- hanap ng guard at swerte siya may na- tanaw siya sa di kalayuan. "Aling Dolor,ibaba ko na po at mayroon na akong nakita.Tatanungin ko na po siya."Paalam niya sa kabilang linya. "Sige Pia at tumawag ka nalang kapag nasa byahe kana papunta dito at para makapagpaalam din ako sandali sa amo ko ha." "Sige po Aling Dolor.Salamat po sa alok niyo dito malaking bagay po ito para sa akin",sinserong wika niya. "Walang anuman yun hija.Hindi na din iba sakin Sandra kaya ganun ka rin.Ina ko si Sandra at magkakilala nga mga ito nang buhay pa si mama. Nang makapagtanong kay manong guard ng address agad na akong naghanap ng jeep na masakyan at huminto nga ito sa isang exclusive na subdivision.Sa mga tv ko lang ito nakikita.Meron din naman sa lugar namin kaso hindi sobrang ganda at classic nang subdivision na nasa harap ko.VILLA DE MERCED!Basa ko sa malalaking letra na nakaukit sa bato. Labas pa lamang ay bongga na at nasisi guro niya pati loob bongga din ang mga bahay.Sumakay siya sa tricycle na nakapila doon at sinabi din niya ang block ng bahay na pupuntahan.Bago umandar ang tricycle nagtext na siya kay Aling Dolor na nakasakay na siya ng tricycle.Ilang segundo nagreply na din ito sa kanya na naglalakad na ito papun- ta sa bahay ng magiging amo niya.Alam din daw nang magiging amo niya na ngayon ang kanyang dating.Excited siya na kinakabahan.Excited dahil magiging katulong siya sa mayaman pero kinaka- bahan din baka masungit at nananakit ang kanyang amo.Ayaw niya ng ganun baka umuwi na lamang siya sa San Ignacio kung ganun din lang ang trato nito sa kanya. "Miss,andito na tayo sa address na bigay mo,"untag sa kanya ng driver. "Salamat kuya." Ngumiti lamang ito sa kanya bago ito umalis napailing iling pa ito. "Kayganda mong dalaga pero katulong lang naging trabaho." Hindi na lamang niya ito pinansin at ngumiti lamang siya dito bago nilingon si Aling Dolor na malawak ang pagkaka- ngiti sa kanya. "Naku Pia lalo kang gumanda ngayon at hindi yata bagay sa'yo ang kasambahay. "Aling Dolor naman.Pati ba ikaw hindi pa rin naniniwala na lahat kaya ko?,kunyari pagtatampo niya dito. "Oo na..hindi na.Siya at pumasok na tayo sa loob.Malapit lang naman dito ang bahay ng amo ko kaya okay lang na medyo magtagal ako dito at ipapakilala kita sa amo mo." Nang magdoorbell ito sa malaking gate na kulay itim,binuksan din agad ito ng guard na nasa loob. "Pati guard meron sa loob ng bahay".nai- saloob niya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD