1 Sophia

591 Words
Mataman kong pinagmasdan ang lugar kung saan ako isinilang at lumaki hang- gang sa nagkaisip.Dito rin sana ako makapagtapos ng aking college kaso hindi na kaya nang konting ipon ko para matustusan ko pa ang kolehiyo.Ayaw ko naman ibenta ang maliit naming lupa kung saan nakatayo ang bahay na mana pa nang aking itay sa lola ko.Wala na akong ibang pamilya dahil noong isang taon lamang namatay ang aking inay sa sakit sa puso.Ang ama ko naman ay naaksidente sa pinapasada niyang tricycle.Nagkaroon naman kami ng pera noong pagkamatay niya at sagot lahat yun nang nakabangga sa kanya.Lasing daw ang driver ng kotse.Hindi na kami humabol pa sa korte sapagkat alam namin na aksidente lamang ito at hindi naman sadya,isa pa wala kaming pam bayad sa abogado.Ilolock ko na lamang ito at patingnan tingnan ko nalang din ito kay Ester ang bestfriend ko simula bata pa lamang kami. Luluwas ako ngayon sa Maynila upang makipagsapalaran doon.Baka andun ang aking swerte. "Bff,pagdating mo dun wag mo kong kalimutan ha.Pati ang lugar natin at kung panget ang kapalaran mo dun libre kapa ring makabalik sa San Ignacio",biro ni Ester.Sinalubong niya ako sa labas ng bakuran namin.Napangiti ako sa kanya. Mabait ang kaibigan ko at alam kong pinapagaan lamang niya ang loob ko at siya na rin dahil sa totoo lang ngayon pa lang kami maghihiwalay nang ganito kalayo. "Oo naman Es,tsaka ikaw pa hindi kita makakalimutan at tatawag ako sa'yo kapag may oras ako at walang trabaho. Pano ikaw nalang muna bahala dito sa bahay ko ha.Alam mo naman ikaw lang ang pwede kong pagbilinan nito pati na din ng mga halaman ko,"wika ko dito. Ngumiti siya sakin at niyakap ako ng mahigpit.Niyakap ko na rin siya at alam kong mamimiss ko ang aking bestfriend. "Oh siya..pano umalis kana at kanina pa naghihintay sa'yo si Benny at baka gabihin ka pa sa daan".Tukoy nito sa nobyo nito na nagpapasada ng tricycle. Ito ang maghahatid sakin sa sakayan ng mga bus patungong Maynila. Nagpaalam ako ulit sa kanya bago sumakay sa tricycle.Pagdating sa termi- nal ng mga bus agad akong bumaba at daladala ko ang isang malaking bag at isang backpack. "Salamat sa paghatid Benny",wika ko at dinampot na ang aking dalahin. "Welcome Pia at mag-iingat ka sana dun hindi mo pa naman kabisado ang lugar na pupuntahan mo,"anito.Nginitian ko lamang siya at bago na tumuloy sa bus. Kumaway ako ulit sa kanya bago umibis sa loob ng bus.Konti na lamang pala at aalis na ito mabuti na lang nakahabol pa ako. Habang nasa byahe,iniisip ko pa rin ang ibinigay ni Aling Dolor sa akin na address at dito daw ako pupunta dahil kailangan daw nang katulong nang kaibigan ng kanyang amo.Bago ako umalis kanina sa bahay ay kinausap ko muna siya na nagyon ako dadating sa Maynila at okay na din daw ako sa aking magiging amo. Hindi na daw kailangan ng interview kasi kilala naman niya daw ako.Si Aling Dolor ay kapitbhay nina Benny,tatlong taon na din itong katulong sa Maynila at dahil sa walang pamilya dahil matandang dalaga ito minsan lang nakakauwi sa kanilang lugar.Nagkataon pa na tumigil na siya sa pagpasok nun at nakausap niya ito. Hindi na rin niya tinanggihan ang alok nito na maging kasambahay.Yun nga daw ang iniuwi niya sa San Ignacio ang makakuha nang katulong at swerte siya dahil sa kanya inalok iyon.Kung wala siya ngayon trabaho mahihirapan siya sa kanyang pang araw-araw na gastos at hindi siya makakaipon ng pera para sa susunod na pasukan.Sisikapin pa rin niyang makatapos at maabot ang gusto niyang propesyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD