Chapter 01

2232 Words
Habang nasa klase ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na makatulog dahil sa sobrang antok. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kanonood ng KDrama. What the hell is happening to me? KDrama is eating me alive! "Hoy, Madison! Ano, matutulog ka na lang tapos kinabukasan, graduate ka na, ganon?" bulyaw sa akin ng katabi kong unggoy. "Shut the f**k up, Austin Emmanuel Johnson. Puyat ako ngayon, at baka mamaya ay mabugbog lang kita kapag 'di ka lumubay, okay?" nakapikit na sabi ko habang nakadukmo sa desk ko. "But it's Math, Madison. Ano? Okay lang 'di makagraduate basta makakuha ng kaunting oras ng tulog?" "I don't care. I don't need the values of X and Ys in cooking dishes. I am going to be a chef, not a f*****g Engineer." I am still not opening my eyes because it's sore. Grabe, ano bang meron sa KDrama na wala sa mga lectures and notes na kailangan kong pagpuyatan? Buti pa ang panonood ng KDrama, pinagpupuyatan ko. Ang pagrereview ng notes, hindi. Hay! "Ma'am! May natutulog po dito!" Napamulat ako ng mga mata nang narinig kong nagsumbong si Austin. Mabilis akong umayos ng upo at binuksan ang libro ko sa Trigonometry. Second grading pa lang naman so, siguro, makakasagot ako kapag bigla niya akong pinagsagot sa white board, 'di ba? Pumunta sa table namin ni Austin si Mrs. Wendy at tiningnan ako nang masama. "Who dare to sleep in my class again, Mr. Johnson?" tanong nito kay Austin pero nasa akin ang mga tingin. Hindi sumagot si Austin. Tumingin ako sa kan'ya at nagmamakaawang huwag magsalita pero napangiti ako nang masama nang itinuro niya ako. "Ms. Madison," tawag ni Mrs. Wendy na dahilan kung bakit ako napapikit ng mariin ngayon. "Po?" malungkot na sagot ko. "Can you please answer the equation on the board?" Napatingin ako kay Austin at nginitian siya nang malawak bago nagsalita. "Humanda ka sa 'kin mamaya," bulong ko sa kan'ya habang nakangiti bago tumayo at pumunta sa harap saka tiningnan ang mga equations na nasa white board. Muntik na akong maiyak dahil may a, b, c na nga, may x and y pa. Paano ko naman sasagutin 'to, eh hindi nga ako nakikinig sa kan'ya noong dini-discuss niya 'yon? Ngumiti ako kay Ma'am nang malambing, at sinabing, "Ma'am!!! Sorry!!! Hindi na po ulit ako matutulog sa klase n'yo!!!" Akala ko, patatawarin na niya ako sa ginawa kong kasalanan nang ngumiti rin siya sa akin at kinuha ang whiteboard marker na hawak ko. "Get out," malambing na sabi nito. "Ma'am!!!" pagmamakaawa ko. "Get out and call your parents. Bingo ka na sa akin," nakangiti ulit na sabi ni Ma'am Wendy. "Ma'am, papatayin ako ni Mama!!!" "That's not my problem anymore. Ngumiti siya. "Ang laki ng signboard sa labas. Ang laki ng letrang nakasulat saying, "strictly no sleeping in my class" but you still did," she said while her fingers were doing the quote-unquote sign. "This is the third time na nahuli kitang natutulog. Akala mo hindi ko alam kanina? Pinagpapasensiyahan lang kita, pero pigtas na ang pasensiya ko sa 'yo, Ms. Vanessa Anne Madison. Call your parents or fail my subject. And get out." Matapos niya itong sabihin ay nagsimula na siyang mag-discuss ulit sa mga anghel niyang estudyante pero kitang-kita mo naman sa kanila na nagpipigil lang sila ng tawa dahil sa pagkapahiya ko. Tumingin ako kay Austin nang masama bago pumunta sa table namin para kuhanin ang mga gamit ko. "Humanda ka talaga sa akin, Austin Emmanuel Johnson." Lumabas ako ng classroom at sinipa ang pinto ng classroom niya. Nang malaman na napalakas pala ang pagsipa ko, kumaripas ako ng takbo para 'di ako maabutan ng dragon. Pumunta ako sa cafeteria at kumain ng miryenda. 10:00 a.m. na kasi so I don't consider it breakfast anymore. Bumili ako ng pancake at umorder ng Black Forest frappe. Grabe, ginutom ako ng dragon na 'yon! Bakit ba ang tagal ng oras? Kailangan nang mag-10:30 a.m. para makapasok ako sa Physics. Mas gugustuhin ko pa pumasok doon kaysa sa Math! Plus, gwapo pa ng teacher. Hay. Nang matapos akong kumain, inubos ko na rin ang regular size coffee na inorder ko bago itinapon sa basurahan ang pinag-inuman. Hindi pa man ako nakakatatlong hakbang nang may narinig akong pumito sa likod ko. The disciplinary officer!!! Mabilis ulit akong kumaripas ng takbo nang makita na huhulihin niya na ako. s**t! Five minutes na lang, start na ng klase sa Physics! Kailangan kong makita ang gwapo kong teacher nang magkaroon naman ng magandang dahilan ang umaga ko at hindi puro kamalasan!!! Habang tumatakbo ako ay may humawak sa kamay ko at mabilis kaming tumakbong dalawa palayo sa pangit na nanghahabol sa amin. Shit! Bakit ba ang malas ko ngayon?! Napatingin ako sa may hawak ng kamay ko at nakita si Austin na seryosong tumatakbo palayo. "Bilisan mo!!!" Nang tuluyan na kaming nakalayo sa pangit na 'yon ay binitawan na niya ang kamay ko at sabay na humihingal. "Anong . . ." panimula niya habang humihingal. "Anong kaguluhan na naman ba ang . . . pinasok mo?" Nang maka-recover na ako sa hingal, tiningnan ko siya nang masama. "Ano?" tanong niya na parang nagtataka sa ginawa kong pagtingin sa kan'ya ng masama. "Baka akala mo nakalimutan ko 'yung kalokohang ginawa mo kanina, Austin?" seryosong sabi ko habang nakatingin ng masama sa kan'ya. Nakita ko na nagulat siya sa sinabi ko at nagmukhang anghel ang expression ng mukha. "S-Sorry?" patanong na sabi niya habang nakangiwi. "Sorry?!" hindi makapaniwalang sabi ko. "Eto, sorry din sabi nito!" Matapos kong sabihin 'yon, sinuntok ko siya gamit ang buong lakas ko bago siya iniwan at pumasok sa classroom ng gwapo kong teacher. Napangiti ako at sa isip-isip at napabuntonghininga nang makita ko ang ngiti ng napakagwapong ngiti niya. Sa wakas, may nangyari ring maganda ngayong umaga. Napangalumbaba ako habang nakatingin sa teacher na nagtuturo sa harap. Grabe, ang mga mapuputi niyang balat, ang pantay-pantay at mala-porcelana niyang ngipin, ang mamula-mula niyang labi, matangos na ilong, kulay chocolate na mga mata, mahahabang mga pilik-mata, talaga namang hindi ka magsasawang titigan araw-araw. Kung ganito lang kagwapo ang lahat ng teacher dito, kahit pa gaano kahirap ang mga subjects ay talaga namang gaganahan akong mag-aral! May naririnig rin akong nagpi-play sa isip ko habang tinititigan ko ang gwapong nilalang na nagsasalita sa harap ko. Ang ganda sa pandinig nito. "Hindi ka ba natatakot?" tanong ng katabi kong papansin. "Na?" sagot ko ngunit ang atensiyon ko ay nasa teacher ko pa rin at parang nagdi-daydream. "Na mawala si Sir Fuentes sa atin. Kanina mo pa tinititigan, e. Siguradong mamaya, tunaw na 'yan." Agad na nawala ang magandang pag-i-imagine ko sa sinabi ng pangit na katabi ko. "OA! Ang KJ talaga. Psh." Hindi ko na ulit siya pinakinggan at nakinig na lang sa dini-discuss niya tungkol sa acceleration. Kahit naman ganitong maloko ako sa school, matino pa rin naman ako kapag kinakailangan. Sa totoo lang, salutatorian kaya ako noong elementary, kaso masyadong masaya ang high school life kaya in-enjoy ko na lang kaysa ang sumubsob sa pag-aaral. At kahit naman ayaw ko sa Math, hindi naman bababa sa 85% ang grades ko doon dahil sa tuwing may quiz at exams, lagi akong nagrereview. Hindi ako natutulog hangga't hindi ko nagegets kung paano compute-in ang isang problem. At wala pa akong bumagsak na quiz at exam doon—lahat pasado. Hindi man ako ang pinakamataas (dahil palaging si Austin ang pinakamataas sa Math at Physics), madalas naman akong kasama sa top ten. Habang nagsusulat ng lecture ay naalala ko na naman ang ginawang kalokohan kanina ni Austin, dahilan para dalhin ko dapat ang Mama ko sa school bukas. "Hoy." Nakita ko na tumingin siya sa akin nang nagtataka, lalo na nang makita ang masasamang mga tingin ko. "Baka akala mo, nakalimutan ko na 'yung atraso mo sa akin kanina, Austin?" Nakita ko kung paano nagbago ang expression ni Austin oras na sabihin ko 'yon. Ngumiti siya ng awkward at kumapit sa braso ko. "Vanessa . . ." sabi niya gamit ang halos nagmamakaawang boses. "Sorry na." Umiling ako habang nagsusulat ng lecture sa notebook ko. "Sorry na, please. Sorry." At nagpapa-cute pa siya ngayon, ha? Umiling ulit ako at hindi na ulit siya pinansin. Manigas ka d'yan, gunggong! Nang matapos ang klase sa buong maghapon ay dumaan ako sa cake shop at bumili ng isang box ng brownies at caramel smoothie. Favorite ni Mama 'to, peace offering dahil na-involve na naman ako sa bagong gulo. "Vanessa . . ." kinalabit-kalabit niya pa ako pero hindi ko siya pinapansin. Sa ngayon ay magpapanggap muna ako na isa siyang mabantot na hangin na sumusunod sa akin. "Pansinin mo na ako, sige na." Nagpatuloy lang ako sa paglalakad na parang hindi siya naririnig, nararamdaman o nakikita. "Libre kita, bilis!" Mabilis akong lumingon sa kan'ya nang may ngiti sa labi. "Okay!" Ngumiti naman siya sa sinabi ko dahil alam niyang okay na nga dahil sinabi na niya ang favourite magic word ko. "Okay?" "Oo. Magbibihis lang ako at ibibigay ko 'to kay Mama. Baka matunaw, hindi na 'to masarap. Tsk, tsk, tsk." Tumango naman siya nang tumango at hinatid ako sa bahay, bago mabilis na tumakbo papunta sa bahay nila. Hindi kasi ganoon kalapit ang bahay namin sa bahay nila. Ang bahay namin ay liliko sa kanan, pero ang sa kanila ay sa kaliwa, kaya out of the way. Pero hinahatid niya pa rin ako. "Ma! Nandito na po ako," sabi ko pagkababa ng bag ko sa sofa. "Nasa kusina ako!" Mabilis akong pumunta doon. Nakita ko siya na naghuhugas ng manok na iluluto niya. Nilapitan ko siya at humalik sa pisngi niya. "May pasalubong ako sa 'yo! Naku, 'Ma! Paborito mo 'to!" kunwari'y excited na sabi ko. Bahagya siyang tumawa."Ano 'yan?" tanong niya bago hinugasan ang kamay. "Ta-da! Brownies and caramel smoothie!!!" mabilis naman siyang ngumiti oras na sabihin ko iyon. "Masarap 'yan, 'Ma! Doon ko binili 'yan sa binibilhan ni Papa kaya sigurado akong magugustuhan mo 'yan!" Pinunasan niya ng towel ang basang mga kamay. "Ano naman ang nakain mo, ha? Ikaw na bata ka talaga. Siguro may kailangan ka na naman, 'no?" sabi niya saka tumawa bago kainin ang pasalubong ko sa kan'ya. "Hindi pa rin nagbabago ang lasa ng brownies nila." Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kan'ya na kailangan niyang pumunta sa school. Sigurado ako na magagalit siya, lalo na at 'yung restaurant, baka may kailangan siyang ayusin o asikasuhin doon bukas, naku! Lagot ako! Hindi ko naman p'wedeng sabihin kay Papa dahil magagalit sa akin nang bongga 'yon. Siya na nga itong busy sa rin sa trabaho niya bilang isa sa mga engineer ng itinatayong bagong branch ng restaurant ni Mama, alangan namang abalahin ko pa siya. Kaya lang naman nandito nang maaga si Mama ay dahil naka-day off si Manang. Bukas, paniguradong nandito na 'yon at nasa restaurant naman si Mama. Sobrang lagot talaga ako. "Uhm, Ma . . ." "Hmmm?" Ang saya-saya ng Mama ko. How can I break her heart by saying that her only daughter is in trouble again?! Yumuko ako at nagbuntonghininga bago nagsalita. "Mama, sorry . . ." Naramdaman ko na napatigil siya sa ginagawa niya noong sinabi ko 'yon. "Bakit, Vani?" "Ma . . ." Nangilid ang luha ko at suminghot bago naipagpatuloy ang sinasabi ko. "K-Kailangan n'yo pong pumunta sa school bukas. Kailangan daw po kayong makausap ni Mrs. Wendy." Muli akong suminghot at pinunasan ang luha na nasa gilid ng mata kong malapit ng bumagsak. Suminghap siya. "Vanessa Anne . . . what did you do again?!" sigaw niya, dahilan para mapalayo ako sa kan'ya. I gulped. "S-She caught me sleeping po in the middle of the class . . . for the third time," mahinang paliwanag ko. She sighed once again out of frustration. "Vanessa, hindi mo ba alam kung gaano karaming lakas ng loob ang kailangan kong ipunin sa tuwing kailangan kong pumunta sa school n'yo dahil may ginawa ka na namang kalokohan?!" Nanginig ang mga labi ko sa pagpipigil na mas umiyak pa. "Mama, sorry." Hindi ko na napigilan na tumulo ang mga luha ko. I hate to see my mom like this. "Your sorry won't change anything, Vanessa. Put those brownies inside the fridge then go to your room and change your clothes! After that, give me your laptop, tablet and cellphone para 'di ka napupuyat sa kanonood ng KDrama na 'yan!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. She seriously can't do that to me! KDrama is my way of living outside these academic storms, I can't give it up! "Ma! Ayoko po." "What do you want, then? Should I ask PLDT to cut our wifi connection?" Sabi niya habang nakataas ang isang kilay. Yumuko ako because I can't let her do that. She and Papa need it for their work. "Ma, sorry na." "I won't give those things back to you, hangga't hindi ka natututo! Now, go and do all the things I asked you." Wala akong nagawa kung hindi ang umakyat papunta sa kwarto ko at magpalit ng damit. Kinuha ko ang laptop, tablet at cellphone ko saka dinala sa ibaba. Ibinigay ko kay Mama ang lahat ng 'yon. Mabilis niya itong kinuha at inilagay sa kahon, at dinala sa kwarto nila ni Papa. Napabuntonghininga ako bago lumabas ng bahay at pumunta sa duyan ng garden namin, kung saan lagi akong nakaupo sa tuwing malungkot ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD