bc

In Bed With A Friend (R-18)

book_age18+
140
FOLLOW
1K
READ
revenge
sex
friends to lovers
pregnant
student
drama
bxg
campus
first love
seductive
like
intro-logo
Blurb

Vanessa Anne Madison has been friends with Austin Johnson for so many years. They were the best-est friends. They\'ve known each other too well, saw each other\'s dirty closets, known all their darkest secrets--they were the typical best friends everyone know.

Until one night, they took the bait of doing things they are not supposed to do. They did things they shouldn\'t do in bed with a friend.

They tried to forget what happened to the both of them that one night. They decided to continue their friendship the way it\'s supposed to do.

But their hearts\' burning desire for each other\'s skin was stronger than what they should do. They continued doing things they shouldn\'t do in bed with a friend while keeping their friendship in tact like there\'s nothing they were doing.

Until one day, Dion Rafael Gonzales came into Vanessa\'s life like an uninvited guest--a gate-crasher with obviously no good intentions. His burning desire to ruin the both of them is way stronger than the feelings they have for each other. He has his ways to make someone fall for him and Vanessa was a willing victim of his tactics so that she could protect Austin.

She took Dion\'s bait in order for him not to touch Austin. And Dion was so much willing to do it because her reaction is what he has always wanted.

He succeeded without any difficulty in the end.

chap-preview
Free preview
Prologue
I am so excited to give this cake to the man I love! Pinaghirapan ko ito. Nagpaturo pa ako sa Mommy ko na mag-bake ng cake kahit na maliit lang para maibigay ko kay Kyle. It was his birthday, and third year high school na siya, pero ako, Grade 4 pa lang. Why is it so hard to be this young? Gusto ko na rin maging thirteen years old para makita ko na palagi ang lalaking pakakasalan ko kapag naging eighteen na ako! Ngiting-ngiti ako habang dala ang cake na inilagay sa kahon. I made this, and my Mom also said that it is delicious. I know it is dahil pinaghirapan ko ito. I want to be a chef too, paglaki ko. "Good afternoon po!" masayang bati ko kay Manang noong pinagbuksan niya ako ng gate. "Good afternoon, Vanessa. Pasok ka, nasa loob na ang mga bisita ni Kyle." Bigla ay nakaramdam ako ng sobrang hiya dahil hindi ko naman kilala lahat ng mga kaibigan niya. 'Yung iba lang dahil lagi nila akong inaasar kapag pumupunta ako dito. "Sige po." Pumasok ako at narinig ko sa garden ang mga maiingay at malalakas na kwentuhan nila. Nang makita ako ng isa sa kanila ay tinawag niya si Kyle at itinuro ako. "Pare, ayun na 'yung future wife mo raw!" malakas na sabi nito sabay halakhak. Binatukan lang siya nito bago mabilis na pumunta sa akin. "Vanessa, buti pumunta ka." "Siyempre naman pupunta ako!" masayang sabi ko. Iniabot ko sa kan'ya ang cake na ginawa ko. "Happy birthday! Ako ang gumawa niyan." Ngumiti siya. "Salamat, nag-abala ka pa. Halika, may ipapakilala ako sa 'yo." Hinawakan niya ako sa palapulsuhan ko at dinala sa mga kaibigan niya. Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa ginawa niya. "Aniya!" Lumingon ang magandang babae sa kan'ya noong tinawag siya ni Kyle. Ngumiti ito bago pumunta sa amin. Nakatingin siya sa akin at nakangiti. Sobrang ganda niya! At mukhang mabait pa! "Aniya, this is Vanessa. My childhood friend." Napangiwi ako sa sinabi niya noong pinakilala niya ako. He should've said that I am his future wife like what his other friend said! "And Vanessa, this is Aniya. My girlfriend." Napabitaw ako sa kan'ya noong sinabi niya iyon. Girlfriend? Paano niya magiging girlfriend ang babaeng ngayon ko lang naman nakilala? I didn't see her sa school namin! Hindi siya doon nag-aaral so paano ko siya makikilala? "Girlfriend?" tanong ko. "Hi!" nakangiting bati ni Aniya sa akin. Sumimangot ako bago lumingon kay Kyle. "H-Hindi ka p'wedeng mag-girlfriend! Hindi ba ako dapat ang pakakasalan mo, Kyle?" nangingilid ang mga luha na sabi ko. Ngumiti siya at humarap sa akin. "Vanessa, bata pa tayo noon. And, siyempre, darating 'yung araw na magmamahal ako. At ito na 'yun. Bata ka pa, and I'm sure na makikilala mo rin ang lalaking mamahalin mo kapag lumaki ka na, okay? Tara na, kain na tayo." Umiling ako at sunud-sunod na tumulo ang mga luha ko. "Ayoko!" Marahas kong pinunasan ang mga luha ko. "Nangako ka sa 'kin noon, sabi mo, ako ang pakakasalan mo kapag malaki na tayo. Sinungaling ka! Ayaw ko na sa 'yo!" Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay nila Kyle habang umiiyak. Nang nakarating na ako sa waiting shed ay umupo ako doon at umiyak nang umiyak nang malakas. Nakakainis! Ang sinungaling niya! Sabi niya ako ang pakakasalan niya kapag malaki na kami? Nangako siya! Kahit naman bata pa ako, a promise is still a promise and he should obey it! Ilang saglit lang ay may nakita akong lalaki na halos same height ko lang, o mas malaki pa sa akin ng konti. Nakatingin siya sa akin at ang buhok niya ay sapat lang para sa kan'ya. Ang kaunti ay medyo nakababa sa noo niya. Matangos ang kan'yang ilong at makapal ang kan'yang kilay. May nunal rin siya sa gilid ng kan'yang mga mata, at ang labi niya ay manipis, ngunit kulay pink. "Bata . . ." Kumunot ang noo ko sa itinawag niya sa akin. "Hindi na ako bata! Sino ka ba?" "Bakit ka umiiyak?" "Wala kang pakialam! Hindi kita kilala! Sabi sa akin ni Kyle, 'wag daw akong makikipag-usap sa mga taong hindi ko kilala. Alis!" Umalis ang bata tulad ng inaasahan ko. Buti naman dahil gusto kong mapag-isa! Ayokong makita ako ng kung sino man na umiiyak ako. Baka isipin nila, weak ako! Umiiyak lang ako kasi nasasaktan ako. Aalis na sana ako sa waiting shed noong nakita ko na naman 'yong bata na may dalawang ice cream na hawak. Ngumiti siya sa akin tapos ay ibinigay ang isa sa akin. Umupo siya sa tabi ko. "Tumahan ka na, 'wag ka nang umiyak. Masarap 'yung ice cream na 'yan." Tiningnan ko ang chocolate ice cream na nasa cone at saka ito kinain. Oo nga, masarap nga! Parang bigla ay nakalimutan ko kung ano ang dahilan ng iniiyak ko. "Sabi sa akin ng ate ko, ice cream daw ang ibigay ko kapag nakakita ako ng batang umiiyak, kasi sigurado daw na gagaan ang pakiramdam nito kahit na papaano." Hindi ako sumagot at nanatiling kinakain ang ibinigay niya sa aking ice cream. Gusto ko sanang kausapin ang bata na nasa tabi ko, pero natatandaan ko 'yong sinabi sa akin ni Kyle na huwag daw akong makikipag-usap sa mga taong hindi ko naman kilala. Baka daw kasi kuhanin ako tapos ibenta yung laman-loob ko. "Bakit ka umiiyak?" Hindi ulit ako sumagot. "Dahil ba girlfriend na ni Kuya Kyle si Ate?" Napatingin ako sa kan'ya at nakitang kong nakatingin siya sa akin. "Bakit mo siya kilala?" Ngumiti ito sa akin. "Kapatid ko si Ate Aniya. Palagi sa amin nagpupunta si Kuya Kyle para dalhan ng pagkain at dalawin si Ate Aniya." Tumingin ako nang masama sa kan'ya at bigla ay parang ayoko nang kainin ang ice cream na ibinigay niya. Normal bang maging mapait ang lasa ng isang ice cream na matamis naman normally dahil lang sa nalaman mo? Narinig ko siyang tumawa. "Wag mo akong idamay sa galit mo sa kanila, okay? I can be your friend." "You don't even know me!" "I know you." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Paano?" "Lagi mong kasama sa picture si Kuya Kyle, kaya noong nakita kita kanina, pamilyar ka sa akin. Anyway, ako nga pala si Austin." Inilahad niya ang kamay niya at ako naman ay nakatingin lang doon habang nakakunot ang noo. Paano kung kuhanin niya ako at ibenta ang laman-loob ko? Hindi p'wede, iiyak si Mama at Papa! "Anong iniisip mo? Hindi ako masamang tao, okay?" Tumawa siya ng mahina, pero nanatili pa rin ang titig ko sa kan'ya. "Nangangawit na ako." Naibalik ang tingin ko sa kamay niya at iniabot ito. "Vanessa. Vanessa ang pangalan ko." Mabilis lang at nagbitaw din ang mga kamay namin. "Okay, Vanessa. Simula ngayon, araw-araw mo na akong makikita." *** "Vanessa Anne Madison!!!" Napabalikwas ako sa higaan nang marinig ang buong pangalan ko sa pinakanakakairitang boses na naririnig ko sa araw-araw. "Ano?!?!" sigaw ko nang makita ko si Austin sa higaan ko na nakapamaywang habang masama ang tingin sa akin. "Ano ba! 7:00 a.m. na, late na tayo! Hindi na tayo makakapasok kapag inabutan tayo ng flag ceremony!!! And you only have 30 minutes to prepare. Bilisan mo!" pagdidiwara niya. "Ayoko, hindi ako papasok, masakit ang ulo ko!" sabi ko at nahiga ulit saka nagtalukbong ng kumot saka muling ipinikit ang mga mata ko. "Hindi p'wede! Bumangon ka na nga d'yan, ano ba? Ano na naman ba ang kalokohang ginawa mo kagabi, ha?" "WALA! Umalis ka na nga, Austin!" Akala ko ay makakatulog na ako ulit dahil wala na akong narinig sa kan'ya, pero mabilis niya lang hinatak ang kumot na nakatalukbong sa akin at binuhat ako na para ba kaming ikinasal saka niya ako ibinato sa CR. "Aray, ano ba!" reklamo ko noong tumama ang p'wet ko sa sahig. Hindi siya sumagot, sa halip ay binuksan niya lang ang shower kaya naman nabasa ako, at mas lalong nagreklamo. "AUSTIN! Humanda ka talaga sa akin!!!" Hindi na ako nakakain ng breakfast dahil sa pagmamadali ni Austin dahil 10 minutes na lang ay 7:30 a.m. na. Hindi na kami makakapasok sa loob ng campus, unless, hahayaan namin na parusahan kami nang bongga ng disciplinary officer. Pinagdala na lang niya ako ng sandwich na ginawa ng Ate niya. Nang makarating kami sa campus ay 7:32 AM na. naka-set ang relo ko sa oras na naka-set sa malaking relo ng campus namin, kaya kapag lampas nang 7:30 a.m. sa akin, ibig sabihin ay sarado na ang campus! Nakita namin na nakasarado na nga ang gate sa harap at likod, at may nakabantay na tig-dalawang guards. Bwisit na 'yan, wala man lang five minutes na grace period!!! Bigla akong hinila ni Austin papunta sa kabilang pader ng campus. Humawak siya sa itaas nito at sumilip sa loob ng campus. Napangiti pa ito nang makita sigurong busy ang lahat dahil sa flag ceremony. Maya-maya ay yumuko siya at ipinatong ang mga kamay sa sahig habang nakaluhod. "Sumampa ka sa likod ko at umakyat sa pader na 'yan kung gusto mong makapasok. Bilis!" Nagtaka pa ako noong una pero mabilis ko rin naman siyang naintindihan. Ito nga pala 'yung lagi naming ginagawa kapag nali-late kami. Tinanggal ko ang sapatos ko at sumampa sa kan'ya. Oras na makasampa ako ay tumayo ako nang maayos at nakita ang mga tao sa loob ng campus na nakalagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib at kumakanta ng Lupang Hinirang. Tumayo na mula sa pagkakaluhod si Austin at tinulungan akong makasampa hanggang sa makapasok na ako sa loob ng campus. Nang makapasok na ako ay hinintay ko siyang makapasok na rin. Ang bilis at ang dali naman niyang nagawa! Naupo muna ako sa pavements at isusuot na sana ang sapatos ko nang bigla ay kinuha niya sa kamay ko ang sapatos at hinawakan ang binti ko para maisuot ito sa akin. Bigla ay nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na pakiramdam sa ginawa niya. Sa isip-isip ko, napailing na lang ako dahil alam kong mali. Nang matapos niyang isuot ang sapatos sa paa ko, nagsalita siya. "Grabe, ang baho ng paa mo!" Mabilis na nag-init ang buong katawan ko sa sinabi niya. "Anong—" Humagalpak siya ng tawa. "Tara na, kadiwara mo!" Matapos n'on ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa linya ng mga kaklase namin. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. What the hell am I thinking? It's not as if it's the first time na ginawa niya ito, 'no! Nang makarating sa pilahan ay nakahinga ako nang maluwag dahil siguradong safe na kami. Nasa linya na ako ng girls at siya naman ay katabi ko sa linya ng boys. "Ano, pare? Late ka na naman?" sabi ni Bryan tapos ay humagalpak ng tawa. "Sus, chicken lang ang paraan niyan para makapasok," sabi naman ni Gian. "f**k? Ginawa mo na naman? Your life is really full of adventure, huh? Tingnan lang natin kapag nahuli kayo," sabi ni Bryan tapos ay tumawa na naman nang tumawa. Napakunot ang noo ko sa kalokohan ng mga 'to bago ibinalik ang atensiyon ko sa nagre-recite ng Panatang Makabayan sa harap. "Kung mahuhuli nila ako." Huh! Bakit ba nasa kanila ang atensiyon ng mga tainga ko? "Paano kapag kayong dalawa ni Vanessa ang nahuli ng Disciplinary Officer sa pag-sneak in? Hmm?" panghahamon na tanong ni Gian. Napatingin ako kay Austin habang nakataas ang kanang kamay niya dahil sa Panatang Makabayan na katulad naming lahat. He smirked. "Try to catch me, then, bago nila hulihin si Vanessa. I swear, I will defend her with all of me." Pakiramdam ko ay natuyo ang lalamunan ko at naging iba ang kabuuang pakiramdam ko sa sinabi niya. 'Yon na ba ang bagong Panatang Makabayan ngayon, huh?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook