Hindi pa man ako nakakatagal doon sa pag-upo ay narinig ko na ang boses ng pinakapangit na nilalang sa mundo.
"Vanessa! Nandito na ako!" sigaw niya sa labas ng bahay namin bago niya binuksan ang gate at pumasok sa bahay namin.
Napabuntonghininga ako dahil hindi ko man lang magawang sabihin na nasa garden ako dahil sa lungkot na nararamdaman ko. Siguradong magtataka 'yon kapag sinabi ni Mama na nandito ako sa garden. Kilalang-kilala niya ang buong pagkatao ko. Pati kung gaano kabaho ang utot ko ay alam niya rin. Hay.
Ilang saglit lang ay nakita kong tumatakbo siya papunta dito sa garden.
"Hoy, Hotdog! Tara na, may usapan tayo, 'di ba?" he said then wiggled his eyebrows. Napairap na lang ako sa loob ko dahil hindi siya magaling magpanggap na hindi niya nahahalata ang nangyari. "Hotdog, tara na!"
Hinawakan niya pa ako sa braso ko at hinila palabas ng bahay namin. Hindi ko magawang kontrahin siya o labanan man lang siya sa itinatawag niya sa akin dahil ang lungkot lungkot ko talaga.
"Ako ang taya ngayon! Bibilhin ko lahat ng pagkain na gusto mong kainin. Ayos ba, Hotdog?" sabi niya.
Tumango lang ako. 'Wag niyang hintaying tawagin ko siyang pusit dahil kapag ako nainis ng gunggong na 'to, ipagkakalat ko sa lahat na takot siya sa pusit!
Dinala niya ako sa kainan at inorder ang karaniwang inoorder ko kapag nandito kami. "Manang, sampung isaw po, at saka apat na ulo. Pakipili kami ng malaman, ah?"
"Sige, hijo."
Umorder rin muna siya ng kakainin naming fish fillet bits habang hinihintay ang pinaluto namin, at softdrinks para sa aming dalawa.
"Galit na galit si Mama," nakasimangot na sabi ko habang ngumunguya ng fish fillet. "Ngayon ko lang na-realize kung gaano ako ka-iresponsableng anak sa kan'ya."
Nagbuntonghininga siya na para bang nakahinga siya nang maluwag. "Kanina ko pa inaantay na magsalita ka, alam mo ba 'yon, Hotdog?" Sinamaan ko siya ng tingin dahil malapit na siyang b-um-ingo sa akin katatawag ng pangit na pangalan na 'yon. "So, anong ipinarusa sa 'yo?"
Aba't gago talaga! Gustong-gusto talaga nitong pinarurusahan ako!
"So . . . 'yan lang talaga ang itatanong mo sa akin? Masayang-masaya ka talaga na napaparusahan ako, 'no?" sabi ko na parang hindi makapaniwala.
"Psh! OA ka! Sinabi lang ng Mama mo na pinarusahan ka sa pinakamalalang paraan nang sa gano'n daw ay magtanda ka na! Psh!"
Muli kong naalala kung gaano kagalit si Mama sa akin kanina. Oo nga at lagi niya akong pinapagalitan pero sa huli ay ipapaliwanag niya kung bakit niya ako pinapagalitan ng gano'n.
Pero kanina . . . hindi niya ginawa. She just told me to put the brownies I gave her inside the fridge and asked for my gadgets. Doon ko talaga na-realize na puro kahihiyan na yata ang dala ko sa pamilya ko.
"She was so mad." Tumulo ang mga luha ko dahil sa naalalang mga sinabi ni Mama. "Kasalanan ko naman lahat. I know, masyado akong nagpakampante na hindi ako babagsak kasi matalino ako, kaya kong ipasa ang lahat once na itinuon ko ang buong atensyon ko sa pag-aaral. Kaya ko ginawa ang lahat ng gusto ko at hindi inisip ang acads because I know I can pass it all.
"But . . . I forgot about my family. I always involved them in all of my troubles. They weren't supposed to be involved. I was the one to cause the chaos so I think it must be me who should fix everything. They don't deserve it, Austin."
Nakita ko sa kan'ya na naiintindihan niya ako. Nakita ko sa mga mata niya na naiintindihan niya kung ano ang ibig sabihin ko . . . and this is all I need. I don't need sugar-coated words from them to comfort me. It's enough for me to know that they do understand me. And Austin is the best example for that.
"I'm also at fault. Ako ang nagsumbong kay Mrs. Wendy na natutulog ka, e."
Umiling ako. "No. Kung hindi naman dahil sa natutulog ako sa klase, hindi ako maisusumbong, e. If you don't tell her about it, I'm sure she'll found out dahil gigil na gigil kaya sa akin 'yon. Mas okay na nga na sinabi mo dahil . . . at least now . . . I know that I will learn my lessons very well."
Ilang saglit lang ay dumating na ang pinaluto namin, saktong ubos na ang fish fillet bits na kinain namin. Pinag-usapan namin ang nangyaring 'yon habang kumakain kami. Ipinaliwanag ko rin ang parusa na ibinigay sa akin ni Mama na alam kong deserved ko naman.
"Gaano katagal daw?"
"Until I learn my lessons well daw."
"Sus! Siguro, kaya ka umiiyak at nagmumukmok dahil 'di mo na mapapanood ang mga oppa mo, 'no? Psh!"
Sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya. "Hoy! Sa tingin mo gano'n ako kabaliw sa mga koreanong 'yon para gawin 'yon?!"
"OO!"
"Aish!!! Tigilan mo ako, ah? Sarap mong suntukin sa mukha, ah?!" pagbabanta ko sa kan'ya.
Ngumisi naman siya. "Biro lang. I'm just trying to make the mood lighter."
Ngumiti ako sa kan'ya at inubos ang pagkain na inorder niya.
Nang matapos kaming kumain ay hiniling ko sa kan'ya na huwag muna kaming umuwi dahil sigurado akong nando'n na si Papa. Hindi pa ako handang harapin siya. Pumunta na lang kami sa bahay nila at sinabi na ire-review niya ako sa lesson na na-miss ko kanina sa Trigonometry.
Pagdating naman namin doon ay nakita ko na nakaupo sa couch nila ang mapang-asar na boyfriend ng kapatid niyang si Ate Aniya. Mabilis siyang ngumisi at tumayo papunta sa akin.
"Whoa! Long time no see, Vanessa," masayang sabi niya. Inirapan ko naman siya.
"Matagal na pala para sa 'yo ang kahapon lang, Kyle?"
Psh, napaka-pamwisit nitong taong 'to! Bakit ko ba nagustuhan 'to noong bata pa ako?
"Ouch! You're hurting my feelings, ah? Parang dati lang nagpo-propose ka pa sa 'kin ng kas—"
Mabilis kong tinakpan ang dalawang tainga ko sa sasabihin niya. "STOP!!! Ayoko nang marinig 'yan, Kyle! Kinikilabutan ako!!!"
Nagtawanan naman silang dalawa ni Austin. Bwisit talaga! Maya-maya ay dumarating na si Ate Aniya na tumatawa rin.
"Boys, tigilan n'yo nga si Vanessa," pag-saway niya sa dalawang 'to bago ibinaba ang cookies na dala.
Lumapit ako sa kan'ya at nagtago sa likod niya at nagsumbong. "Ate Aniya, oh? 'Yung boyfriend mo nga, binu-bully na naman ako."
"What? 'Di kita binubully, sinasabi ko lang ang totoo. 'Di ba talaga namang patay na patay ka sa akin noong bata ka pa?" Humagalpak siya ng tawa pagkasabi noon.
"Stop reminding me that! That's one of the things I regret in my whole life!!!" sigaw ko tapos lumayo ako sa kanilang lahat dahil pinagtatawanan nila ako!
Maya-maya ay lumapit sa akin si Austin na halos kare-recover pa lang sa tawa. Tumingin siya sa akin at ngumiti bago ako inakbayan na siya namang ikinagulat ko kahit na hindi naman dapat ako magulat dahil palagi naman niyang ginagawa.
"Stop teasing her about the past, Kyle. What happened in the past shall be left in the past. Tigilan mo na si Hotdog because she's mine."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at si Kyle naman ay humagalpak ng tawa habang nakahawak pa sa tiyan ang isang kamay habang ang isa ay parang nagpupunas ng luha.
Teka—Ano?!?!?! Anong—
"Aww. You're such a sweet guy. Keep it up, brother," sabi ni Ate Aniya tapos tinapik ang balikat ni Austin.
Can I just p**e?! What's sweet with what he said? Nakakakilabot lang! Pakiramdam ko, napunta ang lahat ng dugo ko sa mukha sa sobrang kilabot ko. Yuck!
Humahagalpak ng tawa si Kyle hanggang ngayon simula nang marinig ang sinabi ni Austin. "Hilarious!!! Hanggang ngayon ba ay Hotdog pa rin ang tawag mo kay Vani?!?!" Muli siyang humagalpak ng tawa matapos sabihin iyon.
Napailing na lang ako sa nakikita. "Ate Aniya, sigurado ka bang mahal mo 'yang boyfriend mo? You deserved better, you know? Not that kind of a crazy guy laughing so much about a simple thing. P'wede ka pang bumitaw dahil 'di pa naman kayo kasal," seryosong sabi ko dahil 'di pa rin ako makapaniwalang umabot na sila ng gano'n katagal sa relasyon.
"Hoy, Vanessa! Kung makapagsalita 'to, parang 'di ka na-in love sa akin dati, ah?" nakangising sabi niya.
Umakto naman ako ng nasusuka sa sinabi niya. "And I regret it, you know?"
"Tama na nga 'yan. Kayong dalawa talaga, sa tuwing magkikita kayo, lagi na lang kayong nag-aaway," napapailing na sabi ni Ate Aniya na parang ibig nang tumawa. "Austin, ano palang gagawin n'yo ngayon?"
"We're just going to review the lessons she missed kanina. Can we go upstairs na? Kyle?" kita ko na parang naiirita na rin si Austin kay Kyle kaya m-in-ention niya pa na parang sinasabing tapos na ba kayong mag-asaran? Nakakairita naman kasi talaga! Psh.
"Okay, just focus on your lessons, huh?" Kyle wiggled his eyebrows at me. Sinamaan ko lang siya ng tingin. This guy really knows how to annoy the hell out of me.
Hinawakan ni Austin ang kamay ko at hinila papunta sa kwarto niya. "Let's go before I kill someone," sabi ni Austin habang paalis kami sa living room.
"Hey! I heard that!" rinig naming sigaw ni Kyle, tapos ay si Ate Aniya naman ay humagalpak ng tawa.
"Nag-e-enjoy talaga ang dalawang 'yon na asarin ako. Psh!" sabi ni Austin, na siya namang ipinagtaka ko.
"I was the one they are trying to annoy, hindi ikaw. Anong pinagsasabi mo?" nagtataka kong tanong.
Umirap siya sa kawalan bago binuksan ang pintuan ng kwarto niya. "Kung alam mo lang."