"Oh my God Althea? " naaawang tiningnan ni Ivy Ang kaibigan. Nagulat din ito sa pinagtapat ng dalaga.
"Please Ivy.. sana atin atin lang to" pagsusumamo nito sa kaibigan.
"Don't worry . . best friend kita Hindi kita ipapahamak okey?" wika nito habang hinahagod ang kanyang likuran. Kanina pa Kasi siya umiiyak sa kaibigan.
Masamang masama Ang loob niya sa sarili. Pakiramdam niya ay napakasama niya Kay Jared na Walang ibang ginawa sa kanya kundi Ang mahalin siya.
Ilang araw na din niya itong iniiwasan, mabuti na lamang at medyo na bi busy ito sa kumpanya ng pamilya nila kaya't Hindi napapansin ang ginagawa niya.
"Tama na Althea. . Huwag mo istressin Ang sarili mo ok? "
napatango lamang Ang dalaga. Halos Hindi na siya makatulog sa kaka isip kung ano nga ba Ang magandang Gawin.
Ilang araw na din niyang Hindi nakikita si Drew. Ayon sa pagkakarinig niya sa kuya niya ay nasa maynila ito upang sunduin si Clarisse. Magaling na Ang daddy nito kung kaya't makaka Dalo Ang dalaga sa kasal nila Lester at Lei. Hindi niya alam kung papaano harapin Ang dalaga. Sobra siyang Nagi guilty sa ginawa.
Biglang nag ring Ang phone niya. Nag excuse Muna siya sa kaibigan at Saka ito sinagot.
"Hello? love? " nabosesan niya agad Ang kausap,si jared iyon.
"Oh hello love? Napatawag ka?" bahagya niyang pinasigla Ang boses para Hindi mahalata ang lungkot niya.
"Yes love punta sana Ako diyan para sunduin ka" sagot ng binata.
"Ha? ah, eh . . Wala Kasi Ako sa Bahay love. Kasama ko Ngayon si ivy . Nag Simba kami tapos andito kami sa favorite coffee shop namin" mahaba niyang tugon.
"Ahh.. Yung malapit sa church? Mas ok Kasi malapit na Ako diyan Banda diretso na Ako diyan ok?" wika nito.
"Ok Sige Ikaw Ang bahala"
"Ok.. I love you" magiliw na sambit ng binata. Napakagat ng ibabang bahagi ng labi si Althea. Pakiramdam niya ay dinudurog Ang kanyang puso.
"Sige na ibababa ko na to nag da drive ka pa Naman" Sabi niya para maputol na Ang paguusap nila ng kasintahan.
Pagkasabi ay agad na niyang pinindot Ang end button.
Hinawakan Naman ni Ivy Ang kanyang kamay niya.
"Best, kailangan mo na mag decide "wika nito saknya.
"Hindi ko alam Ivy. Mahal ko Naman si Jared, pero nag Bago Ang lahat ng bumalik si Drew. " napahilamos ng mukha si Althea gamit Ang palad niya. "Napaka Tanga ko Kasi"
"Tama na best " Ani ivy sabay yakap sa kaibigan.
Sinamahan Muna siya ng kaibigan hanggat Hindi pa dumarating si Jared.
Ngunit matapos Ang labing Limang minuto ay dumating din ito. May bitbit itong bulaklak.
Malapad Ang ngiti nito ng mamataan Sila at agad na lumapit.
"Hi love.. Hi ivy! " Anya sabay beso beso sa dalawang dalaga.
Umupo Naman ito sa tabi ni Althea.
"Oh sya! tutal andito ka na Mauna na Ako sainyo" wika ni Ivy.
"Salamat best " sambit ni Althea sa kaibigan.
"No worries," nakangiti nitong tugon. Sabay lingon Kay Jared. " oh pano Jared Ikaw na bahala sa friend ko ihatid mo ng maayos ok? Sige na babush " pagka wika ay agad na humalik sa pisngi ni Althea sabay bulong dito. "Ayusin mo na to althea " Yun lang at agad na itong umalis.
Samantala inabot ni Jared Ang mga bulaklak sa dalaga.
"Nag abala ka pa" wika ni Althea.
"Hindi ito abala Althea. Kahit Oras Oras kitang bigyan ng bulaklak . . gagawin ko" Sabi nito habang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata.
Hindi niya natagalan Ang titig na iyon ng binata. Tumatagos ito sa kanyang kaluluwa at nagdudulot ng labis na sakit sa kanyang puso.
Pinilit niyang ngumiti sa harap nito.
"Maraming salamat Love, sa lahat lahat" wika niya rito.
"I will do everything for you ALthea. God knows how much I love you. Hindi ko alam Ang gagawin pag nawala ka sa akin" wika nito habang hawak Ang kamay niya.
Pakiramdam niya ay hinang Hina siya. Paano niya sasabihin dito Ang nangyare sa ganitong sitwasyon .
Sa halip ay niyakap niya ito ng mahigpit.
SI Drew Ang sinisigaw ng kanyang puso ngunit sinasabi din nito na huwag niyang saktan Ang binata.
"Halika na love Bago Tayo mag iyakan" wika na lamang niya sa binata.
Natawa Naman si Jared sa tinuran niya.
"Opo future misis ko" pagbibiro pa nito.
Isang biro na Hindi ikinatuwa ni Althea. Ngunit Hindi niya iyon ipinahalata sa binata.
Nilisan na nila Ang coffee shop at sumakay sa sasakyan ng binata.
"San Pala Tayo pupunta?" naitanong niya.
"we will have a dinner with Lolo and lola. Mom is already there , Nauna na siya" habang sinasabi iyon ay ikinakabit Naman nito Ang seat belt ng dalaga.
Nang maikabit iyon ay Saka niya kinabig Ang sariling seatbelt at Pina andar na Ang kotse.
Tahimik lamang silang dalawa sa loob. Pinikit ni Althea Ang mga mata at nagkunwaring tulog. Ayaw niyang makarinig ng ibang topic pa . Hindi niya matiis Ang binata , labis Ang pagmamahal nito sa kanya. At napatunayan niya iyon dahil sa tagal at tiyaga nitong manligaw sa kanya.
Ngunit sadyang mapaglaro Ang Tadhana. Hindi niya naitago Ang naraRamdaman Kay Drew ng gabing iyon. Lalong Lalo na at nasa ilalim siya ng espiritu ng alak. Isa iyon sa pinaka masayang pangyayari sa kanyang Buhay. At ayaw niyang isipin na Isa din iyon sa dahilan ng kanyang kalungkutan Ngayon.
Samantala napansin ni Jared Ang pananahimik ng dalaga. Nang kanya itong tignan ay tulog na Pala ito.
Naisip niya na marahil ay napagod ito kaya't hinayaan na lamang niya itong maidlip Muna.
Malaki Ang pinagbago ng kasintahan niya. Hindi man niya pinupuna Ang dalaga ngunit alam niyang may gumugulo sa isipan nito.
Simula ng Maka uwe ito galing sa bakasyon ay tila lagi na itong tahimik at may malalim na iniisip. Ayaw Naman niya itong tanungin dahil siguradong ayaw nitong mag alala siya . Kung anumang Ang problema nito ay tiyak na sasabihin din sa kanya pag handa na ito. Ayaw niyang isipin ng dalaga na pinanghihimasukan na niya Ang Buhay nito kung kaya't binigyan niya Muna ito ng space. Kilala niya si Althea , sobrang strong ng personality ng dalaga. Anuman Ang pinagdadaanan nito tiyak na malalampasan ng dalaga.
Mataman niya itong pinagmasdan , mahimbing na Ang pag kaka idlip nito.
Napaka Ganda parin talaga nito sa kanyang paningin. Una niya itong Nakita noon ay talagang nagustuhan na niya Ang dalaga. simula ng makilala niya ito ay Hindi na niya nagawang tumingin pa sa iba kahit na ilang beses siya ni reject ng dalaga noon. At dahil sa pagtiya tiyaga ay nakuha niya din Ang matamis nitong oo. Pinangako niya sa sarili na Hinding Hindi niya hahayaang mawala sa kanya si Althea. Ilalaban niya ito ng p*****n.