Chapter 17

1119 Words
Nagising si Althea sa mahihinang katok sa pinto ng kanyang kwarto. Naririnig din niya Ang Yaya narsing niya na tinatawag Ang pangalan niya. "Althea! SI sir Jared nasa baba" naulinigan niyang wika nito . "Sige Po Yaya bababa na Po Ako " sagot niya dito. Mabigat man Ang pakiramdam ay dahan dahan siyang tumayo at tinungo Ang cr para maghilamos . Naiintindihan Naman niya kung bakit naroon Ang binata. Simula Kasi ng umuwe Sila ay Hindi pa siya nagpapakita rito. Pangatlong araw na din Ngayon. Ilang araw din Kasi siyang trinangkaso . Tanging sa telepono lang Sila naguusap ng fiancee. Nagsuklay Muna siya ng buhok at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay bumaba na siya upang harapin Ang kasintahan. . Namataan Naman niya itong nakaupo sa sofa at tahimik na naghihintay sakanya. "Hi love " agad na bati nito ng Makita siya. Tumayo ito upang yakapin siya at hinalikan sa pisngi. Bahagya lamang siyang ngumiti, Hindi niya magawang titigan ito sa mata. "Kumusta ka na? Okey na ba Ang pakiramdam mo?" sunod- sunod nitong tanong. "Okey Naman na pakiramdam ko" sagot niya. "Masyado akong nagaalala Sayo. Tingnan mo medyo namayat ka" puna niya sa dalaga. "Lately Kasi Wala akong gana kumain. " hinawakan ni Jared Ang mga kamay niya. "I've missed you love. Masaya Ako Kasi okey ka na, by the way I braught fruits pinadala ko na Kay Yaya narsing sa kitchen. pLease kumain ka ng maayos" Sabi ni Jared . Inalis niya Ang kamay sa pagkakahawak ng binata. Hindi niya alam ngunit pakiramdam niya ay naiilang na siya sa presensya nito. Alam niyang Hindi niya deserve Ang ganitong treatment. Kung alam lamang nito Ang nagawa niyang ksalanan ay paniguradong kamumuhian siya nito. "Don't worry I'm totally fine, kailangan ko lang magbawi ng lakas. Konting pahinga lang need ko" Sabi niya sa binata. "okey love but please . . if you need anything tawagan mo Naman Ako " may pagsusumamo sa mga mata ni Jared ng bigkasin niya iyon. "Para Kasing . . Ang layu layo mo na sa akin" Napatingin si Althea sa binata Saka ngsalita. " Wag ka magisip ng ganyan Jared. Sadya lang masama pakiramdam ko lately kaya di Ako masyadong nakatawag o nakapag text Sayo. . I'm sorry" nakukuha niyang wika. Hinaplos Naman ng binata Ang kanyang pisngi . "I understand.. don't cry , Hindi Naman Ako galit . By the way si mommy nagaalala din Sayo . Kung Hindi lang umaatake Ang hyperacidity niya for sure Kasama ko sya Ngayon" "Tell her that I'm fine . . and that I miss her" wika ni Althea . Napangiti Naman Ang binata. Ilang saglit pa ay dumating si Lester at Drew . "Hi bro, andito ka Pala!" bati ni Lester Kay Jared . Kinamayan pa niya ito. Maging si Drew ay nakipagkamayan Kay Jared . Hindi Naman mapakali si Althea. Hindi niya Malaman kung ano Ang gagawin. "Yes, binisita ko lang si Althea. gusto ko masiguro na okey na siya " sagot ni Jared sa kapatid ni Althea. "But I am about to leave. . May aasikasuhin pa Kasi Ako sa office" aniya na Ang tinutukoy ay Ang office niya sa kumapnyang pagmamay Ari ng kanyang magulang. Doon siya nagtatrabaho bilang acting manager. Bumaling siya sa dalaga. "I have to go love. . Magpahinga ka okey?" pagpapaalam niya sa kasintahan. Tumango lamang si althea. hinalikan Naman siya sa noo ng binata at tuluyan ng nagpaalam sa Kanila. Matalim Naman Ang tingin sa kanya ni Drew tila asar ito. Pakiramdam niya ay napapaso siya sa mga titig ni Drew kaya't nagpaalam na siya sa dalawa . "kuya akyat na ko sa kwarto" "Sige magpahinga ka Muna, papadalhan Nalang kita Kay Yaya ng pagkain at gamot" wika ni Lester Tumango lang siya at Hindi iniiwasang napatingin Kay Jared na nooy nakikinig lamang sa Kanila. Nagmamadali na siyang umalis sa kinaroroonan. Hindi niya natagalan Ang presensya ng binata. Naguguluhan parin siya Hanggang Ngayon. Pabagsak siyang Nahiga sa kama. Pakiramdam niya ay napakabigat ng katawan niya. Mataman siyang tumitig sa kisame. Muli ay naalala niya Ang mga nangyare sa resort na pinanggalingan nila. Nung nagkasakit siya ay halos Hindi natulog Ang binata sa pagbantay at alaga sa kanya. Maya't Maya ang check nito sa temperature niya gamit Ang thermometer. Naroon at pupunasan siya ng maligamgam na tubig at lagyan ng bimpo sa noo. Pinainom din siya ng gamot sa tamang Oras. Iba Ang dulot na kaligayahan nito sa kanya. Wala siyang hiniling noon kundi Ang mapansin at magustuhan ng binata. At iyon na nga at inamin na ni Drew Ang naraRamdaman niya. Ngunit Hindi siya lubusang Masaya dahil ayaw niyang makasakit sa mga taong nakapaligid sakanila. Unang una parehas Silang kapwa may kasintahan na. Pangalawa ay napamahal na Rin si Jared sakanya. Ngunit alam niya sa sarili na nagbago Ang pagmamahal niya sa binata. Mahal na lamang niya ito bilang Isang kaibigan. Ngayon ay gulong gulo siya sa naraRamdaman. Hindi nya Malaman kung dapat bang sundin niya Ang kagustuhan ni Drew na ipaalam kina Jared at Clarisse Ang lahat? Napapakamot siya sa kanyang ulo. Hindi siya mapakali sa higaan, "Althea. . Magisip ka ng maayos!" wika niya sa sarili sabay dapa sa higaan. SI Jared Ang nagiisang taong nagmahal sakanya ng Todo at nagparamdam saknya na worth the wait siya. Hindi lamang iyon ,ano Ang sasabihin ng mommy ni Jared . Napakabuti pa Naman nito sakanya. ayaw niyang masira Ang samahan nila. Gulong gulo Ang utak niya. Lalo at lagi niyang na aalala Ang nangyare sa Kanila ni Drew . Ito Ang unang lalaking nakakuha sa p********e niya. Hindi niya akalaing isusuko niya ng ganun ganun lang Ang p********e sa binata. Ganun niya nga ba ito kamahal? Na kaya niya ibigay Ang lahat dito sa halip na sa fiancee niya ginawa? Nang maalala Ang hitsura ng binata Kanina ay mas Lalo siyang na guilty. Napakabait nito sa kanya, natural Ang pag aalala at pag alaga nito kahit nuon pa man. Pano niya aaminin Kay Jared Ang mga nangyare? Kaya nga ba nyang Gawin Ang iwan ito at sumama Kay Drew? Humugot siya ng malalim na bunting hininga. Naiinis siya sa sarili dahil TILA Wala na siya sa katinuan. Ngunit ayaw na niyang tuluyang lokohin pa Ang binata. Sapagkat Aminin man niya o Hindi . . . SI Drew Ang nilalaman ng kanyang puso. Marahil nga ay napukaw nito Ang matagal niya ng damdamin para dito. oh God! Please help me, Hindi ko alam Ang gagawin ko,, mahal ko Sila pareho pero alam kong Hindi maaari ito. bulong niya sa sarili. Unti unting pumatak Ang luha sa kanyang mga mata. Napapagod na siya mag isip pa. Nais na lamang niya Ang magpahinga . Hanggang tuluyan niya ng ipinikit Ang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD