Zanford University
Section D class:
"Hannah" masayang tawag sa kanya ni Chibs at lumapit rito.
"Yep." tugon niya rito habang inaayos ang envelop ng stationary letter niya. Dinesign niya pa ito noong linggo. May pa heart pa sa gitna at kiss marks sa gilid.
'Cute hihihi. I'm sure magugustuhan mo talaga ito Zachary hahaha' aniya niya sa isip.
" Hannah, nagawa mo na ba assign-------. We-we-wait ano yan?" curious na tanong nito ng makalapit na sakanya at inagaw ang hawak niyang love letter.
"Hoy, akin yan. Wag kong kunin aishh" at pilit inaagaw rito.
"Ano ba kasi---" hindi na nito tinapos ang sasabihin nang gulat na binasa ang nakasulat sa likod ng stationary.
"LOVE LET------" agad namang tinakpan ni Hannah ang bibig nito at tumingin sa paligid. Lahat ay nakatingin sa kanila dahil sa biglaang pagsigaw ng kaibigan niya.
"Ahehehe wala yun guys. Balik na kayo sa ginagawa ninyo. Sadyang likas na megaphone lang tong si Chibs diba? Hahaha" pekeng tawa niya at binigyan muna ito ng dagger look bago inalis ang kamay.
"Eww nabasa tuloy kamay ko. Eesh." reklamo niya at kinuha ang panyo sa kanyang lamesa at pinunasan ito.
"Aish. Ang arte mo hmmp. Pero ano yan love letter talaga?" kinikilig na sabi nito.
Tumango siya at silent sign pa siya upang tumahimik ito. "Shh ka lang baka may makarinig sayo eh."
"Bakit ano ang dapat na hindi marinig ha?" tanong ng bagong dating at nakita agad ang hawak ni Chibs.
"Ano yan?" curious na tanong ni Naomi at inagaw ito.
"WAIT LOV-------" hindi na naman tinapos ni Naomi ang sasabihin niya ng tinakpan niya rin bibig nito.
As usual biglang napatingin na naman ang mga kaklase nila sa direksyon nila.
"Ahehehe wala yun guys. Nagkakatuwaan lang kame. Masyado lang silang oa magreact ahaha. Sorry, cge na balik na kayo sa ginagawa niyo." aniya niya at pekeng tumawa habang binigyan ng matalim na titig si Naomi.
Napakagat naman ito ng labi at itinikom ang bibig.
" Kainis ka balak niyo pa atang ibulgar sa buong klase natin ang gagawin ko aissh. Better shut your mouth muna ok baka nga hindi ko pa binibigay yung pakpak ng bibig nakarating na agad kay Zachary kaya shut up muna ok." inis na bulong niya at pinisil ang mga bibig nito.
Napa-aray naman ang dalawa at sinamaan siya ng tingin ngunit inikutan niya lang to ng mata at umupo na.
" Eh kasi naman Hannah. Hindi ko alam na totohanin mo talaga ang sinabi namin. " aniya ni Chibs.
"At di ko rin alam na agad agad ka ring magko-confess. Di pwedeng practice muna?" sarcastic na sabi ni Naomi. Tumango naman ang isa.
"Practice.. practice. Wala ng ganyan. Paano kung naunahan na ako or di kaya paano kung may girlfriend na pala siya? Oh di olats na. Tsaka kayo na rin naman nagsabi na wag nang idelay diba? Oh natatandaan niyo pa ba?" hamon na sabi niya sa dalawa.
Tila nag-isip naman ang dalawa ang dalawa habang tumatango.
" Oo nga no hahaha. Yah! Hannah goodluck ah. Sana pinagpala ka ngayong araw. " kinikilig na sabi ni Chibs.
" Correct ka diyan and Hannah... " tawag ni Naomi sa kanya.
"Yes?"
"Fighting "
Tumango naman siya kaagad rito at nag-fighting style pa katulad ng mga korean.
'This is it. This is really izzit izzit. Walang ng urungan to. Tama kaya ko to. Fighting' aniya niya sa isip.
Recess Time...
"Are you sure na nilagay mo ng mabuti yong love letter sa loob ng locker?" tanong ni Chibs habang kumakain ng biscuit.
Nandito kami ngayon sa canteen at hinihintay na dumating si Zachary upang bumili ng pagkain. Medyo na raw idismiss ng teacher nito ang klase nila dahil sa biglaang quiz na mga ito at diretsong discussion pa.
'Cguro kung ako yon, tuluyan na talagang dudugo ang utak ko sa lectures. Syempre quiz tapos lecture pagkatapos. Matutuluyan na ang buhay ko ng wala sa oras wahahaha.'
"Oo nilagay ko ng mabuti yon. Cguradong makikita non agad pagkabukas palang hahaha. Ano kayang magiging reaction niya? Hmm" aniya at nagde-day dream na naman.
"Kyaahhh omg ang gwapo gwapo niya talaga aahhh." tili ng babae habang lumalakad papasok ng canteen si Zachary.
"Trueness kyahh Zachary why so gwapo?"
"Why so talino?"
"Why so hot"
"Kyahh Zachary akin na lang please."
"No. Akin siya."
"Akin siya"
At nagkasagutan na ang dalawang babae dahil kay Zachary. Di na lang ito pinansin ng lalake at dire-diretsong lumakad at umorder ng pagkain.
Natapos na itong nagbayad at umupo sa favorite spot nito sa lamesa katapat ng entrance ng canteen.
"HANNAH! HANNAHHH!! HAN-NAHH!!" pagpaparinig na sigaw ng kaibigan ni Hannah na si Chibs upang makuha ang atensyon ni Zachary.
Hindi naman ito nagkamali dahil huminto ito sa pagsubo at nilingon ang direksyon ng tumawag. Sa pwesto ni Hannah.
Seryoso itong tumayo at lumakad papunta sa kanila. Tila di naman mapakali ang itsura ni Hannah sa inuupan nito. Parang anytime na lang lalabas na sa ribcage niya ang puso niya at pinagpapawisan na rin siya ng malagkit.
'What to do? What to do? Ito na ata yun? Geez kinakabahan ko Lord help me please huhuhu'
Nasa harap niya na ito at seryoso pa ring nakatingin sa kanila.
"Hannah? Sinong Hannah sa inyo?" seryoso nitong tanong.
Agad naman tumingin sa kanya ang dalawa at tila naintindihan naman ni Zachary ang gustong iparating ng kaibigan ni Hannah kaya tinanong niya ito.
"Are you Hannah? Hannah Avery?" tanong nito sa kanya.
's**t gwapo is real. Here he comes the handsome alpha of all.' she said in while mesmerizing his face.
"Are you even listening to me?" his voice starting to irritate.
"H-huh? Yes. Yes. Why?" she asked trying to hide her emotions.
He took out something in his pocket and she was not surprised that it was her love letter contained it. Alam niyang ito lamang sadya niyo sa kanya dahil hindi naman siya nito kilala.
"Is this from you?" he asked at pinakita pa nito sa kanya.
Ang mga tao sa paligid ay nag-aabang lang ng magiging reaksyon niya. May iba na nagbubulung-bulungan at may iba na nakikinig lang.
"Y-yes. Akin yan. Nabasa mo ba?" utal niyang sabi at pilit pinatatagan ang loob niya.
'Shete ito na. Ito na talaga! Anong sasabihin niya? huhuhu.'
"Oo I read it. Actually I really really appreciate it. Thank you for giving me this. Ito ang pinaka-magandang natanggap ko sa lahat ng nagbigay sakin." aniya nito at ngumiti ng matamis.
Namilog ang kanyang mata sa gulat. Di niya inaasahan na ganun ang magiging reaksyon niya.
'Pero ano daw pinakamagandang natanggap nito sa lahat ng nagbigay? Wehh' anang sa isip niya.
" Pi-pinakamagandang natanggap mo?" kanda utal-utal pa rin niyang sabi. Feel niyang sobrang bilis ng t***k ng puso niya lalo na ng ngumiti pa ito lalo at nakikita na ang malaputi nitong ngipin.
"Oo at alam mo ba. I never expect na bibigyan mo ako. Matagal ko ng hinintay to eh. Ang malaman ko na gusto pala ako ng taong gustong-gusto ko." anito at hinawakan pa ang kanang kamay niya. Ramdam ko pang pinisil niya ito.
"YIEEEEEEEE" kinikilig na sabi ng mga nakakakita ngunit hindi lahat. May mga iba na nakasimangot at may iba na naiinggit.
Hindi siya maka-imik sa sinabi nito at mukhang pina-process pa ng utak niya ang lahat ng impormasyong nagaganap ngayon sa buhay niya. It's like her dream became true.
'Gosh. Sana hindi na ako magising kung panaginip man ito. Waahh. Omyghad sobra na to. Thank you Lord ngayon alam ko na gusto pala akong ng taong gusto ko wahhh' masayang ani niya sa sarili.
Walang sabi-sabing yinakap niya ito. 'Ghadd ang bango' at inamoy-amoy ang maskulado nitong katawan. Ramdam niya namang gumanti ito ng yakap at mas nilapit pa nito ang katawan nila.
'Gosh, this is the best thing that happened in my high school life hihihi.'
"Hannah" tawag nito at ito na ang unang umaklas ng yakap nila ngunit ang mga kamay nito ay sa magkabilang braso lang niya habang mariing siyang tinititigan nito.
"Yes?" tanong niya habang hindi inaalis ang mata niya sa mukha nito.
Unti-unti, dumukwang si Zachary at inilapit ang mukha nito sa kanya upang halikan siya. Ipinikit naman niya agad ang kanyang mga mata at hinintay na maglapat ang kanilang mga labi.
'For the second time around. Totoo na ito. Hindi na ito biro. Talagang maghahalikan na kami. Hahaha. Yes, this is it.' excited na sabi niya sa sarili.
Ilang inches na lamang at...
"NOOOOOOOOOO....." biglang sigaw ng babae.....
Si Lexin.
"NOOOOOOOO..." sigaw niya at biglang tinampal ni Chibs ang mukha niya dahilan upang bumalik siya realidad at pagkatulog.
"Natutulog ka na naman." inis na sabi nito na ngayon ay umiinom ng softdrinks.
"Di ko namalayan eh." inaantok na tugon niya. She yawned and stretching her arms side to side upang mawala ang antok niya.
'Geez akala ko totoo na. Eesh for the second time around naloko na naman ako ng panaginip ko.'
Tumingin siya sa mga bumibili, kumakain at dumadaan na mga estudyante. Walang hiyawan, walang nagkukumpulan at higit sa lahat walang Zachary na sumusulpot.
Nalungkot siya ngunit nagbabasakaling maging totoo iyon.
' Tama, maghihintay ako rito. For sure meron naman yon mamaya. Hintay lang self magkatotoo rin yan. Ha!' aniya upang palakasin ang loob niya.
"Ano yan mukha kang tangang tunatango." ani ni Naomi habang nagbabasa na naman ng comic book. Tss.
"Wala ka na dun tss."
Maya-maya nakarinig siya ng hiyawan at tilian sa entrance ng canteen. Namilog ang kanyang mga mata.
'OMG. He's here at... at ganito talaga ang paniginip ko.' ani niya sa isip.
Nakamulsa itong pumasok at seryosong naglalakad habang sunod pa rin ng sunod ang mga babae rito.
"Kyaahhh omg ang gwapo gwapo niya talaga aahhh." tili ng babae habang lumalakad papasok ng canteen si Zachary.
"Trueness kyahh Zachary why so gwapo?"
"Why so talino?"
"Why so hot"
"Kyahh Zachary akin na lang please."
"No. Akin siya."
"Akin siya"
At nagkasagutan na ang dalawang babae dahil kay Zachary. Di na lang ito pinansin ng lalake at dire-diretsong lumakad at umorder ng pagkain.
'OH..... M....... G. THIS IS REAL. HINDI TALAGA ITO PANAGINIP' at tinampal niya ng malakas ang mukha niya. Nagbabasakaling panaginip na naman ngunit nakailang gawa na siya ngunit ganun pa rin.
"Hoy Hannah anong ginagawa mo? Bakit sinasaktan mo sarili mo." taas-kilay na tanong ni Naomi sa kanya.
Di niya ito sinagot at nakatitig lamang sa gwapong lalakeng umoorder ng pagkain. 'SO TOTOO NGA WAAHHHH'
Natapos na itong nagbayad at umupo sa favorite spot nito sa lamesa katapat ng entrance ng canteen. Special ito dahil walang sumubok na umupo rito. Ito lang. Takot lang nila hahaha.
"HANNAH! HANNAHHH!! HAN-NAHH!!" pagpaparinig na sigaw ni Chibs upang makuha ang atensyon ni Zachary.
Hindi naman ito nagkamali dahil huminto ito sa pagsubo at nilingon ang direksyon ng tumawag. Sa pwesto ni Hannah.
Siya naman ay napaupo ng matuwid at dahan-dahang lumingon sa lalake.
Seryoso itong tumayo at lumakad papunta sa kanila. Si Hannah naman ay hindi mapakali sa inuupan nito. Parang anytime na lang ay lalabas na sa ribcage ang puso nito at pinagpapawisan na rin ito ng malagkit.
'OMO. What to do? What to do? Ito na yun? Geez kinakabahan ako Lord help me please huhuhu'
Nang nasa harap niya na ito ay seryoso pa rin itong nakatingin sa kanila.
"Hannah? Sinong Hannah sa inyo?" seryoso nitong tanong.
Agad naman tumingin sa kanya ang dalawa at tila naintindihan naman ni Zachary ang gustong iparating ng kaibigan ni Hannah kaya tinanong niya ito.
"Are you Hannah? Hannah Avery?" tanong nito sa kanya.
's**t totoo nga mas gwapo ito kapag malapitan. Here he comes the handsome alpha of all.' she said while mesmerizing his face.
"Are you even listening to me?" his voice starting to irritate.
"H-huh? Yes. Yes. Why?" she asked trying to hide her emotions.
He took out something in his pocket and she was not surprised that it was her love letter contained it.
"Is this from you?" he asked at pinakita pa nito sa kanya.
Ang mga tao sa paligid ay nag-aabang lang ng magiging reaksyon niya. May iba na nagbubulung-bulungan at may iba na nakikinig lang.
"Y-yes. Akin yan. Nabasa mo ba?" utal niyang sabi at pilit pinatatagan ang loob niya.
'Shete ito na. Ito na talaga! Mangyayari na ang panaginip niya. Excited siya sa sasabihin nito kahit alam niya na waaaahhh' kinikilig na ani niya sa isip.
"Yes nabasa ko. LAHAT-LAHAT." ani nito with his cold voice now ngunit may nahimigan siyang inis.
"And..anong masasabi mo?" tanong niya habang hindi pa rin maalis ang kilig na nararamdaman nito.
"And? Ang makata mo. Ano yan? Pinanganak ka ba sa sinaunang panahon at binigyan mo ako ng ganyang sulat? Saang henerasyon ka ba? Sa panahon ni Rizal o sa panahon ng lola ko sa talampakan?" inis na ani nito.
Nawala ang ngiti sa labi ni Hannah at napalitan ng curiosity.
'Huh? Bakit ganun? Sa panaginip natuwa pa ito at umamin na gusto niya ako tapos ito..' ani niya sa isip.
"Ba-bakit? Hindi mo ba nagustuhan?" nauutal na tanong niya.
Ngumisi ito at hinarap sa mukha niya ang love lettet bago nagsalita.
"Hindi. Hindi ko siya type at mas lalong hindi ko type ang babaeng nagsulat nito. Isa raw stupid at walang ginawa kundi magday-dream lang sa akin." ani nito at nagtawanan naman lahat ng estudyanteng nakakakita.
Naiiyak na siya sa paraang pagpapahiya nito sa kanya ngunit pilit niyang itinatago.
'Ang sakit namang magsalita nito.'
" So sayo ito?" tanong nito at iwinagayway pa ang sulat niya.
Napasinghap lahat ng pinunit nito sa apat ang love letter niya at dahan-dahang inihulog ang mga piraso nito sa sahig.
Di niya namalayang tumulo na pala ang kanyang luha at naninikip ang kanyang dibdib sa sakit. It is like her heart crashing into pieces like her love letter to him.
Hindi naman napigilang sumabat sa usapan ng dalawa si Chibs dahil sa ginagawa ni Zachary sa kaibigan niya.
"Grabe ka naman Zachary. Sobra ka na. Pinaghirapan yang isipin at isulat ni Hannah tapos pupunitin mo rin naman. Kung ganyan lang pala ang mangayayari. Di sana hindi niya na ibinigay sa iyo. Stupid ba? Mas ikaw ang stupid." galit na sabi niya rito.
"Correct. Matalino ka lang pero ang ugali mo patapon." sabat naman ni Naomi at galit na tumingin kay Zachary.
Di naman pinakinggan ito ng lalake at ngumisi lang. "Anong nangyayari?" maarte na singit ni Lexin. Ngumunguya pa ito ng bubble gum at tumabi kay Zachary.
"Inaaway ka ba nila? Sabihin mo lang." tanong nito kay Zachary.
Hindi sumagot ang lalake at tumalikod na lang at nagsimulang maglakad.
"Oh ano ito?" curious na tanong ni Lexin habang nakatingin sa pira-pirasong papel sa sahig at pinulot ito.
"Hmm. Love Letter?" curious pa rin nitong sabi at nagsimulang binasa.
Mahal kong Zachary Zanford,
Alam ko'y iyong hindi kilala.
Puso ko'y ika'y lamang kinikilala.
Subalit nais ko lamang bigkasin.
Itong mensaheng aking sasabihin.
"Wow sinong nagsulat nito? Sobrang makata naman. Saang henerasyon kaya ito galing? Cguro matandang janitor ang nagsulat nito?" ani ni Lexin at nagtawanan na naman lahat.
Napakagat naman ng labi si Hannah sa sinabi nito at pinagpatuloy ng babae ang binabasa nito.
Matagal ng ika'y tinatanaw
Mga ngiting mo'y siyang nakakatunaw.
Mula sa kalayuan, ika'y ay aking hinahangaan
Hanggang sa pagtulog, aking napapaginipan.
Ika'y aking ilaw sa madilim kong buhay.
Nagsisilbing liwanag sa panahong ako'y nawawalay.
Ika'y ring aking saklolo.
Sa panahong luha'y ko'y tumutulo.
Pangarap ko'y ika'y aking hagkan
Mga yakap mong aking magiging sandalan.
Sana'y ako'y iyong mapansin
Upang ako'y iyong mahalin.
Isinulat ko itong mensahe.
Nagbabakasaling maging parte.
Parte ng buhay mo
Buhay mo na buhay ko.
Umiibig,
Hannah Avery
"Wow. So sweet sino ang nagsulat nito?" tanong ulit nito sa mga estudyanteng nakikinig.
May nagturo naman kay Hannah na ngayon ay nakayuko lang habang umiiyak.
"Ahh now I know. Hindi naman na nagkakapagtaka. A stupid girl like you. Gagawa ka talaga ng kalokohan. Look at you kahit di mo sabihin na reject ka ni Zachary hahaha." inis na halakhak nito.
"ANO BA LEXIN ISA KA PA TAMA NA" tanggol ni Chibs kay Hannah.
"Oh bakit totoo naman ah. Kayong tatlo wala na kayong ibang ginawa kundi kalokohan lang. Yan tuloy ang napala niyo hahaha." tawa nito at ng kaibigan pa nito.
Lumapit ito kay Hannah at inilapit ang mukha nito sa tenga niya.
"Busttedd hahaha" asar nito at pinat pa ang balikat niya bago tumatawang umalis.
Bumalik naman sa kanya kanyang gawain ang ibang estudyante habang ang iba ay tinitignan pa rin siya. Para siyang basang sisiw na humahagulgol pa rin sa iyak.
"Don't mind that two evil creatures Hannah. Tama na wag ka ng umiyak." pagpapatahan sa kanya ni Chibs at yinakap. Ganun rin ang ginawa ni Naomi.
Gumanti siya ng mas higpit na yakap at todo umiyak sa mga balikat nito.
'Hindi ko alam na ganito pala kasakit masaktan. Masaktan mula sa kanyang crush at first love.'