Kinaumagahan, maagang nagising si Hannah upang tumulong sa sarili kanilang Carinderia. Maliit lang ito ngunit sapat na upang mabayaran ang kanyang tuition.
Hindi rin naman sa naipagmamalaki niya kundi sikat ang kanilang hanapbuhay dahil sa mga masasarap ang lutong inihahain ng kanyang ama at mga kasamahan nito na siyang nagtulong-tulong upang makuha ang lasa ng customers nila.
"Miss Hannah, magbabayad na po ako." aniya ng loyal customer sa kanya habang nagseserve siya ng pagkain at drinks.
"Ay ganun po ba. Halika po sa counter at masuklian ko na po." masayang sabi niya rito.
Sa kabilang banda. Nakatingin lang ang ama nito sa kanya habang nagluluto ng mga pagkain.
Bata pa lang ito. Mahilig na itong tumulong sa carinderia nila. Masaya siya dahil lumaki itong matino at masipag na anak.
" Paps" magiliw na tawag sa kanya ng anak at lumapit rito.
"Hmm" tugon niya habang hinahalo ang chicken soup.
"Ahmm." tila nahihiya niyang sabi.
"Ano yun? Bakit nahihiya ka pa?" tanong ng ama niya na hindi pa rin tumitingin sa kanya.
"Ahmm. Pano niyo po ba niligawan si Mamsy?" lakas-loob na tanong niya.
Napatigil ito sa paghahalo at binitawan ang sandok na hawak nito at curious na hinarap siya.
'Geez ito na nga ba sinasabi ko magtatanong yan eh.'
Napakagat siya ng labi sa iniisip niya.
" Bakit mo natanong? " curious na tanong ng tatay niya habang tinititigan siya ng mabuti.
Umiwas siya ng tingin at kinuha ang sandok at siya na ang naghalo rito.
"Ahm. Ano kasi Paps.. Ano hindi mo pa kasi kinukwento sakin ang love story niyo ni Mamsy so.. Baka naman hehehe." palusot niya.
"Wow. Tila bigla kang nagka-interes ah. Bakit? May nanliligaw ba sayo?" natatawang tanong ng kanyang tatay.
"Ha? Wala. Wala Paps eh masama bang magtanong?" nahihiya niyang sabi.
Tumawa naman ang ama at umupo sa upuan bago magsalita.
"Love story namin ng Mamsy mo? Hmm. It's a kind of thrilling story. 'Papasakay na ang nanay mo non sa bus pero hinabol ko siya. Sabi ko pa nang hinarang ko siya. Kahit saan ka pa magpunta mahahanap pa rin kita. Hindi ako titigil hanggat di mo ako pakasalan.' So ayun tinuloy niya pa ring umalis kaya I have no choice but to find her. Para lang kaming nagha-hide and seek. " feel na feel na kwento ng tatay niya habang ngumingiting nakatingin sa kawalan.
Siya naman ay nakikinig lang habang nakangiti ring tumatango habang nagde-day dream.
Karga-karga niya ang mga gamit niya habang naglalakad papunta sa bus station.
" Hindi mo ako mapipigilan Zachary. Aalis ako hanggat sa gusto ko. Hinding-hindi mo na ako makikita. Sana maging masaya ka na." aniya habang pinipigilan umagos ang kanyang luha.
Walang expression itong nakatitig lang sa kanya at ipinasok pa nito ang mga kamay sa bulsa ng pantalon.
" Eh, di umalis ka as if I can stop you. Go on. Leave. Be safe"Sabi lang nito at tumalikod.
Tila biglang umurong ang kanyang luha sa sinabi nito at sumigaw.
" SUCH A COLD-HEARTED HORRIBLE JERK. ARGH!!! "
Ipinilig niya agad ang kanyang ulo sa naiisip.
"Earth to Hannah. Earth to Hannah nakikinig ka ba?" tanong ng ama niya habang iginagayway pa nito ang kamay nito sa mukha niya.
"H-huh? Ha?" tanong niya nang bumalik siya sa katinuan.
"Tss. Mukhang di ka nakikinig sa sinasabi ko. Yung soup, kumukulo na patayin mo na ang kalan." sabi nito.
Napatingin naman siya sa niluluto niya. Umuaapaw na ito at tumatalsik pa ang sabaw nito. Dali-dali niyang pinatay ang kalan at malungkot na hinarap ang ama niya.
" Sorry Paps, mukhang nagsayang na naman ako ng ulam. "
Ngumiti lang ang ama niya at ginulo - g**o ang buhok niya.
"Eesh. Ok lang yan. Sanay na ako na ang anak ko ay hindi marunong magluto hahaha." asar nito sa kanya.
Inis na inalis niya ang kamay nito at inayos ang buhok.
"Eesh. Wag kang mag-alala Paps baka balang araw matutunan ko ring magluto ng masasarap na pagkain. Hindi pwedeng hindi ko alam. Anak niyo ako, nakakahiya naman sa mga tao na anak ako ng isang magaling na kusinero tapos hindi ko alam. That's a big no no." aniyang paliwanag niya rito.
Natawa naman ito sa sinabi." Talaga lang ah. I am looking forward for that. " at akmang tatalikod na ito nang magsalita ulit siya.
" Ah Paps. May last pa akong tanong. " aniya niya.
Humarap naman ito ulit at nagtanong." Ano yun? "tanong ng ama niya.
" Ahm. May binigay ka ba habang kinukulit mo si Mamsy non? " tanong niya.
'I need to know' aniya niya sa isip.
" Binigay ahmm. Oo love letter. Noon kasi, hindi pa uso ang phone kaya sa sulat ko idinadaan lahat ng nararamdaman ko sa nanay mo. Bakit may nililigawan ka? " aniyang tanong ng tatay niya.
'I get it' masayang sabi niya sa sarili niya.
Hindi niya na sinagot ang ama niya at inalis ang apron na suot niya sabay takbo.
" Thank you Paps. Babalik rin ako kaagad. " excited na sabi niya at tuluyan ng umalis sa carinderia.
Napailing na lang ang ama nito sa asal ng kanyang anak ngayon.
"She's really a grown-up kid now. Right wife." sabi niya at tumingin sa picture na nasa dingding.
"Ang anak mo di na bata. Nagdadalaga na. Mukhang may crush na nga eh pero tss." napaisip siya sandali at nilagay pa ang kamay sa baba.
"Nakalimutan kong itanong kung sino ang crush non. Hmm. Sino kaya?" curious niyang sabi.
'Di bale na nga malalaman ko rin yan' aniyang sabi ama sa sarili niya bago bumalik sa trabaho.
-----------
Grand mansion Park
"Geez, namiss ko rin pumunta dito sa park hahaha." at umupo sa favorite niyang pwesto dito sa ilalim ng puno dito sa Park.
"Hi Mr. Tree how are you? Namiss kita sorry kung di ako nakadalaw nitong mga nakaraang araw. Busy eh hihihi."
'Oo. Busy kaka-istalk kay Zachary wahahaha.'
Mukhang tanga siyang nakikipag-usap sa puno na akala niya naman sasagot ito sa kanya.
"Hello, Ms. Hannah. I am doing fine. Ikaw kamusta ka na. Alam mo bang sobrang miss na miss na kita." aniya ng magsalita ang puno.
Gulat siyang tumayo at nanlalaki ang mga matang nakatitig rito. Muntik na siyang atakihin kahit wala naman siyang sakit sa puso.
" Y-you y-you. Nag-nagsasalita ka. Pap-papano? Waahh. " aniya niya habang takot na nakaturo ang kamay niya rito.
Maya-maya biglang lumabas si Giro sa likod ng puno at tumatawag nakatingin sa kanya.
"Wahahahaha nakikita mo ba ang mukha mo wahahaha nakakatawa hahaha." halakhak pa rin nito.
Nang nakabawi na siya sa gulat ay inis na lumapit rito at binatukan ito ng malakas.
"Aray ang sakit" reklamo nito habang hinihimas ang parte ng binatukan niya.
"Aish. Talagang masakit. Anong akala mo nakakatawa yon ha. Nakakatawa. Muntik pa akong inatake sa puso dahil sayo." bulyaw niya rito at umupo ulit.
Nag-alala naman tong lumapit sa kanya. Lumuhod ito at hinahanap kung saan ang may sakit sa katawan niya.
"A-anong? Anong ginagawa mo? hoyy! Gosh ano ba?" inis na sabi niya rito.
"Hinahanap ko kung saan ang masakit? Wait dito ba? Saan? Dito" sabi nito nang hindi pa rin siya binibitawan.
"Geez, walang masakit sakin. Sabi ko aatakehin ata ako sayo sa puso kahit wala naman dahil sa nanggugulat ka. Tsaka layas layas may gagawin ako." aniya niya habang itinutulak ito palayo. Sinisipa pa niya ito para umalis.
"Eesh. Ano namang gagawin mo?" curious na tanong nito at tumabi sa kanya at isinandal pa nito ang mabigat nitong ulo sa balikat niya. Agad niya naman itong inalis.
"What was that Hannah? Inaantok ako. Palagay lang ng ulo sa balikat mo eh." reklamo nito.
"Ang bigat bigat ng ulo mo. Di ko alam kung yari yan sa cemento eh. Alis. Alis na kasi may gagawin ako. Alis." pagtataboy niya rito.
"Ano ba kasing gagawin mo? Pano kung biglang pagsamantalahan ka kapag aalis ako. No way highway. Dito lang ako." at tumalikod sa kanya at lumilinga linga na para bang bodyguard.
Binatukan niya ulit ito.
"Aray ko. Hoy ikaw porket gusto kita ha. Nakararami ka na. Sakit grabe. I have an amazona girlfriend aissh." sabi nito.
She frowned at inis na tinignan ito. "Anong girlfriend? Kailan pa? Aishh layas na kasi. Walang mananantala rito dahil safe itong Park. Lagi ngang nakabantay dito si Manong guard eh. Diba manong guard?" sigaw niya at kumawat sa di kalayuang nagbabantay ng park. Ganun rin ang ginawa ng lalake.
Hinarap niya si Giro." Oh diba so shoo shoo, alis na. Oh gusto mo pang sipain kita. " hamon niya rito.
Tila sumusuko naman itong tinignan siya." Fine fine cge. Aalis na ako basta mag-iingat ka ah." aniya nito at umalis na.
"Hayss. Madami pa talagang sasabihin bago pumayag aissh." bulong niya at nilabas na ang stationary letter at ballpen sa bag niya at nagsimula ng magsulat.
1 yr. later *joke*
Makalipas ang ilang oras ay nakatitig lamang si Hannah sa papel na susulatan niya. Wala pa siyang sinusulat dahil wala siyang naiisip na tamang sasabihin.
"Hayysss ano ba to." inis na kinamot niya ang kanyang buhok.
"Ang hirap hirap namang gumawa. Aisshh. Akala ko madali lang. Argh!!" at inihampas pa ang papel.
"Pano ba? Aahhh ka-frustrate naman kasi eh. Wait? Tama patience. Hinga muna ng malalim tapos exhale." sabi niya sa sarili niya habang humihinga ng malalim.
"Kaya ko to! Makakagawa rin ako ng pinaka-magandang love letter na magugustuhan ni Zachary sa buong buhay niya. Kala ng ibang mga babae diyan magpapatalo ako? No, that's a very big no no. Tandaan mo to Zachary." determimadong usal niya sa sarili.
" I make you fall in love with my love letter. I swear. Hahanap-hanapin mo rin ang isang Hannang katulad ko. Hmm. " and smirked evilly.
---------------
Hapon na ng makabalik na siya sa Carinderia nila. As usual marami pa ring tao ang kumakain.
"Di pa rin nauubusan ng customers hihihi lakas pa rin ni Paps." masayang ani niya at lumakad patungo sa kitchen.
Nakita niya ang tatay niya na tinutulungan ang katrabaho nito sa paghihiwa.
"Dapat ganito ang paghiwa para maluto siya ng mabuti." anang sabi nito sa kausap at hiniwa sa pagka-pira piraso ang mga karne.
"Aahh ganun pala. Naks Sir galing niyo talaga. Da best pa kayo magluto. Sorry po bago palang kasi ako." sabi ng kausap habang nagbobow pa.
Natawa naman siya sa ginagawa nito. "Aishh, ano ba ok lang yan. Di naman ako nag-eexpect na kapag bago palang ay magaling na. Tandaan mo to." sabay patong pa ng kanang kamay nito sa balikat ng kausap.
"Walang taong nagsisimula sa pagiging experto. Lahat yan tinututunan muna bago maging tunay na magaling." advice nito sa lalake.
Mukha namang na-gets ito ng lalake at nag-thumbs up pa. "Kaya gusto kita Sir eh galing mo mag-advice. Thank you po. Gagawin ko po lahat ng makakaya ko." determinadong sabi nito.
"Good. Now go back to work." ma-awtoridad na sabi ng kanyang ama at pumalakpak pa ito na agad namang ginawa ng lalake.
Ngumiti siya at lumapit na rito. "Paaappsss hehehe." magiliw na bati niya rito.
"Oh Hannah bakit ngayon ka lang naka-uwi? Di ka pa umuwi dito kaninang tanghali. Saan ka ba galing bata ka ha? Nag-alala ako sayo." kalmadong sabi ng tatay niya ngunit may bahid na pag-alala.
Ngumiti siya rito at inakbayan. "Wala Paps. Tumambay lang ako saglit sa Park tapos dumiretso na agad ako sa bahay ni Naomi. Nag-yaya manood ng kdrama eh. Nagandahan lang ako sa kwento kaya di ko namalayan ung oras." paliwanag niya na totoo naman.
"Hayy nakong bata ka. Sa susunod magpaalam ka ah. Di yung bigla mo akong tinakbuhan kanina. Ni hindi mo pa sinagot ang tanong ko? Ah wait?" napahinto ito nang may naisip.
"Ano Paps?" tanong niya habang tiningnan niya ito ng mariin.
"Sino ung crush mo? Kala mo nakalimutan ko na ah. Sino yun?" ma-awtoridad na tanong ng ama niya.
"Ha? Paps wahaha wag mo ng tanungin. Di mo rin naman alam kung sino yon eh." tila nahihiyang niyang tanong habang pasimpleng kinikilig.
"Hayy itong batang to talaga. Makikilala ko rin yon. Tss. Oh siya cge na. Hindi kita pipilitin kung ayaw mong sabihin. Cge na umuwi ka na. Saka nga pala baka sa Tuesday na tayo lilipat sa bago nating bahay." paliwanag nito.
"Oh wehh?" gulat niyang sabi. "Paps akala ko ba ngayon. Excited pa naman ako kanina kaya nga umuwi na ako kasi akala ko lilipat na tayo ngayon." reklamo niya.
'Hayss naman oo. Sinabi ko pa naman sa mga kaibigan ko. Aissh'
"Hannah kita mo ng maraming tao ngayon tsaka may pupuntahan akong importante bukas hanggang lunes kaya iiwanan ko lang sayo saglit itong carinderia. Babalik rin ako kaagad. Biglaan eh." pilit na paliwanag nito sa kanya.
Napanguso siya. "Eh ano pa nga bang magagawa ko. Eesh." malungkot na sabi niya.
'Di bale na nga sasabihin ko na lang sa kanila na hindi tuloy. Aishh'
"I hope you understand Hannah." aniya ng ama niya sa kanya.
Tumango na lang siya rito at nagpaalam na.
"Di bale na nga ng iisipin na lang niya ay kung paano niya ibibigay ang love letter niya. Hayss. Kinakabahan ako na naeexcite. Hahaha."
Natawa siya sa naisip niya.
'Get ready Zachary because your future wife is coming hahaha'