"Z-zachary?!" bulong niya.
Hindi siya nito pinapansin dahil nakatuon lang ito sa pag-bubugbog at pagsipa sa pulubing baliw na lalake na ngayon ay nakahiga sa sahig at hindi lumalaban.
"M-master! Boss! Chief! Tama na masaket huhuhu." naiiyak na sabi nito habang sinasangga ang sipa at suntok ni Zachary.
"Masakit? Di san naisip mo na yan habang sinasaktan mo ang babaeng nasa harapan mo? Anong balak mong gawin? Gahasain? Sabi ko na eh unang kita ko pa lang sayo iba na. " galit na tanong nito sa lalake.
Napatigil siya sa pag-iyak at napatulala na lang. 'Tama ba ang naririnig niya? Pinagtatanggol ba siya? Shet! For the first time concerned ito sa kanya. Pero ano daw unang kita?! What did he mean? '
" Hindi na po boss tama na. Aww! Paalisin mo lang ako. Ouch. Boss tama na." paawa nito.
Tumigil si Zachary sa pagbugbog rito at tiningnan ito ng masama. "Wala ka man lang ka-taste taste sa katawan. Gagasahin mo flat chested at mukhang pilatong katawan. Tss next time maghanap ka ng babaeng may binatbat kaysa babaeng ito." sabay turo sa kanya.
'What the!! I get it. Talagang walang magandang sasabihin ito sa kanya. Akala pa naman niya babait na. Hindi pa pala. Antipatiko pa rin. Argh! Zachary, you're getting into my nerves.'
" Bwisit wala ka na talagang sasabihin masasamang salita ang lumalabas diyan sa bibig mo. Eh kung i-stapler ko ka yan baka sakaling hindi ka na magsalita ha." galit na saad niya.
"What? I was just saying the truth?" sabi nito na parang wala lang.
"Truth truth mo yang mukha mo eh kung paalisin mo na kaya yan para makauwi na tayo." aniya niya at iritang pinunasan ang butil ng luha sa mukha niya.
"Geez, hoy you!" sabi nito sabay turo pa sa lalake na ngayon ay nakaluhod at nakayuko na parang nagdadasal. "Get out of my sight before I totally crushed you. Get out!!!!" sigaw nito. Agad naman itong tumakbo habang padapa-dapa pa.
Napailing na lang rin siya at tumingin kay mokong. "Hoy matabil na hambog tulungan mo nga ako. Hindi ako makatayo." sabi niya at sinubukang tumayo ngunit bumagsak rin siya.
"Geez, ang sakit. Hindi ata ako makaka-lakad." daing niya. "Sino ba kasi 'yun at parang kilala mo?" curious niyang tanong.
Hindi naman kaagad ito sumagot at basta na lang lumuhod sa harapan niya. "Nakita ko siya habang naglalakad tayo papuntang school noon. Remember ' yong nag-aasaran pa tayo sa daan? Nauna ka na 'non at papuntang school. Nagulat na lang ako na may tao sa gilid ng halamanan sa side ko. Tinatanaw ka niya sa malayo kaya naghinala na ako. "paliwanag nito.
' Eh sa mukha palang hindi na katiwa-tiwala eh. Halatang manyak. ' aniya niya sa isip at tumango na lang rito. Masyadong masakit ng paa niya kaya hindi niya ito masagot. Napansin siguro nito na iba na itsura niya kaya nagtanong na ito.
"Are you ok? Here let me help you. " sincere nitong sabi at kinuha ang isa niyang kamay at nilagay sa batok nito at ang isang kamay naman nito ay hinawakan ang bewang niya habang ang isa naman ay nasa hita niya. In short naka-bridal style ang pagbuhat nito sa kanya.
'Shet ang lapit na naman ng mukha niya sa akin. Ang bango pa. Anong kayang pabango nito? Polo Blue o Lacoste Eau De Blanc?'
"Natulala ka na naman. Nagwagwapuhan ka naman 'sakin no?" nang-aasar nitong sabi saka ngumisi.
Pinanliitan naman niya ito ng mata. "Ang kapal ng mukha mo. Antipatiko. Nagbubuhat ka na naman ng bangko. Hala cge lakad na at ng magamot na itong sugat ko. Nakakahiya naman kung pagbubuhatin ko ng matagal ang master ko diba?" she sarcastically said.
"Oo naman ang bigat mo kaya para akong nagbuhat ng elepante." reklamo nito.
Umusok naman agad ang ilong niya. "Ang kapal mo. Nagrereklamo ka pa. Anong akala mo 'sakin mataba?" galit na sabi niya at pinalo ang dibdib nito. Napa-aray naman ito.
' Sh*t ang tigas. '
"Aray makapalo lang ha. Bakit hindi ba?" pang-aasar nito pero sa totoo ay magaan lang si Hannah.' Geez kumakain ba ito? Parang hindi ko ramdam ang bigat. Pilato talaga tss. '
"Arghh! I hate you." sabi niya na lang saka inirapan.
"Oy oy, may gana ka pang irapan ako eh pasalamat ka nga niligtas pa kita 'don sa manyak na ' yon eh. Eh di sana nilapa ka na nun." nguso nito.
'Shet ang cute.'
"Oo na aishh pero Zachary." malumanay niyang tawag rito.
"Hmm?"
"Thank you!" she whispered. He stopped for a while and glanced at her. It took a seconds before he speak. "Next time if you say something important to me. Say it earlier. Hindi mo ba alam na pinag-aalala mo ang nanay ko. Kanina pa nag-aalala 'yun sayo." sabi nito.
Napayuko na lang siya sa sinabi nito. Tama naman dapat sinabi niya ng maaga na sabay sila uuwi at hindi nagpadala sa emotion niya.
" Sorry. " simpleng paumanhin niya na lang rito.
Huminga naman ito ng malalim at naglakad ulit." Hayss hindi ko alam kung anong gagawin ko sayo. Pinanganak ka atang may balat sa puwit." sabi nito.
Napa-angat naman siya agad. "Grabe ka naman aishh pero paano mo pala ako nahanap. Stalker ba kita? Yiee sabi ko na gusto mo ako eh. Aminin mo na." pang-aasar niya rito at humalakhak.
"Ang kapal talaga ng mukha mo no. Sa gwapo kong to? Stalker? At sayo pa. Wag na lang. See this?" at pinakita nito ang supot na may lamang pagkain.
"Bumili ako nito sa malapit na grocery. Wag kang feelingera. Di ka maganda. " dagdag nito.
Umingos naman siya at napanguso. Malay ba niya. Nakatuon lang ang pansin niya sa lalake at sa baliw na 'yon kanina. "Fine pero may tubig ka ba? Naiinom ako eh."
Hindi naman nagdalawang isip si Zachary at binigay naman nito ang supot sa kanya.' May pagka-gentleman rin ito ah. Sabihin na nating sa 100%, 10% ang nabawasan ahahaha. '
"Thank you ulet." masayang sabi niya rito at uminom.
For the first time nag-uusap sila ng matino ngayon. Sana ganito na lang sila palagi. May bangayan at asaran pa rin pero medyo nag-uusap na rin sila ng matino.
Napangiti siya ng palihim. Minalas man siya ngayong araw. Ngunit bago man matapos ito may maganda pa ring nangyari. Yun ay dahil kay Zachary.
'1 point for you' ani niya sa isip habang tinititigan niya ito ng nakangiti.
----------------------
Scroll sa page, basa ulit..iling.....scroll ulit ng page, basa ulit... Iling... Paulit-ulit lang ang kanyang ginagawa ngunit ni isa wala man lang siya naiintindihan. Ibinagsak niya ang kanyang libro at saka isinara. Dinukdok niya ang mukha sa lamesa. Tatlo lang naman ang pumasok sa kanyang isipan ngunit isang tao lang naman ang tinutukoy nito...... Si Zachary. At ang pagsagip nito sa kanya hanggang sa pagbuhat at momentum nila.
"Aahhhhhhh. Omyghad nababaliw na ata ako ahhhh." impit na tili niya upang hindi marinig ni Zachary sa kabila since magkatabi lang kwarto nila.
"OMG!! Kinikilig ba ako. Shocks! Palagay ko nangangamatis na pisngi ko." kausap niya sa sarili.
"Iihh. No self. Wag, baka nakakalimutan mong sinaktan ka niya. And remember the bet. Walang maiinlove kundi talo ka." dagdag niya at ibinagsak ang sarili sa kama at tinititigan ang kisame.
"Pero... aminin ko man o hinde. May bahagi pa rin sa akin na gusto ko siya." malungkot niyang saad at kinuha ang favorite niyang teddy bear sa gilid ng kama at kinausap ito. "Tama ba to Teds? Wala na nga siyang ibang ginawa kundi bullyhin at asarin ako tapos gusto ko pa rin. Paano ko ba maalis sa sistema ko ang antipatikong lalakeng 'yun?"
Mukha siyang tangang nakikipag-usap sa teddy bear niyang nakangiti lang sa kanya. Akala naman niya magsasalita ito. Kilabutan na lang siya kapag nangyari ' yun.
" Aha tatawagan niya na lang si Naomi panigurado hindi 'yun busy. Nasa beauty salon ngayon si Chibs sideline raw nito dahil wala itong magawa."
*ringggg*
Ilang ring pa at sinagot na nito ang tawag niya.
"Hellooo Naomi how are you? Hihihi" kinikilig na sabi niya.
"Oh Hannah! Napatawag ka? Bakit?" kalmadong nitong tanong.
Siya naman ay hindi na naman mapigilan ang ngiti at kilig niya. "Ok ka lang Hannah? Bakit hindi ka sumasagot? Tsaka.... ang impit ng tili mo? Let me guess?!" pabitin nito.
"Oh cge nga? Bakit?!" hamon niya at tinakpan ang bibig.
"Kinikilig ka no? Alam ko na style mo eh. Bakit ha?! Anong nangyari? May bago na ba?" nang-aasar na tanong nito
Siya naman ay tumayo at tumatalon-talon para doon ilabas ang kilig na nararamdaman niya at saka ibinagsak ulit ang sarili sa kama.
"Hahaha. Wala masaya lang akong nakausap kita." pagpapalusot niya. Kahit kaibigan niya ito, hindi pa rin pwedeng malaman nito na nasa bahay ni Zachary Zanford siya nakatira. Panigurado world war 3 ang magaganap kapag nagkataon.
"Weh?! I don't believe you. Ilang taon na tayong magkaibigan tapos magsisinungaling ka pa sa akin? Oh c'mon say it?!"
Napangiti siya talagang totoong kaibigan niya ito. Alam na alam ng ugali niya. But still... sorry Naomi.
"True namiss kita hihihi. See you tomorrow 'babye." sabi niya at pinatay na agad ang tawag bago pa may sasabihin ito. Mahirap ng mabuking. Wala siyang mapagsabihan ng nararamdaman niya eh. But in the end hindi niya rin nasabi. Ano naman ' yun? Para talaga siyang muntanga minsan.
Gumulong-gulong siya sa kama upang dito na lang niya ilabas ang nararamdaman niya nang....
"Tapos ka na ba kiligin diyan?" tanong ng tao sa pintuan niya. Naka-cross arms pa to na naka-face palm. At dahil nasa pinaka-dulo na pala siya ng kama niya. Na-out balance siya at nahulog sa sahig.
"Ouch! Aray!" reklamo niya at masamang tiningnan si Zachary.
"Ano ba hindi ka ba marunong kumatok ha? Palagi ka na lang ganyan sulpot ng sulpot. Mushroom ka ba ha?" inis na sabi niya.
"Stupid ka ba talaga ha?! Open 'tong pintuan mo. Tss." sabi nito at pumasok na sa kwarto niya at ni-lock ang pintuan at pumunta sa study table niya.
"Oh! Anong ginagawa mo diyan? Tutunganga? Mukhang wala ka atang balak magpaturo eh."
Nagulat siya. Seryoso ba talaga ' to?
"Kung ayaw mo ok lang naman babalik na lang ako sa kwarto ko at matutulog na. Bahala kang bumagsak tutal parang sanay ka na ' dun." dagdag nito at akmang tatayo nang mabilis pa sa alas - kwartong bumangon siya at hinarangan ito.
"Wag. Hehehe cge na turuan mo na ako. Please!!" at nagpuppy face pa siya.
"Mukha mo mukhang ewan. Hindi bagay. Umayos ka na at gusto ko ng matulog tss." seryoso nitong sabi at umupo na ulit.
Pasimple naman siya napangiti habang kinikilig ngunit kalauna'y umayos rin siya.
'Self bawal kiligin sa harap niya. Napaghahalataan ka eh arghh'
" Ano ba ipapaturo nito? " seryoso pa rin ito.
'Grabe ' di man lang ngumiti ulit. Parang wala lang dito ang ginawa nito. ' aniya niya sa isip habang tinititigan ito.
Naramdaman siguro nito na nakatitig siya kaya naman humarap ito. "Ano ba mag-aaral ba tayo o hinde?" galit na tanong nito.
Siya naman ay gulat sa ginawa nito kaya naman umiwas siya ng tingin at inayos ang sarili.
'Shet nagiging monster na naman aisshh. Ang bipolar. Paiba-iba ng ugali.'
"Yes master," she sarcastically said and slammed the book on the table.
"Galit ka ba?" umiling naman siya kaagad at hindi na lang nagsalita. Badtrip siya. Wala siya sa mood makipag-usap rito.
Hindi kuntento si Zachary sa biglang pagbago ng ugali nito ngunit nagkibit balikat na lang siya at nag-umpisa ng turuan ito ngunit ni hindi man lang nagbago itsura nito. Asim ng mukha.
'The hell is she problem?' anang sa isip niya. Tiningnan niya ulit ito. Nakamundok habang ini-iscroll ang page ng book nito.
'May nagawa ba siyang mali? O well moody naman talaga ito. ' balewala niya na lang.
"Before we start with our true lesson may I ask you what is algebra?" seryoso niyang tanong nito.
"H-huh?" inosenteng tanong ni Hannah sa kanya.
"Are deaf? I said what is algebra?" nag-uumpisa na siyang maasar dito kanina pa ' to.
Medyo natakot naman si Hannah sa kanya kaya umayos na ito ng upo at nag-isip.
"Ah-ahmm...... Algebra? Hmm.. Ano nga ba ' yun? Ni hindi ko pa narinig 'yun eh." bulong nito na narinig niya naman.
Napatampal na lang ng noo si Zachary rito. Seriously?! Sa 4 yrs. na nag-aral ito ng high school ni hindi man lang nito alam ang algebra? O baka sinuhol o sineduce nito ang mga teachers para ipasa siya tss. Huminga siya ng malalim upang pakalmahin niya ang sarili niya. Sa lahat ng tinuruan niya ito talaga ang kakaiba.
"Do you know what is x and y?"
Agad namang nagliwanag ang mukha nito at humarap bigla sa kanya with matching twinkle eyes. Tss.
"Alphabet" magiliw na sagot nito.
Binigyan naman ito ni Zachary ng "tanga ka ba look" at mukhang naiintindihan naman nito kaya agad sumimangot si Hannah at ibinalik ulit ang tingin sa libro.
This is it. Hindi na siya makapagtimpi at kinuha ang ballpen at tinignan ito ng masama. "Better listen." diin niyang sabi at tiniruan na ito.
15 minutes later.....
"Ahhh ayaw ko na huhuhu. Ang hirap hirap sobra na. Nakakasakit na sa utak. Sino ba kasi ang nag-imbento ng mga numbers na 'yan? Sama mo na rin ang letter? Cinombo pa bakit? Huhuhu." reklamo ni Hannah at pumapadyak-padyak pa.
Napaface-palm na lang si Zachary sa inasal nito. Maski siya sumasakit na utak niya. Sumasakit sa tinuturuan niya. Napaka-low gets.
"Aba malay ko. Tanungin mo sila hindi ako tsaka nagrereklamo ka pa. May magagawa ka ba? Wala! Gawin mo na lang pinapagawa ko. Sobrang dali na nga lang binigay ko na problem. Hindi mo pa magawa. Intindihin mo kasi ang technic na sinasabi ko." cool na sabi nito at bored na isinandal ang sarili sa office chair.
" Same sign. Add and keep. Different sign, subtract. Take the sign of the greater value. Then you get it right. Easy! Eesh! "
Umingos naman si Hannah rito at itinuon ulit ng tingin sa sinosolve. "Bakit kaya sa lahat ng letters x and y pa? Bakit hindi na lang g, j, o kaya k?" curious na tanong niya.
"Just shut your mouth and solve that." bored na tanong nito habang kinukuha si Teddy niya at nilalaro-laro ito.
"Sungit hmph" bulong niya.
10 minutes after...
Naiiyak na siya. Hindi niya talaga alam huhuhu. Wala suko na siya. Tiningnan niya si Zachary na natutulog na sa tabi niya. Tinititigan niya ito.
'Mukha talaga siyang anghel kapag tulog. Sana hindi na siya magising. Nagiging monster kapag nakamulat na mga nito. Nakakatakot na nga minsan tss.'
Napangiti siya. Ang gwapo talaga nito. "Thank you Zachary.. kahit masungit ka palagi. Ito tinuturuan mo pa rin ako. Sorry kanina kung bad mood ako. Parang wala lang kasi sayo ang pag-save mo sa akin." bulong niya.
At hindi niya namalayang nakatulog na pala siya sa tabi nito. Bale magkaharap ang mukha nilang dalawa sa isa't - isa.
Sa kabilang banda, pumasok naman ang nanay ni Zachary sa kwarto ni Hannah upang dalhan ang mga ito ng pagkain.
" Hannah.... Zachary" tawag niya rito nang hindi pa lumilingon sa dalawa at pinatong ang pagkain sa night stand.
"Tama na muna yan at kumain na......" lumingon siya rito habang dumadahan-dahan ang pagsasalita niya.
"kayo," pagtatapos niya at natutop niya bigla ang bibig niya habang nanlalaki ang mga mata niya.
"O.. my.. ghadd." sabi niya na lamang sa nakikita at biglang napangiti ng pagkalaki-laki ng may maisip siya.
"Camera!? Yes I need camera." bulong niya at dahan-dahang umalis sa kwarto upang hindi magising ang dalawa ngunit agad ding bumalik.
*Click*
"Gotcha! Hihihi. You will thank me Hannah sooner for this hahaha!" masaya niyang sabi at clinose na ang pintuan.