"Here hold my books. Be sure it might not fall. Stupido ka pa naman tss. " at pinatong lang naman ang limang libro sa kamay niya sabay naglakad na palabas ng bahay at iniwan siya.
"Kung hindi lang kita kailangan binato ko na sayo itong libro eh arghh!!"
Sino ba naman ang hindi maiinis kung limang mabibigat at makakapal na libro ang bubuhatin mo mula bahay hanggang school. Medyo malapit lang naman ang bahay nila Zachary sa school kaya kahit lakarin mo ay ok lang.
'Gentledog talaga kainis. May araw ka rin' sakin. Napaka-antipatikong walang modo. ' mura niya sa isip.
Hindi niya na mabilang kung ilang beses niya na itong minura at pinapatay sa isip. Naaalala niya na naman kung paano niya ito kinumbinsi maging tutor niya.
Flashback.....
Nag-aalangan siyang kumatok sa kwarto ng ginang dahil baka maiistorbo lang ito kapag ginambala niya pa ngunit gustong-gusto niya ng humingi ng tulong dahil alam niyang anak lang nito ang makakatulong upang tumaas kahit papaano ang grado niya.
'Kakatokin ko ba? Baka kasi tulog na pero wala na akong oras sa Friday na ang exam at kailangan kong magreview ng todo. Huhuhu paano na ' to? '
Napa-kagat labi na lang siya sa naiisip at nang nakaipon na siya ng loob ay kakatok na sana siya ngunit biglang bumukas ang pinto at lumabas ang ginang na bathrobe, may tuwalya pa na nakabalot sa buhok at may facial mask pa sa mukha. Mukha itong nagulat na maski siya ay ganoon rin.
"Oh Hannah ginulat mo ako. Jusko akala ko kung sino na. Bakit ka nga pala nandito?" tanong nito sa kanya.
"Ahm ano Tita diba sabi mo kapag kailangan ko ng tulong tawagin lang po kita?" paalala niya rito.
Ngumiti naman ito ng matamis sa kanya. "Anytime you want basta ikaw hahaha. Ano ba 'yon?"
Umasta siyang parang bata na naghihingi ng candy sa magulang na nakayuko at pinaglalaruan ang mga daliri. "Pwede niyo po bang kumbinsihin si Zachary na maging tutor ko. Sa Friday na po kasi ang exam. Hindi ko naman siya malapitan kasi hmm alam niyo na medyo may galit 'sakin."
' Mala-demonyo pa ugali tss. '
"Sus, yon lang ba? Madali lang ' yan halika." sabi nito at bigla na lang siyang hinila papunta sa kwarto ni Zachary at kumatok.
Binuksan naman nito kaagad at muntikan na siyang humalakhak ng makita ang itsura nito na mukhang nakakita ng multo sa sobrang gulat habang nakatingin sa ina nito. Nasapo pa nito ang dibdib.
'That was super epic wahahaha.'
Nang makabawi na ito ay iritang tiningnan ang ina. "What?" tanong nito. 'Mukhang hindi ata ako nito napansin.'
"Ganyan ka ba umasta sa magulang mo ha? Parang hindi mo ako nanay." ma-dramang saad nito sa anak.
Ginulo nito ang buhok at tiningnan ng masama ang ginang. "Ano nga kasi 'yon?" diin nitong sabi.
"Turuan mo si Hannah sa subjects niya." cool na sabi ni Tita Nina.
And with that doon lang siya binalingan ni Zachary at napataas ng kilay.
' Wait? Bakla ba 'to? Kung makataas ng kilay. Eesh.'
"Tss. No. Get out you two at wag na kayong babalik." at akmang isasarado na sana ang pinto nang humarang na siya at hinawakan ang tip ng damit nito sa braso.
"Please Zachary kahit ngayon lang. Gusto ko talagang pumasa." desperada niyang sabi.
' Geez, hindi ko lubos na maisip na ibaba ko ang pride ko para lang sa lalakeng to. Aishh'
Tiningnan siya lang nito pagkatapos ay tumingin sa laylayan ng damit nito na hawak pa rin niya.
" I said NO. " diin na saad nito sabay inasiwas ang braso at tumalikod at binalibag ang pinto.
'Antipatiko talaga.' galit na sabi niya sa sarili.
"Hays tss tss tss tss." iling na tugon ni Tita Nina at humarap sa kanya. "I'm sorry Hannah mukhang hindi natin mapapakiusapan ang anak ko sa ngayon. Pero hayaan mo bukas papayag na yan." determinado nitong sabi.
Ngumiti naman siya kaagad rito. "Thank you po Tita. Salamat talaga." masayang sabi niya.
Matamis na ngiti naman ang tugon nito at nagpaalam na. Aalis na sana rin siya ng bumukas ulit ang pinto ni Zachary. Nagulat naman siya.
"You want me to be your tutor?" he coldly asked.
Nag-aalinlangan siyang tumango rito ngunit hindi nagsalita. He simply crosses his arms around his chest and then smirked.
'Omyghad mukhang may binabalak ' tong mokong na 'to.'
"Alright then." he paused and started to walk towards her. It only took a few steps between them and stopped in front of her and bowed his head a litter. She, on the other hand, was shocked by what he did.
"Wh-what?" she nervously asked.
*lub-dub* *lub-dub* *lub-dub*
"Be my slave. Hannah." he sexily said.
End of Flashback...
At ayon na nga ginawa niya akong slave. Sobrang inis ko talaga sa lalakeng yon sa sinabi nito. Sa ganda niya tapos magiging alila? No way.
'Pero aminin mo kinikilig ka dahil malapit mukha niya sayo' aniya ng utak niya.
'SHUT-UP'
"Hannah." tawag sa kanya ni Tita mula sa kusina. "Po?!"
"Sabay kayo umuwi mamaya ni Zachary ok kapag gagabihin ka." paalala nito sa kanya.
Ngumiti naman siya rito at nag-bow. "Cge po Tita. Sasabihin ko na lang sa kanya." sabi niya at kinuha na ang bag sa sofa at hinawakan ng mahigpit ang mga libro at umalis na ng bahay.
'Hayup na lalake ang bigat ng mga libro arghh.'
----------
*Dismissal Time*
Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa. Tingin sa likod, tingin sa harap. Owkay, no sign of Zachary the gentle dog. Nasaan na kaya 'yun? Nandito siya sa classroom nito ngayon at mukhang wala ito dahil classmates lang nito ang nakikita niya.
' Tanga Hannah malamang wala. May nakikita ka ba? Wala diba'
Pinukpok niya ang sarili niya sa naisip at naglakad na lang papunta sa library dahil for sure nandoon 'yon. Paborito nitong tambayan iyon eh. Natutulog lang naman ginagawa niyon o di kaya nagbabasa ng novels. Hindi acad books, paano niya nalaman? Crush niya ito dati diba? Well DATI hindi na ngayon. Tss.
Hindi nga siya nagkamali tanaw niya sa malayo ang lalake at may nakalagay pa na earphone sa tenga nito habang nagbabasa ng wait..
"Things on how to be happy?" bulong niya. Bakit? Hindi pa ba kontento ito sa buhay niya? Mukhang lahat na nga ng gusto nito nakukuha eh. Looks, money and social life. Wala na ngang mahihiling pa ito eh.
Sa kabilang banda..
Nakikinig si Zachary ng music nang may kumalabit sa kanya. Tinanggal niya ang isang earphone at tumingin rito. Si Belle kaklase niya.
"Hi, Zach ahm can you help me solving this problem? I really didn't get it eh please." pabebe nitong sabi.
Tiningnan lang niya ito at kinuha ang notebook at ballpen nito. "Next time, don't call me Zach we're not close." walang gana niyang sabi at tinuro na ang equation sa babae.
Sa kabilang banda ulit..
Nakikita ni Hannah ang babae na ngiting-ngiti at nakaw tingin kay Zachary habang tinuturuan ito.
"Eesh. If I know tumatsansing lang ang babae ito kay Zachary eh tss. At itong mokong naman ito ay natutuwa pa. Pag-untugin ko itong dalawang 'to aish."
' Nagseselos ka lang eh.' aniya ng isip niya.
' SHUT-UP KANINA KA PA'
Sa inis niya hindi niya na naituloy ang dapat niyang sabihin at umalis na lang.
'Bahala sila sa buhay nila. Aish.'
------
" Ano gets mo na? " tanong ni Zachary kay Belle.
" Yes, super thank you, Zach. Ay Zachary pala. Sa uulitin ulit ha?" she said and seductively winked at him.
He laughs a little and shook his head. 'Girls as it is. Tss'
"Get out now." he coldly said while focusing on what he reads. Napangiwi na lang si Belle sa inasal nito ngunit hindi siya titigil hanggat hindi nagiging sa kanya ang lalake.
"I will go now. See you tomorrow Zachary." she sweetly said and turned back on him. 'Don't worry may bukas pa naman. I swear bago matapos ang high school magiging akin ka.' and laughed evilly.
--------
"Zachary hindi ba kayo nagkasabay ni Hannah umuwi? Bakit hindi kayo magkasama?" tanong ng nanay niya sa kanya habang nagbabalat ng mansanas.
Binitawan niya ang binabasang libro at hinarap ito. "No. She didn't say anything. I also didn't see her the whole day except when the time that she carries and gave me my book. Why? What is it?" he asked.
Umismid naman ito sa kanya. "Ang sama mo talaga. Alam mo ba iyon? Hindi ganyan umasta ang totoong lalake. Ang tunay na lalake gentleman at hindi inaaway ang babae." pangaral na naman nito sa kanya.
"Yeah, whatever." tila bale-wala niya na lang sagot dito.
"Aishh kailan ka kaya magbabago? Hays saan na kaya si Hannah? Anong oras na oh. Gabing - gabi na, nag-aalala na ako baka kung ano na ang nangyari doon. Marami pa naman ang masasamang loob ngayon lalo na gabi" sabi nito.
Napatigil naman siya sa pagbubuklat at tumingin sa labas ng labas ng bahay nila at napaisip.
'Hays, that stupid girl makes me crazy every day. Aishh.' aniya na lang sa isip.
--------
*Faith St. (near Love St. and Zanford's House) *
"Kainis bakit ko pa kasi hinintay 'yong lalakeng yon tapos ang ending mag-isa pa rin akong uuwi. Napaka naman oo." inis na sabi niya sa sarili.
"Dapat kasi sinabi ko na lang. Aish. Kung wala lang ' yong babaeng 'yon eh. Mukhang may gusto kay Zachary at para-paraan lang magpaturo nakakainis." dagdag pa niya at sinipa ang bato harapan niya ngunit ilang sandali pa at napahinto siya sa paglalakad at napaisip.
" Wait. Bakit nga ba ako naiinis? Ano naman pakialam ko? Argh! Kaka-frustrate. Maling-maling ito. Tsaka hindi ako nagseselos. " sigaw niya sa huling salita.
"HINDI AKO NAGSESELOS. BAKIT NAMAN AKO MAGSESELOS? NO HINDI cguro mabait lang siya sa iba pero sa akin ang sungit sungit. Akala mo may PMS kaya laging galit 'sakin. Oo tama ' yun nga." kausap niya sa sarili at naglakad ulit.
"Bakit may kayo ba?" tanong ng tao sa likod niya na dahilan para huminto uli siya at dahan-dahan tumingin rito.
Nanlaki ang mata niya sa nakita at nagtaasan na rin ang balahibo niya sa lalakeng nasa harapan niya. Pulubi ito base na rin sa itsura nitong punit-punit ang damit, maitim dahil sa dumi at magulo ang buhok nito. Nakangiti may binabalak na masama ito sa kanya.
"Si-s-sino ka?" kanda utal-utal niyang tanong rito. Natatakot na siya lalo pa na humahakbang ito palapit sa kanya habang siya naman ay umaatras.
"Hindi mo ako kilala? Ako lang naman 'yong taong patay na patay sayo. Matagal na kitang natatanaw mula sa malayo. At malungkot man sabihin na mukhang wala kang pag - asa sa crush mo kasi wala siyang gusto sayo. So gusto mo ' sakin ka na lang?" malandi nitong sabi at akmang hahawakan na siya ng lumayo siya bigla.
" Wag mo akong hahawakan. Sinasabi ko sayo. Black belter ako, kayang-kaya kita cge. Subukan mo. " sabi niya habang pinipilit itago ang takot niya. Kinakapa niya ang bag niya baka sakaling may deadly weapons doon ngunit nakalimutan niya pa lang may podlock ito dahil minsan nakita niyang hinahalungkat ito ni Giro. At kung kukunin man niya ang susi sa bulsa niya. Wala na siyang time at baka gawan na talaga siya ng masama itong taong to.
' Shet may stalker pala ako. Bakit hindi ko alam? Bakit hindi ko ramdam? Bakit kasi ang ganda ko at pati tuloy pulubi ay nabighani niya?'
" Sus. Talaga ba? Ayaw mo ba sa akin? Bakit kasi ganito itsura ko? Bakit kasi wala akong bahay at sa kalye lang tumitira? Bakit dahil hindi ako gwapo kagaya ng crush mo? SAGUTIN MO AKO?" galit na sigaw nito at akmang hahawakan na talaga siya ng isinasasiwas niya ang mga kamay niya rito.
" Ahhhhh sabi ng wag kang lalapit eh. Paano ko ba sasagutin 'yang tanong mo kung dire-diretso ka magsalita? Ha. Ahhhh lubuyan mo ako. " sigaw niya na at nagsimulang tumakbo palayo rito ngunit sumusunod pa rin ito sa kanya.
' Omyghad! Omyghad! Next time hindi na talaga ako mag-gagabi. Bwisit yang Zachary na yan eh. Lumalandi pa sa babaeng yon nakakabanas tapos nag-antay siya sa wala. Arghh!! Ngayon nag-susuffer siya pauwi. Huhuhu.'
"Hannah, my Hannah wag ka ng tumakbo dahil mahuhuli rin kita. Sabi ko naman sayo eh sa akin ka na lang di ka lugi promise wahahaha." sabay halakhak pa nito.
"Anong hindi lugi? In your face ang kapal mo. Lubayan mo na ako please lang waahhh tulong tulong r**e! r**e! ra----" hindi niya na naituloy ang sasabihin niya ng bigla na lang siya napadapa at sumubsob ang mukha sa lupa. Hindi niya pala nakita ang bato sa dinaraan niya dahil focus lang siya sa harap at iniisip kung paano siya makatakas mula rito.
'Aww. Ouch huhuhu. Ang malas talaga.'
Nararamdaman niyang namanhid ang paa niya at nakikitang dumudugo na pala ang tuhod niya sa pagkadapa.
"Oww poor my Hannah. Nadapa ka pa. Sign na yan na magiging akin ka na ngayong gabi and don't worry gagaling rin yan. Gagaling yan sa kapangyarihan ng ating pagmamahalan na pagsasaluhan natin ngayong gabi." kinikilig nitong saad.
Napangiwi naman siya sa narinig. Hindi niya gusto ang kahulugan ng nais nito." Stalker na maniac. Hayup ka. Lubayan mo ako. Nakakadiri 'yang sinasabi mo. Layas. " ani niya at nagsimula ng lumandas ang luha niya sa mga mata.
' Geez, wala bang may gustong tulungan ako. Huhuhu. Natatakot na ako Paps huhuhu. '
"Ang stalker na maniac na ' to ang nagmamahal sayo ng totoo. Wag kang mag-alala papasayahin kita araw-araw." sabi nito at tumawa na naman na parang nababaliw.
Nanginginig na siya sa takot at sinubukan niyang tumayo upang takasan ulit ito ngunit hindi lang siya nagtagumpay dahil mas lalo lang itong sumasakit.
" Oh gusto mong tumayo? Wait bubuhatin na lang kita. Tutal husband ay kailangang buhatin na pangkasal ang asawa niya so ako na." sabi nito kaya naman nataranta siya agad at akmang bubuhatin na siya nang biglang may humablot rito at galit na pinagsusuntok ito sa mukha at katawan.
Sobrang nagulat naman siya dahil hindi niya inexpect 'yon ngunit mas nagulat siya nang mapag-sino ' yon.
"Z-zachary?!"