Chapter 7: Be My Tutor

2096 Words
Dalawang linggo na ang lumipas kahit papano unti-unti na rin siyang nagiging komportable sa bahay ng mga Zanford. Lalo na kay Tita Nina na halos tinuturin na siyang anak nito. Sobrang bait at maalaga. Tuwing gabi pa nga lagi siya nitong dinadalhan ng midnight snacks. Ang sweet diba? Ngunit sa dalawang linggo na yon. Halos araw-araw walang ibang ginawa si Zachary sa kanya kundi asarin at pagtripan siya. Isama na rin nito ang magaling nitong kakambal sa ugali. Si Zander tss. At mukhang walang magawa ata na naman nitong dalawang to at siya na naman ang pinagdidiskitahan. Nasa kusina kasi sila ngayon at tumutulong para sa pananghalian nila. Sunday pa so walang magawa at nakakahiya naman kung ma-ala donya siya. Hindi niya naman ito bahay. "What the hell are you doing?" kunot-noong tanong ni Zachary sa kanya. Naka-upo ito sa stool at umiinom ng juice. Siya naman ay naghihiwa ng... ano na kasi to? "Hinihiwa ang ahmm... ahmm.." sabi niya at nag-iisip ng mabuti. Binanggit kanina ni Tita Nina eh. Ano na kasi yun? 'Geez ng hirap. Banggitin yun eh pero ano na kasiii..' "Smoke Stuffed Pork Tenderloin." si Tita na ang sumagot. "Ahh, oo yun nga galing mo Tita hahaha." puri niya rito at binalik na ulit siya sa ginagawa. "Tss. Talaga ba? Smoke Stuffed Pork Tenderloin. Eh tignan mo nga yang paghiwa mo hindi butterfly kundi nahiwa na talaga sa dalawa tsaka hindi mo pa tinanggal ang membrane at trinim ang silver skin niya. Yan ba ang sinasabi mong smoke stuffed pork tenderloin ha. " kalmadong sabi ng mokong sa kanya. "Crazy dumb really tss." dagdag pa ng asungot na isa. 'Jerks tss pero ano raw?' "B-butterfly? Membrane? Silverskin? Ano yun?" takang tanong niya. "Geez, hindi mo ba alam yun?" asar na tanong nito at binaling ang ina. "Ma, hindi naman pala alam ng babaeng ito ang pagkakain na iluluto niya tapos sa kanya mo pinapagawa. Tss." "Hoy, anong babae ka diyan. May pangalan yan. Hannah!" at inis-spell pa nito ang pangalan niya. "As in H-a-n-n-a-h. Hindi babae tss." He just rolled his eyes to his mother and give a glare to her. "Yeah, whatever. Don't you search the steps on how to cook that f*cking food?" "Zachary, your mouth." Bigla naman siya nakaramdam ng hiya at yumuko. 'Kainis ka self. May internet naman pero hindi mo ginamit Aissh. Basta hiwa ka lang ng hiwa. Malay niya ba kung paano.' " Ahm, ano ah ano ahmm..." hindi niya matuloy tuloy ang sasabihin niya dahil hindi niya alam kung paano maipaliwanag. " You cannot say what you want to say because the real is nagmamagaling ka. Am I right?" tanong nito. Parang hiniwa naman ang puso niya sa sinabi nito. Walang pakialam kahit masaktan man ang damdamin niya. Basta sabi lang sabi, hindi marunong makiramdam. Muntik pa siyang naiyak sa sinabi nito buti nalang na-control niya. 'Matabil talaga ang dila. Hindi naman totoo.' Galit na binagsak ni Tita Nina ang hawak nito at hinarap ang anak. " Zachary, sobra ka na ah. Gusto niya lang tumulong sa pagluluto. Nag-prisinta nga eh at sino naman ako para tumanggi. Yang dila mo ah puputulin ko na yan." "What ako pa masama? Eh sa totoo naman sinasabi ko ah. That girl doesn't know how to cook even preparing it. Halata naman tss." iritang paliwanag nito sa ina at tumayo na sabay talikod. " Aba't ang bastos na bata tinalikuran ako. Hoy Zachary humarap ka dito. Kinakausap pa kita. Hoy!!! " galit na sumisigaw si Tita Nina ngunit dire-diretso pa rin ito at lumakad pataas. " Huwaw just wow, grabe talaga. Walang manners. Anak ko ba talaga yan. Hayss. Tss. " " Tita hayaan niyo na. Kasalanan ko rin naman. Ni hindi ko tinanong kung paano gawin ang pagkain sana natin. Tingnan mo po, nasira ko pa. Sorry po Tita" sincere na sabi niya rito. "Sa totoo lang po." dagdag niya. "Hindi po ako marunong magluto." Tiningnan lang siya nito ngunit hindi niya mabasa kung ano naman ang nasa isip nito. Maya - maya pa ay ngumiti ito sa kanya at pumalakpak pa ng dalawang beses. 'Owkay what was that?' "Don't worry Hannah ako ang bahala diyan. For now ako muna ang maghahanda lahat ng pagkain but there will be the time. Ikaw naman hahaha for sure baka ang sungay ay mapuputol rin. Hihihi." 'Huh?!' "Birds with the same feather flocks together. Tss. " bulong ng bulilit sa bahay. Umiling pa ito ngunit sapat na rin iyon upang marinig ni Tita ang sinabi dahilan upang umusok na naman ang ulo nito. 'Uh oh, may second round pa ata.' " Anong sabi mo Zander may sinasabi ka ano iyon ha?" matalim ang titig na binigay ni Tita kay Zander kaya kaagad namang tumakbo ang maliit pataas kung saan dumaan ang kapatid nito. Sumunod naman si Tita habang may hawak pa itong rolling pin na pamalo ata kay Zander. Tss. " Halika dito Zander ano sabi mo? Wag mo akong takbuhan. " rinig niyang sigaw ni Tita. "Poor Zander tss." bulong niya at hinilot ang sentido niya. Wala pa siyang isang buwan dito pero ang buhay niya marami ng nagaganap. Paano pa kaya kapag nagtagal siya. Tss. ------------ "Ok class I would like to say that sa Friday na ang mock exam niyo. Baka nakakalimutan niyo pinaalala ko na iyan sa inyo. Cguro naman nakapag-review na kayo no?" taas-kilay na tanong sa kanila ng adviser nila. As usual mga nasa ibang mundo na naman ang klase nila. Siya lang ata ang may interes na makinig sa teacher nila. Yes, tama ang nababasa niyo nakikinig nga siya. Gusto niyang ipakita sa lecheng lalakeng nagngangalang Zachary na hindi siya stupido at mas lalong hindi bobo na walang ibang ginawa kundi pinapantasya lang siya. Tss, bangasan ko mukha non eh argh!! Kapal ng mukha talaga akala mo sobrang gwapo. Sinasabi ko na HINDI LANG SIYA ANG GWAPO SA MUNDONG TO. AISSHH!! "Hannah ok ka lang putol na yang ballpen mo eh. Mukhang papatay ka ng tao sa sobrang sama pa ng tingin mo sa kay Ma'am. Bakit may ginawa ba siyang masama sayo?" tanong sa kanya ni Naomi. Agad niya namang tiningnan ang hawak niyang ballpen. 'Shet! Bakit putol na to? Naman ang galit niya kay Zachary oo sukdulan na. Tss. Bibili na lang ako mamaya ng ballpen. Good thing panda ito hindi G-tech. Nawawala ko lang kapag G-tech bibilhin ko eesh.' "Ah eh Naomi ano sinisira ko talaga hahaha." aniya at pekeng tumawa rito. ' Nice ganda talagang palusot tss. ' she sarcastically said in herself. Tinaasan siya lang nito ng kilay at binigyan siya ito ng ' nababaliw ka na look'. Hindi niya na lang ito pinansin pa at ibinalik na lang ulit ang tingin sa teacher nila. "Goodluck everyone." she simply said and as a cue nag-ring na rin ang bell. Time for their dismissal. "Hayyy sobrang nakakapagod naman ngayon ang araw na to." Chibs said and yawn, stretching her arms before standing up and grabs her bag. "Anong sobrang nakakapagod eh wala ka naman ibang ginawa kundi matulog lang sa lahat ng subjects natin kanina. Mapa-umaga pati hapon tss." bara sa kanya ni Naomi. "Hoy may ginawa rin ako kanina no. Minake-over ko ang kaklase natin kanina. Oh ano?" hamon sa kanya ng kaibigan. "Tss. At least hindi pag-aaral so hindi pa rin nakakapagod yun." ganting asar ni Naomi sa rito. "Aba't ikaw. Anong ginagawa mo? Nagdrawdrawing ng anime chuchu na yan? Geez, so boring." anito at nag-flip ng hair sabay cross arms. Siya na lang ay napabuntong hininga at tumayo na dahil panigurado hindi na naman titigil ang mga ito hanggat walang natatalo sa kanila. Hayss. Bahala na sila diyan basta siya mag-aaral na siya ng mabuti. Aja! Fighting! ---------- *After 1 hour* "Hayss ano ba yan give up na ako. Ahhh grabe math aishh. Sino bang mga taong nag-imbento ng mga numbers na yan. Nakakasakit ng utak." galit na sabi niya at inurong ang mga libro at notebook sa harapan niya. "Why do you have brain?" tanong ng tao sa likod niya. Muntikan na siyang atakihin sa puso at nahulog sa upuan. Buti na lang kumapit agad siya sa study table niya at galit na liningon ang kung sino man ang nagsalita. "Anong ginagawa mo dito ha? Trespassing ka." tanong niya. "Trespassing? As far as I know, this is my house and whoever is trespassing on us. That's you." he nakapamulsa pa nitong sabi. She simply rolls her eyes and glare at him. "Shut up pwede ba umalis ka na. Kita mong nag-aaral ako tapos istorbo ka aissh." "Wow that's new I thought your daydreaming again. Konti na lang iisipin kong obsess ka sa akin. Hahaha. Good luck." he said. Sa inis ko tinapon ko ang unan na nasa tabi ng kama ko at tinapon iyon sa sa kanya ngunit huli na dahil sinira na nito ang pintuan niya. " HINDING-HINDI NA MANGYAYARI YON ASSHOLE! ASA KA PA SIMULA NG I-REJECT AT PINAHIYA MO KO. ARGHH!! " sigaw niya. ----------- *10:00 pm* "Geez!!! Aahhh huhuhuhu MATH! MATH! MATH! Please bakit hindi mo ako kayang mahalin? Ginagawa ko naman lahat para mahalin ka ah. Bakit?!?!??" pagdadrama niya. "Kasi sa babaeng katulad mo hindi ka talaga niya mamahalin. Wala ka kasing utak." sabi ng matinis na boses na kaugali rin ng kuya nito ang pumasok. 'Eesh wala na naman bang ginagawa ang mga ito at siya na ang tinatarget arghh!!' Kinalma niya muna ang sarili upang pigilan ang inis na nararamdaman niya sa siya bumaling rito. " What do you want? Tripping me?" she asked and cross her arms around her chest. Oha! English yon. Tinaasan siya nito ng kilay sa tanong. "It doesn't suit you tss bye stupid girl tss." "Anong sabi mo Zander? Stupid? Kailan pa kita tinuruan niyan ha?! Pineperwisyo mo na naman si Ate Hannah mo. " umuusok na naman ang ilong ni Tita Nina sa narinig at dali daling lumapit sa kinaroroonan nila habang may hawak na tray na may lamang wait... 'Geez, 'sakin ba 'yan pancakes with blueberries on top plus a hot choco. Yummy!' "Tss, here we go again. The same birds are on my sight. It's disgusting eesh." bulong nito at napamulsa parang hindi bata kung umasta. She just gives Zander a 'sore look'. 'Grabe talaga tong batang ito kung makapagsalita. Talagang twin evil ni Zachary. Mini version nga lang tss.' Binatukan naman ito ni Tita at sinesenyasan ito na umalis. Good thing sumunod naman kaagad. Tumingin naman sa kanya ang ginang at matamis na ngumiti. "Here Hannah for you. Your early midnight snack hihihi." at inilapag ang pagkain sa table niya. Pumalakpak naman siya at gumanti ng ngiti rito. "Thanks Tita the best ka talaga hahaha." aniya at kinuha ang tinidor at kitchen knife pagkatapos hiniwa ang piraso nito at kinain. "Hmm. Hmm ang sarap. Ang sarap sarap po Tita." puri niya. "Sus. Nambola pa hahaha. Wow nag-aaral ng mabuti ah. Tama yan wag mong gayahin ang iba diyan na nag-aaral pero iba naman ginagawa. Ang swerte nga nila kasi pinapag-aral sila ng mga magulang nila eh iyong iba hinde kasi walang pera." Muntik na siyang mabulunan sa sinabi nito. 'Ibang ginagawa? Aminado naman ako na panay ganon ang ginawa ko dati pero tss nagbago na ako no. Simula ng makita ko talaga ang totoong ugali ng lalakeng yon. No way! Hindi ko na talaga magugustuhan pa iyon. Eesh.' aniya niya sa isip. 'Talaga ba?' sabi ng puso niya. 'Shut up tss.' "Are you ok Hannah? Wait gusto mo ng tubig kukuhanan kita." tarantang saad ng ginang at akmang tatayo na ng pigilan niya ito. "No Tita *cough* o-ok lang po *cough* ako." "Are you sure?" pang-aasure nito. Tumango lang siya at kinalma muna ang sarili. Nang ok na ay ngumiti siya rito. "Sorry po Tita may naalala lang ako." "Huh?! Ano naman 'yon? Kaya ka ba nasamid kanina?" tanong nito at umisod ito palapit sa kanya. "Kindly care to share hahaha. Let me guess! Is that my son hihihi. " usyoso nito. ' Geez mabubuking ata ako. Iba-iba talaga mga ugali ng mga Zanford. May mala-anghel at pagkakwela at may mga pagka-horns ang ugali. Paano kaya nila natitiis ang isa' t-isa? ' " Ahm. Hahaha Tita ano mag-aaral pa apo ako. " palusot niya na sana gumana. "Ay oo nga pala sorry. Cge cge mag-review if you need anything just call me ok." aniya nito at kumindat pa bago lumabas. Naglabas naman siya ng malalim na buntong hininga bago bumalik ang tingin sa binabasa niya. "Whoo!! That was close." *10:30 pm* Iniikot-ikot ni Hannah ang hawak niyang bagong panda pen sa hintuturo ng kanyang daliri na binili niya lang sa tabi ng school. Halos thirty minutes na ang lumipas ngunit wala pa ring pumapasok sa isip niya kaya naman naisipan niya na lang itigil ang pagbabasa at inaantay niya na lang makatulog siya. "Bakit kasi ang wala kang utak Hannah? Bakit kasi di ka nag-aaral ng mabuti? Yan tuloy napapala mo. Olats." sermon niya sa sarili. "If you need anything just call me ok." "H-huh? Bakit 'yon pumasok sa isip niya? Eesh, alam ko naman na isa lang ang solution sa problema. I don't have any choice. Tss. " And that is...... To let Zachary be my tutor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD