Fix you 7: Past and Grief

3079 Words
--7— NICOLE's POV I'm spending most of my time at work and trying not to think about her is not easy. Maya't-maya siyang pumapasok sa isip ko. f**k it! "Lalim na naman ang iniisip natin." Napatingin ako kay Chen. Tinaasan niya ako ng kilay. "Lately parang kang tulala lagi. Anong iniisip ng isang Nicole Perreras?" Bumuntong hininga ako. "Have you ever been inlove?" Natawa lang siya. "I'm serious. Bakit ka tumatawa?" "haha! Wala naman. Akala ko naman kung anglaki ng problema mo. Oo naman. Ilang beses na. Bakit? Inlove?" "Paano magmove on sa isang tao na hindi mo naman nakikita pero minahal mo? Or nung nakilala mo nalaman mong may ibang mahal?" Sumandal siya sa swivel chair. "Accept the situation. Yun ang pinakaunang step. Then everything will follow." "Sana ganun kadali." "Hay naku Nicole! It is never easy. Sino ba ang maswerteng yan? Na hindi makamove ang THE NICOLE PERRERAS?" "Nothing. Bumalik ka na sa trabaho mo." Pagsusungit ko na. Acceptance. f**k it! There is no way na iaaccept kong kabit si Rica! Kahit sa bagay lang na iyon ay mailayo ko siya, gagawin ko. -- I left immediately after my short meeting with the new engineers coz I received an invitation from Prey. Late lunch in ZciaRa's. Naratnan ko na sina Nikee at Jasmine. Late ang nag-invite! Hay! Huwag pa daw kaming umorder sabi ng kapatid ko dahil baka kami angpagbayadin. Si Nikee hindi niya maiwasang hindi magkwento tungkol kay Chloe. She's really inlove. Hindi ko alam kung nagrereklamo na to e pero bigla-biglang sasabihin bruh mahal na mahal ko yun. "uy nandito na siya!" napatingin kami sa entrance. And f**k! Prey is with someone!    "Tangina. Kailan pa dumating yan si Lukring!" tatawa-tawang sabi ni Jasmine. Siya ang tumayo para salubungin ang dalawa. Nagsisisi ako na pumunt ako dito. Seeing her is the last thing I want to happen! "Welcome back Lukring!" Masayang bati ni Nikee. "Excuse me? It's Coreen. Not Lukring." Pagwawasto niya. Bumaling siya sa akin. "Hi." Tumango lang ako. She sat beside me. Gusto kong lumipat ng upuan. Nawalan ako ng gana. Si Jassy lang talaga ang parang hindi nauubusan ng energy ngayon. Daldal pa rin nang daldal. Suddenly naging awkward ang lunch. Angtahimik e! si Jasmine lang ang usual ang daldal nang daldal. Binibisyo na niya si Coreen. "Uy Coreen, taken na tong si Baby namin. Huwag ka nang umeksena ha? Kay hottie ng kemi nito. Hot and spicy kaso kaytangkad din. Ibubulsa na si baby." She's talking about Shanika. Karibal ni NIkee kay Chloe dati pero halata namang may gusto kay Precious. Hindi ako interesado sa kanila lalo sa kanya. "Wala sa plano ko yan. Itong si Nicole ba may boyfriend na?" Napaangat ako ng tingin. Pinagsasabi nitong babaeng to?! "Ay available tong si Nicniclove."natatawang sagot ni Nikee"Liligawan mo? Apply ka muna sa amin. Pasa ka ng resume." "Hoy! Bawal! Sa lalaki lang si Nicnic love." Kontra ng kapatid ko "Sayang naman." She sighed. "Sabihan mo ako Hope kapag available na si Nicole ha? Huwag mo nang pansinin tong si Jassy. Ako na bahala dito." Nanadya ba siya? parang wala ako sa harapan nila kung mag-usap. Nakakapika siya! "Don't you think you're too late? Bigla-bigla kang mawawala tapos ngayon magsasabi ka ng ganyan? How stupid are you huh?" "So stupid coz I let you go." Hindi ko siya maunawaan. Sa harapan ng kapatid ko na alam niyang hindi sang-ayon sa pakikipagrelasyon ko sa kapwa ko babae niya ito sa sabihin? Angsarap niyang sampalin! Sa totoo lang! "hep!" Prey raised her hand to stop the tension."May ganitong eksena talaga?" My sister seemed so confused as well as Nikee. "Joke." COreen jokingly said giving a peace out. "Hot kasi kayo masyado. Diba Nicnic? Joke lang yon?" "Wala akong oras sa ganito." I stood annoyingly "Umuwi ka mag-isa Jassy. Dadalhin ko yung kotse." And walked out the restaurant. Perfect timing Coreen! So perfect pakiramdam ko she's up to something again. -- Tinawagan ko si Jelo to accompany me. Too early to go home. Pero hindi daw siya makaalis dahil sa pinapagawa para LiReOnline kaya pinuntahan ko siya sa lungga niya. Siya na ang lalaking kilala ko na masinop sa gamit. He might be and IT addict, a spy for me but he really keeps his home neat and tidy. "Meryenda boss?" "Ako na ang magreready. Tuloy mo na yang ginagawa mo."pumunta ako sa kusina."Tinapay lang talaga ang pagkain dito?" "Oo! Bumibili na lang ako diyan sa labas ng lutong ulam e!" Nagprepare ako ng sandwiches at grape juice. Padalhan ko nga tong si Jelo ng mga healthy foods. Baka isang araw magkasakit na to e. "oh pahinga ka muna diyan." Pinihit niya ang swivel chair paharap sa akin. "So ano kita ngayon? Boss o kaibigan?" "Ewan." Sagot ko pagkalapag ng tray sa mesita. "Kung ano ang prefer mo." Angtamad tumayo! Gamit ang paa niya ang ini-slide niya ang kanyang upuan para makalapit. Dalawang sandwich ang kinuha niya. "May problema ba?" Sumandal ako saka humalukipkip. "Wala naman. May maldita lang akong nakita." "weh? May mas maldita pa sayo?" Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko nagugustuhan ang tabas ng pananalita niya e. Kung sa mga sindikato ay marami na siyang alam kailangan na siyang itumba. "Joke lang to naman." Yuck talaga to. Puno ang bibig e salita pa nang salita. "Hulaan ko ha? Nakatago ba yan sa pangalan na Angel Coreen Trinidad?" Tumango ako. "Don't tell me hindi ka pa nakakamove on ha? Teenage problem lang yon.." "No! hindi sa ganun pero knowing her? Hindi siya babalik at magpapakita sa akin nang walang mas malalim na pakay." "Overthinking." Komento lang niya. "Ang mabuti pa ubusin mo yang tinapay baka gutom lang yan." "Search mo nga yung mga pinaggagawa niya nitong nakaraang taon. Kung gusto niya ng laro ibibigay ko sa kanya." "Okay. Pero baka closure ang kailangan niya." "Tss. Siya pa may ganang humingi ng closure? E siya ang nang-iwan? Manigas siya." Pinihit na ulit niya ang upuan saka nag-slide pabalik sa tapat ng computer niya. "Send ko sayo ang files kapag may nakita ako. We only have 3% chance though so pagpasensyahan mo na kung wala akong mairereport." -- Iniwasan ko na nga siya kaya sa condo muna ako dumeretso. Pagdating ko naman nakangisi pa siya nang makitang disappointed akong makita siya. Umiinom sila ni Jasmine. "Nicniclove! Tara shot!" yaya ni Jassy. "Wala ako sa mood."sagot ko sa kanya. "Iligpit niyo yan pagkatapos niyo. Ayokong makita yan bukas." "Yes boss madam!"saludo pa ng kapatid ko. Pumasok na ako sa kwarto ko. I locked it and turn to my bed. Damn her! Alam ba niyang dito ako dederetso? Inabala ko ang sarili ko sa pagbabasa sa LiRe. Kung anu-ano lang ang binabasa ko. f**k! Ano ba talaga ang pakay niya?! "Nicniclove!" Si Jassy yan. "Tulungan mo ako dito! Lasing na tong si Lukring!" Lumabas ako. Nakahiga na sa sahig si Coreen. Hawak-hawak pa niya yung bote talaga. "Ate, matutulog na ako. Ikaw na bahala diyan ha? Hilong-hilo na ako." Sabi niya tulungan ko siya pero ngayon ako na daw ang bahala? Grabe! Naupo ako sa may mesita. Bahagya akong yumuko para imulat ang mga mata niya. tsss. Sinipa ko siya sa braso. "Wake up." Hindi siya gumalaw. Ako pa talaga ang pagtitripan nito? "Kung hindi ka babangon sasabuyan kita ng kumukulong tubig!" Wala talaga ha? Akala mo nagbibiro ako? Tumayo na ako. She held into my left leg when I was about to leave. Kukuha talaga ako ng mainit na tubig! Anong akala niya sa akin joker? "Grabe. Hindi na mabiro." Sabi nito saka pinagpag ang damit bago naupo. "Kung hindi ko ginawa yon hindi ka lalabas ng kwarto. Hindi kita makakausap. You're welcome hindi ko na hinintay na itanong mo kung bakit ako nagtutulug-tulugan." "Ligpitin mo yang pinag-inuman niyo." "Uy teka. Saan ako matutulog? Anglamig kaya dito? Mag-usap muna tayo." "Sino ba ang nagsabi sayong dito umuwi? May bahay ka naman siguro." "Hindi mo alam?" "Hindi ko alam at hindi ko inalam. Why should I waste my time?" deretsahang sagot ko sa kanya. "Marami na ang nagbago Coreen. Live with it." She held on my hands again. "Patawarin mo na ako. Natakot ako noon. Hindi ko alam kung paano haharapin ang galit nina daddy." "Too late to talk about this." Winaksi ko ang kamay niya. "Use the other room. Magtabi kayo ni Jassy." -- Morning came. Pagbukas ko pa lang ng pinto naamoy ko na ang masarap na agahan. Pero wala akong balak kumain pa. Late na ako sa trabaho. Nagkakantahan na sila ni Jassy. Umagang-umaga nambubulahaw. "Aalis ka na?" bungad ni Coreen. "Magbreakfast ka muna." "Sa office na. Jassy saan ang lakad mo ngayon? Hindi mo ba dadalawin si Louise?" "Kailangan pa ba yon?" reklamo na naman niya. "Balak kong magstay dito sa condo. Matutulog maghapon." "Wala kang kasama. Aalis na kasi ako."Sabi nitong si Coreen. "At makikisabay ako kay Nicole dahil same way lang naman kami." "What?! Magcommute ka." Lumabas na ako. Sinundan pala niya ako. Naghihintay ako sa may elevator nang maabutan niya ako. "Hindi ka na pala takot sa elevator ngayon?" "May mga bagay na nagbabago." Walang emosyon kong sagot sa kanya. Kaming dalawa lang ang lulan ng elevator. Pumikit ako nang makaramdam ako ng panghihinga ng binti ko. Mas gugustuhin ko pang si Jacob ang kasama ko sa elevator kaysa dito sa babaeng to. "Pwede kang kumapit sa akin." Hindi ako umimik. Huminga lang ako nang malalim. I can get through this. I will never trust her again. Narating namin ang first floor. "Hindi ba nasa parking lot ang kotse mo?" "Nagpasundo ako sa company driver."sagot ko. "Mag-uber ka kung uuwi ka na. Hindi kita kargo para ihatid pa." "E hindi ko alam gamitin yon." reklamo niya. I look at her sarcastically. "Huwag kang painosente Trinidad. You have your ways." "I have my ways to win you back." She confidently smiled. Hindi ko na siya inimik. "Mag-usap naman tayo ng matino oh." Pakiusap na niya. "Sorry. Sorry sa pag-iwan ko sayo. Sorry sa pagsira ng tiwala mo sa akin." "Tangina?! Tiwala sayo? Oo sirang sira! Pero alam mo bang pinakamahirap ibalik? Yung tiwala ko sa sarili ko! Angdami kong bakit noon! Ano bang kulang? Hindi pa ba ako sapat? Ano bang kulang sa akin? Coreen! Akala ko mababaliw na ako sa pag-iwan mo sa akin sa ere!" pagsusumbat ko sa kanya. Wala akong pakialam sa mga taong nakakarinig ng pinagsasabi ko dito. Unlike her. Kita sa mga mata niya na nagiging conscious siya sa mga nakakakita sa amin. "See? Kinakabahan ka pa rin diba? Just like how you act back then. Kaya huwag kang magsasabi ng mga bagay na hindi mo kayang pangatawanan." -- Dala-dala ko ang init ng ulo ko hanggang trabaho. Si Chen ang pinapunta ko sa mga meetings na hindi naman gaanong komplikado. Sa ngayon maging sina Noah at Ethan ay hindi ko sinasagot sa mga inquiries nila. For all I know gusto lang nila akong magsalita dahil mas napaparanoid sila kapag tahimik ako. "Nic..." Tiningnan ko lang si Noah. "Ah wala. Gusto mong magkape? Labas tayo. Treat ko." May dalawang oras na rin kami dito sa office ko. Medyo naawa na rin ako sa kanila. Isinara ko ang laptop. "Okay. Let's go." Nag-high five sila ni Ethan. Akala mo ay nanalo sa lotto sa pagpayag ko. Hindi ko naman balak lumayo pa kaya sa tapat na coffee shop lang kami nagpunta. Hindi sila magkandamayaw sa pag-asikaso sa akin. "What's your problem? Kaya ko naman umorder mag-isa." Sabi ko sa kanila. "Just stay. Kami na lang oorder. Brewed coffee? Cake? Ano?" sunod-sunod na tanong ni Ethan. "Frappe." Sagot ko. I need something to chill me out now. Hmm. So what to do about Coreen? Sure akong hindi titigil yon hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya. Natigil ang pag-iisip ko nang magring ang phone ko. Si Atty. Rosario. >>>Yes hello... (Good day Miss Perreras. Okay na po ang ducuments ng condo ni Miss Shanika. Kailangan na lang po natin ng representative ninyo for the said transaction.) >>>Okay... can you give a day or two? (Okay Miss.) Binaba ko na ang tawag. Pinoproblema ko pa ngayon yung condo ni Shanika na binili ni Prey! Ayaw niyang malaman ni Shanika na siya ang bumili pero ipapangalan niya sa pinsan niyang si Yassy! Fvck! Napapasabaw magplano! Just then my secretary messaged me that a certain Coreen Trinidad is wating for me at the office. Damn her. Hindi pa tapos ang pangungulit niya sa araw na to? "Here's your order Nic."nilapag ni Noah ang order ko. "Bumalik na kayo sa office. Gusto ko munang mapag-isa." "Sure ka?" asked Ethan. "We can stay there?" nguso niya sa malayong table. "Hintayin ka na lang namin." I sighed in disbelief. "I said go. Kaya ko ang sarili ko." balik poker face naman ako. Masyado nila kasi akong inaalala. "Kung ayaw niyong sa inyo ko ibunton ang inis ko umalis na kayo." "Sige. Text ka lang kapag kailangna mo ng kausap ha?" pahabol ni Noah bago sila umalis. Sinabihan ko ang secretary ko na dito na lang papuntahin si Coreen.           Bahagyang tumaas ang kilay ko nang pagpasok niya ay may dala-dala siyang bulaklak. She's wearing a black feminize suit. "hi..." bungad niya. "Sorry sa outfit. Baka kako may dress code kapag pumasok sa office niyo e. Para sayo to." Hindi ko tinanggap ang bulaklak kaya nilapag niya sa mesa. "Bakit mo ako pinuntahan sa opisina?" "Manliligaw ako." Sagot niya kaagad. "Para lang malaman mo, hindi ako nagpapaligaw sa babae." "Hindi ka pwedeng ligawan ng babae pero may gusto kang babae." Nangunot ang noo ko. "Rica Genesis Siliman. Journalist. From Baguio. Stayed most of her life living alone in Manila. And she's a mistress of Lauren." Shit. Hindi ako dapat magpakita ng kaba sa mga alam niya. "Mahilig ka pa rin palang makialam sa buhay ng iba." "We do this thing before. Yung mga taong mahahalaga sa atin inaalam natin ang kaliit-liitang detalye ng buhay nila. Pinoprotektahan natin sila hanggat makakaya natin. But I stopped. Sayo na lang ako nakafocus." "Thank you. But no thanks.?" I sarcastically answered. "Kaya kong protektahan ang sarili ko. Kaya kong makuha ang gusto ko. At hindi ako natutuwa na minamanmanan mo ako." "Dahil mahal pa rin kita. Gusto kong maging sa akin ka ulit. Sana mapatawad mo na ako sa nagawa ko noon. Gagawin ko ang lahay Nic. Kahit ano." Tsss. Kahit ano. Ngayon lang ito nagbitaw ng ganitong salita. Mataas ang pride ni Coreen. Hindi basta-basta nagpapatalo sa kahit anong bagay. Now this is new? "Kahit ano?" Haha! Mukhang pati siya ay hindi inaasahang lalababas sa bibig niya ang mga katagang iyon. Kaya napatango na lang siya. "Well then. Gusto kong pansamantalang ipangalan sayo ang isang condo pero kumbinsihin mo ang may-ari na tumira kasama ka." "What? Ipapa=live in mo ako sa iba?" "If that's what you think it is. Then so be it. Her name is Shanika Silverio. Prey's special friend. I want you to keep an eye on her. As much as possible kung nasa bahay kayo alagaan mo siya. she's one fragile woman." "Wait." tinaas niya nang bahyag ang kamay niya para tumigil ako. "Are you again trying to manipulate someone's life?" "That's for me to know and for you to stay away from. So pag-isipan mo. You have until tomorrow." Dinampot ko na ang phone ko. Babalik na ako sa opisina. "Yes. Gagawin ko na." she said. "Kung yan lang ang pwedeng paraan para mapatawad mo ko." "Okay. Good. Everything will be settled after mo mapapayag si Shanika." Iniwan ko na siya. I never bother taking the flowers with me. That would give her an edge. She'll think of it as an advantage. Welcome to my world now Coreen. Sa mundong itinuro mong buuin ko. --00— Naging matahimik ang lumipas na mga araw. Walang Coreen na aali-aligid. Sana ganito palagi! Sapat na tong isang Jacob na paminsan-minsan ay nambubueset. Tulad ngayon. Wala sina Chen kaya nasa opisina ko siya. Nagkakape na naman.     "Wala kang balak magpahinga? Vacation?" Nag-angata ko ng tingin. "Hindi ko pa tapos ang trabaho dito sa SAECOM. Wala pa akong karapatang magbakasyon." "Sinasabi mo lang yan pero napapagod ka rin hindi ba?" "None of you business." Binaba niya ang tasa ng kape niya. "Kahit isang araw lang. Why don't you relax? Firing range? What do you think?" "Tinatamad ako. Isip ka ng iba baka sakaling mapapayag mo ko."binalik ko ang pansin ko sa binabasa kong proposal. Tahimik na ulit kami. Napapatingin ako sa kanya. Nakapikit siya habang nakasandal upuan. Hay naku! I crumpled a piece of paper and throw it to him. Sapol sa mukha! "Para kang tanga diyan. Anong iniisip mo?" "Wala naman. Iniisip ko lang itsura mo kapag ikinakasal ka na." saka ito tumawa. "Kung sa lalaki for sure maganda ka. Kung sa babae mag-su-suit ka ba o gown din?" "Why so interested?" Nagkibit-balikat siya. "Nothing really. I would love to see you get married. Baka sakaling mabawasan ang pag-init ng ulo mo." Tinaasan ko siya ng kilay. "Alam mo? Kung nagsasawa ka sa ugali ko you are free to leave. Hindi naman kita pinipilit na mag-stay diba? Hindi kita kailangan." Binato niya pabalik sa akin yung papel. "Kung nag-i-stay ako choice ko yon. I know you're strong. Sobrang strong hindi mo na yata kailangan ng katuwang sa buhay." "Don't you think you're getting to muchy and fluffly?" pang-aasar ko sa kanya. "Jacob is getting emotional."saka ako tumawa. Then he flashes his smile. His scar on his upper lip became more evident. "Mas bagay sayo ang tumawa." Naputol ang kwentuhan namin nang tumatawag ang resident doctor ni Nanay Choleng. >>>Yes doc...good day... (Nicole, kailangan niyong pumunta dito. Hinahanap ni Choleng ang mga anak niya. Hindi maganda ang lagay niya Nicole.) >>>Sige doc... thank you.. Fuck! PArang nagfaflashback sa isip ko ang pinagdaanan ni nanay! Dinampot ko agad ang bag ko. "Kailangan kong pumunta sa hospital." Nanginginig kong sabi sa kanya. "Ako na magdadrive. You're not okay." "hindi pwede baka may makakita sa atin." "Damn it Nicole! Baka may mangyari pa sayo sa daan! Let me drive. Please." Pinahid ko ang luha ko. damn! Tumatawag na rin si Rica. >>Hello... (garalgal ang boses kong sumagot sa kanya.) (Tinawagan ako ni Doc. Papunta na kami sa hospital.) >>>ok. Papunta na rin ako. "Ako na ang magdadrive." Kinuha na ni Jacob ang Susi sa kamay ko. "Malalagot ako kay ate Prime kung pinabayaan kita." -- Sa hospital. Hindi ko kinakaya ang tagpo. Nasa magkabilang gilid ni Nanay Choleng ang mga bata. Hawak-hawak ng mga ito ang kamay niya. Iyak nila ang pumapailanlang sa loob ng kwarto. Nagsusumamo silang huwag bibitaw ang nanay nila. Pinipigil ko ang luha ako. Ganitong-ganito ang tagpo noong malapit na akong iwan ni nanay. Ilang beses akong nagmakaawa sa Diyos na huwag muna siyang kukunin sa akin. Lumapit kami ni Rica kay nanay Choleng. She held on my left hand. Pinaglakip niya angmga kamay naming. Marahan niya itong pinisil. "Salamat." Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Kasunod nun ang isang malalim na paghinga. Damn it! Her last breath! Yumakap ang mga bata sa kanya kasabay nito ang walang humpay nilang pag-iyak. Hindi ko na kaya. Lumabas na ako ng kwarto. I went to the mini chapel. Dito ko ibinuhos lahat ng luha ako. "She'll be in peace now." That's Jacob. He pats my shoulders. Bawat paghihirap ni nanay ay bumalik sa aking alaala. Lumaban siya. Pinilit niyang lumaban para sa akin pero sadyang hindi na kinaya ng katawan niya. Humagulgol na ako sa pagkakataong niyakap niya ako. Jacob was a witness of how I cried so hard that day. And now heto na naman kami sa parehong sitwasyon. Walang salita. Walang kahit anong comforting words. My rival chose to stay beside me in one of my darkest times.#  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD