"Art, I need you to do me a favor," aniya sa imbestigador nang sagutin nito ang kabilang linya. "Sige, boss, ano ba 'yun?" "May ipapabantayan ako sa 'yong dalawang tao. Isa ay si Justine Arevalo. Kung malalaman mo kung ano ang mga aktibidad niya sa araw-araw, mas maganda." "At ang pangalawa ho?" "Si Georgia Montano. I also want to know her whereabouts, who is she with, where are her meetings, etc." "Masusunod ho, boss." "Gusto ko ng resulta agad-agad." "Sure... Ikaw pa, boss. Pero may gusto ho akong itanong para mas magawa ko nang maayos ang trabaho ko." "Hmmm... Okay." "Bakit niyo ho gustong ipamanmanan ang anak niyo?" Isang buntunghininga ang pinakawalan niya. Confidential naman ang lahat ng transaksyon nila ni Arnel. At matagal niya nang kaibigan ang imbestigador na al

