Kanina pa nakatitig si Georgia sa maliit na card na inabot sa kanya ng isang lalaki habang nasa mall show siya. Pagkakita pa lang niya sa sulat kamay ay kumabog na ang dibdib niya. May sinabi pa ang lalaking 'yun na hindi niya na maintindihan dahil sa lakas ng sigaw ng mga taong naghihiyawan. Ibinulsa kaagad niya ang maliit na kahon nang makitang pabalik na si Justine sa kinaroroonan niya. "Let's go. Let's go." Inakbayan na siya ni Justine at iginiya palayo sa stage. Mabigat ang mga paa na inilakad niya iyon kahit pa mabali na ang leeg niya sa paglingon. Baka may pag-asa na mahanap niya ang lalaking iyon kahit sandali. Hanggang sa kotse ay nakaakbay si Justine sa kanya. Mabilis din nilang nilisan ang parking lot ng mall kasama ang mga marshals na nagbibigay sa kanya ng proteksy

